Chapter 29 "Seryoso ba 'to? Seryoso ka ba? Baka naman pinagtitripan mo lang ako?" "At bakit naman kita pagtitripan ash?" Tawa ni bella. "E paanong hindi ko alam?" "Aba ewan ko sa'yo. Basta lahat kami—lahat ng mga nagtatrabaho dito sa ospital alam na siya ang boss dito" aniya. "E paanong—" "Ako? Pwede din ba ako magtanong? Paanong hindi ko kayo parehong maagilap at makikita ko na lang kayong nakikipagchikahan dito?" Sabay kaming napalingon ng kausap ng makarinig ng isang pamilyar na boses sa gilid. Sabay kaming Napatuptop ng bibig ng makitang si Nurse torres iyon at masama ang tingin sa amin ni bella. "Ma'am..." "Hala! Trabaho! Alis!" Singhal niya na nagpagalaw sa amin at naglakad sa opposite na direksyon. Naglalakad ako sa hallway habang nakatungo dahil binabasa ko ang chart ng

