KABANATA 12

2153 Words
Marahas na nagpakawala ng buntung hininga si Aidan matapos ang usapan nila ni Kevin sa telepono. Tungkol ulit sa mga nawawalang pera ng kompanya. At ngayon ay may panibagong halaga na naman ang lumabas mula sa kompanya. Napakagaling ng nasa likod nito dahil hindi nila matrace kung saan lumalabas ang pera at saan ito napupunta. Wala pa rin silang ideya kung sino ang gumagawa niyon at kung ano ang motibo nito. Napatiimbagang siya. Ano ba ang nangyayari? May nakaalitan ba sila ng hindi nila namamalayan? Babagsak ang kompanyang ipinundar at pinaghirapan nila ni Kevin kapag hindi nila nalutas ito. Mariin siyang napapikit para kalmahin ang damdamin ng bigla siyang magulantang ng may yumakap sa kanya mula sa likuran niya. Naramdaman pa niya ang pagdampi ng labi nito sa leeg niya at awtomatikong kumalas siya sa nakayakap sa kanya at hinarap ang pangahas na iyon. Nagitla siya ng mabungaran ang asawang nakangiting nakatingin sa kanya. Para siyang nakakita ng multo ng mga oras na iyon. Hindi niya inaasahang makikita ang asawa na bigla na lamang umaalis ng walang paalam at nagbabalik ng wala ding abiso. Napalunok siya at tumikhim upang itago ang pagkaasiwa at pagkagulat. "Hey, Honey," malambing na wika nito saka lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Napakunot noo naman siya habang ginantihan din ng alanganing yakap ang asawa. Isang braso lang ang nagawa niyang ipulupot dito. Nakakapanibago ang asta nito na dati ay hindi naman nito ginagawa kahit kadarating pa lang sa kung saang lupalop man ng mundo ito nanggaling. Wala siyang ideya kung saan ito nanggaling at ano ang ginawa nito. Hindi ito nagpapaalam o nagbibilin man lang kung aalis ito. At sa tuwing tatanungin naman niya ay inaangilan siya nito at susumbatan na ng kung anu ano, at nauuwi sa away na hindi nuya maintindihan kung paanong napunta doon samantalang gusto lang naman niyang malaman kung saan ito pupunta. Sa huli ay pinabayaan na lang niya kung anung gusto nitong gawin at kung saan man nito nais magpunta. Minsan hindi rin niya maiwasang isipin kung sa tuwing umaalis ba ito ay naalala ba nitong may asawa't mga anak itong iniwan dito. Napabuntung hininga siya habang nakapulupot sa katawan niya ang asawa. Matagal nang wala ang tamis at saya sa pagsasama nila. Hindi niya alam kung ano ang naging dahilan dahil naramdaman na lang niyang nanlamig bigla sa kanya si Krystel. Madalas na ay laging wala ito at matagal bago bumalik. Mahal niya ang pamilya niya, pero maging siya ay naguguluhan sa nangyayari. Ilang beses na niyang kinausap ng masinsinan ang asawa para lutasin ang problema nila, pero lagi na ay sinasabi nitong walang problema, pagod lang daw at pressure sa trabaho. Naiintindihan niya. Hindi biro at madali ang interior designing na trabaho nito. Gusto niyang isalba ang pagsasama nila, lalo na ang pamilya nila. Kaya nagtiis siya at patuloy na pinakisamahan ang asawa, lahat ng gusto at nais nito ay ibinigay niya ng walang pag aalinlangan. Pero hindi niya napansin na napapagod na rin pala siya sa panlalamig at pambabalewala nito at hindi niya inaasahang nakapasok na sa puso niya si Jaezelle. Napatiimbagang siya ng mamutawi sa balintataw niya ang maamo at inosenteng mukha ng babaeng itinitibok na ngayon ng puso niya. Binitawan na niya ang katawan ng asawa at isinuksok sa bulsa ang mga palad, hinayaan na lang niyang yumapos ang asawa sa kanya. Lihim siyang napabuntung hininga sa nakakapanibagong asta ngayon ng asawa. "Honey, I miss you so much," ungot pa nito. Nagulat siya ng tumingkayad ito at halikan siya sa labi. Nanlaki sa gulat ang mga mata niya at tila naestatwa pa siya habang hinahalikan siya ni Krystel. "H-Hey," natatarantang usal niya at pasimpleng ikinalas ang mga braso ng asawa sa katawan niya. Humakbang siya palayo at binigyan ng distansya ang pagitan nila. Napalunok siya at iniiwas ang tingin sa asawa. Hindi niya mawari, pero pakiramdam niya'y naasiwa na siya sa presensiya nito. Kahit ang simpleng lambing at halik nito ay hindi na rin niya masikmura pa. Naalerto siya ng magpumilit pa itong makalapit, nakataas ang mga braso at akmang muling yayakap sa kanya. Mabilis ang kilos na ipinatong niya ang mga palad sa balikat ni Krystel upang pigilan itong makalapit pa sa kanya. Kumunut ang noo nito at puno ng pagtatakang tinitigan siya nito. "Why?" tanong nito. Napalunok siya, pakiramdam niya'y may nakabara sa lalamunan niya ng mga oras na iyon at hindi niya magawang sagutin ito. Napailing na lang siya at nagpakawala ng marahas na paghinga. "Nothing, Honey. Just..." hindi niya malaman kung ano isasagot. Nanatiling nakatingin lang sa kanya si Krystel at hinihintay ang kanyang paliwanag sa inaasta niya. "Are you...." hindi na nito natapos ang sasabihin ng makarinig sila ng matinis na tinig. "Mommy!" tuwang tuwang sigaw ng panganay niyang anak na si Kryzshel. Tumatakbo itong lumapit sa kanila at sinunggaban ng yakap ang ina nitong halos dalawang buwan din nitong hindi nakita. Para siyang nabunutan ng tinik ng makita ang anak, dahil dito na rin natuon ang buong atensyon ni Krystel. Parang naging lifesaver niya ang panganay niya ng mga sandaling iyon. Pinagmasdan ni Aidan ang mag inang nasa harapan niya, bakas sa mukha at ngiti ng mga ito ang tuwa sa muling pagkikita ng mga ito. Hindi na rin niya ipinagtaka pa kung wala sa matamis na sandali na iyon ng mag ina ang bunso nilang si Shasha. Hindi lingid sa kanya na malayo ang loob ng asawa sa bunsong si Shasha. Napabuntunghininga siya. Ang tanging gusto lang naman niya ay isang masaya at puno ng pagmamahal na pamilya pero tila napakahirap makamtan ang bagay na iyon sa piling ng asawa. Napailing na lang siya ng binuhat na ni Krystel ang bata at naglakad na palabas dahil marami daw itong pasalubong para dito. Sa isang iglap, nawala na agad sa kanya ang atensyon nito. Hindi man lang ito nagpaalam sa kanya. Napapalatak na napapailing na lamang siya. Tila malabo nang maisalba pa ang kanilang pagsasama kung ganito ng ganito ang pakikitungo sa kanya ng asawa. Nanlulumong napabuntunghininga na lang siya. Inayos ang sarili at kinuha ang gamit upang magtungo sa opisina para asikasuhin ang problema ng kompanya. Palihim na sinulyapan ni Krystel ang paalis na sasakyan ng asawa. Hindi man nito sabihin kung saan ito pupunta ay alam pa rin naman niya. Napabuntung hininga siya at kinimkim ang guilt na bumabalot sa puso ng mga sandaling iyon. Pero hindi nakaligtas sa pakiramdam niya ang kakaibang kilos nito. May nabago ba sa loob ng halos dalawang buwang wala siya sa tabi ng asawa niya? Naudlot ang kanyang pagtataka ng marinig ang tuwang tuwang tinig ng anak. "Mommy, is this for me?!" excited na wika nito habang ipinapakita sa kanya ang dress na binili niya para dito. "Yes, honeybub. Do you like it?" nakangiting tanong niya sa anak. Nangingislap ang mga mata nitong sinisipat ang magandang dress na binili pa niya ng Europe. "Yes, Mommy. I love it! Thank you," tuwang wika nito saka niyakap siya ng mahigpit. Natatawang hinaplos niya ang ulo ng anak. Nakita niyang dumaan si Jaezelle, karga ang bunso nilang anak ni Aidan. "Yaya Jaezelle," tawag niya dito. Napalingon ito sa kanya pati si Shasha na nakapulupot ang braso sa leeg ng yaya nito. "Y-Yes, Ma'am?" magalang na sagot naman nito sa kanya. "Bring Shasha here, I have something for her," utos niya saka tinungo ang isa pang maleta na hindi pa nabubuksan at may kinuhang paper bags doon. Sumunod naman ang yaya nito at ibinaba ang batang karga nito. Inudyukan pa nitong lumapit sa kanya ang paslit bago nag aalangang lumapit ang bata sa kanya. "Here's yours, Sha," wika niya saka iniabot sa bata ang isang malaking paper bag na may lamang barbie toys. Nanlaki sa tuwa ang mga mata nito ng makita ang inaabot niya. "Barbie!" excited na bulalas nito saka niyakap ng malilit na braso nito ang malaking paperbag. "Thank you, Mommy," nakangiting wika nito sa kanya. Ngiti lang ang isinagot niya sa bata saka iniabot pa ang ibang paper bags para dito sa yaya nito. Isang bag para sa mga damit, snacks at tsokolate, at ang huli ay sapatos at sandals. Paglapit ni Yaya Jaezelle upang abutin ang mga pasalubong ni Shasha ay parang nakaamoy siya ng mabango at medyo pamilyar na amoy, pero agad ding nawala. Nagtataka tuloy siya kung guni guni niya lang iyon o baka dala lang ng hangin. Palihim niyang sinulyapan ang dalagang yaya at matamang sinuri. Maganda ito at seksi pa. Kung may laman siguro ang utak nito ay pwedeng pwede itong pambato sa mga beauty pageant at may pag asa ito sa Ms. Universe. Sa ganda at alindog nito, imposibleng walang lalaking nagtatamasa sa babaeng ito, lalo't may bahid ito ng pabango ng lalaki, kung hindi siya nagkakamali sa nahagip na amoy ng lumapit ito. "Get out of here na, Pimp. You have yours na," mataray na taboy ng panganay niya sa bunso at iningusan pa ang pobreng paslit. Hindi na rin siya nag abala pang sawayin ito dahil siya sa mood. "You can go. And Yaya Jae, this is yours," wika niya sabay abot ng isang paperbag na may lamang mga tsokolate. Palihim siyang napailing na lamang ng maamoy muli rito ang bahagyang pabangong panlalaki. "Thank you, Ma'am," mahinang usal nito, at tango lang ang ibinalik niyang sagot dito. Hinawakan nito sa kamay si Shasha at inakay na palabas ng silid. "Bye, Mommy," paalam pa sa kanya ng bata. Bahagya niyang hinabol ng tingin ang dalagang yaya. Hindi niya mawari pero parang may kakaiba sa presensya nito. Tila ba inaagaw ng presensiya nito ang atensiyon niya sa hindi naman niya malamang kadahilanan. Napapailing na binalewala na lang niya ang kung anumang nararamdaman, at minabuting ipukol na lamang iyon sa anak niyang tuwang tuwang nagbubukas ng mga pasalubong. Umupo siya sa tabi nito at kuntentong pinagmasdan ang bata. Inabot niya ito saka niyakap ng mahigpit at hinalikan ito sa noo. "Why, Mommy?" takang tanong nito na nakatingin na sa kanya. "Nothing, my baby. I just miss you so so much," nakangiting tugon niya sa bata. "Oh, then stop leaving us here and going on somewhere we don't even know," sagot nito. Natawa siya sa tinuran nito at hinaplos ang pisngi nito. "I would, if I could," malungkot na wika niya saka nagpakawala ng buntung hininga. "I just can't abandon my work, baby," dugtong pa niya. Tumitig sa kanya ang bata at tila nag iisip bago sumagot. "Then make your leaves as short as possible, Mommy." "I will, baby. Next time, I promise," pangako niya dito. Natawa siya ng niyakap nito ang leeg niya. "I love you, Mommy," malambing na wika ng anak. "I love you, too, my baby," buong pusong tugon niya sa anak. Pakiramdam ni Jaezelle ay tila isinalang siya sa silya eletrika habang nasa loob ng room at kaharap ang among babae. Pakiwari niya'y mailuluwa na niya ang puso niya dahil sa matinding pagkabog niyon dulot ng nerbiyos at takot. Pinilit lang niya ang sariling lakasan ang loob at kumalma para umaktong normal sa kabila ng takot na bumabalot sa kanya ng nakalipas na sandali. Dalangin niya na sana naman ay wala itong nahalata habang kaharap niya ang asawa ni Aidan kanina. Sana lang. Dahil hindi niya alam kung paanong haharapin ang gusot na pinasok niya. Pasimple siyang humugot ng malalalim na paghinga upang pakalmahin ang pusong hanggang ngayon ay malakas pa rin ang t***k dala ng nerbiyos at takot. "It's so pretty, Mizhe," pukaw sa kanya ng matinis na tinig na puno ng saya at excitement. Hawak ni Shasha ang Barbie Dolls na pasalubong dito ng ina galing Europe. Ipinapakita nito sa kanya ang malaking box na yapos yapos nito at tila ayaw nang pakawalan. Lumuhod siya at nakangiting hinarap ang paslit na nagniningning sa tuwa ang mga mata. Maging siya ay nahahawa sa sayang nararamdaman nito kaya nababawasan ang tensiyong namumuo sa puso ng mga sandaling iyon. "Happy?" nakangiting tanong niya. Nakangiting tumango ito. "Mommy gave me pasalubong, Mizhe." Parang may kumurot sa puso niya sa binanggit nito. Masayang masaya ito hindi dahil sa nagustuhan nito ang binigay ng Mommy nito, kundi dahil sa wakas, meron nang pasalubong para dito. Sa pagkakataong ito ay naalala naman ito ng ina at nagawang bilhan ng para dito. Lagi na kasi sa tuwing mag a - out of town ito ay laging si Kryzsha lang ang naalala nitong pasalubungan ng sandamakmak na kung anu ano, samantalang ang bunso ay walang para dito. Madalas na'y inaabutan lang ito ng kung anu anong mapulot ng ina sa mga ikinalat ng panganay. Nakangiting hinaplos niya ang pisngi nito. "Yes. Mommy brought pasalubong for you. Wanna play with them?" Tumango ito. Muli niyang kinuha ang kamay nito at inakay ito pabalik ng playroom nito. Ikukuha na lang niya ito ng snacks na naudlot dahil tinawag nga ng ina. Napangiti siya habang pinakikinggan ang bata sa mga pinagsasabi nito. Halata ang sayang nasa puso nito habang binabagtas nila ang playroom nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD