Hagupit ng Kapalaran. ( 1 )

4742 Words
*Babala : Nag lalaman ito ng mga maseselang bagay na hindi angkop sa mga batang mambabasa. Labing walo pataas lamang ang maaring mag basa nito at mayroon malawak na kaisipan. Malalang murahan. Malalang kantutan ng lalake sa lalake. Babae sa lalake. Tatluhan. Apatan. Palitan ng kapareha. all in all nakaka libog ng malala. Puro kalibugan. May maseselang TEMA. LENGWAHE. KARAHASAN. DROGA. pwede ring HORROR. SEKSWAL. May mga eksena rin dito na maaring hindi talaga pwede sa napakalinis mong pag katao. Ayoko lang na madumihan ka. Wala ka talagang matutunan dito kundi ang tigasan lamang. Imahinasyon lamang lahat ito ng may akda. Kaya utang na loob kung hindi mo trip ang ganitong tema ng istorya. Wag mo ng basahin. Parang awa mo na. Mag next story ka na lang. Napaka dami pa dyan. SALAMAT. ---------------------------------------------- KABANATA 8 SAMJO Sinugod nito si Andrei dahilan para mabitawan ni Boss ang mga dala dala nito at matumba ito. Maka ilang ulit pang dinuro duro ni Isaiah si Boss. "Kasalanan mo 'to. Ikaw ang may kasalanan ng lahat! Hindi sana sila mamamatay kung hindi dahil sa'yo!....... At sa putanginang painting na ito!" Sigaw ni Isaiah kay Andrei. Hinagis sa harapan nito ang painting na ipinakita sa amin ni Kuya Nico ng isang araw. "Nasaan si Kuya Nico at Nanay Sabel, Isaiah?" Tanong pa rin ni Andrei rito kahit may kutob na kami sa maaring nangyari. "Patay na sila!... Patay na sila... Iniwan na nila akong mag-isa. Aaaaaarrrggghhhh! Tang inang buhay to..." Sigaw nito habang hilam ang mga mata sa luha at nanghihina na lang itong napahagulgol paluhod sa lupa. "H-hindi t-totoo yan.... Nag bibiro k-ka lang, di ba?" Rinig kong sambit ni Boss Andrei. Napaiyak na lang sina Marco at Ricos na nasa tabi ko. Maging ako ay hindi ko na rin napigilan pang tumangis sa napakasamang balitang nadatnan namin. "Kuya Nicooo.." Mahinang sambit ko. ------------------------------------------------------------ Kinabukasan ay maaga pa lang ay nakagayak na kami ni Andrei upang mag tungo sa burol ng mga labi ni Kuya Nico at ni Nanay Sabel. Sila Marco at Ricos na lang talaga, ang inaantay namin para makaalis na kami. Nang sugurin si Boss Andrei, kahapon ni Isaiah ay minabuti na lamang muna namin na  hayaan  itong ma pag isa. Tutal kasama at katu katulong naman nito si Pam kasama ang Nanay nito. Hinayaan na muna namin na mag palamig ito ng ulo, kaya gustuhin man ni Andrei na mag paiwan ay wala rin itong nagawa dahil sa pilit ngang pag tataboy ni Isaiah rito. Ilang saglit pa ay lumitaw na ang dalawang paimportante naming mga kaibigan. Malayo pa lang sila ay napapa kunot noo na ako dahil sa itsura nilang nakikita ko. Mukhang nakasuot na naman kasi ng custome ang mga ito. Yung character pa yata ni Angelina Jolie ang ginaya nito ngayon.  Naka all black dress kasi ito na may parang kapa pa at kapansinpansin ang mahabang sungay nito sa ulo. May props pa ito na kasamang tungkod na mukhang kinulimbat na naman kay ka Celso. Samantalang si Ricos naman ay ganoon rin ang kulay ng suot. Black dress rin, kaya lang hindi bumagay rito ang wig na ginamit nito. Masyado iyong buhaghag kaya naman mas nag mukha itong mangkukulam. May hawak pa naman ito na parang uwak na laruan. Maging si Andrei ay hindi na maipinta ang mukha ng makalapit ang dalawa sa pwesto namin. "Punyeta ka, Marco. Ano na naman ba yang suot mo?" Kastigo ni Boss rito. Umiikot pa si Marco sa amin para mas mapag masdan namin ang kabuuan ng kasuotan nito. "Well, well, well. Ahehehe. Maleficent. Di ba ang ganda. Nahalungkat pa namin ito sa baul ni Ninang Vicky, oha!. Ginamit nya ito ng sumali sya sa Binibining Undas 1998. Ang ganda di ba. Perfect outfit para sa pupuntahan natin. Tara na." Mahabang paliwanag nito sa amin. "Mukha kang tanga. Hubarin mo nga yan kundi ako ang mag huhubad nyan saiyo. Lahat na lang ginagawa mong biro. Mag bibigay tayo ng respeto kila Kuya Nico at kay Nanay Sabel baka nakakalimutan mo, tapos mag gagaganyan ka. Mag palit kayong dalawa ng maayos na damit." Saway ni Andrei dito. Biglang sumimangot si Marco. "Malungkot rin ako, Boss. Hindi lang ikaw ang nawalan ng Kuya Nico. Maging ako rin. Alam kong matutuwa si Kuya kung nasaan man sya naroon, kapag nakita nya na ganito ang suot ko. Kaya nga nag effort pa ako ng ganito kasi ipinangako ko sa kanya na mag bibihis kami ni Ricos ng pambabae para maipinta o iguhit nya. Sa huling pag kakataon ba ay ipag kakait mo pa ba yun sa kanya. Wala kang puso." Madamdaming sabi ni Marco sa amin. Paiyak na nga sana ito. Mukha namang natauhan si Andrei sa naging pahayag nito. "Bahala ka. Tara na nga, Samjo." Sagot na lang nito at nauna ng mag lakad. Susundan ko na sana ito ng makita ko ang pag ngiti ni Marco. Nag hawak kamay pa silang dalawa ni Ricos na animo'y kalahok sa MGI pageant at tatawagin na ang nanalo. Todo hampasan pa ang dalawa. "Epektib ba ang drama ko, Sis.?" Tanong nito kay Ricos. "Pak na pak. Lakas maka, Bea Alonzo. Paiyak na nga ako. Kabog na kabog mo gurl." Sagot naman ni Ricos dito. Napapailing iling na lang ako sa kalokohan ng dalawa. Kahit kailan talaga. Mag kagayunman ay natuwa na rin ako dahil sa kaalamang nakakatawa na ang mga ito. Kahapon kasi ay halos mamaga na ang mata nila sa walang tigil na pag iyak, hanggang sa pag uwi namin ay iyak sila ng iyak. Hanggang ngayon nga ay bakas pa rin ang pamamaga ng mga mata nila. Sinundan ko na lamang si Boss. Agad rin naman kaming nakasakay ng jeep patungo sa Baryo Marupok. Sa may barangay daw nakaburol ang mga labi nila Kuya Nico at Nanay Sabel. Kaya doon na rin kami agad didiretso. Umaasa na lamang ako na hindi na kami ipag tabuyan ulit ni Isaiah. Panay tuloy ang tingin ng ibang pasahero sa amin dahil sa suot ng dalawa naming kasama. Nakayuko na nga lang si Boss sa sobrang hiya. Kahit ganoon naman ay alam kong suportado pa rin nito si Marco. Madalas naman nitong kunsitihin iyon sa mga kalokohan na ginagawa nito. Ewan ko ba at hindi rin talaga namin maintindihan kung bakit palagi naming napagbibigyan ito sa mga trip nito sa buhay ng walang kahirap hirap. Nagiging kunsitidor tuloy kami. Ilang sandali pa ang lumipas ay nakarating na kami sa may barangay kung saan nakalagak ang labi ng dalawa. Malayo palang kami ay kita na namin ang maraming tao. May mga nag susugal, mga nakiki nood, nag chichismisan at yung iba ay nakikikaen lang. May mga Pari at Madre rin kaming nakita na nakikiramay. Papahakbang pa lang kami patungo roon ay bigla na lamang pumalahaw na ng iyak si Marco. Yung iyak na napaka OA talaga. Sinabayan pa ito ni Ricos. Sa sobrang lakas nga noon ay napatingin sa gulat sa amin ang karamihan na tao roon.  "Punyeta!" NArinig kong mahinang tungayaw ni Boss. "Ahuhuhuhu.. Juskooooooo! Hindi ko to kaya. Huhuhu.. K-kuya! huhuhu.. .B-bakit? Bakit mo kami iniwan.. Huhuhu... P-paano na lang kami na naiwan mo. K-Kuyaaaaaa... M-masakit.. Hindi ko na ito kaya...!" Atungal ni Marco at may pahimatay himatay effect pa ito na inaakay naman ng kunsintidor na si Ricos. Akala mo kung umasta ay asawa lang ni Kuya Nico ito. Hiyang hiya tuloy kami ni Boss Andrei sa ginagawa ng mga ito. Kaya nag desisyon kami na magpahuli na lang kami ng lakad sa dalawa at pinauna na namin ang mga ito. Papalapit na sana sila Marco at Ricos sa kabao upang sumilip roon ng biglang matapilok ito ala Mirriam Quiambao, dahil sa taas ba naman ng takong ng suot na sapatos nito. Tumalsik tuloy ang dalawang sungay na nasa ulo nito, dahilan para tumilapon sa may Aleng nakatanga sa eksena namin. Sakto pa sa nakangangang bunganga nito pumasok iyon kaya naman naisubo nito iyon ng di oras. "AAccck!.....Pweeee!.. Putangina! Teka nga lang. Sino ba kasi kayo at ang eksenadora nyo ng taon. Mga Pisting yawa kayo, ah. Papatayin nyo pa ako.!.... Pwe!.... Tang ina, nalunok ko pa yata ang palamuti sa sungay mo. Hayop ka.!" Sigaw ng Ale at binato ang sungay ni Marco pabalik sa pwesto nila. "Sorry naman, Ale. Bakit kasi naka nganga kayo dyan. Shuta. Char" Sagot ni Marco habang pinapagpag nito ang nadumihang damit. "Piste! Sino ba nga kasi kayo. At kaano ano nyo ang asawa ko?" Sagot nito na ikinalito namin ng makalapit na kaming lahat. Pag silip namin sa may kabao ay hindi nga ito ang labi ni Kuya Nico. Hiyang hiya na lang kami na humingi ng paumanhin rito. Nag kamali pala kami ng lamay na napuntahan. Kung hindi pa namin narinig ang pag tawag ni Pam. "Kaya pala ang tagal nyo. Nandito sila Kuya Nico. Nasa likod, nandirito kami. Saka ang ganda ng outfit mo, Marco. Panalo." Natutuwang sabi pa nito kay Marco. Kaya naman lalong lumalakas ang loob ng kaibigan namin na maging gago eh. May mga pumupuri kasi rito. "Palaban di ba. Hahaha. Salamat, Pam. I like you talaga." Natutuwang sagot naman ni Marco habang nasa likod lang kami nito nakasunod. "Oo. Ano bang ginagaya mo. Dementors. Yung sa Hari Pater." Inosenteng tanong ni Pam kay Marco. "Gaga. Maleficent ito, shunga. Ganda ganda, may pag ka slow. Tara na nga, Professor Snape." Sabi nito sabay hila kay Ricos na dali-dali namang sumama. "Teka, anong nasabi kong mali?" Takang tanong ni Pam sa amin ni Andrei. Hinatak na lang namin ito para mag tungo na kami kung saan naroon sila Kuya Nico. Wala na kaming panahon pa para sagutin ito. Naabutan naming nag ngangangawa na naman si Marco sa may nakasarang kabaong. Tanging larawan lang ng nakangiting si Kuya Nico ang nasa ibabaw noon. Tahimik kaming nag lakad at tumabi kila Marco at Ricos. Nakita kong pumikit si Boss Andrei at umusal ng dalangin. Ginaya ko na lamang ang iginawi nito. "K-kuya! huhuhu.. .Bakit? Bakit mo kami iniwan.. Huhuhu... Paano na lang kami na naiwan mo. K-Kuyaaaaaa...Ang bata bata mo pa. Huhuhuhu... Sabi mo ipipinta mo pa kami ni Ricos. Sabi mo po protektahan mo kami sa mga miyembro ng DDS." Atungal ni Marco. "DDS? Ano yun?" Inosenteng tanong na naman na narinig ko mula kay Pam. Tumabi rin kasi ito sa amin. "Daks na Daks Sobra." Sagot ni Ricos na narinig ko. Hindi tuloy ako makapag concentrate sa ginagawa ko dahil sa mga kaibigan