"What's taking her so long?" hindi maiwasang masabi ni Aidan habang hinihintay na sagutin ni Jazelle ang tawag niya. Nakakailang tawag na siya pero hindi ito sumasagot kahit maging sa text niya. "Akala ko ba'y magdidinner kami?" Sinilip niya ang daan, ang paligid ng sasakyan niya pero wala ni anino ng dalaga siyang makita.
Nang hindi pa rin nito sinagot ang tawag niya ay nagmamadali na siyang bumaba ng sasakyan at tinungo ang bahay niya. Ilang kilometro din ang layo ng sasakyan mula sa bahay niya dahil hindi naman niya pwedeng hintayin sa harapan mismo ng bahay niya ang dalaga.
Pasimple muna siyang sumilip sa loob ng guardhouse at nakahinga ng maluwang ng makitang tulog ang guwardiya.
Marahan siyang pumasok sa maliit na gate at iniwasang makagawa ng anumang ingay na maaaring makagising sa guwardiya, at nagmamadaling naglakad papuntang likuran ng bahay niya kung saan nakatirik ang maid's quarter.
Naestatwa siya ng makita ang dalagang nagmamadaling maglakad, sumusuray ang lakad at halos magsalubong ang bawat hakbang nito. Napabuga siya ng hangin ng matanto ang kalagayan nito.
Napatakbo siya sa dalaga ng makitang natalisod ito at bago pa man ito bumagsak ay nasalo na niya ito. Napapikit siya ng tumama sa mukha niya ang hininga nitong humahalimuyak sa tapang ng alak.
"Zae," angil niya dito. "You're drunk, again," matigas ang tinig na puna niya sa dalagang nakakapit ng mahigpit sa braso niya. Paano'y kakainom lang nito ng alak ng nakaraan, ngayon ay lasing na naman ito.
"S-Shorry, birthday kasi ni Sonya, nagkayayaan," sumisinok na tugon nito. Ipinulupot nito ang braso sa leeg niya para suportahan ang sarili nitong hindi matumba.
Napabuntung hininga siya. "I've been calling since earlier. I'm waiting outside for like an hour or so already, you should have chat back at me and told me about it," may bahid ng tampo at inis ang tinig niya na tugon niya sa dalaga.
"Sorry, Sir, sorry talaga. N-Nawala sa isip ko. Saka i-isa pa naawa ako kay Shasha, natatakot siyang maiwang mag isa habang kasama ang mommy at ate niya," nagkakandautal na paliwanag nito.
Parang may sumuntok sa dibdib niya sa narinig na paliwanag nito. Hindi lingid sa kanya ang sitwasyon ng bunso niya pagdating sa mommy at ate nito. Napabuntung hininga siya at niyakap ang dalaga.
Nawalang bigla ang inis at tampong nararamdaman niya ng mga sandaling iyon ng marinig ang sinabi nito. Basta talaga pagdating sa mga anak niya ay agad na lumalambot ang puso niya.
"Thank you, Zae, for understanding and taking good care of my youngest, thank you so much," marahan at puno ng alab na nausal niya sa dalaga.
"I-It's okay lang sir, trabaho ko naman yun, e," tugon nito habang nakayakap sa leeg niya.
"Anyways, dahil lasing ka na naman," nanlalaki ang mga matang tinitigan niya ang namumungay ng mga mata nito. "You should go and take a rest, love," kinintalan niya ito ng magaang halik sa labi nito.
Hindi niya napigilang mapapalatak sa hitsura ng dalaga. Anumang oras ay babagsak na ito dala ng kalasingan.
"Let's go," aya niya at iginiya ito pabalik sa quarter's ng mga ito.
"No need na, Sir," tanggi ng dalaga.
"I insist, sa lagay mong 'yan, baka kung saan saan ka pa mapunta niyan," giit niya rito, bakas sa mukha niya ang pag aalala dito.
"Sir," mahinang usal ni Zae kanya habang naglalakad sila.
"Hmm?"
"Bumalik na si Ma'am Krystel."
"Yes, I know that."
"I-I think, k-kailangan na nating tigilan ito?" Bagama't mas lalo pang humina ang tinig nito ay hindi pa rin nakaligtas sa pandinig niya ang sinabi nito.
Napatigil siya, at maingat na hinarap ang dalaga at hinawakan ang palad nito.
"Zae, we'll figure it out, okay?" mahinahong tugon niya rito at pinisil ng bahagya ang palad nitong hawak niya. Gusto niyang bigyan ito ng assurance kahit papaano.
"Figure ang alin, Sir? 'Di ba usapan natin titigilan na natin kapag nakakahalata na?"
"Nahahalata na ba tayo?" tanong niya dito.
"Hihintayin pa ba nating mangyari 'yun, Sir? Ibang iba na si Ma'am ngayon, dapat masaya ho kayo."
Mariin siyang napapikit sa tinuran nito. Nagbalik sa alaala niya ang mga tagpo ng buong maghapon hanggang gabi. Maging siya ay walang kaalam alam sa kung anong naging dahilan ng biglaang pagbabago ng asawa. Isang buwan ito sa Australia, pero pagbalik ay parang ibang tao na ito.
"Look, Zae, kahit ako man ay naguguluhan din. I have no freaking idea what happened nor how the hell did it happened," tugon niya sa ipinahihiwatig ng dalaga.
Napasapo siya ng noo. "Let's talk about it when you're sober, okay?" pag iwas niya sa sa isyu nila.
"P-Pero..."
"Please?" pagmamakaawa niya.
Napabuntung hininga ito sabay tango.
"Thank you, love," nakahinga siya ng maluwag sa pagsang ayon nito. "Let's go, you need to rest, love," muli niyang akay na sinunod na lamang nito. Napahigpit ang kapit niya sa palad nitong hawak hawak niya ng matalisod na naman ito at muntik nang masubsob kung hindi niya hawak ito.
"Damn," at walang sabi sabing binuhat ito.
"S-Sir," impit na hiyaw nito. "Baka may makakita sa atin," halata sa tinig nito ang kaba.
"Then stay still and be quite, love. Para walang makarinig sa atin," tugon niya saka binilisan ang hakbang. Wala na siyang tiwala pang paglakarin ito at baka kung ano pang mangyari lalo't wala na sa ayos ang hakbang nito.
Nang makarating sila sa harap ng pinto ng quarter nito ay dahan dahan niyang binaba ang dalaga at tinulungang makatayo ng maayos.
"Goodnight, love," bulong niya rito at kinintalan ito ng halik sa labi.
"G-Goodnight ," nahihiyang tugon ng dalaga.
Hinintay na muna niyang makapasok ito sa loob bago siya tumalikod at umalis.
Mabibilis ang mga hakbang na tinungo niya ang gate. Pupunta na lang muna siya sa sa kaibigang si Kevin at duon magpalipas ng ilang oras bago muling umuwi.
Maingat ang mga hakbang ni Krystel habang naglalakad patungo sa balkonahe ng living room sa second floor ng mansion nila. Hindi siya makatulog at binabagabag ang diwa niya. Gusto niyang sumagap ng hangin para payapain ang sarili.
Nagpakawala siya ng malalim na buntung hininga. Hindi niya alam kung anong meron, pero hindi siya mapakali. Ramdam niyang may nag iba sa asawa niya pero hindi naman niya mawari. Pero hindi naman niya ito masisisi. Malaki din naman ang pagkakamali at pagkukulang niya dito hindi lang bilang asawa kundi pagiging sa nanay na rin ng mga bata. Kaya ngayon, kailangan niyang bumawi at ayusin ang sitwasyon nilang pamilya.
Tumanaw siya sa harding nasa baba at laking gulat niya ng may makitang tagpong hindi niya inaasahan.
Doon sa tabi ng mayabong na puno ng mangga, napapalibutan ng malalagong halaman ay nakita niya ang asawa niya, yakap nito sa balakang ang isang babae, nakapulupot naman ang mga braso ng bababe sa leeg ng asawa niya habang naghahalikan ang dalawa.
Nahigit niya ang kanyang hininga at tila napako siya sa kinatatayuan. Pakiramdam niya ay tinakasan siya ng kanyang lakas at tila nablangko ang kanyang utak sa nakikita. Nasapo pa niya ang dibdib para alalayan ang pusong tila unti unting dinudurog ng masakit na tagpo nakikita niya.Sa kadiliman ng hardin ay nakikita niya ang asawang may kayakap at kahalikang ibang babae. Animo'y walang pakialam sa paligid ang mga ito kahit pa nasa pamamahay niya ito. Tila ba balewala sa mga ito kung may makakita man sa ginagawang kahalayan ng mga ito sa bakuran ng kanyang pamamahay.
Mariin siyang napapikit at pilit kinalma ang sarili. Ilang saglit siya sa ganuong estado para pakalmahin ang sarili. Pagmulat niya ay muli niyang tinanaw ang hindi kaaya ayang tagpo ngunit napamulagat naman siya ng wala siyang makitang anino ng kahit na sino man duon. Tanging mga halaman at bulaklak lamang ang naroon na payapang umiindayog, sumasabay sa marahang pagkampay ng hangin. Wala ni anumang bakas ng dalawang aninong kanina lang ay nakita niya sa gitna ng halamanan.
Napalunok siya. Guni-guni lang ba niya iyon? Pero tila totoong totoo ang natanaw niya kanina. Nilibot niya ang tingin sa buong hardin sa pagbabakasaling nagtatago lamang ang ito dahil nakita siyang nakatanaw. Pero tila pakiwari pa niya'y tinutukso pa siya ng mga halamang marahang umiindayog sa simoy ng hangin.
Tumalikod siya at nagmamadaling bumaba para puntahan ang hardin, kailangan niyang makasiguro. Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa kanya paglabas niya. Wala siya makitang kahit na sinong naliligaw doon ng mga sandaling iyon.
Napasinghap siya ng maalala ang babaeng kayakap ng asawa. Isang babae lang ang naglalaro sa utak niya ng mga sandaling iyon. Walang pagdadalawang isip na tinungo niya ang daan papuntang maid's quarter. Si Jaezelle, ang yaya ng bunsong anak niya. Kahit katulong lang ito ay hindi niya itatangging may angking kagandahan ito at alindog. Imposibleng hindi maakit dito ang asawa lalo't matagal nang walang namamagitan sa kanila. Sobrang tagal na hindi na rin niya matandaan kung kailan ang huling lambing at siping nila. Napakagat labi siya ng marealize niya ang bagay na iyon. Ang pinakaimportante bagay sana sa pagitan nila bilang mag asawa.
"No. Oh, God, please no," mangiyak ngiyak na dasal niya. Lumingon siya sa isang lugar na tanging nasa sulok ng hardin. Maingat niyang tinunton ang maid's quarters habang abut abot hanggang langit ang kabog ng dibdib niya.
Kakayanin kaya niya? Pero kailangan niyang lumaban para sa mga anak. Hindi siya papayag na masira ang pamilya niya.
Mariin siyang pumikit at huminga ng malalim bago dahan dahang pinihit ang seradura ng pinto. Tumambad sa kanya ang nagkalat ng mga baso at bote ng alak, may mga plato pang may tira tirang pagkain. Hindi maikakaila ang naganap na inuman sa loob. Humakbang siya papunta sa kwarto ng mga kasambahay at dahan dahang binuksan ang pinto.
Nakita niyang nakahiga at payapang natutulog ang apat na babaeng kasambahay nila sa kani kanilang higaan. Natuon ang titig niya sa dalagang mahimbing ng natutulog, dala na rin marahil ng kalasingan. Mataman niyang tinitigan ang nahihimbing na dalaga, inaarok ang lalim ng tulog nito at posibleng pagkakahawig nito sa babaeng kaulayaw ng asawa sa kadiliman ng hardin na nagkataong malapit lamang sa quarters ng mga ito.
Nasapo niya ang kanyang labi at nanginginig ang hiningang pinakawalan niya. Naguguluhan na siya. May katotohanan ba ang nakita niya o ilusyon lang? Muli niyang tinitigan ang dalaga, hindi pa siya nakontento at nilapitan pa niya ito, hinuhuli ang reaksyong maaaring kumawala sa mukha nito. Pero wala ni isa. Mahimbing at payapang natutulog ito, may manaka nakang paggalaw ito, nagsasalita din ng kung anu ano. Napapailing na lang siya. Kailangan na rin niyang umalis dahil pakiramdam niya'y babaligtad na ang sikmura niya sa tapang ng amoy ng alak sa kwartong iyon. Dahan dahan siyang tumalikod at nilisan ang kwarto ng mga natutulog ng mahimbing.
Baka ilusyon niya lang talaga. Binibigyan na siguro siya ng warning para ayusin ang sarili niya para sa pamilya. Napabuntung hininga siya at bumalik na sa loob ng bahay.
Naglalakad na siya sa hagdan papasok ng bahay ng makita niya ang asawa sa gate. Agad niya itong tinawag at napangiwi siya ng makitang muntik na itong matalisod.
"Hon?"