bc

Love you till death

book_age18+
987
FOLLOW
4.7K
READ
drama
like
intro-logo
Blurb

What it feels like to date while you were dying?

'Yan ang tanong na bibigyan ng kasagutan ng isang dalagang nabibilang na lang ang araw sa mundong ito.

chap-preview
Free preview
Simula
Simula A Kiss worth 5K C L A I R E "Jes, pautangin mo naman ako kahit limang lilibohin lang." Kantiyaw ko sa kaibigan kong si Jessica. Bwisit kasi 'yung tatay ko. Naturingang congressman hindi man lang ako mabigyan ng kahit konting barya. Leche! Kinuha pa lahat ng credit cards ko. Punyeta talaga. Balak pa yatang kunin sa akin si mingming kung hindi lang ako nag makaawa.  Hindi ko ugali ang mag makaawa pero kung si mingming na ang pag uusapan aba kayang kaya kong lunukin ang pride na pinaka mamahal ko. Si mingming ay hindi pusa at mas lalong hindi ito aso. Actually hindi rin ito uri ng isang hayop. Hindi ko ugaling mag alaga ng mga hayop o mga asal hayop. Si mingming ay ang pinaka mamahal kong motorcycle. Pinaka mamahal ko dahil literal na mahal talaga ito. Ito rin ang kaisa isang bagay na kinaiingatan ko dahil maraming beses na rin itong naging saksi sa napaka dramang buhay ko. I am Mary Claire Alegre whose life is a big mess. I'm breathing but I felt like I am lifeless that I'm just breathing but not living. My life is a mistake. Bunga lamang ako ng isang pagkakamali. Sarili ko lang ang mayroon ako ngayon. "Pinasara nanaman ba ng dad mo ang mga bank accounts mo?" Nakapamaywang na sabi ng kausap ko. Gustong gusto ng tumaas ng kilay ko at umirap pero pinigilan ko ang sarili ko dahil may bagay akong hinihingi sa kanya. Kailangan maging nice ako sa kanya para makuha ko ang gusto ko. "Pautangin mo na ako Jes, please." "Fine! In one condition." "What?" "Kiss the very first guy na dadaan dito." Nakangising sabi ng gaga. Fvckers! Kaibigan ko ba talaga 'to? Lakas mang trip akala niya yata nasa highschool pa rin kami. Peste! Paano kung ang dumaan dyan eh yung nakakadiri naming kaklase na si Peter. Yuck! Naiiisip ko pa lang na yun ang hahalikan ko, bumabaliktad na ang sikmura ko eh. Punyeta! "What? Wag mong sabihing uurong ka na agad Clara." I nearly scowled pero agad ko itong pinigilan. Sabi ko nang ayokong tinatagalog ang pangalan ko eh. Psh! Sino ba naman kasi ang nagpauso niyang pag tatagalog sa nananahimik kong pangalan. Umiling iling ako at pinatigas ang reaksyon ng mukha ko. Hindi umuurong sa kahit ano ang isang Mary Claire Alegre. "Of course not! May stick ka ba dyan?" Ngumisi ito at nag labas ng dalawang stick ng sigarilyo para sa aming dalawa. Sinindihan ko ang akin at nag simulang humithit duon. Bawal ang sigarilyo dito sa university pero wala kaming pake. We weren't  called bad girls for nothing. Jessica Ponacier ang bestfriend kong kapartner ko sa kalokohan. Parehong pareho kami ng ugali ng gagang ito kaya madali kaming nag kasundo nuong nasa highschool pa lang kami. Parehong pareho kami sa maraming bagay pero hindi siya katulad ko na pati sa mga magulang ay pinapakita ang pagiging rebelde. Ayaw na ayaw ni Jessica na makakarating sa mga magulang niya ang mga kalokohang ginagawa namin. Ako naman mas natutuwa ako pag nalalaman nila na may ginawa akong katarantaduhan. Bawi lang dahil ginawa din naman nilang isang malaking katarantaduhan ang buhay ko. Anak lang ako sa labas ni Congressman Juan Alegre sa isang sikat na aktres. My mother. Clara Abenida. May asawa na ang ama ko kaya kinailangan niyang itago ang tungkol sa akin at ang tungkol sa namagitan sa kanila ng walang kwentang nanay ko. Wala na nga silang pake sa akin wala pa kong mapala sa mga yaman nila. Peste sila! Maya maya'y may natanaw akong isang lalaking papalapit sa pwesto namin. Agad na naningkit ang mga mata ko ng makita kong si Peter ito. Agad agad na nag panic ako sa aking isipan. Putspa! Bakit iyan?! Putangina talaga kapag mamalasin ka talaga oh! Putapete papakamatay na lang ako kesa halikan yang bisugong yan. Bago pa man makarating sa amin ang damuhong iyon ay may isang lalaking tumatakbong bumunggo dito at nilampasan lang ito na parang hangin. Dahil tumatakbo ang lalaki ay ito ang unang nakarating sa pwesto namin. Mabuti't hindi ang unggoy na yun peste! Nakakadiri. Tumatakbo pa din ang lalaki ng mapadaan sa pwesto namin pero mabilis kong naiharang ang mga paa ko sa daan kaya naman natisod siya ruon. Hindi naman siya bumagsak sa lupa pero pansamantalang nawala ang balanse nito. Nang makabawi ay tumingin ito ng masama sa akin. I smiled at him in return. Sabi nga nila pag binato ka ng bato batohin mo ng tinapay. Fvckers. "Hi!" I said smiling from ear to ear. But make sure na yung tinapay may lamang bomba sa loob. Tumaas lamang ang kilay ni gago at balak na yatang umalis ulit pero siyempre hindi pa siya pwedeng umalis hanggat hindi ko pa naisasagawa ang plano ko. Itinapon ko ang hawak hawak na sigarilyo at mabilis na hinapit ang lalaki palapit sa akin. I kissed him fully in the lips naramdaman kong nanigas siya sa kinatatayuan niya I smirked. Nagulat ako ng makabawi ito at gumanti ng halik sa akin. Napa awang ang bibig ko dahil sa pagkagulat pero dahil duon ay nag karuon siya ng pagkakataong maipasok ang dila niya sa loob ng bibig ko. Damn! Para akong na estatwa sa kinatatayuan ko. Ito ang unang beses na may humalik sa akin ng ganito. Hindi ko alam kung paano ako mag reresponse. Wtf! Bakit tila nang hihina ang mga binti ko? Nang bumitiw siya sa halik ay agad na may sumilay na ngisi sa labi niya. Damn! Pahiya ako. "Your lips are irresistible babe, but I'm in a hurry so good bye for now." Mayabang na sabi nito bago ipinag patuloy ang pagtakbo. Huh! Anong akala niya nagustuhan ko yung halik niya? May pa irresistible irresistible pa siyang nalalaman. Punyeta! Akala yata nag enjoy ako dun sa halik niya. Bugok siya! "Oh my G! That's Sebastian Crisostomo." Parang kinikilig na sabi ni Jes. Tumaas ang kilay ko. Kilala niya ang unggoy na yun? "Mygad! Sana ako na lang pala ang humalik sa kanya! Ang daya!" Hindi ko pinansin ang sinabi niya at agad na nilahad ang palad ko sa harap niya ng may nakangising mukha. "Mission accomplished." I said nang may pag mamayabang. Ngumuso ito at inis na nilabas ang wallet sa bag. Akala niya siguro hindi ko magagawa ang pinagagawa niya. Pero ang lalaking iyon! Why did he kissed me back? Ang ineexpect ko ay agad siyang lalayo at magagalit pero the fvck! Gumanti pa talaga ang loko ng halik. Kainis! Oo ako ang unang humalik pero wala naman akong sinabing gumanti siyang hayup siya. Pisti naman oh. -- "What in the deepest hell are you doing here, Abenida?" I asked my mother. Naabutan ko siya sa loob ng tinitirhan kong apartment. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa apartment ko at kung paano niya nalaman ang bahay ko. Nakatira kasi ako dati sa bahay ng Dad ko kaya lang hindi ako pwedeng manatili duon dahil sa mahadera niyang asawa. Ayoko din namang makasama yung mga santasantita kong mga half sister. Hindi ako santa pero punyeta hindi ako kagaya nilang napaka demonyita. Hindi ako si Cinderella pero parang ganun na nga ang takbo ng buhay ko. May tatlong mahaderang babae ang paepal sa buhay ko. Yun ang asawa ng babaero kong ama at ang dalawang half sisters ko. But any way hindi naman ako kagaya ni Cinderella na santasantahan. Hindi na uso sa panahon ngayon ang mag bait-baitan no. Kapag inapi ka gumati ka wag kang gaga, tanga! Isang beses ngang nahuli ko yung 'ATE' kong sinira yung dress na binigay ni Dad, ayun kinalbo ko. Malditang yun, pwes mas maldita ako. Dahil duon kinulong ako ng nanay niyang chaka sa isang kwarto. Isang linggo yata ako duon, wala kasi nun si Dad. Ganun naman sila pag wala si Dad. Kung ano anong kasalbahihan ang ginagawa sa akin. Kahit ganun isa lang ang maipagmamalaki ko sa kanila. Kahit sinira nila ang buhay ko at kahit ginawa nilang panget ang childhood ko, isang bagay lang ang maipagmamalaki ko. Kahit kailan hindi nila ako nagawang paiyakin. Kahit kailan hindi ko nagawang sumuko sa kanila at mag makaawa. Nuon akala ko mahal ako ng Dad ko pero narealize ko If he really loves me, bakit ganito ang buhay ko? Why am I here? Bakit ako nag titiis sa maliit at masikip na bahay na to kung meron naman siya ng lahat ng perang kailangan ko. Bakit mag isa ako kung mahal niya talaga ako? Bata pa kasi ako nuon kaya naniwala akong mahal niya ako. Pero ngayon may isip na ako. I know for a fact na isang malaking pag kakamali lang ang tingin sa akin ni Dad. At ito. Itong babaeng nasa harap ko ngayon? Never kong naisip na minahal ako nito. Nilampasan ko siya habang siya ay prenteng prenteng nakaupo sa maliit na sofa ko. Nag dire diretso ako sa aking mumunting kusina para kumuha ng tubig. Kumukulo nanaman ang dugo ko. Nandito nanaman kasi ang babaeng ito. "What kind of question is that Mary Claire." I scowled in annoyance. I really hate it kapag tinatawag ako sa pangalan ko. I hate my name dahil alam kong nanggaling iyon dito sa gaga kong nanay. "I'm your mother anong nakakapagtaka sa dinadalaw ko ang anak ko?" Gustong gusto ko ng matawa sa sinabi niya. She's my mother? The fvck! Halos once in a year nga lang siya kung magpakita tapos bibigla siyang susulpot dito sa apartment ko at sasabihin niyang nanay ko siya. The heck! Napaka kapal naman pala talaga ng mukha mo Clara Abenida. "Ang isang ina, laging nasa tabi ng kanyang anak para gumabay at alagaan. Ngayon Clara, masasabi mo pa rin bang isa ka ngang ina?" I asked bago ako lumabas ng kusina. Biglang nagbago ang hilatsa ng mukha nito. Galit na napatayo ito sa kanyang kinauupuan. "Hindi kita tinuruang sumagot ng ganyan sa akin!" "Alam ko. Dahil wala ka namang naituro sa aking kahit ano. Ultimo pag spell lang ng pangalan ko sa ibang tao ko pa natutunan!" "Bastarda! Bastarda ka na nga ganyan pa ugali mo. Tamang tama ka dito sa bulok na bahay na ito dahil bulok din yang ugali mo! Akala ko ba lumaki ka sa poder ng ama mo, pero bakit mukhang sa skwater ka yata lumaki ha, Mary Claire?" Kating kati na yung palad kong sampalin itong babaeng nasa harap ko ngayon. Wala na akong pake kahit na siya pa ang nanay ko. Hindi naman siya naging ina sa akin kaya bakit ko pa siya igagalang? Pagkatapos niya akong itapon ng basta basta nung sanggol ako, tapos andito siya ngayon para sabihin lahat ng yan sa pagmumukha ko? Isampal ko kaya sa kanya lahat ng kalandiang pinag gagagawa niya. Kaya lang naman ako nandito sa bwisit na mundong ito ay dahil sa kalandian niya at ng ama ko. "Sayo pa talaga nang galing yan. Ang pumatol sa may asawa, tama bang gawain iyon ng isang matinong babae?" I said smirking. Lalong tumalim ang tingin sa akin ng magaling kong ina. The hell I care! "Mary Claire!" "What?" "Maldita kang bata ka!" "I'm not a kid anymore. Hindi niyo na ako mapapasunod ni Dad sa gusto niyo! Tabi!" "Wala kang kwenta! You're a big mess!" "Well you're right, I'm a mess pero ngayon alam ko na kung kanino ako nag mana! Sa demonyong gaya mo!" Tinabig ko ang gaga para makadaan ako at walang galang na lumabas ng bahay ko. Pasalamat siya hindi siya ang pinalayas ko. Bahala siya sa buhay niya duon. Hinding hindi ako babalik sa bahay na yun hanggat nanduon siya. Pag nakikita ko siya parang sumisikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga. Ayokong ayoko ng presensya niya. Silang dalawa ni Dad. Mga bwisit sa buhay ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

read
852.8K
bc

My Last (Tagalog)

read
493.2K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
718.1K
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
173.6K
bc

My Secret Marriage

read
129.1K
bc

The Escort (Tagalog)

read
180.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook