ALOHA POV
SAVE FROM THE NIGHTMARE
Unti-unti silang naglakad palapit sa kinaroroonan namin, mataman kong tiningnan si Vincent sa mga mata niya, sa maangas at mabangis niyang awra ngayon, nakakatakot itong tingnan. Bumawi ako ng tingin ng salubungin niya ang mga mata kong nakatitig sa kaniya.
"What's the problem here Aloha?" Baritono nitong boses, alam kong umiinit ang paligid namin ngayon, lalo na't nanlilisik ang mga mata ng aking Tiya Rhoyahh sa amin ni Ama.
"At sino naman po ba kayo?" Magalang na tanong ng aking Ama sa kanilang tatlo.
Huminto ang tatlo sa paglalakad, at nagmasid muna sandali sa paligid. Malayo-layo ang mga kapit-bahay namin dito kaya di gaanong pinagpepyestahan ang mga nagaganap ngayon dito sa bakuran namin.
"Ako po si Beatrice, siya naman po si Tiger at ito naman po si Vincent A-ama." Kinakabahang pagpapakilala ni Beatrice sa kaniyang sarili at sa dalawang lalaking kasama nito sa kaniyang tabi.
"Ano ba kayo ng anak ko?" Tanong ulit ng aking Ama sa kanila.
"A-ama, kaibigan po kami ng anak niyong si Aloha." Medyo nauutal pang sagot ni Tiger sa aking Ama.
"Anong kailangan niyo sa akin at bakit sa ganitong oras napasugod naman kayong tatlo dito?" Di na ko nakatiis ng tanungin ko silang tatlo.
Tumingin naman sa gawi ko si Vincent, at walang babalang nagsalita ito sa Tiya Rhoyahh ko.
"Siya ang may kailangan, at hindi kami Aloha!" Sabay turo ni Vincent sa kinatatayuan ng aking Tiya.
Napaismid naman si Tiya sa tinuran ni Vincent kaya marahas niya itong nilingon at binarang sa kaniyang mga sinabi.
"What the hell your saying hijo?" Asik ni Tiya dito na may nanlilisik pang mga mata.
"Well, isa lang naman ang ipinunta namin dito tatlo Mrs. Aguirre eh. I am warning you to stay away from her family of Ms. Aloha, or else you pay it in three times." Banta ni Vincent sa aking Tiya.
Napasinghap naman ang aking Tiya sa sinabi ni Vincent, lalo niyang niliitan ito ng mga mata at masusing tiningnan mula ulo hanggang paa.
"How dare you to say that infront of us!? Napakawala mo palang modo kung ganun!" Walang habas na bitaw ng salita ni Tiya kay Vincent.
"Oh! ako pa po pala Mrs. Aguirre ang walang modo ngayon? Sa tingin niyo po ngayon, sino ang walang modo ngayon sa atin kung kayo mismo ay walang habas na pumasok dito sa bakuran ng kaanak niyo ng may kasarapan sa patulog ng mga tao dito at may dala-dala pa kayong mga gallons, alam namin kung ano ang laman ng mga gallons na iyan Mrs. Aguirre. I think, may mga madilim kayong plano ngayon. I Am right?" Inaakusahan ni Vincent ang Tiya Rhoyahh ko base sa mga narinig ko sa kaniya.
Medyo nakaramdam ako ng pagkainis sa kaniya, dahil alam kong nagulat ang aking Ama sa binitiwan nitong salita. Napalingon naman ang aking Ama sa aking gawi at sinamaan ako ng tingin.
"Sino ba anak ang mga ito at parang napakaraming alam sa pamilya natin." Galit ng salita ng aking Ama sa akin.
Agad ko namang nilingon ang tatlo. Si Beatrice tahimik lang na nakamasid sa paligid. Si Tiger naman, ayun sinasamaan ng tingin ang mga tauhan ng aking Tiya Rhoyahh. At itong si Vincent, mataman lang na napapangisi sa reaksyon ng aking Tiya Rhoyahh.
"Ama mga kaibigan ko po sila, h-hindi po sila masasamang tao, sa katunayan po niyan A-ama nandito po sila d-dahil-"
Naputol naman ang sasabihin ko ng magsalita si Vincent at putulin nito ang sasabihin ko sana sa aking Ama.
"Nandito ho kami para po ipaalala kay Mrs. Aguirre na sa mga oras na ito, pabagsak na ang kumpanyang pinaghirapan nito." Dire-diretsong salita ni Vincent at mataman lang na nakatingin sa magiging reaksyon ng aking Tiya.
Nagulat din ako sa narinig at lalong-lalo na ang aking Ama.
"What do you mean!" Napasigaw na ang aking Tiya Rhoyahh sa mga binitiwang salita ni Vincent.
Halatang sobrang galit na galit na ito sa mga bagong dating. Kaya naman binalingan niya ang kaniyang mga tauhan.
"I know your plan Mrs. Aguirre, don't try it to me! Ang mga tauhan mo ay hindi naman actually professional na magagaling sa larangan ng pakikipaglaban." Ngisi ni Vincent sa aking Tiya ng balingan nito ang mga tauhan.
Nangingilabot na ako sa mga nangyayari ngayon sa paligid ko. Sa gitna ng liwanag na buwan, kitang-kita ko ang pagtiim-bagang ni Vincent at ang pagdilim ng awra nito.
Di ko pa sya kilalang tunay, pero dahil sa mga ipinakita niya ngayon sa harapan mismo ng aking Ama ay unti-unti ko siyang nakilala.
Ang aking Ama ay biglang napakamot sa ulo, di alam kung ano ang gagawin, naguguluhan na din ito sa mga nangyayari.
"Wala kang karapatan para sabihin yang mga sinasabi mo sa akin Hijo, hindi mo ako kilala." Babala din ng aking tiya kay Vincent.
Kinakabahan na ako sa mga oras na iyon, imbes na sa aming pamilya lang may galit ang Tiya Rhoyahh namin, nadawit pa ang tatlo na ito dahil sa pangingialam nila ngayon.
Di nila kilala ang Tiya, masyado itong mapagmataas. Hindi rin ito basta-basta nagpapatalo.
"I think, I know you already Mrs. Aguirre." Anas ni Vincent sa aking Tiya.
"Igsoon ko, sa ibang araw nalang kayo pumarito. Hindi na maganda sa mata ng mga tao kung maabutan pa kayo ng liwanag dito." Si Ama ang nagsalita.
"At pinagtutulukan mo na ako ngayong hampas-lupa ka!?" Galit na galit na panduduro nito sa aking Ama.
Nakaramdam naman ako ng galit sa mga binitiwang salita ng aking Tiya Rhoyahh at sa harapan ko pa mismo narinig ang mga masasakit na salita nito. Hinarap ko siya ng may seryosong pagmumukha.
"Mawalang galang na po Tiya Rhoyahh, sa mga sinabi niyo ho sa aking Ama hindi ko po ito mapapalampas ngayon. Ang kapal naman ho ng pagmumukha niyo para sabihin niyo mismo sa harapan ng aking Ama ang salitang iyan! Oo mahirap lang po kami, pero ni minsan hindi ho kami naging maramot sa mga humihingi ng tulong, ni minsan hindi ho kami humingi ng tulong ng aking Ama sa inyo at kahit kailan hindi niya kailangan yun, hindi namin kailangan ang tulong niyo! dahil kaya naming pagtulungan magpamilya yun, pero ano hong ginagawa niyo? Masyado kayong gahaman, masyado kayong kinakain ng inyong pagkaganid sa ari-arian, hindi namin kailangan yun lalo na ni Ama. Kailan ho ba kayo titigil sa mga pang-aalipusta niyo sa pamilya namin? Ni minsan ho wala po kayong narinig sa amin na nagreklamo kami laban sa inyo dahil alam namin na wala kaming laban sa inyo. At kung anuman ang naging utang ng mga magulang ko sa inyo! Hayaan niyo pong paghihirapan kong pagtatrabahuan iyon at babayaran ko ho kayo." Naiiyak na ako sa mga oras na iyon. Napatingin ako sa aking Ama. Nakita ko ang gulat niya sa mukha sa mga narinig buhat sa akin. Kahit ako di ko rin iniexpect na lalabas iyon sa aking bibig.
Napahalakhak naman ng malulutong ang aking tiya sa mga narinig sa akin. Akmang hihilahin niya ang aking buhok ng may mga kamay na humawak sa mga kamay ng aking tiya upang pigilan ito sa gagawin sanang pananabunot.
"Get out of here! Bago pa dumilim ang paningin ko at hindi mo makayanan ang gagawin ko sa inyo." Galit na galit na saad ng lalaking nakalapit na pala sa gawi namin ng aking Tiya Rhoyahh.
Si Vincent.
"H'wag mo akong hawakan! Hayop ka! Pagbabayaran mo itong pangingialam mo sa akin! Hindi ako titigil hangga't hindi ka humihingi ng tawad sa lahat ng mga ginawa mong pangingialam ngayon." Asik ng Tiya dito. Sabay sa pagpiglas sa kamay nitong nasaktan buhat sa mahigpit na pagkahawak ni Vincent dito.
Kitang-kita ang pamumula na iyon.
Binalingan naman ako ng Tiya at dinuro niya ako.
"Hindi pa tayo tapos na babae ka! Hindi ako titigil hangga't di kayo umaalis dito sa kinatitirikan ng bahay niyo." Sabay nitong talikod at niyaya ang mga tauhan nito para umalis na.
Nagkaroon ng katahimikan sa aming lima.
Si Ama ang naunang nagsalita mula sa pananahimik ng mga magkakaibigan.
"Pumasok muna kayo sa loob at doon ituloy kung anuman ang plano niyo!" Saad ng aking Ama at tinalikuran na kaming apat.
Bahagya akong nagulat sa mga lumabas sa bibig ng aking Ama.
'Hindi galit ang Ama ko? tama ba ang narinig ko?' Mga munting tinig sa kaisipan ko.
Napapitlag naman ako ng may humawak sa kamay ko at nang tingnan ko ito sa mga mata, nakita ko ang pag-aalala nito.
"Okay ka lang ba Aloha?" Maamo na ang mga mata nitong nakatitig sa akin.
"A-h. . .a-hh okay lang ako S-sir V-vincent este Vincent." Nauutal kong sagot bagaman kinakabahan na ako dahil sa malakas na pagtambol ng puso ko.
'Sh*t this can't be' saad ng kaisipan ko.
"Kayong dalawa? wala ba kayong balak pumasok?"
Buhat sa kusina natanaw kong lumabas pala si Ama at tinatawag kami.
Nauna na palang pumasok sa loob ang dalawa, kaya pala sinundan na kami ni Ama dito.
Napatingin naman ako kay Vincent at marahang inalis ang mga kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Nauna na akong lumakad papasok sa loob at naabutan ko ang dalawa na nagkakape. Sumunod din sa akin si Vincent.