KABANATA 14

2285 Words
"Mizhe, sleep with me, please?" malambing na pilit pa ni Shasha sa kanya. Tapos na niya itong linisan at nakapantulog na. Sinusuklayan niya ang mahabang buhok nito habang nakatayo ito sa upuan at kinakalikot ang rubik's cube na bigay dito ni Kenneth. Napabuntung hininga siya. Hinawakan ang maliit nitong baba saka marahang pinisil. Napahagikhik ang bata dahil sa ginawa niya kaya hindi rin niya napigilang mapangiti sa paslit. "I'm sorry, Sha, but I really can't," malungkot na tugon niya rito. Alam niya kung bakit nagpupumilit ang bata na tabihan niya ito sa pagtulog nito sa master's at wala naman siyang magawa para ibsan ang pangamba nito. "What if mommy and ate bully me?" naluluhang wika nito. Nakatitig pa sa kanya ang inosenteng mga mata nito na tila humihingi ng saklolo. "No, they won't na," pagbibigay assurance niya sa bata. Maging siya man ay nag aalangan, pero ano bang magagawa niya? Yaya lang siya ng bata. Mommy pa rin nito ang masusunod sa kung ano man ang gustuhin nito para sa bata. "Will Daddy be there?" tanong pa nito. Biglang may bumikig sa lalamunan niya dahil sa tanong ng bata. Kani - kanina lang ay nakatanggap siya ng message mula kay Aidan na magkita sila kahit saglit. Nakokonsensiyang napaiwas siya ng tingin sa bata at pilit inabala ang sariling ayusin ang buhok ng bata. "Mizhe, will Daddy be there?" ulit pa nito. "Y-Yes, Sha. H-He'll be there of course," nabubulol na pagsisinungaling niya sa bata. Gumuhit ang tuwa sa mukha ng bata at nawala ang bahid ng anumang pangamba at pag aalinlangang nakapinta sa mukha ng bata. Mapait ang ngiting sumilay sa mga labi niya habang pinagmamasdan ang batang punung puno ng kagalakan ang maamong mukha. Kaya ba niyang sirain ang saya at pag asa nitong muling mahalin at mapahahalagahan sa sariling pamilya nito? Alam na alam niya ang pakiramdam na mabalewala sa sariling pamilya, kaya hindi siya dapat magbulag bulagan sa nararamdaman at sitwasyon ng batang nasa harapan niya. Maayos niyang ibinalik ang suklay nito sa lagayan at marahang inakay ang paslit papunta sa master's bedroom. Pagdating nila doon ay naabutan nilang nagtatawanan si Ma'am Krystel at Kryzshel, kasama si Aidan na natatawa din habang pinagmamasdan ang kulitan ng mag ina sa harapan nito. Parang may sumuntok sa puso niya sa nabungarang eksena. "Oh. Here you are, Sha. Come," nakangiting aya dito ng Mommy nito. Lumapit si Ma'am Krystel sa kanila at kinuha sa kamay niya ang palad ni Sha saka iginiya papasok. "Thank you, Yaya," tugon nito sa kanya saka muling binalikan ang mag aama nitong naglalaro ng puzzles. Pakiramdam niya'y bumagsak ang mundo sa mga balikat niya ng isara ng among babae ang pinto. Ni hindi rin lang lumingon sa kanya si Aidan habang nakikipaglaro sa anak. Mapait siyang napangiti at pinigilang pumatak ang luhang nagbabadyang tumakas sa mga mata niya. Sa eksenang nabungaran, aminado siya bagama't hindi niya matanggap. Hindi pa man nagsisimula ang laban pero talo na siya. Wala siyang laban at lalong wala siyang lugar kung itatapat sa kanya ang pamilya ni Aidan. Napakagat labi siya at humugot ng malalalim na paghinga para ibsan kahit papaano ang kirot na bumabalot sa puso. Mabibigat ang mga hakbang na lumayo na siya sa pinto ng master's dahil lalo lamang binabasag ng malulutong na tawanan sa loob ang puso niyang labis na nasasaktan ng mga sandaling iyon. "Hoy!" malakas na tinig ni Karen ang biglang sumulpot sa harapan niya habang binabagtas niya ang daan papunta sa quarters nilang mga kasambahay. "Saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap. Aba! Ikaw na lang ang kulang. Tara na! Sayang ang oras!" nagmamadaling salubong sa kanyan ni Karen. Nagulat pa nga siya dahil sa biglang sulpot nito sa harapan niya. Naalala niyang may plano nga pala silang inuman dahil birthday ni Sonya. Hindi pa siya nakakapagsalita ay bigla na lang siyang hinila nito papunta sa maid's quarters nila, nagmamadaling pumasok sabay sara ng pinto. Namangha siya ng makita ang loob ng quarters nila. "Paano niyong naipasok lahat ng iyan?" gulat na tanong niya habang pinapasadahan ng tingin ang mga alak, handa, at dekorasyong nakaayos sa gitna ng kwarto. "Siyempre, kami pa ba?" nagyayabang na sagot ni Karen. "O, simulan na natin," aya sa kanila ni Nanay Carrie. "Tatagay din kayo, Nanay Carrie?" hindi makapaniwalang tanong ni Sonya. "Aba! Kayo na ang bahala sa alak at bawal na ako diyan. Sa pagkain lang ako," sagot ng matanda. "Happy birthday, Sonya," bati pa ng matanda sa may kaarawan. "Salamat ho, Nanay," nakangiting sagot ni Sonya. "Kain na tayo," pag aaya nito sa kanila. Sila silang magkakasama lang naman ang dumalo sa kaarawan nito, pati na ang dalawang driver nila. Mapait siyang napangiti, ito ang kailangan niya ngayong mga oras na ito. Mga kasama at alak. Gusto niyang limutin at lunurin kahit panandalian ang sakit na nilalabanan at dumudurog sa puso niya. PALIHIM na tumingin si Aidan sa relo niya at mahinang napamura ng makita ang oras. Mag aalas dose na ng gabi. Kakatulog pa lang ng mga bata dahil naglaro pa sila ng kung anu ano at gising pa ang asawa. Nagtext siya kay Zae na gusto niya itong makita at plano niyang ilabas ito para kumain silang dalawa. Hindi naman siya makaalis alis at iwanan ang pamilya niyang tuwang tuwa ng nagdaang sandali. Isang malaking palaisipan din sa kanya ang biglaang pagbabago ng asawa. Bagama't natutuwa siya, may parte naman ng pagkatao niya ang nangangamba. Pangamba para sa kanila bi Jaezelle. Mahal na niya ang dalaga at hindi niya kayang iwanan at pabayaan na lang ito. Napabuntung hininga siya saka tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Siya na ang nagpatulog sa dalawang bata. Inayos niya ang unan at kumot ng dalawa bago siya lumayo sa kama at pumasok ng bathroom upang ayusin ang sarili bago makipagkita kay Zae. "Where are you going, Love?" nagtatakang tanong sa kanya ni Krystel ang bumungad sa paglabas niya ng bathroom. "Oh, hey," nagitlang bati niya sa asawa. "I'm going out for a while," patay malisyang tugon niya saka binaling ang atensyon sa pagtutuyo ng buhok. Isinabit niya ang tuwalyang ginamit saka tumungo sa vanity table niya at kumuha ng suklay. Inayos ang buhok, nagpahid ng face cream, at nagpabango ng bahagya. Habang kumikilos ay pilit niyang kinakalma ang sarili sa harap ng asawa. Ayaw niyang mapuna nito ang bahagyang pagmamadali at pananabik sa bawat kilos niya. "But it's already late, Love," tugon naman nito at pumunta sa likuran niya. Nagulat siya at hindi inaasahan ang ginawa ng asawa pagpunta nito sa likuran niya. Pakiwari niya'y may gumapang na kung ano sa buong pagkatao niya na binalot siya ng kilabot at pagkaasiwa na hindi niya maipaliwanag. Maging siya ay nagulat sa naging reaksyon niya sa yakap ng asawa. Ilang saglit ang lumipas ay marahan siyang kumawala sa bisig ng asawa. Umakto siyang abala sa ginagawa. "I'm going," tila balewalang paalam niya lang sa asawa. "Hon, I love you," masuyong wika nito. Napatigil siya sa paghakbang at tila napako sa kinatatayuan. Tila nablanko ang utak niya sa narinig mula sa mga labi ng asawang matagal ng nanlamig sa kanya sa dahilang hindi niya malaman at maunawaaan. Hindi siya makaimik, pakiramdam niya'y may malaking bagay ang nakabara sa lalamunan niya at nakadagan sa dibdib niya. Masakit, mabigat at pinahihirapan siyang huminga. Mariin siyang napapikit at dahan dahang kinalma ang pusong tila sasabog sa emosyong hindi niya lubos maipaliwanag at maunawaan ng mga sandaling iyon. "I have to go," malumanay pero nasa tono niya ang tigas sa sinabi. Hindi na siya nag abala pang sagutin ang sinabi nito at nagmamadaling lumabas ng kwarto. "Take care, Hon," habol pa nito. Pinigil niya ang sariling hindi maibagsak ang pinto paglabas dahil ayaw niyang magsimula ng anumang gulo at away, isa pa'y nahihimbing na rin ang mga anak niya. Nagpakawala ng marahas na pagbuga ng hangin at nanggigil na napahilamos na lang siya ng mukha. Humugot siya ng malalalim na paghinga upang kalmahin ang damdaming gustung gusto nang sumabog ng mga sandaling iyon. Kailangan niyang ibaling sa iba ang atensyon niya para hindi siya masiraan ng bait. Kailangan niyang kumalma at isang mukha ang lumitaw sa balintataw niya. Ang maganda at maamong mukha ni Jaezelle. Tila bulang unti unting naglaho ang sakit at hinanakit na nasa dibdib niya ng masilayan sa isip ang dalaga. Napuno ng pagkasabik ang puso niya lalo't may plano silang magkita. Inayos niya ang sarili, at nang mahimasmasan ay agad naglakad upang tunguhin ang tagpuan nila ng dalaga. HINDI mapigilan ni Jaezelle ang mapaiyak habang pinakikinggan ang kwento ni Sonya. Pakiramdam niya'y may sumusuntok na katotohanan sa puso niya pero pilit lang niyang isinasawalang bahala at nagbubulag bulagan. Silang tatlo na lang ang naiwan at patuloy na nag iinuman habang nagkukuwentuhan. Nailigpit na rin ang mga ginamit nila, maliban sa nasa harapan nilang iniinom nila. "Ganun na nga, nagkabukingan at doon ko din nalaman yung totoo," gumaralgal ang tinig ni Sonya. Halatang pinipigil ang mapahagulhol sa sama ng loob. "Ako pala ang kabit, kasal kasalan lang pala 'yung naganap sa amin. 'Yung- 'yung tuwing magpapaalam siya na pupunta na siyang trabaho, 'yun ang time naman nakalaan sa una niyang pamilya. Akala ko'y nasa trabaho siya, nandu'n siya sa piling ng una niyang pamilya," mapait na wika nito. Bakas naman sa mukha nila ni Karen ang lungkot at pakikiramay sa nangyari sa buhay nito. Tahimik lang silang nakikinig sa mahinahong pagkukuwento ni Sonya ng buhay nito. Manaka naka rin ay nagpupunas sila ng luha ni Karen. Tumunog ang chat notifications ng cellphone niya pero binalewala lang niya iyon. Mas pinagtuunan niya ng pansin ang pakikinig at pakikiramay sa katrabaho na isa na rin niyang kaibigan. Uminom muna ito ng alak nito bago ipinagpatuloy ang pagkukwento. "Akalain n'yo 'yun, may pamilya siyang pang umaga at meron panggabi," pumapalatak na wika pa nito habang nakangiti saka tinungga ang alak nito. Nasa tono nito ang pait sa nangyari. "Ganu'n na ba talaga ang mga lalaki ngayon, mahirap pagkatiwalaan sa panahong ito? Sila na nga 'yung may kasalanan, ikaw pa ang babaliktarin. Makakapal na mukha nila ngayon, bes," pampalubag na payo naman ni Karen dito. Siya naman ay tahimik na nakikinig lamang, habang matamang nag iisip ng mga bagay bagay sa buhay niya. "Pasalamat na lang ako, kasi ang anak ko ang umahon sa akin sa dusa. Sa murang edad niya, naintindihan na niya ang sitwasyon namin," wika ni Sonya. "Minsan, hindi ko rin maiwasang mapaiyak kapag naiisip ko sitwasyon ng anak ko sa probinsya. Kahit hindi iyon magsabi, alam kong masakit sa kanya nangyari sa amin. Lalo pa't nakakasalubong niya tatay niya dun, ni hindi sila nagpapansinan. Parang estranghero sila sa isa't isa. Ang masaklap pa, araw araw silang nagkikita pero ni hindi man lang nagkikibuan." "Kaya kayo," wika nito habang seryosong nakatingin sa kanilang dalawa ni Karen. "Huwag kayong basta basta nagpapaniwala sa mga lalaki. Kilalanin niyo munang maigi, kasi ang lalaki, basta nakatali na 'yan, wala na iyang isang salita. Kahit pa sabihing hindi niya mahal ang asawa, kesyo hindi na siya masaya, tandaan ninyong walang kayo. Panakip butas ka lang o kaya'y takbuhan kapag may problema," mapait na wika ni Sonya sabay lagok ng alak. Tila sinikmuraan siya sa sinabi nito. Alam niya sa simula pa lang ang sitwasyong pinasok niya, at matagal na niyang itinatak sa utak kung ano ang meron sa kanila ng amo. Panandaliang ligaya sa mga bawat nakaw na sandali at hindi na siya naghangad pa ng iba. Pero sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay nahulog naman ang puso niya sa lalaki. Alam niya isang malaking gulo at problema iyon, lalo't habang tumatagal ang relasyon nila, ramdam niyang palalim ng palalim ang maling damdamin niya para dito. Mapait niyang nilagok ang alak na nasa baso niya, at hinayaang magkwentuhan sila Karen at Sonya habang siya ay nakikinig at naglalakbay ang diwa sa sitwasyon kinalagakan niya. Naubos nila ang dalawang litrong bote ng alak at halos hindi na makatayo sa kinauupuan sila Karen at Sonya. Siya naman, bagama't ramdam niya ang malakas na tama ng alak sa kanya ay buhay na buhay pa ang diwa at katawan niya. Dala marahil ng mabigat na problemang dala dala niya. "M-Machulog na chayo," nabubulol pang aya ni Karen sa kanila, dahan dahan itong tumayo, kamuntikan pang matumba pero agad ding nakahawak sa upuan at gegewang gewang na tumungo sa kwarto. kasunod nito si Sonya na halos gumapang na rin sa kalasingan. Hindi niya napigilang mapahagikhik sa hitsura ng dalawa. "Ssirra ka,, Chae," pikong turan ni Karen kahit ito naman ay napapahagikhik naman. Napalatak siya, at iniwan na lang nila ang mga pinag inuman nila, wala na silang lakas at sa tamang huwisyo para ayusin pa iyon. Kinuha niya ang cellphone niya, at natigilan ng makita ang screen niyon. Napakadaming messages at missed calls galing kay Aidan. Natampal niya ang sariling noo ng mabasa ang isang message nito. Kanina pa niya napapansing may tumatawag sa kanya pero ininda niya lang at mas pinagtuunan ng pansin ang inuman at kwentuhan nila. "C-Chae, 'di ka pa maxhuloog?" tawag sa kanya ni Sonya. "Sunod ako, may... may titingnan lang ako," parang tinatambol ang t***k ng puso niya sa lakas ng kabang nararamdaman niya, idagdag pa ang epekto ng alak sa sistema niya. Hinintay muna niyang makapasok ang mga ito sa kwarto, nang maksigurong nasa loob na ang mga ito ay saka siya tumayo. Napakapit siya sa mesa ng pakiramdam niya'y umiikot ang paningin niya, epekto ng alak na ininom niya. Ini steady muna niya ang sarili saka dahan dahang humakbang patungong pintuan. Napailing na lang siya ng gumegewang ang mga hakbang niya. Hindi na siya nagsumikap na ayusin pa ang mga hakbang, mas excited siyang makita ang lalaki lalo't kanina pa pala ito naghihintay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD