045 "Goodbye Seb" C L A I R E Nang idilat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang maaliwalas na mukha ni Sebastian. Malayong malayo sa itsura nito nang huli ko siyang makita. Napangiti ako at agad na itinaas ang aking kamay upang haplosin ang kanyang mukha ngunit napakurap ako nang biglang naging si Christian ang nasa harapan ko. Nag salubong ang mga kilay ko. "Christian?" Agad na sambit ko saka ko lang naalalang wala na nga pala si Sebastian, agad na may tumulong luha sa mga mata ko. "Shhh Claire.. I'm just here. You're safe now, nahuli na namin si Gian. Nakakulong na siya ngayon at gagawin natin ang lahat para habang buhay niyang pagdusahan sa kulungan ang kasalanan niya." Ani Chris. "S-Si Seb... C-Christian si Seb? I-Is he alive?" Nanginginig ang boses na tanong ko. Biglang lum

