MIKE VINCENT POV
THE BEAUTIFUL OF ALOHA'S HEART
AFTER ng pangyayaring naganap kanina lang, niyaya ko si Aloha sa table namin ng kaibigan ko. Iniwan ko muna silang tatlo doon, at nagmamadaling pumunta sa casher, tinanong ko agad sa isang lalaki kung nasaan ang kanilang manager.
May tinawagan ito sa telepono at ilang sandali ay ibinaba rin naman agad nito.
"Sir pwede na po kayong pumasok sa pintuan po na iyon." Saad nito, sabay turo sa pintuan na nasa kaliwang bahagi nito.
Nagmadali naman akong umalis sa harapan nito ng makapagpasalamat sa kaniya.Pagkarating ko sa pintuan ay di ako nagdalawang-isip na kumatok dito. Ilang katok lamang ang ginawad ko nang may marinig akong nagsalita sa loob. Pinihit ko ang doorknob ng pintuan at agad ko rin itong sinarado.
"Ahmp- yes sir, what can I do for you?" Agad namang tanong ng manager sa akin.
Wala akong inaksaya sa mga oras na iyon at agad ko siyang kinausap.
"Fired her! I mean, find to someone to substitute's her!" Siguradong pananalita ko sa kaniya.
"Who'se on my staff's sir?" Naguguluhan nitong tanong sa mga sinasabi ko sa kaniya.
"For Miss Aloha!" maikli ko lang na sagot sa kaniya.
Agad naman itong napatango sa sinabi ko.
"But sir! hayaan po muna ninyong kausapin ko siya! Kasi hindi po madali para sa kaniya ang mawalan ng trabaho, lalo na po kay Miss Aloha, sa lagay po ng pamilya niya kailangan niya pong magtrabaho dahil siya lang po ang bread winner sa kanila." Maagap naman nitong paliwanag sa akin.
"Bakit? ano bang pamilyang mayroon si Aloha?" Curious kong tanong sa manager ni Aloha ng hindi ko tinatanggalan ng tingin sa mga mata nito.
"Sir, sa pagkakaalam ko po, baon sa utang ang pamilya ni Ms. Dela Torre, lalo pa pong nabaon sa utang nitong mahospital ang kaniyang Ina, nakitaan kasing may namumukol sa tagiliran nito, ang pagkakaalam ko po, nagkaroon ng bato sa apdo nito."
Mahabang paliwanag nito sa tanong ko.
Napabuntong-hininga naman ako ng malaman mismo sa manager ni Aloha ang lagay ng pamilyang ito. Bigla naman naantig ang puso ko sa kaalaman na sa edad niya palang ay bugbog na ito sa trabaho.
"Can I request again for some other reason too?" Walang atubiling tanong ko ulit sa kaniya.
"In anytime and anywhat for flavor sir, basta ba kaya ng utak ko at ng bulsa ko." Saad nito na dahilan para ikataas ng isang kilay ko sa huli niyang sinabi sa akin.
"No money involved on your own pocket instead, all she needs and her family is my proud to be a donor, please accept my offer to help their family. I want to make all of this a secret." Mahabang detalye ko namang paliwanag sa kaniya sa mga nais ko para sa pamilya ni Aloha.
"Alright sir, but there's a more problem sir," May pag-aalinlangan na saad nito sa akin habang nakasalikop ang mga palad sa taas ng table nito.
"What is this?" Agad ko namang tanong sa kaniya.
"Her Aunt's, kapatid ng kaniyang Ama sa Ina nito. Balita ko kasi sir, lalo silang minamata nito, lalo silang ginigipit at ang mismong bahay na kinatatayuan nilang mag-anak ay pilit na kinukuha sa kanila." Dagdag pa nito sa mga nalalaman niya kay Aloha.
"Oh sh*t, sarili niyang pamilya ginigipit sila? How people they are!" Di ako makapaniwala sa mga nalalaman sa harapan ko.
"Kaya nga sir eh! Nakakaawa po si Ms. Dela Torre, kaya nga kahit nasa ganoong edad palang siya, tinanggap ko na, kasi sobrang sipag naman na bata eh, dedicated talaga sa trabaho." Puri nito kay Aloha.
"Please, make sure na walang makakaalam nitong usapan natin. Gusto kong tulungan ang pamilya ni Aloha. But before that, fired Aloha, ako ng bahala sa kaniya." Iniassure ko pang saad sa kaniya.
"Yes I will sir, makakaasa po kayong walang may makakaalam nito." saad nitong itinaas na ang kamay para makipaghand to hand sa akin. Agad ko namang tinanggap ang pakikipagkamay nito.
At sa isang iglap lang, buo na ang desisyon kong pakakasalan si Aloha Jane Dela Torre. I will make sure na sa lahat ng kanilang pinagdadaanan sa hamon ng buhay at hagupit ng ibang tao sa kanila, ay nakaplano na sa akin na magbabayad sila, oras mismo na maging asawa ko na si Aloha.
Nang matapos na kami sa pag-uusap ng manager, nagmamadali akong lumabas ng opisinang iyon.
Mula sa kinaroroonan ko palapit sa kanila, kitang-kita ko ang magandang tanawin sa table ng kaibigan ko. Dalawang babaeng naghahagikhikan sa mga banat ng kaibigan ko. Unti-unting naasiwa naman si Aloha ng makalapit na ako sa kanila. Tiningnan ko ito sa mga mata at napapangiti nalang.
"Your so beautiful Aloha." Di ko na mapigilan na masabi iyon sa dalaga.
Kitang-kita ko naman ang pamumula ng pisngi nito at ang biglang pagkailang nito sa akin.
"Salamat Mr. Altamonte." Gagad nito sa papuri ko.
"Vincent-Aloha, masyado namang pormal kung tatawagin mo ako sa surname ko." Agap kong wika sa kaniya.
"Ehemp-baka naman matunaw si Aloha niyan bro! titig mo palang parang wala ng bukas eh!" Pambubuska ng kaibigan ko sa akin. Tiningnan ko lang ito ng nakangiti at ibinalik din kay Aloha ang mga mata ko.
"This Lady is my future to be my wife Mr. Aguilar, mark my words of that." Sabay bigay ngisi ko sa kaibigan ko na ngayon ay napanganga pa sa hindi makapaniwalang reaksyon na narinig buhat sa aking sinabi.
"Wow. . .as in wow bro. Parang ang bilis mo naman kapatid sa lagay mo na yan ah?" Saad nito. Napahawak pa sa dibdib nito sa mga nalaman.
"Bakit bro? Yan din naman ang sinabi mo sa akin kanina diba?" Napapangiti naman akong bumaling dito.
"Okay-okay, di ko na ikaw o kayo ni Aloha kukuntrahin, matanda ka na para sa bagay na iyan. But make sure na wala kang pagsisisihan sa huli." Paalala pa nitong sabi.
"Oo naman Buddy, wala akong pagsisisihan sa huli lalo na't may mabuting puso naman itong si Aloha, tama ba ako Aloha?" Sabay baling ko naman sa dalaga.
Bagaman niilang parin sa akin si Aloha, napangiti naman ito sa tinuran ko. Kitang-kita ko ang pantay-pantay nitong mapuputing mga ngipin.
"Ah-ah, di mo pa ako masyadong kilala sir Vincent." Nauutal nitong bigkas sa sinasabi nito sa akin.
"Drop sir Aloha please? I'm not comfortable to hear those words! Vincent nalang." Pakiusap ko sa kaniya.
Tumango nalang ito sa sinabi ko.
"Okay V-vincent!" Maikli nitong sabi.
"Nice to hear my name." Napapangiti ko pang binalingan ang dalawa.
Matapos ang mahabang pag-uusap namin sa restaurant, nagpasya kaming pumunta sa tabing dagat.
Isinama ko na rin si Aloha. Bagaman tumututol siya sa una pero kalaunan na rin napasunod na rin siya ng lumabas ang manager at nalaman na di siya sasama sa amin. Laking gulat naman ni Aloha ng pinayagan siya ng kaniyang manager na sumama sa amin. Kaya naman nagpasalamat ito ng bonggang-bongga sa kaniyang manager.
Agad naman kaming tumalimang apat papunta sa tabing dagat para maglakad-lakad. May iilan kaming naabutang naliligo at naglalakad din sa tabing dagat. May mga babaeng napapatingin sa gawi namin, tamang-tama naman ang alis naming apat sa restaurant ng mga oras na iyon, dahil di naman masyadong kainitan. Mag-aalaskwatro palang ng hapon.
"Bro, ang sarap maligo dito, baka naman bago tayo bumalik ng Maynila makatikim manlang tayo ng tubig dagat dito." Pasaring na saad ni Tiger sa likuran namin Aloha, katabi nito si Beatrice.
"You want a swim bro? Okay, later on pwede ka ng maligo!" Buska kong wika sa likuran ko.
"And how about you bro? Di ka ba maliligo?" Tanong ulit nito.
"Maybe yes, maybe not, depende sa mood ko." Walang kasiguruhang sagot ko sa kaniya.
"Okay, bakuran mo nalang si Aloha bro, total naman bakod na bakod ka na sa kaniya ngayon eh." Pang-aalaska pa nitong saad habang naglalakad kaming parehong apat sa tabing dagat.
Napatigil naman ako at napaharap sa kanilang dalawa ni Beatrice.
"Mind your own Tiger, may pag-uusapan kami ni Aloha ngayon. Mag-usap din kayo ng Beatrice mo." Ngisi kong saad sa kaniya.
"Okay sabi mo nga. Tara na nga Babe, makaalis muna dito at may pag-uusapan din tayo." Pahaging nitong saad at inakbayan na si Beatrice bago sila tumalikod.
Naiwan naman kaming dalawa ni Aloha na nakatingin sa dalawang palayo na sa amin.