CHAPTER 3-The Innocent Young Lady

2525 Words
MIKE VINCENT POV CONVERSATION WITH THIS BEAUTIFUL INNOCENT YOUNG LADY AFTER NANG NANGYARI sa Angel's Restaurant na iyon, kinausap kami ng manager ng restaurant. Agad naman na-clear ang pangalan namin ni Tiger at nang babaeng nakilala ni Tiger nung time na iyon. "What's on your mind now bro?" Tanong ni Tiger habang nakatutok ang mga mata nito at abala ang mga kamay sa pagtatype sa kaniyang laptop. Namamaga pa rin ang kabilang pisngi nito pero hindi na iyon katulad kahapon na namumula at namaga talaga ng husto. "Masyado na ba tayong napag-iiwanan ng panahon bro?" Saad ko habang abala din ako sa sarili kong cellphone. Nandito na kami ngayon sa malaking kama ng hotel kung saan abala kami sa isa't-isa. Napahinto naman ito sa kaniyang ginagawa at deretsong tumingin sa gawi ko. "Sa edad lang tayo napag-iiwanan siguro Buddy pero kailangan na talaga natin magdouble time para makarami pa tayo ng anak." Paliwanag naman nito sa tanong ko. Agad naman akong napahalakhak ng marinig ang paliwanag niya sa tanong ko. "So, what's the funny about my explanation Buddy?" Asik nitong tanong. Napatigil naman ako sa pagtawa at binalingan siya habang naiiling pa. "Well, kasama na ba yan sa mga dream on mo na gusto mong matupad na ngayon bro?" Tanong ko ulit sa kaniya. "Yes obcourse naman Buddy, mag-aasawa ka na lang din naman bakit hindi mo pa anakan ang babaeng pakakasalan mo!" Aniya habang binabalik ulit ang mga tingin nito sa laptop niyang nasa harap. "Well, nahanap mo na ba ang babaeng pakakasalan mo later on?" Tanong ko pa sa kaniya. "Wow bro! you're still a lot of questions around me huh! And how about you! for the same questions you giving up to me then!?" Napapanguso pa nitong saad habang minamadali ng tapusin ang ginagawa sa laptop niya. "Why me? Ikaw 'tong nagmamadali diba sa pag-aasawa tapos ibabaling mo ang tanong sa akin!" Tutol kong saad sa kaniya. Tiniklop niya na muna ang laptop niya at itinabi sa laptop na ginagamit ko rin kanina at hinarap na ako. "Hoy Mike, dapat pareho nating goal yun! kasi di na tayo mga bata. Ikaw rin, kapag may asawa na ako di na natin magagawa ang mga bagay na nakasanayan na natin gawin, kailangan maging responsible tayo sa ating magiging asawa." Mahabang paliwanag nito habang nakahalukipkip ang mga braso nito. "Oo na! alam ko naman yun Buddy. Pero depende parin iyon sa akin kung mahal ko ang magiging asawa ko someday." Sabay hampas ko sa kaniya ng puting unan. "Ouch! you're so f*cking heartless Man, mag-aasawa ka nalang din naman bakit hindi naman yung kamahal-mahal ang pipiliin mo!" Ganti naman nitong paghampas ng unan sa aking mukha. "Love?! diba hindi yun nag-eexist sa ating dalawa sa larangan ng pakikipagrelasyon!" Paalala ko sa kaniya. "Syempre siguro noon yun pero kapag may-asawa ka na at magkaroon ng anak maiisip mo pa ba kaya ang ganun bro? Diba hindi na!" Saad nito. Mataman ko itong pinagmasdan. Naaaninag ko sa mga mata ng kaibigan ko ang kislap sa mga mata nito. "Naiinlove ka na ba ngayon Buddy?" Di ako makapaniwalang maitanong ko iyon sa kaibigan ko. "Maybe yes bro, looking at her in beautiful face she is my lucky charms in my life bro." Saad nito habang nangingislap pa ang mga mata sa sinasabi nito sa akin. "Sino naman kaya ang malas na babaeng yun ang nabalingan mo ng atensyon mo ngayon, I think, kawawa naman yun bro!" Pambubuska ko pang saad sa kaniya. Agad naman akong niliitan nito ng mga mata at marahas na pinaibabawan. "Hey--hey-- bro what's the f*cking your doing to me huh!" Agad kong pagtutol sa kaniyang ginagawa,bagaman nakadagan na siya sa aking tiyan at ramdam ko ang sobra niyang bigat. Napahalakhak naman ito ng makita ang reaksyon ko. Pareho kaming namumula sa kakatawa. Cuddle with this favorite man is a pressure to me. Ito ang mga dahilan kung bakit nagagawan kami ng issue ng kaibigan ko kapag may nakakakita sa amin lalo na kapag babae pa. Iisipin palang nila na ganito na kami kasweet ng kaibigan ko ay di na maganda sa kanilang paningin. Napagkakamalan kasi kaming may relasyon sa isa't-isa. Kaya naman aware kami sa bawat kinikilos namin kapag in public place na. "Budds, what's your ideal women?" Maya-maya'y tanong nito sa akin habang dahan-dahan ng inihiga ang ulo sa tiyan ko. I know him, kung bakit ganun ang paborito niyang posisyon namin dalawa. Mabilis kasi itong makatulog kapag nakahiga sa tiyan ko, madalas niyang ginagawa ito sa akin n'ung nag-aaral pa kami ng kolehiyo sa ibang bansa. "Simple lang bro, materialistic wife ang gusto ko. Simple pero may dating." Simple kong saad habang nakapikit ang mga mata. Naalala ko kasi ang inosenteng mukha ni Aloha, simpleng dalaga lang siya na lumaki sa probinsya. Nais ko pa siyang kilalanin ng husto. Bukod sa lahat, siya lamang ang babaeng nakapukaw ng atensyon ko. Mabilis akong napabuntong-hininga ng marinig ang malalalim na hininga ng kaibigan ko. Agad-agad itong nakatulog. Maingat naman akong nagbaba ng likod mula sa headboard ng kama at unti-unting humiga na din. Gusto ko mang samahan ding matulog ang kaibigan ko, pero hindi ko magawa, dahil inaagaw ang atensyon ko ng isang inosenteng dalaga. 'Aloha- kaygandang dalaga. I will make you mine as soon as possible, mark my words this baby' anang isip ko. Agad akong napapangiti ng mapagtanto sa sarili ko kung ano ang iniisip ko sa mga oras na iyon. Malinaw na malakas ang dating sa'kin ng Alohang yun, ngunit kailangan kong maging mapalapit sa kaniya sa mga sumunod na araw. I have four days only for staying here. Maingat kong ibinaba sa unan ang ulo ng kaibigan ko, at pumasok na ng cr. Naligo ako ng mabilisan at may pagmamadaling nagbihis. Nasa ganun akong ayos ng makarinig ng mga katok sa pintuan. Nagmamadali akong pagbuksan iyon at magulat nalang ng makita kung sino ang nasa harapan ko. "Yes? What are you doing here Beatrice_" "Where's your bestfriend?" Putol agad nito sa sasabihin ko pa sana. Si Beatrice ang babaeng dahilan kung bakit nabangasan ang kaibigan ko kahapon. Kahapon ko lang din nalaman mula kay Tiger na magkakilala pala talaga sila ng kaibigan ko. Beatrice Perez known as 'Beauty' on the camp of military which belong of my bestfriend too. At dahil dun sa mga nalaman ko, laglag lang ang panga ko ng malaman na isa palang magaling na military ang kaharap ko ngayon. Pumasok ito sa loob ng niluwagan ko ang pagbukas ng pintuan. "Gagamutin ko lang sana ang sugat niya if you don't mind!" Gagad nito sa kaswal na tono. Napanganga pa ako ng husto ng may dala-dala nga itong medical kit. "Buti nalang walang langaw na pagala-gala dito, kung nagkataon, isa na sa bibig mo ang napasukan nito." Saad nito sabay talikod sa akin at pumasok na sa kwarto. 'What the f*ck she said' medyo nalito pa ako sa binitiwan nitong salita sa akin. Mula sa labas ng pintuan ay sinarado ko na ito at pumasok na rin sa silid kung saan nandoon ang dalawa. Halata sa kaibigan ko ang gulat ng magising ito habang ginagamot ang pumutok sa gilid ng labi. "Bagay kayong dalawa ni Tiger, may chemistry kayo sa isa't-isa." Komento ko sa kanila habang abalang nagsusuot ng sapatos sa mga paa ko. Nakita ko naman ang pamumula ng mukha ni Beatrice. Nagbawi ito ng tingin at ibinaling sa harapan niya ang mga tingin nito habang nilalagyan ng gamot ang sugat ng kaibigan ko. "Ouch- Baby masakit, dahan-dahan lang naman please?" Pakiusap ng kaibigan ko kay Beatrice ng may pagpapacute sa mga mata. "Bro, aalis muna ako sandali ha." Pagpapaalam ko kay Tiger. "At saan ka naman pupunta?" Agaw nitong tanong ng makitang nagwiwisik na ako ng pabango sa damit ko. "Sa Angel's Restaurant-" "Na ikaw lang? Ayos ka rin Buddy ha, at iiwan mo ako dito," Agaw ulit nito sa sasabihin ko pa sana sa kaniya. "Kasama mo naman ang future wife mo eh!" Saad ko habang may ngisi sa mga labi. "And so, wait me here Babe, I'll take shower first, sasama ako sa lakad ng gunggong kong kaibigan." Pagpapaalam naman ni Tiger kay Beatrice habang hinahawakan nito sa mga braso. Napahalakhak naman ako ng makita ang kaibigan ko kung paano magmadali sa mga ikinikilos nito. Si Beatrice naman halatang naaasiwa sa naging reaksyon ng kaibigan ko. Mabilis naman natapos agad sa paliligo ang kaibigan ko. At nang lumabas siya ng cr ay siyang labas din ni Beatrice sa kwarto at tumungo sa sala para doon nalang kami hintayin ng kaibigan ko. Mabilis ang bawat pagkilos nito kaya naman agad siyang nakatapos. Nasa baba na kami ng gusali ng makita kong umiba ng way si Beatrice. Agad itong pinigilan ni Tiger sa paghakbang sana kung saan ito patungo. "May dala akong ducati, bakit? gusto mo bang maging back rider ko?" Nakita ko ang pagngisi sa mga labi ni Beatrice habang binibitawan ang katagang yun. Napalunok nalang ng laway ang kaibigan at napapakamot ng noo, halatang natense sa tanong ni Beatrice. "No Baby, basta be careful sa pagdadrive ha." Saad nito kay Beatrice sabay hawak nito sa mga palad ng babae. "Doon nalang tayo magkita sa restaurant, kayo din mag-ingat lalo ka na Mike,ikaw ang driver mag-ingat ka sa pagdadrive huh?! Eyes on road always." Paalala nito. "Yes captain," Agad ko namang sagot sa kaniya at binalingan ang kaibigan kong para ng tinuod sa kinatatayuan nito. "Tara na Buddy!" paanyaya ko na sa kaibigan ko. Binitiwan naman agad ni Tiger ang mga kamay ng dalaga ng mahimasmasan ito. Tumango nalang ito kay Beatrice at nagmamadaling sumakay ng kotse. Lumakad na rin naman si Beatrice sa nakaparadang ducati nito sa di kalayuan at nakita kong nagmamadaling isuot ang helmet nito. Pumasok na ko sa loob ng kotse ng makitang napalingon ang kaibigan ko kay Beatrice. Inistart ko na ang sasakyan at dahan-dahang nagdrive palabas sa compound ng hotel. Nakita ko ang sinasakyan ni Beatrice na mabilis ang pagpapatakbo nito kaya nasa unahan na namin siya agad. Sa husay at galing niyang sundalo halata na sa kaniya na bihasa siya sa larangan ng pagpapatakbo ng gamit nitong ducati. "Whoah!!!! that's my girl bro! she's interesting, a means to me!" May pagmamalaking saad ng katabi ko habang hindi inaalis ang mga mata nito sa babaeng nasa unahan namin. Saglit ko lang siyang binalingan at tinutok na muli ang mga mata ko sa harapan ng kalsada kung saan ilang milya na ang layo sa amin ni Beatrice. "Inlove ka na talaga Buddy sa katrabaho mo." Napapangiti pang saad ko sa kaniya. "Siguro nga bro. Tama nga ang sinasabi nila, the more you hate,the more you love!" Pasakalye nitong saad habang hindi inaalis ang ngiti sa mga labi nito. Ilang sandali pa'y nakarating na kami sa aming destinasyon. Ang Angel's Restaurant. Nagmamadli kaming lumabas ng kotse ng kaibigan ko ng makarating kami sa parking lot. Agad kaming dumiretso sa loob ng restaurant kung saan nakita kong nakaupo na sa round table si Beatrice, mayroon itong tatlong upuan. Agad naman kaming tumalima ni Tiger sa kinaroonan ng babae. Nang makaupo na kami, hinahanap agad ng mga mata ko si Aloha at di naman nagtagal ng makita ito ng mga mata ko, nasa isa siyang table at kinukuha ang order ng nakaupo nito, halatang naglalaway sa kaniya ang lalaki. Di na ko nakatiis na tumayo at puntahan ang mga ito ng makitang hapitin si Aloha ng lalaki sa baywang nito. Nakita ko naman ang pagpupumiglas ni Aloha sa lalaki at mabilis na inilayo ang katawan sa lalaki. "What's the problem here Baby?" Saad ko sa baritonong boses. Agad na naglipat ang tingin ko sa mga kamay ng lalaki ng akmang hahawakan ulit ito si Aloha. Mabilis ko naman inilayo si Aloha sa harapan ng lalaki at inilagay ko siya sa aking likuran para maitago at maprotektahan sa mga kamay ng lalaki. Agad naman akong sinamaan ng tingin ng lalaki dahil sa ginawa ko pero di ako nagpatinag sa seryoso kong mukha at lalo ko pang binangisan ang awra ko. "Don't try to touch her in second time." may pagbabanta ko ng saad sa kaniya. "At bakit naman hindi!! Sa laki ng utang ng pamilyang yan sa' akin may karapatan ako dahil siya ang kukunin kong pambayad sa mga inutang ng pamilya niya sa akin." Galit nitong anas habang nakakuyom ang mga palad nito sa taas ng table. "Name the prize, and I will double pay it to you!! Nauubos ng pasensiyang ganti ko sa kaniya. "Three million." maikli nitong sagot. "Okay, but will you make sure na after this di mo na guguluhin ang babaeng ito at ang pamilya niya, dahil kapag ginawa mo pa iyon di ako magdadalawang isip na ipapapatay kita." Pagbabanta ko sa lalaking kaharap ko. Nagmamadali naman na nilabas ko ang wallet ko at kinuha ang cheke na may pirma ko na. Tumataginting na six million ang isinulat ko doon. "Okay! Tumutupad naman ako sa usapan eh. basta ba sa ganitong transaksyon." Sabay winagaway ang tseke sa harapan niya at angkang titingnan ulit si Aloha sa likuran ko ng hilahin ko si Aloha sa likuran ko para lalong itago sa adik na lalaking kaharap ko ngayon. "I'm warning you! kahit tingnan mo si Aloha ay wag na wag mong gagawin!" Masama ko ng banta sa kaniya. Dumidilim na talaga ang paningin ko sa lalaking ito at nauubos na rin ang pasensiya ko. Nakita ko naman ang biglaang pagbabago ng reaksyon ang kaharap ko. "S-sorry bossing di ko na talaga siya guguluhin at ang pamilya niya. Nagclose deal na nga tayo diba! Aalis na ako." Nagmamadali itong lumabas ng restaurant at naiwan naman kami ni Aloha sa table nito. Agad ko siyang hinarap sa akin at tinitigan siya sa mga mata. Nakita ko sa mga mata niya ang pagkailang sa akin kaya naman naglakas loob akong kausapin siya. "I want to marry you as soon as possible!" Mga katagang lumabas sa labi ko. "H-ha! b-bakit? Sa anong dahilan! t-teka m-muna, masyadong mabilis ang pangyayari. Seventeen palang po ako Mister Altamonte." Pautal-utal nitong bigkas habang hindi makatingin sa mga mata ko. "I am willing to wait for your age of eighteen. Actually, gusto ko sanang mismo sa birthday mo ganapin ang kasal natin." Planado ko ng saad habang nangingiti sa aking kaisipan. "Ako ba ang bayad para sa anim na milyong peso na ibinayad mo dun sa lalaking pinagkakautangan namin ng pamilya ko?" Anas nito habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Kita ko ang sakit sa mga mata niya habang sinasabi iyon sa akin. "Hindi, dahil kong ikaw ang kukunin kong pambayad para sa utang mo sa akin, parang wala na rin naman akong kaibahan sa lalaki kaninang sinisingil ka." Paliwanag ko sa kaniya. Nakita kong natigilan ito sa sinabi ko, kaya sinamantala ko ang pagkakataon para halikan siya sa noo. "Irerespeto ko parin ang desisyon mo Aloha pero wag mong isipin na ikaw ang kinukuha kong pambayad, inilalayo lang kita sa panganib na nakaambang sa iyo at sa pamilya mo." Tapat kong saad sa kaniya. Tumango na lang siya sa aking sinabi at marahang napayakap sa akin. "Maraming salamat kong ganun Mr. Altamonte." Pormal nitong pasasalamat sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD