Aksidenteng Babago sa Lahat. 2

3453 Words
Mag tataka kayo kung bakit apat na kabataan ay pinapayagan ng mga magulang mag gagala. Kumbaga sanay na sila na mag kakasmaa kaming apat. At tiwala ang lahat kay Andrei dahil sya ang kasama namin. Alam nilang safe kami kapag kasama sya at hindi kami ippahamak nito. Yan ang naging trademark ni Andrei sa Baryo namin. Kinakatakutan pa ang ama nito sa baryo kaya naman walang sinuman ang nag tatangkang gawan ng masama ito. Bukod pa dyan na matapang din talaga si Andrei, Kaya nga hangang hanga talaga ako rito. Pansin nyo naman iyon diba. Hahaha. Mabilis lang din naamn kami nakarating sa baryo nila Isaiah. Nakasalubong pa nga namin sa daan si Pam. "Akala ko hindi na naman kayo pupunta eh. Mabuti na lang at nandito na kayo." Masayang bati nito sa amin. Hindi kami nakabalik rito nung isang linggo dahil nag punta nga kaming apat sa dati kong tahanan. Sa kagustuhan kong malaman ang totoo na nangyayari sa pamilya ko ay nawala na sa isip ko ang mga ito.  "Pasensya na't hindi kami nakapunta, Pam. Hindi kami pinayagan ni Papang na umalis." Pag sisinungaling ni Andrei dito. Nasabihan na kami ni Andrei sa jeep pa lang na wag na namin ipaalam sa kanila ang nangyari dahil ayaw na naming mag alala pa ang mga ito. Iniisip din kasi ni Andrei na baka sumama pa ang mga ito. Tiyak yun, alam ko kasi na tutulong din an gmga ito sa akin sa bot ng kanilang makakaya. Kaya sumang ayon na lang ako kay Andrei.  Sinamahan muna namin ito sa bahay nila para ibigay ang tatlong supot na dala dala ko. BAgo kasi ang kubo nila Isaiah ay ang bahay muna nila Pam. Tapos mga sampung bahay pa ang layo bago ang kanila Kuya Nico at Isaiah. "Salamat sa inyo, ah. May pang kain na kami ulit na amsarap." Tuwang tuwang sabi nito sa amin. Binati rin kami ng nanay nito na si aling Florencia at nag pasalamat. Nag pahinga lang kami saglit bago lumarga muli. "Nandyan ang gagong tatay nila Isaiah kanina. Kaya wag na kayong magulat kung puro pasa na naman sa mukha si Kuya Nico at Isaiah. Pinag tripan na naman silang bugbugin." Simula sa amin ni Pam. Kita ko ang pag kuyom ng kamao ni Andrei. "Mabuti na lang at lagi mong dala dala yang first aid kit sa bag mo, Andrei." Komento ni Marco. Ganoon ka boyscout si Andrei. Palagi itong handa sa kahit ano pa man. Basta may kakilanganin kang bagay o gamit ay hindi mo aakalain na nasa bag nito. Ganoon ito kahanda talaga. "Kumusta si Kuya Nico. Kumain na ba sila?" Tanong ni Andrei kay Pam.  "Binigyan namin sila ng kamote kagabi. Hindi ko lan gsure kung meron silang kinakain ngayon. Malamang meron dahil nakita ko kanina si Isaiah na nag kalakal ng basura kasama si Kuya Nico tapos ayun nga nakita ko rin na dumating ang tatay nila." Sagot nito. "Malamang ay kinuha na anaman ang perang kinita ni Isaiah. Panigurado yan." Sabat ni Ricos. "Tara na, puntahan na natin sila. Baka gutom na yung mga yun." Sabi ni Andrei at nauna ng mag lakad palabas ng pawid nila Pam. Sumunod na lang kami rito ng makapag paalam kami kay nanay Florencia. Hindi na sumama sa amin pa si Pam dahil aayusin pa nito ang binigay namin. Pupunta na lang daw ito mamaya. Nakitang kong nag lalakad ng mabilis si Andrei. Kahit may buhat buhat itong karton. Ang astig talaga nito. Nag bubunga talaga ang ginagawa nitong pag eehersisyo kada umaga. Kaya lang ng ilang minuto na kaming nag lalakad paakyat at ng tanaw na namin ang bahay nila. Medyo paakyat kasi ang daan papunta kila Isaiah, eh. Nakita kong binitiwan ni Andrei ang karton na dala dala nito at basta na lamang tumakbo ng mabilis patungo sa tapat ng bahay nila Isaiah. "Marco, at Ricos bantayan nyo yung karton" Sigaw ko sa kanila dahil sila ang nahuhuli at agad rin akong tumakbo ng mabilis. Nauna si Andrei sa akin kaya ng makalapit ako sa kanila ay kitang kita ko kung paanong pag sasapakin ni Andrei ang mga lalaking nanggugulpi kay Isaiah kanina. Di hamak na mas malalaki ang mga ito kay Andrei at nasa apat pa ang mga ito, pero natatapatan ng lakas ng mga ito ni Boss. "Putang ina mo! Sino ka ba bakit ka ba nagingielam." Sikmat ng lalaki ng sapakin nya ito sa mukha. Nasa teenager na ang mga edad nito kung ako ang tatanungin. At kami ay papunta palamang roon. "Putang ina nyo! Ako bangungot nyo. Mga ulo!" Sigaw ni Andrei at sinapak na naman ito sa mukha. Akmang sasapakin si Boss ng isa pa ng tadyakan ko yun dahilan para mapalugmok ito sa lupa. Hindi rin naman ako papatalo sa kanila. Kasa kasama kaya ako ni Boss sa ehersisyo nito. Kaya ang nangyare ay tatlo laban sa apat. Syempre kami ang nag wagi. Ngunit bago umalis ang apat na kabataan ay pinag bantaan pa nito si Isaiah.  "Tangina mo, may araw ka rin Isaiah. Tandaan mo itong araw na ito. Pasalamat ka't dumating itong mga kaibigan mo. Gago ka! Lagot ka sa... Putangina ina araaaaay!!!" Sabi nito na duguan ang mukha, subalit hindi na natapos ng sabuyan ito ni Boss ng buhangin. Nakain pa nga nito ang iba. Eto ang pinag sasapak ni Andrei ng matititndi kanina. Nakita kasi nito kung paano nito pinag tatadyakan sa sikmura si Isaiah kahit nakalugmok na sa lupa. Tinulungan na lang ito ng mga kasamahan nito at dali dali ring umalis. "Ano bang nangyari, ha?"Sita ni Andrei kay Isaiah.  "Wala yun, Andrei." Sabi ni Isaiah habang pinunasan nito ang tumulong dugo sa ilong nito. Medyo nag init an gulo ni Boss sa sinabi nito. "Anong wala? Halos lumpuhin ka na ng mga iyon. Tapos wala!"Sigaw ni Andrei dito. Sakto naman na lumabas si Kuya Nico sapinag tataguan nitong puno malapit lang sa bahay nito. Gaya ni Isaiah ay may mga pasa rin ang mukha nito at maging ang kamay at braso nito. Umiiyak ito. "Sa.....saaamm.... jo!.. A---aan.. drei.. Te.. thank you po! huhuhu." Sabi nito sa pagitan ng pag iyak nito. Nilapitan ito ni Andrei at kinuha ang bag na nasa likod nito. Pinahiran nito ang luha at sipon na tumulo kay Kuya Nico. Nakamasid lang kaming dalawa ni Isaiah sa mga ito. Hindi mo man lang kakabakasan ng pandidiri at pag kairita si Boss sa ginagawa nito. Matyaga nitong ginagamot at inaasikaso si Kuya Nico. Ayaw pa rin nito tumigil kakaiyak. "Okay na yun, Kuya Nico. Andito na kami nila Samjo, Marco at Ricos. Wag ka na matakot. Saan pa ba ang masakit sa iyo?." Tanong nito kay Kuya Nico. Kung saan saan tinuro nito ang mga sugat ata pasa na natamo nito. Halos mapatiim bagang si Andrei sa mga ipinapakita nito. Nakita ko pa nga na tumingala si Boss. Marahil para pigilan nito ang mapaluha. Siguroy nagagalit at naawa ito sa kuya ni Isaiah. Tinignan ko si Isaiah at nagilid din ang mga luha nito sa mata. "Ayos ka lang, tol." Sabi ko na lamang rito na malapit sa pwesto ko. Tumango lamang ito sa akin. Mayamaya nay dumating na si Marco at Ricos na hingal na hingal at tagaktak ang pawis habang tulong tulong ang dalawa na buhatin ang karton at supot ng groceries na ibibigay namin sa pamilya nila Isaiah. "Shutainames! Bakit hindi nyo kami tinutulungan. Ang bigat kaya nito.!" Sigaw bigla ni MArco. Dinaluhan naman sila agad ni Isaiah at maging ako ay tumulong na rin. Matapos maasikaso ni Andrei si Kuya Nico ay hinatak na nya ito papasok ng kubo. Tumigil na ito sa pag iyak lalo na ng makita nitong madaming dalang pag kain sila Marco at Ricos. Nag sipasok na rin kami sa loob at sinalansan ang lahat ng dala namin sa maliit nilang kusina. Si Andrei naman ay pumasok sa isang silid upang icheck ang nanay nila Isaiah, para ibigay na rin siguro ang mga hiningi nitong gamot sa clinic ng barangay. "Bakit ba kayo tumakbo kanina, Samjo at iniwan kami ni Ricos. Kami talagang girls ang iniwan nyo noh." Asar na sab ini Marco sa akin. Hindi pa kasi namin sinasbai ang nangyari sa mga ito. Ewan ko ba kung dapat ko bang sabihin o hintayin na lang si Boss at Isaiah na mag sabi. "Oo nga. Ang tagal tuloy namin nakarating. Nag pasarapo lang kayo yata ni Andrei para hindi mag buhat e." Sabi nito sa akin. Nataw ana lan gak osa dalawa. Haban gtulong tulong ko pa rin sa pag aayos ng mga delata, bigas at mga noodles. Sakto naman na pag labas nila Andrei at Isaiah sa loob ng silid. Napaharap ito sa amin. "Pinag tutulungang gulpihin si Isaiah sa tapat ng bahay nila. Pasensya na kung naiwan namin kayo bigla." Simpleng sagot ni Andrei sa mga ito. "Ah, okay lang naman pala. Ano bang nangyari at ginugulpi ka, ha Isaiah?"Tanong ni Marco. "Wala yun. Napag initan lang." Sagot na balewala ni Isaiah. Yung tipong alam mong may tinatago. "Wag mong hintayin na ako pa ang makaalam, Isaiah. Sagutin mo ng maayos yung tanong." Seryosong sabi ni Andrei.  Hindi ko alam or ako lang ba ang nakakaramdam nito sa amin. Kapag ganoon na ang timbre ng boses ni Boss ay natatakot ako ng di mawari. Yun tipong alam mong dapat sumagot ka na bago ka tamaan. "Wala sabi yun, Andrei. Hayaan mo na." Nakikiusap na sabi ni Isaiah kay boss. Subalit tinaasan lang ito ng kilay ni boss. "Isa." Simulang bilang ni Andrei. "Sinisingil nila ako sa parte nila sa ninakaw naming cellphone sa bayaw." Sabi ni Isaiah na nakayuko. "Nag nakaw ka!" Sabi ni Ricos dito. Maging ako ay nagulat sa sinabi nito. "Mag kano yung parte na hinihingi nila sa iyo at nasaan na yung cellphone." Tanong ni Andrei dito. Umangat ang tingin ni Isaiah kay Andrei. Marahil ay nagtataka ito kung bakit hindi ito kinastigo ni Boss. Kaya naman maayos na tumugon itong si Isaiah. "Hindi ko pa nabebenta. Kinuha ni itay kanina nung nag punta sya rito. Kaya hindi ko rin naibenta. Nang dumating ang grupo nila Edwin at kunin ang parte nila ay wala na akong maibigay. Akala nila ay niloloko ko lang sila." Mahabang paliwanag nito sa amin. "Kumain na ba kayo ni Kuya Nico at Nanay Sabel?" Tanong pa rin ni Andrei dito. Si Nanay Sabel ang nanay nilang mag kapatid. "Tapos na." Sagot nito pero sumalungat ang tyan nito ng marinig namin ang malakas na pag kalam nun. Tumingi nsi Andrei kay Marco at Ricos.  Agad naman nagets ng dalawa ang tingin ni Andrei at nag umpisa na ang mga itong mag prepara ng lulutuing ulam. Plano naman na talaga naming lutuan sila ng pagkain.  Sila Marco at Ricos pala. Sila lang naman kasi ang maalam mag luto sa amin. Si Andrei din pero bibihira kung kailangan lang talaga. Sa aming mag kakaibigan. Itong dalawa talaga ang pinaka da best mag luto. Mala junior master chef an gdatingan. Lalo na si Marco. "Nasaan na ngayon ang Itay mo?" Tanong pa rin ni Andrei na pumaupo na sa pahabang upuan. Patuloy pa rin ako nag aayos ng mga pag kain dala namin habang nakikinig sa usapan nilang dalawa. Haban gsi Kuya Nico ay patuloy laman gsa pag ngata ng biscuit na binigay namin. "Ewan ko sa gagong yun. Malamang nasa sugalan na naman o di kaya sa may beer house sa bayan. Yun lan ganamn ang ginagawa nun sa tuwing uuwi yun rito sa amin."Galit na turan nito sa sariling ama.  Kahit paano ay naiintindihan ko si Isaiah sa parteng yun. Lalo na't biktima rin ako ng kasamaan ng isang ama. "Lumapit ka nga rito ng magamot ko yang mga sugat at pasa mo." Tawag dito ni Andrei bigla.  "Wala to. Okay lang anamn ako." Sagot nito kay Andrei pero tinasan lang ulit ito ng kilay ni Boss at walang sabi sabi na sumunod din ito. Natawa na lang ako dito. Sabay tuloy pumatingin ang dalawa sa akin. "Sorry may naalaala lang akong nakakatawa. Tuloy nyo lang." Sabi ko sa dalawang mata na napatingin sa akin. "Anong plano mo ngayon sa grupo nila Edwin. Natitiyak kong babalikan ka nila" Umpisa ni Andrei habang ginagamit na nito an gsugat ni Isaiah. "Wala yun, Andrei. Ako ng bahala doon. Gagawa na lang ako ng paraan." Sagot nito na nasaktan ng idiin ni Andrei ang bulak sa gilid ng mata nito. "AAahhhh!... Aray ko naman, Andrei. Dahan dahan naman." Reklamo nito. "Buti sana kung ikaw lang ang mapapahamak. Paano kung sila Kuya Nico at Si nanay Sabel. Anong gagawin mo?" Tanong ni Andrei dito. Hindi na naka imik si Nico. Kaya naman bigla na lang inilabas ni Andrei ang cellphone nito na pinatong sa mesa at iniurong palapit kay Isaiah. Nag tataka naman na napatingin dito si Isaiah. "Yan ang ibigay mo sa grupo ng kumag na Edwin na yun. Alisin mo na lang ang sim ko dyan. Siguro naman ay sapat na iyan. Bago lang yan." Sagot nito sa nag tatakang mukha pa rin ni Isaiah. "Hindi ko matatanggap yan, Andrei. Cellphone mo to na kabibili lang. At bigay ito ng mga ate mo sa iyo nung kaarawan mo." Sabi ni Isaiah sabay urong pabalik kay Andrei. "Hindi ko hinihingi ang opinyon mo. Inuutusan kita. Saka sasabihin ko na lang na nawala. Hindi ko naman ginagamit yan. Pan laro ko lang yan. MAs mainam na na maktulong sa iyo."Simpleng sagot ni Boss. Napangiti na lamang ako rito. Alam ko kung gaano kahalaga ang cellphone na iyon kay Andrei. Saksi ako kung paano itong sumaya ng labis ng matanggap nito iyon mula sa mga ates nito. Nangako pa nga ang mga ito na iingatan nito iyon., pero lahat ng iyon ay nawalan ng saysay ng balewalang iibigay nito iyon kay Isaiah, par alamang matulungan nito ang isang kaibigan na nagangailangan. Grabe, Boss. Ang sarap mong maging kaibigan. Mas lalo kitang hinangaan. "Pero Andrei,.." Tutol pa na sabi ni Isaiah pero naputol ng putulin ni Andrei ang pag sasalita nito. "Desidido na ako. Kung ayaw mong tanggapin. Itapon mo. Tapos ang usapan. Kilala mo ako Isaiah." Seryosong sabi ni Boss. Natahimik na lang si Isaiah. Makalipas pa ang isang oras ay naluto na rin ang prineparang ulam nila Marco. Sinigang na baboy yun at Pritong Tilapya. Nakapag ihaw pa nga ang mga ito ng bangus. Kakabilib. Nag salo salo kaming lahat sa hapag kainan. Dumating na din si Pam sa bahay nila Isaiah pag karan, kaya mas lalong naging masaya ang kainan. Napansin ko ri nna kahit hirap na hirap si Nanay Sabel ay bumakas ang kasiyahan nito ng makitang masaya ang dalawang anak nito. Papatakip silim na ng mag desisyon kaming umuwi na at nangakong babalik na lamang sa susunod na araw. Bago nga kami mag paalam ay isa isa pa kaming niyakap ni Kuya Nico at ipinakita nito sa amin ang isang malaking sketch board. Yung gamit sa pag pipinta. Basta yun na yun.  Kumpleto kaming lahat na mag kakaibigan doon. Binanggit pa nito isa isa ang nasa painting. Maging ang tree house ay naroon. Kahit hindi iyon kaganda sa panigin namin ay alam kong isa iyong master piece. Halos maluha nga kaming lahat sa pininta nito. "Shuta, naiiyak ako Kuya Nico. Talagan gnakapalda ako dyan. Sobrang ganda. Perfect!" Komento pa ni Marco na pumapalakpak. "Pinag puyatan nya yan at pinilit nyang matapos. Gusto nya daw yan ilagay sa tree house natin. Supresa nga sana nya yan kaya lan gexcited na sya ipakita sa inyo." Nakangiting paliwanag ni Isaiah sa amin. "Te.. te..thank, yoo...you.. Guys! Ba...balik..ka..Ka--yo, ah!." Sabi ni Kuya Nico sa amin. Niyakap ito ni Andrei ng mahigpit. "Oo, Kuya Nico. Babalik kami." Sagot ni Boss. "Pa...Paa....Parmis!" Paniniguro ni Kuya Nico. Promise talaga ang gusto nitong sambitin. "Promise. Kaya ingatan mo tong painting na ito ah. Dapat hindi yan mawala." Sagot at paalala ni ni Andrei. Tumango tango naman si Kuya Nico. Hinatid pa kami ng tingin ng mga ito ng sumakay kami. Todo kaway pa nga sila Marco at Ricos nun sa bintana ng jeep habang papalayo na kami. Motorcade lang ang peg ng dalawa. --------------- Ang pag punta namin dapat kila Isaiah ay hindi natuloy nun. Nilagnat kasi si Marco ng pag katapos naming mag tungo sa kanila nung nkaraang araw. Kaya hindi kami natuloy.  Kinabukasan pa kami natuloy ng maaga ng bumuti buti na ang lagay ni Marco. Nag dala kami muli ng iilang gamit na nakita naming kulang sa bahay nila Isaiah at konting pag kain na rin. Masaya pa kaming apat na sumakay ng jeep patungo sa baryo marupok. Subaliot isan gdi inaasahang balita pala ang nag hihintay sa amin pag karating doon. Nagtaka na kami bakit may makpal na usok sa lugar ng bahay na pinag titirikan nila Kuya Nico. At halos manghina kami sa sinabi ni Pam ng makita namin ito sa kumpol ng mga tao na nakikiusyoso. Nasunog raw ang bahay nila Isaiah. Hindi na nga natapos ang sasabihin nito ng mabilis kaming nag tungo sa bahay nito.Hinabol na lang din kami nito sa pag lalakad. Naabutan namin si Isaiah na nakatayo habang yakap yakap nito ang canvas board at tumatangis sa tapat ng natupok at abo ng bahay nito. Nausok pa nga iyon. Halos walang natira dahil gawa rin sa kahoy at dahon ang kabuuan ng bahay nito. At ng makita kami nito ay bakas na bakas ang galit sa mga mata nito. Sinugod nito si Andrei dahilan para mabitawan ni Boss ang mga dala nito. dinuro duro nito iyon. "Kasalanan mo to. Hindi sana sila mamamatay kung hindi dahil sayo.! At sa putang inang painting na ito!" Sigaw ni Isaiah kay Andrei. at hagis sa harapan nito ang painting na ipinakita sa main ni Kuya Nico ng isang araw. "Nasaan si Kuya Nico at nanay Sabel, Isaiah?" Tanong pa rin ni Andrei dito. "Patay na sila!... Patay na sila... iniwan na nila akong mag isa." Sigaw nito habang hilam ang mata sa luha at nang hihina itong napaluhod na lang sa lupa. "Hindi toto yan.." Rinig kong sambit ni Bos Andrei. NApaiyak na lang si Marco at Ricos na nasa tabi ko. Maging ako ay hindi ko na ri nnapigilan pang tumangis sa napakasamang balita na iyon. "Kuya Nicooo.." ---2--- Itutuloy... ------------ Hi guys. Magandang gabi sa inyo. Ayun, kakauwe ko lang kanina. May pinuntahan lang. Kaya medyo late ko ng maipupublish ito. Hahahaha Pansin nyo naman kakagawa lang ng account na ito at kaka republish ko lan gpero nareport na agad ang isa kong story. Ang tindi diba. May galit talaga ang iilan.  Pero sabi ko nga. Sa w*****d nya lang naman ako magaganito. Sa ibang account ay hindi. Hahahahaha. Mapapagod ako mag post, sya naman mapapagod mag report ng mag report. hahaahaha. Wala syang mapapala, ako madami. At alam nyo ba sa tuwing nawawala ang account ko or stories ko may mga taong handa akong tulungan pa rin. At hindi ko sasabihin kung ano ang mga iyon. Basta ireport mo lang ako ng ireport. Magugulat ka mapopost ko na lang yun bigla din. Hahaha Pagudan talaga ang labanan natin dito. Maunang sumuko. Talo. Pero gusto ko lang sabihin sa iyo na sa laban nating ito. Tiyak akong hindi ako ang matatalo. Mag kagayon man, sa kada report mo. Madami akong blessings at good news na natatanggap. Samantalang ikaw or kung ilan man kayo ay mananatili na lang kayong ganyan. Naiingit at punong puno ng inis o galit sa katawan. Masama yan. Nakakachaka. swear. Maaring masaya ka sa tuwing napapawala mo ang sinusulat ko pero panandalian lang naman yun., Kita mo naman andito pa din ako. Bleh. Ipag papasadyos ko na lang ang ginagawa mo/nyo. Sya naman ang nakakakita sa ginagawa mo panigurado. Madami ka ng minus nyan sa langit. May gusto lang akong itanong sa iyo. Nabasa mo na ba yung mga sinusulat ko? Tinigasan ka ba? Hahahaha. Hayaan mo, gagalingan ko pa para sayo. Anyway, maraming salamat pa rin sa lahat lahat ng mga nag ddm ng mga mensahe nila at sa pag papalakas ng loob ko sa tuwing panghihinaan ako ng loob. Sa sss, Twitter, maging dto. Sa blogspot at dreame na dn. Mahal na mahal ko kayo at pramis hindi ko kayo bibiguin. Patuloy lamang ako mag susulat hanggat may mga tao pa rin nag babasa ng sinusulat ko. kahit mag sampu na lang kayo. Muli po, salamat po ng marami. Mwaaaaaaaaaah. Mag ingat pa rin ang lahat ah. Wag kalimutann ang manalangin. automatic po yan. P.s Damn! 1K + followers na tayo sa dreame. hahaha Flex ko lang. o sya masaydo ng mahaba. Komento pa rin ninyo ang hinihintay ko at ang mahalaga sa akin. Hindi yang mga numbers na yan. Mwah antayin ko yan ah.  kritikoAPOLLO.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD