" Sandali, was that Mr. Knight from the F Newspapers and Magazines Company!?” She curiously asked Gwen habang nakatingin sa dalawang naglalakad palayo.
“Oo nga ‘no…” Sagot naman ni Gwen. " Ngunit sandali lang, why is he with ma'am Aki? ‘Wag mong sabihing…”
" Uy…hala siya," Sambit naman ni Katty. “Huy, hindi naman ganiyan si ma'am Aki ‘no. Tsaka hindi ba fiance ni Mr. Forteros si ma'am Cayleigh?”
" You're right, so what then?”
" Really Ms. Gwen, the secretary of Magic Fashion Boutique?” Napangiyaw naman si Gwen at itinaas ang isa niyang kilay. Siguro ay nais niyang itanong kung ano, ngunit mas magandang sagot ang kilos ng kaniyang katawan.
“Nothing…isn't it obvious, baka naman just for business, customers or clients, right? Kilala naman natin si ma'am Aki , diba. She's always on business.”
“Pero hindi eh… may mali talaga…” Sagot ni Gwen. Naisip niya kasi kung ano ang ibig sabihin ni Aki sa mga sinabi niya sa kaniya. It's so sudden na para bang may malaking appointment si Aki, or perhaps not, but if it's part of the business, Gwen, as a secretary, must know about it. She felt strange, actually, kung paano kumilos si Aki.
Isa rin sa kumuha ng atensyon ni Gwen ay ang pagpunta ng Mr. Forteros sa kanilang boutique. He is well known and has plenty of assets, kaya it's unusual for him to do such staffs. Besides, bridal gown ‘yong ipinagawa nung fiance niya, and bakit wala pa siya rito?
Naguguluhan talaga si Gwen sa kaniyang mga narinig at nakita. She was not sure how to take the situation, ngunit siguro ay dapat nalang siyang makinig sa utos ng kaniyang amo na si Aki.
“Oh…sige na…bumalik ka na sa trabaho mo, Katty. Chismis ka rin eh…” Ani niya at sinunod naman siya nito.
Sa labas, habang papasok ng sasakyan si Aki at si Mr. Forteros ay hindi panatag ang loob ni Aki.
“Really Mr. Forteros?” Tanong niya bigla sa lalaki.
“What?" Sagot naman niya habang minamaneho ang kaniyang sasakyan. Kalmado lang ang mga sagot nito na parang alam ang lahat ng nangyayari. Perhaps, he might anticipated everything around, kaya hindi siya kabado dahil siya ay sigurado.
“Hindi mo lang ba ako bibigyan ng oras para man lang makausap ko ang secretary ko?"
“As far as I know, Ms. Aki, starting today you are my alalay. You have to obey me, and follow me, perhaps if not," Tumingin ito sa kaniya ng may malamig na nga tingin.
“I might reconsider destroying your boutique at ang lahat ng pinaghirapan mo."
Hindi na rin makasagot pa si Aki dahil sa lakas ng karisma ni Mr. Forteros. He is so firm, yet pleasant. Kaya siguro maraming nagkakagusto sa lalaking ito dahil na rin sa taglay nitong dating sa mga babae. Kahit hindi man ito kaagad napansin ni Ms. Aki, ay dahan-dahan namang napukaw ang kaniyang pagnanasa sa lalaking ginawa siya alalay. In short, she might fall to his conqueror kapag nagpatuloy sa paglalaro ang kaniyang malikot na isip.
“You are Russell's girlfriend, right?"
" Hmmm-mmm…” Tumango lang si Aki bilang tugon sa tanong ni Mr. forteros sa kaniya habang seryuso siyang nakatingin sa daan. Iniisip kasi niya kung paanong alam ng lalaking ‘to ang lahat ng mga nangyayari sa buhay niya.
" I don't want you to contact him, or kahit na mapalapit man lang sa kaniya.”
Napatingin siya ng diretso kay Mr. Forteros, ngunit masyado itong seryuso sa kanyang mga sinasabi. Halata ito sa kanyang mga mata.
" Sobra ka naman yata sa akin, Mr. Forteros. You're being too much. I will serve you not because I wanted to, but because I wanted to pay my debt to you and to your family. That's it. I don't want you to lay a hand on my personal life.”
“You're too demanding." Kalmado muling sagot nito bago tumingin sa kaniya. Gulat naman si Aki sa mga nangyari kaya napaiwas na lang siya ng tingin.
“I don't need you, Ms. Aki. Kung gusto mong umatras sa deal, feel free. I won't force you.”
Kahit sa mga kalmadong pananalita ni Mr. Forteros ay nangingig ang mga tuhod ni Aki. Alam kasi niyang sa kahit na anong oras ay kaya siyang ilugmok nito at pulutin sa basurahan. She knows na sa isang pagkakamali pa ay maaring mawala sa kanyang mga kamay ang lahat ng pinagsikapan niya lalo na ang pangarap niyang maging isa sa mga sikat na fashion designer sa Pilipinas.
“I want to see ma'am Cayleigh…”
" No…"
“But why!"
“She's in critical condition. Whatever happens to her, you will suffer the same. Just wish na sana walang mangyaring masama sa kaniya." Sagot naman ni Mr. Forteros sa kaniya habang patuloy lang sa pagmamaneho.
Napansin naman kaagad ni Aki ang pag-iiba ng landas na tinatahak ng sasakyang sinasakyan nila kaya napatanong nalang siya muli sa lalaki.
“Ibang daan ‘to ah… saan mo ako balak dakhin, ha, Mr. Forteros?” Taranta niyang tanong sa lalaking CEO. Sa isip kasi niya ay baka may masama itong plano sa kaniya. Hindi rin naman maipagkakailang may magandang pangangatawan itong si Aki. Malaki rin ang hinahatap nito, matangos ang ilong, makinis ang balat, at may maamong mukha.
“You're quite sharp para sa isang alalay, Aki. Don't worry wala akong binabalak na masama sa’yo. I just want you to meet my friend and sign the contract para matapos na ‘to."
“Kailangan ka ba natin ng contract para rito, Mr. Forteros?”
" And by the way, don't call me Mr. Forteros, okay? Para kang ‘yan sa mga kasosyo ko sa nigosyo. Just call me boss.”
" Bo-boss? I mean, you're my boss!?”
" Do you have any problem with that?”
Napapikit na lang siya sa kanyang mga mata at nangarap na sana panaginip na lang ang lahat ng ‘to.
“And since nasa hospital pa si Cayleigh, you will be serving me…”
" Ye-yes boss!” Sagot naman niya habang patuloy lang sa pagmamaneho si Mr. Forteros.
Hindi maipagkakailang isang sikat at tanyag na CEO si Mr. Forteros dahil na rin sa laki ng impluwensya ng kanyang kompanya sa world trade and lalo na sa mga pahayagan. Ang pagkatao ng CEO ay walang nakaka-alam. Maging ang fiance nitong si Cayleigh ay walang idea kung saang pamilya nagmula si Mr. Knight Forteros. Ang tanging alam lang ng karamihan ay Isa siyang negosyante at lahat ng bumabangga sa kaniya ay pinupulot sa basurahan.
Katulad na lang ng ex-fiance ni Cayleigh na si Ralp na hinamon ang kakayahan ng isang Knight Forteros, dahilan upang mawalan ito ng nga kasosyo at koneksyon na nagresukta pa ng pagkalugi ng lahat ng kaniyang mga negosyo. Maraming lihim ang nakatago sa pagkatao ng isang Knight Forteros, at ni isa ay walang nakaka-alam nito.