CHAPTER 7-My Family

1749 Words
ALOHA POV THE BLESSING'S FROM MY FAMILY Nagkakape na silang tatlo sa aming maliit na kusina. Si Ama naman ay lumabas upang bumili ng pandesal, sa kabilang kanto pa iyon at ilang minuto rin ang lalakarin. Naging seryoso naman ang tatlo na parehong nakaupo sa mahabang upuan na yari sa kawayan. Lumabas naman ang nakababata kong kapatid na si Jarehh, matanda ako sa kaniya ng pitong taon. "Ate, nasaan si Ama?" Bungad agad nito sa siwang ng aming pintuan na yari sa plywood. "Lumabas lang saglit at bumili ng pandesal, pupunta ka ba kay Ina sa hospital?" sabay baling ko sa kapatid ko na ngayon ay lumabas na sa pintuan patungo sa kusina. "Kami ni Ama ate ang pupunta mamaya dun, teka ate, sino-sino sila? Sila ba ang tutulong sa atin para mabayaran sina Tiya Rhoyahh at para di na tayo guguluhin nila?" Napabaling naman ako sa tatlo. Agad naman tumango si Vincent sa tanong ng kapatid ko. "Wow!!! Kuya blessing po kayong dumating sa amin, lagi nga pong nandirito ang mata-pobre naming Tiyahin, lagi niya pong ginigipit si Ama, kaya lang po wala po talaga kaming may maibigay sa kaniya ngayon dahil si Ina kailangang maoperahan po, at ang sabi pa ng Doctor sana daw sa lalong madaling panahon na." Pagkukwento ng kapatid ko sa kanila. Maya-maya lamang tumunog ang cellphone ko na de keypad. Kaagad akong bumaling sa kanila at nag-excuse. Nagmamadali akong lumabas ng kusina. Pumunta ako sa likod-bahay para walang may makarinig sa aming pag-uusap ng kung sino man ang tumatawag na ito ngayon sa akin. Agad ko itong sinagot at mga ilang segundo lang ang lumipas ay boses ng manager ko ang nahimigan. Kinakabahan ako, hindi ito nag-aaksaya ng oras na makipag-usap lalo na sa ganitong madaling-araw. "Aloha-goodmorning," panimula nito. "Ihanda mo na ang iyong Ina ngayong umaga, dahil mamaya ay ooperahan na siya, may tumulong na sa inyo upang wala na kayong babayaran, ngayong araw din nilipat na ng private room ang iyong Ina, ipinaasikaso ko na sa mga tao dun na inutos ko ang paglipat nito, at lahat ng balance niyo dun ay fully paid na." Mahabang paliwanag ng aking manager sa pagbungad ko palang ng pagsagot ko sa tawag niya. Nakaramdam naman agad ako ng kaluwagan sa aking dibdib sa mga oras na iyon, parang biglang tinangay ng hangin ang mga mabibigat na dumadagan sa aking dibdib dahil sa balitang natanggap ko ngayon. "S-sir p-pwede ko bang malaman kung sino ang taong tumulong sa amin?" Tanong ko sa kabilang linya ng may panginginig sa boses. "It's confidential Ms. Dela Torre. Hindi ninyo pwedeng malaman kung sino siya, dahil mahigpit niya itong ipinagbawal sa akin." Matapat naman nitong sagot sa akin sa kabilang linya. Napabuntong-hininga naman ako sa nalaman. Paano ko mapapasalamatan ang taong tumulong sa aking pamilya kung hindi ko siya pwedeng makilala.? "Sir, pakisabi nalang ho sa taong tumulong sa Ina ko na maraming salamat, gustuhin ko man na personal ko siyang mapasalamatan pero mas iginagalang ko po ang kaniyang desisyon." Magalang ko naman na saad sa aking manager. "Okay Ms, Dela Torre, makakarating sa kaniya ang iyong pasasalamat." Ilang sandaling natahimik ang nasa kabilang linya, naririnig ko ang mararahas nitong pagbubuntong-hininga. "Sir, may sasabihin pa po ba kayo?" Tanong ko dito. "Hmp- meron pa Aloha," Saglit pa itong natigilan bago ipinagpatuloy ang sasabihin. "Aloha, Y-your f-fired for t-this day." Paputol-putol nitong salita sa kabilang linya. Para naman akong nabingi sa mga narinig ko. 'What? I Am fired? tama ba ang narinig ko? pero bakit? sa anong dahilan at bakit ako tinanggal sa trabaho!' Satsat ng kaisipan ko. "S-sir b-bakit p-po sa anong d-dahilan naman at tinangggal niyo agad ako?" Nauutal kong tanong sa kaniya bagaman halata na sa boses ko ang paggaralral nito. "Nakahanap na ako ng ipapalit sa'yo Aloha, pasensiya na, bata ka pa naman, alam kong marami pa ang kukuha sayo, napakasipag mong empleyado kaya madali ka lang makakahanap ulit ng trabaho mo." Nanlumo naman ako sa mga narinig buhat sa manager ko. Agad kong pinunasan ang mga numumuong luha sa mga mata ko Akala ko, tuloy-tuloy na ang magandang balitang nalalaman ko ngayong araw, pero nagkamali pala ako, dahil bumuhos man ang tulong para sa Ina ko, ito naman ang masakit na kapalit, ang mawalan ng trabaho. Agad naman akong nagpaalam sa aking manager. Sinabi naman nito sa akin na ang huli kong sasahurin ay ibibigay din naman ng buo kasama na ang incentives at year of service na inilagi ko sa restaurant, actually, seven months lang naman ang naging year of service ko, pero dahil sa ginawang pag-fired sa akin ng manager ko, ginawa niya nalang itong isang taon. Napatulala nalang ako sa lahat ng pangyayari. Nasa ganun akong sitwasyon at ayos ng may tumapik sa aking noo dahilan para lingunin ko iyon. Si Beatrice. "Sorry, naisturbo ko ata ang malalim mong pag-iisip ngayon." saad nito sa matamlay na boses. Di kami masyadong close ni Beatrice pero halata sa kaniya ang pagka-transparent, may natural rin itong ganda, di rin kami nagkakalayo ng tangkad, she has sexiest daring body pero lagi lamang itong nakatago sa mga suot nitong maluluwang na t-shirt at maluluwang na pantalon. "Hmp-tapos ka ng magkape?" Sa halip na tanong ko sa kaniya. "Yeah! Ang sarap pala dito sa inyo nuh? Malamig ang paligid at tahimik, pwede bang maglagi ako dito sa inyo? Please?" Gagad nito habang napapapikit pa. Agad naman akong napangiti sa mga laman ng kaisipan nito. "Sure, wala namang problema kung gusto mo dito eh! Pero baka di ka rin makatagal kasi laging nanunugod dito si Tiya at sa ingay ng boses nun baka maponde ka na sa pag-stay mo dito." Napapangiti ko pang salita sa kaniya. "Nope, I Am staying here, sa ayaw at sa gusto ng Tiya mo." Final nitong saad. May pagkakulit din pala nito. Alam kong mayaman din ang pinagmulan nito dahil sa maporselana nitong kutis at sa kamay nitong malalambot ng hawakan niya ang mga kamay ko. Iginaya niya ako sa duyan na yari sa malambot na panghuli ng isda. Pero hindi ito ang tinatawag na lambat na yari sa nylon, ang duyan na ito ay ipinagawa ko pa sa aking Ama, hiningi ko pa ang naturang fishnet sa aking kababata. Pwedeng tatlo o apat ang umupo dito sa duyan, malapad naman kasi. H'wag lamang bumigay ang sangang pinagtalian nito at ang lubid na nag-uugnay dito sa malapad na duyan. "Alam kong may malaki kang problema, pwede ako tumulong sayo Aloha." Panimula nito ng ganap na kaming makaupo sa duyan. "Wala na akong trabahong babalikan sa restaurant, tinanggal na ko ng aking manager." Agad na sambit ko sa mga problema ko. "W-what?" Gulat nito. "He's crazy man! Dapat di niya ginawa yun sayo! Wala ka namang nilabag na rules sa restaurant diba?" Pagpapatuloy nito. "Ewan ko Beatrice, pero malinaw sa akin na wala na akong trabaho ngayon eh." Napataas naman ang mukha ko ng may luhang pumatak sa mga mata ko. "Ang lupit ng kapalaran ng pamilyang meron ka Aloha, pero sana makayanan niyo pang lumaban, nandito lamang kami sa inyo." Maya-maya napatigil ito sa pagsasalita at halatang may iniisip. "H-hindi kaya ang Tiya mo ang may kagagawan sa pagpapatalsik sa iyo sa restaurant?" Bigla naman nabundol ng kaba ang dibdib ko sa narinig buhat sa kaniya. "Hindi ko alam Bea, pero kung siya man wala talaga siyang puso." Tuluyan na kong napahagulhol dahil sa sobrang sama ng loob. Hinahagod niya naman ang likuran ko upang ipadama niya sa akin ang kaniyang pakikiramay sa lahat ng mga pinagdadaanan ko ngayon. Napalingon lang kami ni Bea sa dalawang lalaking nakatayo na sa harapan namin. Agad namang dumukwang sa aking mukha si Vincent, akala ko hahalikan niya na ako kaya mabilis ko namang iniiwas ang aking mukha. Maagap naman nitong sinakop ng dalawa niyang palad ang mukha ko at iniharap niyang muli sa kaniyang mukha. Agad ko namang sinalubong ang mga mata nitong nakatitig sa akin. "Why are you crying?" Malumanay ngunit nag-aalalang tanong nito sa akin. "V-vincent," Pangalan niya lang ang nabigkas ko ng unahan na ako ni Beatrice sa sasabihin ko sa kaniya. "She's fired Vincent!" Maikli ngunit batid kong alam na ni Tiger at Vincent ang dahilan ng pag-iyak ko. Di manlang nagulat si Vincent pero si Tiger ang biglang napamura ng malakas. Napatingin pa kami sa kaniyang gawi at tinaasan pa siya ng kilay ni Beatrice. Niyakap na lamang ako ni Vincent ng mahigpit, kahit na naiilang ay gumanti na lamang ako ng yakap sa kaniya. Nasa ganun kaming posisyon ni Vincent ng magsalita ang aking Ama. "Anong ibig sabihin ito Anak?" Maawtoridad na boses ng aking Ama. "Ama!" Saad ko sa pagkagulat na reaksyon. Nanlalaki din ang mga mata ko ng ibaling ng aking Ama ang atensyon kay Vincent. "Ipaliwanag mo sa akin ang nadatnan ko Hijo." Utos ng aking Ama kay Vincent. "Pasensiya na po kayo Ama, pero Aloha and I. . .in a relationship." Sabay hawak nito sa kaliwa kong kamay at itinaas iyon sa harapan ng aking Ama. Napanganga naman ako, literal ganun din ang dalawang kaibigan ni Vincent, pati si Ama. "Nanggugulat ka ba Hijo?" Si Ama na hindi tumigil sa kakatanong kay Vincent, di naman ako hinayaang sumagot ni Vincent sa mga tanong ng aking Ama. "Hindi po Ama. actually po niyan hinihingi ko po sana sa inyo ang inyong basbas para po sa aming relasyon ni Aloha." Masyadong mabilis ang pangyayari. Nagulat nalang ako ng magsalita ang aking Ama sa seryosong boses. "Sa susunod na linggo na ang kaarawan ng aking dalagita at ito ay nasa hustong gulang na. Dahil ikaw palang ang mapangahas na lalaking nagpakita ng pagkagusto sa anak ko, ibibigay ko sa inyo ang blessings na hinihingi niyo." Halos malaglag ako sa kinauupuan ko sa duyan, maigi nalang mabilis ang mga kamay ni Vincent na saluhin ako. "Ama! Ipinamimigay niyo na ba ako sa kaniya?" Halos di ako makapaniwala sa naging tugon ng aking Ama. "Oo anak! Panahon mo naman siguro para maging masaya ka at unahin ang sarili mong kaligayahan!" 'Anong sinasabi mo Ama' tinig sa kaisipan ko. Di ko na magawang sumagot ng tuluyan ng umalis sa harapan namin si Ama. Napatingin nalang ako sa likuran ng aking Ama habang pumapasok ito sa kabahayanan dala ang binili nitong pandesal. Agad naman akong umangat ng tingin kay Vincent at napapailing-iling nalang. Napabungisngis naman si Beatrice at napahalakhak naman ng husto si Tiger. Muntik na nga itong mabatukan ni Vincent e, kung di lang mabilis ang mga kamay kong hawakan ang mga iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD