MIKE VINCENT POV
NAPABALIKWAS ako ng bangon ng makarinig ng sunod-sunod na malakas na katok sa pintuan. Agad akong bumangon at tumayo sa kama ng may pagmamadaling hinakbang ang mga paa ko patungo sa pintuan.
"Hi Bro!? Long time no see huh! I miss you badly." Saad ng matalik kong kaibigan na si Tiger. Sabay naman akong binigyan ng yakap at tinapik ang bandang likuran ko.
"That's not funny for your joking time bro! Anyway, What's your bring here?" Sabay tanong ko sa kaniya ng makaalis sa yakap niya.
"Well, like what I've said to you, I'm here to courting you!" Sabay ngisi nito. Napahalakhak naman ako sa kahanginan ng sagot ng aking matalik na kaibigan.
"Siraulo ka talaga Tiger, hanggang ngayon ba naman kakaribalin mo parin ang mga babaeng nasa paligid ko?" Anas ko sa kaniya habang pumapasok kami sa mini kitchen ng hotel room na ito.
"Very nice this place!" Bigay puri nito sa room na nirentahan ko, di niya inabalang sagutin ang tanong ko. Nilapag niya naman ang mga gamit niya sa sofa na dinaanan namin kanina habang pumapasok kami sa kusina.
"Anong makain dito?" tanong ulit nito habang binubuksan ang maliit na fridge sa gilid nito. Masusi ko muna siyang pinagmasdan at tsaka napapailing nalang sa aking sarili.
I know him, for so many years na magkaibigan kaming dalawa at nauwi sa pagiging matalik na magkaibigan, pareho kaming malakas kumain pero kahit ganun pa man, mayroon naman kaming ginagawang exercise daily routine para di masira ang magandang pigura ng aming katawan.
"Ano ba yan! Wala man lang makain dito! Pwede bang pagsilbihan mo naman ako kahit minsan bro!" Pahaging nitong saad sa akin habang iniisa-isang buksan ang laman sa fridge.
"Sa ating dalawa Tiger, ikaw ang magaling magluto, baka nakakalimutan mo yun!" Paalala ko naman sa kaniya habang naghuhugas ako ng kamay sa lababo.
"Ayun na nga eh, and I know that! kaya di ka pa talaga pwedeng mag-asawa." Sabay asik nito sa akin.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at nakahalukipkip akong humarap sa kaniya.
"So, sa lagay mo na yan pwede ka ng mag-asawa?" Tudyo kong saad sa kaniya.
"Yes, ofcourse!" Tipid nitong sagot.
Napabuntong-hininga naman ako.
"Wow, bro ang lalim n'un ah!" Aniya habang kinukuha ang isang fresh milk sa loob ng fridge.
Tiningnan ko lang siya sandali.
"Sa labas nalang tayo kumain." Saad ko sa kaniya matapos ang ilang minutong pananahimik.
"Okay! I'll take a bath first." Sagot nito at nagmamadaling ubusin ang gatas na hawak nito.
Dumiretso kami sa sala at dinampot niya ang kaniyang dala-dalang bag. Pumasok kami sa kwarto at humiga ako sa kama habang hinihintay ko siyang matapos sa paliligo.
Binuksan ko muna saglit ang aking laptop at nag-iwan ng email sa aking personal secretary.
Ilang minuto din ang lumipas ng lumabas din sa wakas ang bestfriend ko.
"H'wag mo masyadong galingan sa pananamit bro baka imbes na kumain tayo doon at mabusog, baka tayo ang gawin nilang pagkain at papakin." Paalala ko sa kaniya ng may ngisi sa mga labi.
"Yung gwapo na tayong dalawa pero di pwedeng irampa!" Saad niya sa litanyang yun. Lagi niyang sinasabi sa akin ang katagang iyon kapag pinapaalala ko sa kaniya na di kami pwedeng magpapogi pa ng husto dahil kung sa kapogian lang naman ang pag-uusapan, maihahanay na kami mismo ng kaibigan ko sa isang 'Greek God' na tinatawag.
Basta sa tuwing may lakad kaming dalawa ng kaibigan ko, lagi kaming pinagkakaguluhan, mapababae man o lalaki.
Naiiling na lamang ako habang pinagmamasdan ko ang aming porma ngayon. Ako, nakasuot lamang ng simpleng puting t-shirt at khaki short, sinamahan ko na rin ng white cap and reading glass para masabing may pagka-nerdo ako. At ang bestfriend ko naman ay nakasuot din ng simpleng black t-shirt na tinirnuhan ng maong na short, naka-cap din ito ng black yun nga lang wala siyang isinuot sa kaniyang mga mata.
Okay narin naman ang mga suot namin ngayon, magaan sa mata.
Nagpasya na kaming dalawa na lumabas ng silid matapos ilock ang kwarto, kasunod naman na nilock ko ay ang pintuan palabas na ng suit.
May mga ilan kaming nakakasalubong ni Tiger, pero di na namin pinag-aksayahang pagtuunan ng pansin ang mga yun kahit magkandahaba-haba pa ang mga leeg nila sa kakatingin sa amin.
"Tsk- bro gutom na talaga ako." Aniya habang nasa loob kami ng elevator pababa ng building.
"Di ka ba nag-agahan sa inyo bago ka lumipad patungo dito sa Mindanao?" Kaswal kong tanong sa kaniya.
"Nope!" Maiksi niyang sagot sa tanong ko.
Tumunog na ang elevator hudyat na nasa baba na kami ng building.
Agad akong lumiko pakanan at sinabayan niya naman ako.
Huminto ako sa gilid ng kotse ko at iniunlock ko ito, agad namang bumukas ito.
"Wow bro may kotse ka palang dala dito, mabuti naman, para di na tayo maghagilap pa ng masakyan natin kahit saan man tayo pumunta."
"Yes Tiger, boyscout ata 'tong kaibigan mo." Pagmamalaking saad ko naman, sabay kindat sa kaniya habang naglalakad siya papunta sa kabilang side ng kotse
Matapos magsuot ng kaniya-kaniya naming seatbelt, agad ko namang pinasibad ang kotse patungo sa isang beach resort na unang natunghayan ng aming mga mata.
Agad na kaming lumabas ng kotse pagkatapos kong ipark ang sasakyan sa isang parking lot.
Sabay namin pinuntahan magkaibigan ang isa sa may malaking bahay na nakatayo mismo sa gitna ng beach.
Masyadong malaki ang naturang beach house na ito.
Pagtuntong palang namin ni Tiger sa mismong bahay, nabuhay agad ang dugo ko and literal ganun din si Tiger ng masulyapan ko ito.
Masasabi kong super high quality ang natural na beach house na ito. Mula sa floor hanggang sa mga kagamitan nito ay nagsusumigaw ang karangyaan. May dalawa itong palapag, kaya naman pala ganito kalaki ang bahay na ito ay mayroon itong disco bar sa taas, mayroon ding vip room para sa mga willing mag-overnight, sa unang palapag nandoon ang tinatawag nilang Angel's Restaurant na halatang masasarap ang pagkain dahil na rin sa dagsaan ang mga taong kumakain dito. May iilan din akong nakitang mga foreigner, ibig sabihin talaga nito dinadayo talaga ang naturang beach resort na ito. Naghanap kami ng mapagpwestuhan ni Tiger, nasa dulo kami ng bahagi ng restaurant, masarap sa pakiramdam ang ambiance ng paligid, dahil open dito ang paligid. Tamang-tama at alas kwatro palang naman ng hapon.
Agad na tinawag ni Tiger ang waiter pagkaupo palang namin sa table na napili namin. Iniikot ko ang aking paningin sa paligid ng restaurant.
May mga ilang kababaihan namang nahagip ng mga mata ko ang marahas na napapalingon sa aming gawi ni Tiger, halos iisa lang ang kanilang reaksyon. Di naman nakaligtas sa pakiramdam ni Tiger ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
"As usual, wala na naman tayong itatago sa kanila ngayon bro. Alam mo na, baka may maiuuwi ako niyan sa room natin pag nagkataon. Ang daming chika babes." Nagniningning ang mga mata nitong inikot sa kabuuan ng restaurant. Isa na naman sa kinahihiligan ng kaibigan ko ang maghunting ng mga babaeng madaling ikama.
"F*ck you buddy!" Malutong kong mura sa kaniya na ikinatawa niya lamang.
"Oh! aren't you to taste the woman on this province?" May panunudyo nitong tanong habang di inaalis ang mga mata sa kabilang side namin.
"Wait, ano nga palang mga inorder mo?" Pag-iiba ko ng usapan sa tanong niya.
"All sea food delicious syempre, mukbang na tayo nito bro!" Halos naglalaway pa nitong sagot.
"Mukbang ka diyan! Teka ano ba yun?" Curious kong tanong sa kaniya
"Ay! oo nga pala di mo nga pala alam yun! 'mukbang' ang ibig sabihin nun ay magpakasawa tayo ng husto sa pagkaing nakahain sa harapan natin." Pagmamalaki nitong paliwang habang di inaalis ang tingin sa babaeng tinatanaw niya kanina pa.
"Mukhang may natitipuhan ka na ha! " Saad ko sa kaniya, bagaman ang mga mata ko ay nakatuon sa papalapit na waiter at waitress.
Agad natuon ang pansin ko sa kasama nitong waitress ng makalapit na sila sa table.
Mayroon biglang nabuhay sa loob ko na di ko mabigyan ng paliwanag, basta bigla ko nalang naramdaman ang biglang pagbilis ng t***k ng puso ko ng magtama ang mga mata naming dalawa ng waitress.
"Your order Sir." Saad ng waiter habang iniisa-isa nilang ilapag ang mga dala nilang pagkain sa table namin.
Nakita ko rin sa harapan ko ang pagsulyap ni Tiger sa kasama ng nagsalitang waiter.
Nakita kong nginitian ito ni Tiger ng napag-alaman kong napasulyap naman sa gawi niya ang babae.
"H-hi M-miss, C-can I know your name? Please!" Pautal-utal na saad ng kaibigan ko habang hindi inaalis ang tingin sa babae.
'Sh*t Tiger, don't making stupid, at sa mismong harapan ko pa' anas ng kaisipan ko.
"Hmp- Aloha Sir for your service in Angel's Restaurant!" Buong-buo ang boses nitong bigkas sa pagpapakilala sa kaibigan ko.
"Wow, it's beautiful name! Anyway, I'm Tiger Venzor Aguilar and this is my bestfriend, Mike Vincent Altamonte. It's nice to meet you beautiful Aloha." Saad ni Tiger habang iniabot ang kamay sa harapan nito para makipag-kamay sa babae.
"It's pleasure to me to know both of you Sir." Nakipagkamay din ang babae kay Tiger habang halata namang kinikilig ang magaling kong kaibigan.
Medyo nakaramdam pa nga ako ng inis ng titigan ko ang nagkadaupang palad nilang dalawa sa harapan ko. Napaismid nalang ako at napapailing.
Binalingan lang ako ng babae at umalis na rin sa harapan namin ng kaibigan ko.
"Bro, she's really good and beautiful. I think she's very young." Anas nito na di maalis ang ngiti sa mga labi nito.
"Tsk... so, that's one of your target?" Asik ko sa kaniya sabay subo sa pagkain na nasa harapan ko.
"No, I think, di ako ang magustuhan n'un! baka ikaw pa nga ang magustuhan n'un eh, laging nakasulyap sa iyo." Sabay subo din nito ng pagkain.
Masasabi kong sobrang sarap ng pagkain dito, at lalo pang sumarap ng marinig ko sa bibig mismo ng kaibigan ko ang pagkagusto ng babae sa akin.
Napalingon naman ako sa gawi ng babae at agad tumama ang mga mata namin sa isa't-isa. Tama nga ang kaibigan ko, she's still young, but in fairness, hindi maikakailang may magandang hubog siyang katawan at malapusong-maamong mukha, fair ang kulay ng makinis niyang kutis, may makapal at hanggang pwet ang haba ng itim na itim na buhok na nakabraide pa ng pahead-band. May manipis at natural na mapulang mga labi, malalantik din ang pilik-mata nito at ang mga mata niyang nakakamatay kung tumingin, look like killer eyes, sa tindig niyang iyon, halata sa babae na nasa 5'6 ang height niya.
"So, nakapasa na ba siya sa standard mo bro?" Agad na saad ng kaibigan ko ng makita niya akong pinag-igihan kong tingnan ang babae.
"Yeah! She's absolutely Goddess on my own eye's!" Wala sa isip ko na nasabi ko yun sa kaibigan ko habang hindi inaalis ang mga titig ko sa babae.
"Bro, baka niyan child abuse ka pa ha! mukhang magdadalaginding palang si Aloha eh, pero ang laking bulas diba?" Panunudyo pa nito sa akin habang dire-deretso siya sa kaniyang pagkain.
Napabaling naman ako sa kaniya at nginisihan. Di pa kami umaalis sa pwesto ng matapos namin maubos ang mga pagkain sa table.
Tamang-tama lang ang mga oras na ito dahil matutunghayan namin ang papalubog ng araw sa kanlurang bahagi ng restaurant.
"So, what's bothering you for this few days bro?" Tanong ni Tiger sa pananahimik ko nitong mga nakaraan araw na nandoon pa ako sa Maynila, three days ago.
"About kay Lolo and for his request." Maikli kong sagot na ikinatango niya naman.
"Ang dami mo naman babae, bakit wala sa kanila bro?" Tanong nito sa pinuproblema ko.
"Dahil wala sa kanila ang gusto ko. Look Tiger pera lang naman ang habol nila sa akin eh, maybe sa'yo din kasi nasa ganitong edad na tayo di parin tayo nakakahanap ng matinong babaeng karelasyon na hindi pera ang involved." Mahabang paliwanag ko sa kaniya.
"Kaya nga bro eh, pero by this time kung sino man ang unang papasok na babae dito sa restaurant na may kulay army green na damit, swear it, di ko siya titigilan bro at aasawahin ko na siya." Pagyayabang nitong dare sa sarili habang hindi inaalis ang tingin sa labas ng restaurant.
"Pinipreassure ka na rin ba nila tita at tito bro sa pag-aasawa?" Natatawa naman akong napatanong sa kaniya.
"Parang ganun na nga Buddy! F*ck, it's really her, she's coming bro!". Di inaalis ang tingin sa babaeng papasok sa restaurant at malapit na umupo sa amin. Isang table lang ang pagitan namin sa kaniya. Mag-isa lang siyang umupo doon. Agad namang nilapitan ito ng kasama ni Aloha na lalaki kanina at kinukuha ang order nito.
Napasenyas naman ako sa kaibigan ko na hudyat na para makipagkilala siya dito.Tumayo naman agad ang kaibigan ko at dineretso ang lakad papunta sa babae na ngayon ay may pagtatakang mukha. Napatingin naman ito sa gawi ko at kalaunan ay sa kaibigan ko narin ibinaling ang tingin.
Nang magtagpo ang mga palad nilang dalawa, bigla nalang may humila sa kamay ng babae at marahas nitong hinila ang mga kamay ng babae kay Tiger na halatang nagulat din sa lalaking dumating.
Agad naman binigyan ng isang suntok sa mukha si Tiger na di niya nailagan dahilan para ikatumba niya ito sa upuan.
"Don't try to f*ck this lady, she's mine not yours!" Sigaw ng lalaki sa kaibigan ko at handa pa sanang sisipain ang kaibigan ko ng mabilis ko naman itong naawat at itinayo ang kaibigan ko.
"I don't know what you say idiot!" Ngisi naman ng kaibigan ko sabay hawak sa pisngi na tinamaan ng suntok ng lalaki.
"That's enough! And you? How dare you to say in front of us that I want him to f*ck me?" Galit na galit na sigaw naman ng babae sa kadarating lang na lalaki. Malakas niya itong sinampal at marahas na dinuro.
"You're unbelievable! How crazy you are!" Namumulang duro nito sa lalaki.
Agad naman dumating ang manager ng nasabing restaurant at kinausap kami.
"Sir, Ma'am, may I know what's the roots of the problem's here?" Magalang na tanong naman ng isang lalaki sa tabi namin.
Agad naman akong tumango kasama naman ang babae at ang kaibigan ko. Pero ang lalaking nanugod sa kaibigan ko ay nagmamadaling umalis sa harapan namin kaya kami nalang ang kinausap ng manager ng restaurant.