“Really, Ms. A?" Laking pagtataka ni Drake Montero, isang CEO ng Red Publication Company matapos siyang sabihan ng kanyang secretary na magcacancel ng negotiation ang F Newspaper and Magazines Company. Malaki na kasi ang nagastos nila para sa mga appointments and in partners with others brands para gawan ng world wide publication and Hotel de Montemayor. Ito ang hotel na sikat at pagmamay-ari ng fiance ni Mr. Forteros na si Cayleigh.
“Ye-yes sir Drake. His secretary called me about an hour ago, sir. Hindi rin niya sinabi ang dahilan kung bakit nagkaganon eh. She seemed to be worried.” Pagpapaliwanag naman ni Ms. A sa kanyang boss.
Isa ring sikat na businessman itong si Drake Montero at kilala rin sa taglay nitong katanyagan sa appearance man o maging sa pagkatao nito. He has a good size of a character, gentle, at talagang maganda ang hubog ng pangangatawan. Magkasing-edad lamang sila ni Mr. Forteros, at madalas rin silang partners in different business katulad na lang ng mga newspapers publication at mga worldwide magazines.
" Ghad… what happened to him? Hindi ba niya alam na malaking dagok ito sa negosyo namin? Masisira ang image ng kompanya natin kung tuloyang magcacancel ng negotiation si Mr. Forteros!" Napataas na lang ng boses si Drake dahil sa sobrang frustration. Hindi lang kasi ang F Newspaper and Magazines Company ang involved sa negotiation na ito, kundi maging ang malalaking kompanya worldwide. Malaki na rin ang napuhunan nila at may mga investments na rin na mahirap bigyan ng refunds. Tiyak na tuloyang masisira ang image ng kanilang kompanya.
“Well, I guess we have to figure it out, sir Drake. If this changes Mr. Forteros’s mind, then there must be something going on. He might be in trouble…” His secretary suggested dahilan upang mapaisip ng malalim ang matipunong si Drake Montero.
" Call the board members at pakisabing hindi na matutuloy ang meeting, okay?”
" A-ano naman ang idadagilan ko, sir Drake? Siguradong kakain ako ng mga malulutong na mura galing sa kanila. Malaki pa naman ang mga investments nila para sa project na ito.” Sagot naman ni Ms. A kay Drake Montero, ngunit tinitigan lamang siya ng kanyang boss. Isang seryosong titig na halos nanunuot sa kaibuturan ng kanyang bra, dahilan upang mapalunok siya ng laway.
" Well, I guess kakapalan ko na lang ang mukha ko, diba sir Drake?” She awkwardly took a sneer.
" No…" Bigla namang tugon ni Drake at dahan-dahang isinuot ang kanyang suit.
“Tell them na we will reschedule the meeting for some reason. And it's urgent, okay?" Sabi pa nito sa kanyang secretary at naglakad palabas ng kanyang office habang nakasuot ng kulay blue na suit, black na pants, at black na shoes. Fit na fit ito sa kanyang katawan na sinabayan pa ng isang mamahaling shade at relo. Nako, tiyak na kahit sinong babae ang nasa katinuan ng isip ay mahuhulog ang panty sa kakaibang karisma nitong si Drake.
“Si-sir, saan kayo pupunta?" Sigaw naman ng secretary niyang si Ms. A habang bitbit ang kanyang record book.
“Oh I forgot…” Sagot naman ng kanyang boss at tumalikod. Hinubad niya ang kanyang shade at tumingin sa kanyang secretary.
“Kindly check my schedule today, please…” Utos niya ngunit hindi naman kaagad gumalaw ang kanyang secretary bagkus at tulala itong nakatingin sa kanya. Naglalawa pa ito na halos gusto ng tikman ang kanyang boss.
“Ms. A!" Muling tawag ni Drake sa kanyang secretary.
“Ms. A!"
“Ang sarap mo sir…Drake !" Bigla namang kumunot ang noo ni Drake matapos niyang marinig ang sinabi ni Ms. A. Gulat na gulat kasi ito dahil sa sigaw ng kanyang boss.
“Ahh…eh… wa-wala sir… a-ano nga ulit ‘yong bilin n’yo, sir Drake?” Awkward naman niyang tanong kay sir Drake niya.
Dahan-dahan naman siyang nilapitan ni Drake kaya napa-atras na lamang siya. Sa kanyang pag-atras ay sumandal siya sa pader dahilan upang malapitan siya ng lubosan ng kanyang boss.
" Si-sir Drake…" Tanging nasabi na lang siya ng biglang inilapit ni Drake ang kanyang mukha sa kanyang Tenga.
“Next time don't let me repeat myself, my secretary. I don't want that. Perhaps,” Pabulong na sabi nito.
“Si-sir Drake…”
" You're too scared, Ms. A. You're barely breathing, at nangingisay ka. I like it even better…” Tumingin sya sa mga mata nito at akmang hahalikan ang secretary.
" I like it even better, kung gagawin mo ng Tama ang trabaho mo…” He said, then pulled himself up. Naiwan namang nakasandal sa dingding ang kanyang secretary.
" Ye-yes sir!” At tumingin siya sa kanyang dalang record book.
" You have an appointment with the Ziplock Corporation, at may date ka with Ms. Kelsey…”
" Cancel all of that at pakisabing my important meeting ako with Mr. Forteros. I'd like to see him.”
“O-okay sir…” Sagot naman ni Ms. A bago umalis ang kanyang boss.
Inayos naman niya kaagad ang kanyang sarili at umalis sa pagkakasandal sa dingding. Napaisip tuloy siya na baka nagugustohan na rin siya ng kanyang boss na si Drake. He was about to kiss her, kaya lang hindi itinuloy.
" Sus! Kung hindi lang talaga gwapo ‘tong si sir Drake, baka matagal ko na siyang isinumbong sa pulis. Well, in fairness, ang bango talaga niya at ang kisig pa. How I wish naabot ng mga labi ko ang kanyang soft and tender lips.” Masyado namang delusyonal itong si Ms. A at nakikipagusap pa talaga sa kanyang sarili. Sino ba naman ang hindi eh halos halikan na sya ng kanyang pantasya. Tiyak na kung hinakikan ‘yon ay may mangingisay talaga sa sobrang kilig.
“Oh… sir Drake, kailan ko ba matitikman ang iyong very soft and tender lips…” Bulalas pa niya habang nakapikit na naka kuyom ang palad.
" Hoy girl! Grabe ka kung maka-awra d'yan! Ano bang nangyari!?” Bigla namang pumasok sa office ni Drake ang isa pa niyang secretary na si Ms. Scarlet. Well, sa laki ba naman ng kanyang kompanya tiyak na mangangailangan talaga siya ng dalawang secretary for the separation of labor.
" Guess what…" Sabi naman ni Ms. A na halos hindi na ito makagalaw sa sobrang kilig.
“Did he give you a bonus?" Napangiwi naman siya at napataas ang isa niyang kilay.
“Grabe ka naman sa bonus, Scarlet. Hindi ba pwedeng muntik lang akong halikan ni sir Drake." Napatingin naman siya sa itaas.
“ ‘Yong tipong isang inch na nalang talaga mahahalikan na niya ako."
“Hoy girl, ikaw na!" Sagot naman ni Ms. Scarlet sa kanya.
“Alam mo ever since nandito ako sa kompanya, ‘yan ang pinaka dream ko. s**t, ang ganda mo."
“Hindi naman siguro gano'n, Scarlet. But what if he really kisses me …”
" Ay girl, tiyak malulusaw ka talaga…"
“Hindi lang malulusaw, girl, tiyak hindi talaga ako makakatulog ng isang taon.” Then they laughed. Ever since kasi nandito sila sa kompanya na ito ay madalas na nilang pantasya si Drake, ang kanilang boss. Ganoon rin ang ibang mga babaeng employees. Swerte na nga lang sila at nakakalapit sila sa boss nila, because he is very strict lalo na kapag hindi siya interesado sa isang babae.
Kahit na may fiance na itong si Drake na si Kelsey Asterox, they couldn't hide the fact na hindi pa talaga ito handa sa isang relasyon. As secretaries, they know all of Drake's appointment kaya alam nilang hindi talaga ito seryuso kay Ms. Kelsey. Maybe because it is all for business, dahil kabilang sa pinakamayamang pamilya ang fiance nito.