CHAPTER 5-My Savior

1530 Words
ALOHA POV SACRIFICED FOR MY FAMILY I AM HERE, I AM TIRED AT ALL, BUT I AM NOT ALLOWED TO VOICE OUT MY EMPTINESS IN FRONT OF MY FAMILY. ALAS TRES palang ng madaling araw ng magising ako sa ingay na nagmumula sa labas ng aming bakuran, napatayo ako sa aking kinahihigaan upang silipin sa siwang ng munti kong bintana sa aking kwarto ang mga ingay na nagsisimulang lumakas. Buhat sa kinatatayuan ko sa aking kwarto, nakita ng dalawang mga mata ko ang unti-unting naglalabasan na mga tauhan ng aking Tiya sa sinasakyan nilang malaking van. Nakaramdam ako panginginig sa aking katawan ng makitang may mga dala-dala silang malalaking mga gallon. Nakita kong lumabas ang aking Ama buhat sa kusina at agad tinanong ang aking Tiya ng mapalapit ito sa kaniya. "Igsoon ko, anong ibig sabihin ng mga ito?" Tanong ni Ama sa aking Tiya Rhoyahh Kita ko sa mga mata ni Tiya ang panunuya at ang biglang pagtalim ng mga mata nito sa aking Ama. Si Tiya Rhoyahh ay may lahing kastila, ang lola ko ay hindi talaga taga rito sa Pilipinas, pure na pure na may dugong kastila ito, taga España si Lola Yhalley, mayaman ang angkan nila. Kaya lang naman siya namalagi dito sa Pilipinas dahil nagkaasawa ito ng taga rito sa Pilipinas. Kapatid ni Tiya Rhoyahh si Ama sa Ina nito, magkaiba ang kanilang Ama, dahil nag-asawang muli si Lola Yhalley ng mamatay ang una nitong asawa na Ama ni Tiya Rhoyahh. Tatlong taon lang ang pagitan nilang dalawa. Kalaunan, hindi matanggap ng mga kaanak ni Lola Yhalley si Ama, dahil lumalabas itong anak sa kabit ni Lola. At nang magkaisip si Tiya Rhoyahh, unti-unting hindi niya matanggap ang aking Ama. Lagi niya itong pinagagalitan, lagi niya itong nilalait na anak si Ama sa labas. Hanggang mamatay ang Ina ni Ama na si Lola Yhalley, pinalayas niya si Ama sa bahay ng mga ito. Katorse palang si Ama ng mga panahon na iyon. Sa edad niyang iyon, marami na siyang pinagdaan sa buhay, namasukan siya bilang kargador sa isang palengke dito sa bayan ng Agusan Del Sur. Sa una nahirapan siya, dahil hindi niya kaya ang mga trabahong nakaatang sa kaniya, pero dahil sa nangyari sa kaniyang buhay at pagpapalayas sa kaniya ng kaniyang kapatid kinaya niya ang mabibigat na trabaho. Tumigil na siya sa kaniyang pag-aaral at tinuon na lamang ang kaniyang sarili sa pagtatrabaho sa palengke. Kahit nasa malayo siya sa kaniyang Ate/Igsoon, ay di siya nagtanim ng sama ng loob dito. Sa halip, pinagbuti niya ang kaniyang pagtatrabaho para ipakita sa kaniyang ate/Igsoon na kaya niya nang tumayo sa sariling niyang mga paa na hindi na kailangan ng kaniyang tulong at hindi niya kailangan ang pera nito. Hanggang sa umabot na siya ng kaniyang hustong gulang ay wala siyang natanggap na kahit anong tulong sa kaniyang Igsoon. At dahil doon sa lagi niyang pagtatrabaho sa palengke, nakilala niya si Ina. Nag-ipon silang dalawa para matustusan ang kanilang pagpapakasal sa huwes. Hindi naging madali sa kanila ang buhay nila noong una silang nagsama, lagi silang nilalait ng karamihan, lalo na't nalaman ito ng aking Tiya Rhoyahh. Puro kutya at pang-aalipusta nito ang ibinigay kay Ama, na minsan ay di niya ito pinatulan. Ganun kamahal ni Ama si Tiya Rhoyahh. Hanggang maipanganak ako ni Ina ay di parin tumitigil si Tiya kay Ama upang lalo itong pahirapan. Ultimong ang mga lupa na minana ni Ina sa mga yumao nitong magulang ay kinuha ni Tiya Rhoyahh sa hindi nila malaman na dahilan kung paano nangyari iyon. Para hindi mapaghalataan si Tiya Rhoyahh ng ibang kaanak ni Ina ay binigyan niya si Ina ng one hundred thousand. Ayun ang ginamit nila Ama at Ina para makapagpatayo ng sarili nilang maliit na karinderya malapit sa simbahan. Maganda ang naging pwesto nila dito, dahil hindi nawawalan ng customer ang karinderya, lagi itong napupuno. Hanggang sa dumating ang ilan pang buwan ng mabuntis ulit si Ina sa kapatid ko. Pitong taong gulang palang ako ng mga panahon na iyon. At sa edad kong iyon ay alam ko na ang masamang pag-uugali na mayroon si Tiya Rhoyahh sa amin, kaya naman kahit sa mga anak nito ay malayo ang loob ko sa kanila. Minulat din ako sa totoong reyalidad ng buhay ni Ama. Lagi niyang sinasabi na mag-aral ako ng mabuti. Hanggang tumuntong na ako sa ikaapat na taon sa ikalawang antas ng iskul. A fourth year high school, di man kami mayaman katulad ng mga kaklase ko pero kaya ko namang makipagsabayan sa kanila, lagi akong nangunguna sa aming klase, di ko hinahayaan na hahamakin kaming dalawa ng kapatid kong lalaki sa iskul na iyon, bagkus ipinapakita ko sa kanila na hangga't mayroong Aloha Jane sa campus na iyon ay di nila pwedeng saktan ang kapatid ko. Lagi din akong kinukuhang magpresenta ng aming school, di pa ako umuuwi ng bahay na walang bitbit na karangalan buhat sa mga sinasalihan ko. Sa totoo lang, punong-puno na ang maliit kong kwarto ng mga plaque, certificate of recognation, mga sash na naging award ko mula ng kinukuha nila akong kandidata o muse simula elementary hanggang high school. Kaya ang iba kong mga award, katulad ng mga medalya at mga ribbon ay nasa labas na ng kwarto ko nakadisplay, ginawan ito ng aking Ama ng mapaglalagyan upang hindi mabasa at makain ng mga dagang nag-aaligid sa aming bahay, nakaharap ito sa aming maliit na sofa na yari sa kawayan na binarnisan lamang ni Ama para magmukhang kaaliw-aliw namang tingnan sa mata ng ibang pumapasok sa aming munting bahay. Nasa baba naman ito ang maliit naming telebisyon, at ang nasa tabi nito ay ang aming maliit na kasette. NAPABALIK LAMANG AKO SA kasalukuyan ng marinig kong nagkakagulo na sila sa labas ng bahay. Pinagsusuntok si Ama ng mga tauhan ni Tiya Rhoyahh. Hindi na ako nakatiis lumabas ng nakita kong duguan na ang mukha ni Ama dulot ng mga pinaggagawa ng mga tauhan ni Tiya Rhoyahh. Agad naman akong pinigilan ng kapatid kong lalaki ng makitang lalabas na ako ng pintuan. "Ate, baka ikaw naman ang mapahamak." Saad nito sa mahinang boses. "H'wag mo akong pigilan Jarehh, si Ama, kawawa siya sa labas. Hindi ko kayang makita siyang ginaganun ni Tiya Rhoyahh. Kaya please lang umalis ka sa dinadaanan ko." Medyo naiinis ko pang saad sa kapatid ko. "Baka kasi ate ikaw naman ang mapahamak." Saad nito ulit. "Wala akong pakialam, hindi ko na kayang makita si Ama na ginaganun siya ni Tiya Rhoyahh, wala siyang puso." Agad kong hinawi ang mga kamay nitong nakaharang sa pintuan at binuksan ko agad ito. Lumabas ako para puntahan ang kinaroroonan ng aking Ama at itinayo ito mula sa kaniyang kinasasadlakan. Medyo natigilan pa ang aking Ama sa aking ginawa at maya-maya lamang nakita kong naalarma ito. Tumingin siya sa kaniyang kapatid at humingi agad ng tawad. "It's to late my dear brother." Ang sabi ng aking Tiya Rhoyahh sa aking Ama na ngayon ay masamang tiningnan at ilang segundo lang bumaling ang mga tingin nito sa akin. "Oh! nandito na pala ang magaling kong pamangkin!" Panunuya nito. Napaismid nalang ako ng makita kong bumaling ito sa isa niyang tauhan. "Darwin, h'wag mong hahayaang tatakasan tayo ng magaling kong pamangkin ngayon." Baling nito sa kaniyang tauhan na ngayon ay palapit na sa aming kinaroroonan ng aking Ama. "Please, Igsoon ko, h'wag naman ang anak ko ang kukunin niyong pambayad sa pagkakautang namin sa inyo." Pakiusap ng aking Ama sa aking Tiya Rhoyahh. "Para ano pa!? Naandito na rin lang naman siya, bakit di ko siya kukunin sa inyo? Magtatrabaho lang naman siya sa mansyon, upang makabawas kayo sa malaki niyong pagkakautang sa akin." Sabay baling nito sa aking Ama. "T-tiya, magkano po ba ang utang ni Ama sa inyo at babayaran ko po sa inyo sa abot ng aking makakaya." Nanginginig kong bigkas sa kaniya. Nakakakilabot naman kasi at lima ang tauhan ni Tiya Rhoyahh, may mga dala ang mga ito ng mga baril na nakalagay sa kanilang tagiliran. "Aba! may pambayad ka na ngayon?" Asik nito. "Wala pa po, pero may trabaho po ako tiya, kahit naman siguro na paunti-unti lang ay mababayaran ko rin po kayo." Magalang kong sagot sa kaniya. "No-no!!! Buo na ang pasya ko, magtrabaho ka sa akin dahil kahit ilang taon mong pagtatrabahuan yun, ay hindi parin sapat para makabayad kayo sa akin, sa laki ng pagkakautang ng pamilya mo dapat nga wala na kayo sa lupang kinatitirikan ng bahay na ito. Pero dahil nandiyan kana, ikaw nalang ang magtrabaho para magkaroon ka naman ng silbi sa kanila." Mahabang lintanya ng aking Tiya Rhoyahh, bagaman di ko alam kung susundin ko siya. Kilala ko ang mga anak nito, masyado silang mapang-mata. Nasa ganun kaming sitwasyon ng aking Ama ng may marinig akong sasakyan na humimpil sa harapan ng bakuran namin. Napatayo naman kaming dalawa ni Ama ng makita kung sino ang bumababa sa kotseng nasa harapan namin. Kitang-kita ko ang pagtiim-bagang nito pati ang pagdidilim ng awra. Kasama nito ang kaniyang kaibigan at si Beatrice. Napatingin naman ang aking Tiya sa mga bagong dating at agad napataas ang kilay nito. "Sino naman kayo?" Tanong ng aking Tiya Rhoyahh sa kanilang tatlo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD