Chapter 30 "Magkakilala ba kayo?" "Stephen, for the hundredth time, hindi. Hindi kami magkakilala, hindi ko siya kaano-ano." "E bakit ka niya kinausap kung gano'n? At kung titigan ka niya parang...matagal na kayong magkakilala." "Hindi ko alam ang sinasabi mo" iling-iling ko. Tumigil na ako sa paglalakas at napatigil din siya. Hinarap ko siya ng nakapameywang. "At bakit kanina mo pa ako sinusundan? Wala ka bang trabaho? Isusumbong kita kay Nurse torres." Mukhang effective naman ang pananakot ko dahil nagsimula na siyang maglakad sa opposite na direksyon. "Astridddd!!!" Napalingon ako ng marinig ang malakas na pagtawag sa akin ni bella. Tila wala itong pakialam na maraming nagtitinginan dahil sa malakas niyang boses. "Pakihinaan nga niyang boses mo bella. Baka mamaya marinig ma ni Nu