ko. Tatanda talaga kami ni Andrei kapag sila ang kasama namin. Jusme. "Ahhhh.. Akala ko De De ni Sarawat." Sagot naman ni Pam dito. Patuloy pa rin ang pag atungal ni Marco sa ibabaw ng kabao ni Kuya Nico. Mabuti na lamang at wala ngayon rito si Isaiah. Teka nasaan na ba iyon? " K-kuya! huhuhu.. .Hindi ko ito k-kaya.. Huhuhu... Hindi ko matanggap na naiwan mo kami. K-Kuyaaaaaa..." Si Marco. Habag naririnig ko naman na tahimik lang na naatungal sa tabi nito si Ricos. "Bakit hindi ka na lang sumunod, Marco. Para naman hindi ka na malungkot." Inosenteng payo ni Pam na narinig ko. Agad na tumigil sa kakaiyak si Marco. "Eh, kung ikaw kaya ang isunod ko. Shuta ka. Panira ka ng moment, eh. Ginigigil mo talaga ako." Sabi nito kay Pam. Sakto naman iyon sa pag dating ni Isaiah na may dalang dalawang lata ng biskwit. Mukhang nag punta pa ito sa palengke para bumili ng ma ipang papakaen sa mga nakiki lamay. Pag kakita palang sa amin nito ay umiwas na ito ng tingin. Lalo na sa gawi ni Boss Andrei. Mukhang naka pag isip isip na ito ng mabuti at medyo nakalma na rin. Hindi tuloy namin alam kung lalapitan ba namin ito o hindi. Nang makita ito ni Ricos ay bigla nalang nitong iniwan si Marco at agad na lumapit kay Isaiah. "Eksena talaga lagi itong si Ricos. Hindi naman siya yung type ni Isaiah. Hmpft!" Komento ni Pam na ikinatingin ko rito. Bakit nasabi nito yung ganoon? May alam ba ito na hindi namin alam. "Halika, Boss. Samahan mo muna ako roon para mag timpla ng kape at maibigay sa bisita. Hayaan muna natin sila at tiyak ko naman na ikaw at ikaw ang hahanapin nyan ni Isaiah, mamaya. Mag tiwala ka lang sa akin." Yaya pa ni Pam kay Boss Andrei. Nalilito man si Boss sa sinabi nito ay nag patianod na lamang ito kay Pam. Ngunit bago pa ito mag lakad ay napatingin pa ito kay Isaiah na ngayon ay akap akap na ang umiiyak na si Ricos. Hindi ko tuloy maiwasang pag tagpi tagpiin ang mga nakikita at naririnig ko na sinasabi ni Pam. Isina walang bahala ko na lang yun muna sa ngayon at nilapitan si Isaiah para maki chismis este makiramay. "Pre, nakikiramay ako." Tugon ko rito. Bumitiw ito sa pag papakalma na yakap kay Ricos. Tinanguan ako nito. "Salamat, Pre. Nasaan si Dreyfus?" Tanong nito agad sa akin ng mapansin na wala si Boss. Napangiti na lamang ako at siya namang simangot ni Ricos. "Sinamahan si Pam para mag timpla ng kape para sa bisita. Kumusta ang imbestigasyon, Pre." Tanong ko rito. Animo'y mga matatanda na kami kung mag usap. "Aksidente raw ang nangyari sabi ng mga pulis, Pre. At si Kuya Nico raw ang may kasalanan. Pinag laruan daw nito ang iniwan kong gasera sa may kusina. Hindi ako naniniwala. Alam ni Kuya na magagalit ako kapag pinakielaman nya iyon." Mariing sagot nito sa akin. Tumango tango ako rito. Kahit alam ko na may pag kaisip bata si Kuya Nico ay marunong itong sumunod sa mga ipinapayo namin rito. Lalo na kay Isaiah at Boss. Alam kasi nito na kapakanan lamang nito ang inaalala ng dalawa kaya nasunod talaga ito. Ramdam ko at saksi ako roon. "Ngunit hindi pa rin naman tapos ang imbestigasyon, Pre. Isa lang daw yun sa tinitignan nilang anggulo. Hindi pa rin nawawala ang isang posibilidad na may nanadyang sumunog sa bahay namin. At sigurado talaga akong sinunog iyon." Sagot nito na napatiim bagang pa. Ramdam mo ang sakit at galit sa salitang binitiwan nito. Tanging pag tango na lamang ng pag intindi ang nagawa ko para dito. "Sige, Pre. Pasok ko lamang itong dala ko sa loob." Sagot nito sa akin pag karaan ng sandali at pumunta na ito sa isang maliit na silid sa may gilid. Kung saan nag tungo rin kanina sila Andrei at Pam. Susunod pa sana si Ricos ng pigilan ko ito. "Dumito ka na lang muna. Hayaan mo munang makapag usap ang dalawa." Sambit ko rito. Napabunting hininga na lang ito at sinamahan akong umupo sa mga nakahilerang bangkuan. Ilang sandali pa ay lumabas is Pam na may dalang kape na nakalagay sa tray at pinag bibigyan kami isa isa. Tumigil rin muna sa kakangawa si Marco at umupo ito kasama namin. "Ang hirap palang maging crying lady, Shuta! Infairness, Ang hirap ng role na ginawa ni Ate Shawie, ah." Tugon pa ni Marco sa amin bago ito humigop ng kape na mabilis rin nito iyong naibuga. "Oh bakit?" Tanong ko rito. Mabuti na lang at pahigop pa lang ako ng kape na inabot ni Pam. "Shuta ka, Pam. Bakit ganito ang lasa ng kape ko?" Nanlalaking mga mata na tanong ni Marco kay Pam. "Hindi ba masarap? Sabi mo sa akin date na favorite mo ang mga maaanghang. Basta may sili ay kakainin mo kahit ano pa yan. Natatandaan ko pa yun. Kaya lang wala akong sili na nakuha, hot sauce na lang nilagay ko. Ang talino ko, noh." Nasisiyahang sabi pa ni Pam kay Marco. "Shuta ka talagang babae ka. Kape to at inumin ito. Kaya pala ang panget ng lasa. Ang sarap mong sabunutan na hayop ka. Umalis ka nga sa harapan ko. Kanina pa ako nanggigil sayo na demonyita ka." Gigil na sabi nito kay Pam. Natawa na lang ako sa dalawa. Makalipas ang trenta minuto ay lumabas din ang dalawa. Napansin kong basa ang mata ng dalawa. Halatang galing sa pag iyak. Natuwa na rin ako dahil kahit paano ay may konting buhay na muli ang mata ni Boss Andrei. Siguro ay nag kaayos na rin ang dalawa. Tamang tama lang rin ang pag litaw ng dalawa, dahil ilang saglit lamang ay dumating na ang lalakeng mag papadasal. Nagulat pa nga kami ng si Kapitan Tutan ang makita namin. At gaya ng dati may dala na naman itong dowsing rods at parang mangkok na may kasamang pan dikdik ata ng bawang. (Tibetan singing Bowl ). Nakalimutan ata nito na padasal ang gagawin hindi pag hahanap ng espiritu. Hawig na hawig kasi talaga ito ni Ed Caluag. Sa porma at itsura. ----------------------------------------------------- Dalawang linggo matapos ang trahedyang nangyari kila Kuya Nico at kay Nanay Sabel, ay naihimlay na rin namin sila sa huling hantungan nila. Umagos muli ang luha at kalungkutan sa aming mag kakaibigan lalong lalo na kay Isaiah. Isang linggo na rin ang lumipas simula ng huling makita namin ito. Hindi na kasi ito nag punta pa sa tagpuan naming magkakaibigan. Na labis labis naming ikinalungkot. Madalas pa rin kaming mag tungo roon. Umaasa na nandun ito. Subalit palaging si Pam lang ang nakikita at naaabutan namin. Madalas tuloy ay nakikita ko na lamang na malungkot si Boss Andrei at natutulala. Nawalan muli ng buhay ang mukha nito. Masyado nitong dinibdib ang pangyayari. Lalo na ng ilang beses nitong lapitan si Isaiah muli, subalit palagi na lamang itong itinataboy. Akala ko nga ay okay na ang dalawa noong nag usap sila sa may lamay. Hindi pa pala. Mukhang may malalim pang dahilan ang kanilang naging hidwaan. Kung ano yun ay tanging si Isaiah lang ang makakasagot nito. Gaya ngayon. Nakatulala na naman si Boss Andrei at nakatanaw lang sa dalampasigan. Narito kami sa may dalampasigan, malapit sa kweba kung saan nila ako unang natagpuaan ni Marco. "Pupunta ka pa ba bukas kila, Isaiah?" Tanong ko ng makalapit ako rito at tumabi sa pwesto nito. Hindi ito lumingon sa akin. Bagkus ay kumuha lamang ito ng maliit na bato at muling inihagis sa dagat. Tumalbog talbog lang ang bato ng ilang beses bago ito lumubog. "Oo. Mas lalong kailangan nya ng karamay ngayon. Baka sakaling maabutan ko sya. Okay lang naman kung hindi na kayo sasama sa akin." Sagot nito sa akin. "Sasama pa rin ako, Boss. Sabi mo nga, mas ngayon nya kailangan ng kaibigan. Saka kahit naman pag bawalan mo kami ay pupunta pa rin kami nila Marco at Ricos." Sagot ko rito. Palagi namang ganoon. Kung nasaan ito ay naroon kami. "Salamat, Samjo. May balita na ba sa imbestigasyon kung sino ang nag sunog ng bahay nila Isaiah?" Tugon na lang nito sa akin at kumuha ulit ng bato para ibato sa dagat. "Ang sabi ni Tito Trent ay kapabayaan raw talaga ng Kuya ni Isaiah ang naging sanhi ng sunog. Dahil sa may sakit sa pag iisip si Kuya Nico ay pinag laruan daw nito ang gaserang naiwan sa may kusina dahilan para pag mulan ng apoy at ikatupok ng buong kabahayan. Yun ung unang anggulo na tinignan nila at hindi na sila umalis doon." Sagot ko rito. Napa tiim bagang ito. Alam namin na hindi gagawin yun ni Kuya Nico. Tinuruan ito ni Isaiah. Ilang beses na rin namin itong nakasama. Halos araw araw pa nga. Normal ito mag isip. Kung tutuusin si Kuya Nico ang may pinaka matalinong pag iisip sa amin. Nahihirapan nga lang ito na mag salita at minsan kapag inaatake lang ito ng pagiging makulitin. Umiiyak ito kapag hindi nito nakukuha ang gusto. "Kalokohan. Alam naman natin na hindi gagawin ni Kuya Nico iyon. alam nyang ikakapahamak nya ang pag lalaro ng apoy. Saksi ka ng unang subukan nyang mag laro nito dati. Kaya imposible yung sinasabi nila na kasalanan ni Kuya Nico." Tugon nito na nagagalit. Tama ito. May isang pangyayari dati na sinubukan pag laruan ni Kuya Nico ang apoy. Habang nag luluto si Marco at kaming lahat ay busy sa pag hahanap ng prutas sa kakahuyan. Nalingat kasi si Isaiah ng mga panahon na yun at hindi nakita na pinag laruan ni Kuya Nico ang isang panggatong. Naging sanhi iyon ng pag kalapnos nito sa kamay kaya simula nun ay hindi na ito lumapit sa tuwing mag luluto si Marco at Ricos. Palagi na lamang itong nakabuntot kay Isaiah o di kaya kay Boss. Minsa'y sa akin. Pero ano ba naman ang magiging laban namin. Eh, bata lang kami. Walang kapangyarihan ang boses. Kaya naman itinuring na case closed na ang nangyaring sunog. Wala kasing mag papatunay at nakalap na matibay na ebidensya na sinadyang sunugin iyon. Kaya siguro ganoon na lang ang naging reaskyon ni Isaiah at missing in action ito mag pahanggang ngayon. May parating pa naman na malakas na bagyo na tatama sa amin. "Pero Boss, hindi ba delikado kung mag tutungo pa tayo roon bukas. Sabi sa balita ay may super typhoon na nakapasok na sa bansa natin at sa mismong lugar natin maging kila Isaiah sesentro ang pag tama ng mata nito. Medyo ramdam na nga natin ngayon pa lang." Paalala ko rito. "Yun nga rin ang iniisip ko, Samjo. Kaya mabuti pang wag na kayong sumama sa akin." Sagot nito sa akin. Tinignan ko lang ito at napiling iling ito sa akin. Kilala kasi kami nito. Kahit ano pang sabihin nito ay sasama kami sa kanya. At pinal na ang desisyon na iyon. Umaasa na lang ako na makakauwe kami agad bago pa lumakas ang bagyo mukha namang tahimik ang paligid, siguro hindi naman magiging malakas ang tatama sa amin. --------------------------------------------------------- Madaling araw palang ay bumuhos na ang malakas na ulan sa baryo namin. Gising na kami ni Andrei. Dahan dahan pa nga kaming kumilos para hindi kami mahuli ng mga magulang nito. Tiyak kasi na hindi kami papayagan sakaling makita kami na gising na at mag lalakwatsa pa sa masamng panahon na ito. "Kailangan na nating umalis, Samjo. Malakas ang kutob ko na nasa panganib sila Pam. Nasa may pinaka baba pa naman ang bahay nila at malapit lang sa dagat. Hindi gaya ng kila Isaiah na nasa taas pa." Mahinang sabi sa akin ni Andrei habang inaayos nito ang bag nito. Tumango tango ako rito. "Paano sila Marco at Ricos?" Tanong ko rito. Katulad nito ay nag dala rin ako ng bag, ilang pagkain, inumin at mga emergency kit na maari naming magamit kung sakali. "Mas mainam na hindi na nila tayo maabutan pa. Para hindi na sila makasama. Saka na lang natin isipin ang pag tatampo nila sa atin. Kaya tara na." Yaya sa akin nito. Sinuot na namin ang mga kapote namin at lumabas na kami ng bahay. Napaka lakas ng hangin sa labas. Subalit hindi namin iyon pansin ni Boss. Pag kinutuban pa naman ito ay palaging tama. Kinakabahan man ako sa pag pipilit namin na umalis ay umusal na lang ako ng panalangin na sana ay maging ligtas kami at ang mga kaibigan namin. Nag hintay kami ng pampasaherong sasakyan ngunit bigo kami dahil walang nadaan. Mabuti na lang at nag tyaga kami dahil may isang truck na mag dedeliver ng manok sa kalapit baryo kaya napakiusapan naming makisakay. "Kanina pa ba kayo nag aabang ng masasakyan roon mga bata? Wala na kayong makikitang sasakyan sa kalsada dahil sa lakas ng bagyo. Saan ba ang punta nyo pa? Buti na lang at nakita ko kayo. Ang lamig lamig pa man din" Sabi ni Mang Tani na nasakyan namin. "Pupuntahan lang po sana namin ang kaibigan namin na nasa kabilang baryo, Mang Tani. Mag isa lang po kasi sya roon. Susunduin namin sya." Sagot ni Boss Andrei na ang tinutukoy ay si Isaiah. "Naku! Bakit naman kasi mag isa lang sya roon. Saka bakit kayo lang, hindi man lang kayo nag sama ng mas matanda sa inyo. Dapat kahapon nyo pa sya sinundo. Sabagay mga matitigas talaga ulo ng tao. Saka bagyo lang naman yan, pinoy tayo. Hahahaha." Sagot nito na natatawa. Tumango tango na lamang kami rito. Nag kwento pa nga ito ng naging buhay nito. Pinakinggan na lamang namin mabuti iyon dahil hindi naman na kami siningil nito noong nag babayad kami. Ilang saglit pa ay nakita na namin ang Baryo Marupok. Nag pasalamat kami kay Mang Tani pag kababa namin. "Mag ingat kayo, ah. May mga daluyong akong nakikita na hahampas sa baybayin. Mag ingat kayo at bilisan nyo na ang pag kuha sa kaibigan nyo." Paalala pa sa amin nito. Mas lalo pang lumalakas ang ulan at hangin habang nag lalakad kami patungo sa bahay nila Pam. Sakto naman na nakita namin ito na inaayos nila ang pawid nilang bahay. Mukhang dinaragdagan nito ng mga bato ang maliit na kubo ng mga ito. "Pam!" Sigaw ko rito. Agad itong pumaharap sa amin. "Uy, Crush at Boss. Kayo pala yan. Masigasig talaga kayo, ah." Nakangiting salubong sa amin nito. Basang basa na ito sa biglaang lakas ng pag ulan. Akala nga namin ay wala na kaming maabutan na tao roon dahil nag evacuate na. Marami pa rin kaming tao na nakita na nasa paligid. Kanya kanyang lagay ng mga malalaking bato sa mga kabahayan ng mga ito. Kaya naman kahit may sukbit pa kaming dalawang bag ni Boss ay dumampot na kami ng malalaking bato para ipatong sa bubong nila Pam. Hirap na hirap kasi na makaakyat ang Nanay nito sa liit nito. Ako na ang pinaakyat ni Boss Andrei sa bubungan habang inaabot naman sa akin nito ang mga bato. Isang oras din ang ginugol namin roon bago kami natapos. Subalit hindi lang ang mga bahay nito ang aming tinulungan lagyan ng bato. Maging ang mga kalapit bahay nila na hirap sa pag akyat sa bubong ay tinulungan rin namin. Lalo na ang mag isang matandang Babae na mag isa lang na naninirahan sa bahay nito. Nakitang kong pina pakaen pa ito ni Pam sa loob bahay ng sumama ito sa amin. Inaasikaso ko naman ang bintana nito ng marinig ko ang tanong ni Boss Andrei sa may pintuan. "Lola Imelda, Bakit hindi po kayo sumama sa mga rescue officials nung nag pa evacuate si Mayor?" Tanong nito kay Lola. Kanina pa kami basang basa. Nawala na nga sa isip namin na puntahan at icheck si Isaiah. Alam kasi naming mataas ang lugar nito. "Wala naman mag aasikaso sa akin roon, Apo. Kaya dito na lang ako. Saka baka may manloob pa sa bahay ko kapag iniwan ko." Sagot nito sa amin. Naalala ko tuloy ang lolo't lola ko. "Kaya nga rin hindi kami sumama sa mga sundalo kahapon, Boss. Syempre iiwan yung mga alaga naming hayop. Baka kasi makawala sila. Sanay naman kami sa bagyo. Mayamaya ay titigil din iyan." Sagot sa amin ni Pam. Tumango na lang kami ni Boss Andrei at nag concentrate sa pag aayos ng bahay ni lola. Yun din kasi ang akala at alam namin. Na titigil ang pag ulan at lakas ng hangin. Subalit habang nag uumaga na ay patuloy lamang itong palakas ng palakas. Napilitan na rin kaming pumasok muna sa loob ng bahay ni Lola. rinig na rinig namin ang lakas ng tunog ng hangin sa labas. Mga nag liliparang mga bubong at mga wasiswas ng puno. Sinasabayan pa ito ng napakalakas ng bugso ng ulan. Ngayon ko lamang naranasan ang ganito kalakas na bagyo. Ilang minuto pa kaming nag hintay sa loob ng marinig na lang namin ang mga pag katok sa may pintuan. Tumayo si Boss Andrei at binuksan nito ang pintuan. Ganoon na lamang ang gulat nito ng makita ang dalawa pa naming kaibigan kasama ang Nanay ni Pam. "Hala!  Anong giangawa nyo rito?" Tanong ni Andrei sa dalawa. Nakasimangot lang si Marco. Basang basa rin ang buong katawan nito katulad namin ni Boss Andrei. "Nag tungo sila sa bahay at hinahanap nga kayo. Kaya naman sinamahan ko lang sila di ne. Pam, tapos ka na ba di-yan. Halika't tulungan mo nga ako na mag hanap, dahil ang ilan sa alaga nating mga manok ay nakawala sa kulungan." Tawag pansin nito kay Pam. Agad naman lumapit si Pam at nag paalam muna sa amin saglit. Rinig na rinig mo noong bumukas ang pintuan ang tunog ng pag hampas ng dagat sa dalampasigan. Sumasama pa ang dala nitong tubig sa lakas ng hangin. "Iniwan nyo kami ni Ricos. Hindi ba't mag kakasama tayo rito. I hate you. Kayong dalawa!" Nag tatampong turan nito sabay labas ng ice candy sa bag nito at agad na isinubo iyon. ---1---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD