KABANATA 13

1818 Words
"Anong meron?" nagtatakang pasimpleng bulong ni Karen sa kasamahang si Sonya. Pasimple ring nagkibit balikat ang tinanong at palihim na sinulyapan ang among babae na abalang abala sa pagluluto ng hapunan para sa pamilya nito. "Parang may nangyaring milagro," mahinang usal ni Sonya at kunwa'y patay malisyang nagpatuloy lang ito sa paggagayat ng gulay na ilalahok ng amo sa niluluto nitong putahe. Nakakapanibago, dahil tila sinapian ng kung sinong anghel ang among babae at umuwi itong pagkabait bait at tila naging priority nito ang pamilya. Ipinagluluto pa nito ang pamilya, at tila mayroong fiesta sa daming putaheng pinagkakaabalahan nito. "Yaya, paabot ako ng isang spatula pa," utos sa kanila ng amo at agad na sinunod ito ni Karen habang dali dali nang tinapos ni Sonya ang mga ginagayat saka hinugasan na. Mahirap na, baka biglang magbago ang timpla nito. Si Nanay Carrie naman, tahimik na tumutulong sa tabi ni Ma'am Krystel, pero mapapansin ang manaka naka at pasimpleng pagsulyap nito sa among katabi. Naging abala sila sa pag assist sa among babae at nang matapos ay hinubad na nito ang suot na apron at basta na lang inilapag sa kitchen counter. "Palabas na nang mga ito, paayos na rin sa table," utos nito matapos muling sipatin ang mga niluto at ng makuntento ay lumabas na ng kusina at tinungo naman ang dinning at doon naman nag ayos. Pasimpleng lumapit ang dalawa kay Nanay Carrie na tahimik na inihahanda ang mga putaheng dadalhin sa dinning. "Nanay Carrie," mahinang tawag ni Karen sa matanda. Nagtatakang lumingon naman sa kanila ang matanda. "Bakit?" tanong ni Nanay Carrie sa dalawa. "Ano hong meron?" tanong ni Sonya. "Merong ano?" patay malisyang balik tanong ni Nanay Carrie. "Nay, naman eh. Dito, o, ayan o," wika ni Karen, iminuwestra pa nito ang buong kusina,ang mga kalat na naiwan at mga gamit na nagamit pati na ang mga putaheng nakahanda nang ihain sa dinning. "O, anong meron d'yan?" tanong pa ni Nanay Carrie at tiningnan pa silang dalawa. "Meron bang ganap? Naexorcist ba si Madam? Naipagamot ba? In short, anong nangyayari? Magugunaw na ba ang mundo kaya ba siya biglang nagbago?" sunud- sunod na litanya ni Karen sa matanda. "Pero in fairness, ha, naalala na niyang may pamilya siyang dapat na inaasikaso at binibigyang importansya," segunda naman ni Sonya habang kumukumpay pa ang mga kamay nito habang nagsasalita. "Korek!" banat ni Karen. " Naaawa na nga ako kay Sir kasi walang nag aalaga sa kanya, parang...." putol nito sa sinasabi saka inikot ikot ang katawan na tila ba nahihiyang dalaga. "Parang... gusto kong ako na lang ang gumanap ng papel ni Ma'am Krystel sa kanya," mahinhing wika nito at nagpabeautyful eyes pa, sabay yuko at nag astang mahinhing dalagang pilipina. Impit na napatili si Sonya sabay hampas sa braso ng kasamahang si Karen. "Hoy, malandi! Aagawan mo pa ako, eh," banat naman nito. "Eeh, ang gwapo kasi ni Sir, frenny. Nakakakilig. Laglag na nga panty ko, eh." Sabay na napakagat labi ang dalawa at napapikit pa na tila nangangarap. "Eeehh!" impit na nagtilian ang dalawa at naghawak kamay pa sabay nagtatalon na parang mga timang sa kusina. Napapailing na napabuntunghininga si Nanay Carrie habang pinapanood ang kalokohan ng dalawang nasa harap niya. Inabot niya ang siyanseng nasa harapan at saka iniumang sa pang upo ni Karen na nasa malapit lang sa kanya saka pinalo ng matunog ang puwetan nito. Sumunod ay kay Sonya naman. "Aray naman,Nanay," nakasimangot na reklamo ni Sonya. Napahawak pa ito sa pang upo. Ang O.A talaga, hindi naman malakas ang pagpalo ng matanda. Pati si Karen ay ganuon din ang mukha. "Kayong dalawa, mamaya na iyang mga kalokohan ninyo. Unahin ninyo muna ang iniuutos ng amo ninyo," kunwa'y galit na sita niya sa mga ito. Nanlaki ang mga mata nito ng maalalang may iniuutos nga pala sa kanila ang amo. Dali dali at natatarantang nagsikilos ang mga ito at inilabas na ang mga pinalalabas sa kanila ng amo. Napapailing na lang na sinundan ng tingin ng matanda ang dalawa. Napabaling naman ang pansin niya sa dalagang pumasok ng kusina. Si Jaezelle. Napansin niyang medyo bagsak ang balikat nito at parang lulugo lugo ito. Tila ba pinagbagsakan ito ng langit at lupa habang naglalakad palapit sa kanya. "Jazelle, anong nangyari? Okay ka lang ba?" alalang tanong niya sa dalagang tila paiyak na ng mga sandaling iyon. Para itong nagulat at biglang nahimasmasan. Tumikhim ito saka ngumiti, pero halatang pilit at bakas pa rin sa mga mata nito ang lungkot. " Wala po, Nanay. Okay lang po ako," tugon nito. At lumapit sa kanya saka tumabi sa kinatatayuan niya. "Si Ma'am Krystel na daw po bahala magpakain kay Shasha," dagdag pa nito. "Ganuon ba? Talaga ngang nagkaroon ng milagro," wika ni Nanay Carrie. "Oo nga po," tugon naman ng dalaga. "O siya, dito ka lang muna para kung sakaling kailanganin ka madali kang makakalapit sa alaga mo," bilin ng matanda sa dalaga. "Opo." "Siya, maiwan muna kita diyan at may aasikasuhin lang ako," wika pa ng matanda saka umalis na at tumungo sa dinning area. Nagpakawala ng mabigat at malalim na buntung hininga ang dalaga at nanghihinang umupo sa may upuan. Doon na lang siya maghihintay kung sakali mang kailanganin nga siya ng alaga. PINASADAHAN ni Aidan ng tingin ang mga nakahain sa dinning table. Puno ng pagtatakang tiningnan niya ang asawang abalang abala sa paglalagay ng pagkain sa plato niya maging sa mga anak nila. Tila isang milagro ding naging mabait at maasikaso ito sa bunso nila na kahit si Jaezelle ay hindi na rin nito pinatulong sa hapag para asikasuhin si Shasha. Saan ba ito nanggaling at pagbalik ay para nang anghel sa bait? Malikot ang takbo ng isip niya at pilit inaarok at tinatanto ang nangyayaring malaking pagbabago sa asawa. "Hon, here," pukaw ni Krystel sa kanya saka nilagyan ng pagkain ang plato niya. "Thank you, " tanging naitugon niya at nagsimula ng kumain. Pasimple niyang sinulyapan si Shasha na mag isang kumakain ngayon, hindi na ito pinatulungan ni Krystel kay Jaezelle at ang asawa na raw ang mag aasikaso dito. Hindi niya maiwasang mamangha habang pinagmamasdan itong pinapakain si Shasha. Hindi niya akalaing pwede pala at kaya nitong gampanan ang responsabilidad kay Shasha. Nakakatuwa ring hindi ito inaaway o inaangilan ng ate nito. Pakiramdam niya'y muling nagkaroon ng kaganapan ang pangarap niyang pamilya habang pinagmamasdan ang kanyang mag iina. Aminado siyang hindi niya maitago ang tuwang unti unting sumisibol sa puso ng mga sandaling iyon. "Is the food okay, hon?" tanong sa kanya ni Krystel habang matiim na nakatitig sa ekspresyon niya. Mababanaag sa magandang mukha nito ang mumunting pangamba sa maari niyang isagot. Nilunok niya ang kinakain saka diretsong tumingin dito. "Yes, honey. It's good," nakangiting sagot niya dito. Tila nakahinga ito ng maluwag sa isinagot niya. Matamis ang ngiting nakaguhit sa mga labi nitong ipinagpatuloy ang kinakain habang inaasikaso ang dalawang bata. Kumuha siya ng chicken teriyaki at inilagay ito sa plato ng panganay nila na paubos na ang ulam. "Thank you, Daddy," masiglang sagot nito. " Daddy, next week is our school foundation day. Are you coming? Mommy's coming too," imporma nito habang nagsusumamong nakatitig sa kanya at inaantay ang sagot niya. Hindi na niya kailangang mag isip o magdecide pa ng kung anu ano, basta school gatherings ay laging okay siya doon. Kahit pa may naka set siyang meeting nu'n ay mas pipiliin pa rin niyang umattend ng mga school gatherings para sa anak. "Of course, sweetheart. Daddy's coming, too," nakangiting sagot niya. "Yehey!" tuwang wika nito. "And Shasha, too," dagdag pa niya. Napasimangot ito. Tumingin ito kay Shasha. "Whatever, pimp," ingos nito sa bunsong kapatid. "I can come, too, Daddy?" paniniguradong tanong pa nito sa kanya. "Of course, baby. It's a family day, so you can come, too," nakangiting paliwanag niya sa bunso. "Yay!" nagniningning sa tuwa ang mga mata nitong napapalakpak pa. "Eat, Sha," turan ng mommy nito habang nakaumang sa bibig nito ang kutsarang may lamang pagkain. Tuwang tuwang sumunod naman ang bata at agad na isinubo ang inaalok ng ina. "All of us should be there because it's a family gatherings, right, Honey?". Nakangiting segunda pa nito na nakatingin at hinihintay ang sagot. "Yes. All of us," nakangiting tugon niya. NAPAKUYOM ang kamao ni Jaezelle at pinipigilan ang damdaming tila pinupukpok ng martilyo sa sakit at kirot na nararamdaman habang palihim na inoobserbahan ang pamilyang buo at masayang nagkukuwentuhan habang naghahapunan. Hindi maiwasan magngitngit ng puso niya para sa among babae. Mariin siyang pumikit para kalmahin ang sarili. Alam niya ang pinasok kaya dapat alam niya kung saan siya dapat lumugar. Pero hindi maiwasan ng puso niyang masaktan sa nakikitang eksena ng pamilya sa hapag. "Oy, Inday, okay ka lang ba?" pukaw ng nag aalalang tanong ni Karen sa kanya. Bahagya pa nga siya nitong tinapik sa braso para pukawin ang atensyon niya. Nagulantang naman siya sa biglang tinig na nagtatanong sa kanya. Napalingon siya at nabungaran ang nag aalalang mukha ni Karen. "Oy, bakit para kang nakakita ng multo, gulat na gulat ka. Okay ka lang ba?" tanong pa nito sabay sapo ng noo niya upang damahin kung sakaling nilalagnat o may sakit siya. "O-Okay lang ako," mahinang naiusal niya. "Sure ka?" panigurado pa nito. Nakangiting tumango siya para maibsan ang pag aalala nito. "Nakakawindang talaga, Inday. Biro mo, halos dalawang buwan nawala si Madam pagbalik ibang tao na. Si Ma'am ba talaga 'yun?" hindi pa rin makapaniwalang kuwento nito. Mapait siyang napangiti. Pilit na nga niyang binubura sa balintataw ang imahe ng masayang pamilya ni Aidan pero talagang ipinamumukha sa kanya ng pagkakataon na wala siyang lugar sa buhay ng lalaki kaya wala siyang karapatang manghihinakit. Napabuntung hininga siya. "Oo nga, eh," pilit na tugon niya. "Maigi na rin yun," dugtong pa ni Karen. "Para maging one big happy pa rin sila." Tila may bumikig sa lalamunan niya. Gumuhit ang pait at kirot sa puso habang binabalot ng guilt ang kunsensiya. Tama. Dapat maging masaya siya, kung hindi man para kay Aidan, ay para na lang kay Shasha. Awang awa siya sa katayuan at sitwasyon nito sa pamilya nito. Mabuti na rin sigurong ganito. Lulunukin na lang niya ang sakit na dulot niyon sa puso niya. "Oy, 'Day,"wika nitong naging pabulong na ang tinig. Tumingin pa ito sa paligid upang masigurong walang ibang makakarinig. "Birthday ni Sonya ngayon. Nang smuggle na kami ng alak at pulutan. Sali ka mamaya, ha?" bulong nito. Natawa siya sa sinabi nito. Akala niya ay kung ano na. Mainam na siguro iyon para kahit panandalian ay makalimot siya sa sakit na unti unting dumudurog sa puso niya. "Sige," pagpayag niya. Napapalakpak pa ito. "Mamaya pag tapos ng trabaho natin. Doon tayo sa quarters natin," bilin pa nito saka nagpaalam na para ayusin ang hapag kainan. Napailing na napangiti na lang siya. Tumayo na rin siya upang asikasuhin naman ang alaga niya. Doon daw ito matutulog sa master's, kasama ng pamilya. Napabuntung hininga na lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD