001
Little Accident
C L A I R E
Sumakay ako sa motorcycle ko at pinaharurot iyon ng takbo. Damn this bullsh't life! Ako na yata ang pinaka malas na babae sa buong pilipinas. What if ikalat ko kaya sa media ang affair ng babaeng iyon at ng dad ko? Nang sa ganun makabawi man lang ako sa mga pinag gagawa nila sa buhay ko. Mas lalo kong pinatulin ang takbo ng motor ko na animoy may humahabol sa akin. Bigla akong napabrake ng biglang may isang sasakyang huminto sa dinaraanan ko. Dahil sa biglaang pag preno ay hindi ko na balanse ang sarili ko at ang motor ko kaya bumalibag ako sa kalsada. Hindi ako nag susuot ng helmet kaya swerte ko pa din na hindi tumama ang ulo ko sa sahig.
Damn! Ang malas. Tatayo na sana ako pero bigla kong naramdaman na sumakit ang kaliwang paa ko. Punyeta! Kung minamalas ka nga naman. Nang silipin ko yung binti ko may dugong umagos mula duon. Damn it! Peste talaga! Lahat lahat na sabay sabay!
Parang gusto ko ng magwala sa kinasasalampakan ko kung hindi lang bumukas yung pinto ng sasakyan na biglang huminto sa daanan ko. Itong hinayupak na ito talaga ang may kasalanan nito eh. Punyeta siya kung hindi siya humarang harang dyan edi sana wala ako dito ngayon. Mukhang nagasgasan pa yata tong motor ko. Nyeta siya. Mag babayad siya.
Halos patayin ko sa talim ng titig ko ang lalaking lumabas ng sasakyan. Pakyu to!
Handa na akong sampalin siya pagkalapit niya sa akin pero ang hinayupak mas unang chineck ang lagay ng sasakyan niya bago ako tulungan tumayo. Punyeta ba siya? Napaka arte niyang gunggong siya hindi naman ako bumangga sa sasakyan niya dahil pinilit ko ngang huminto agad para hindi bumangga. Hayup na to napaka arte!
Nang makompirmang hindi nagasgasan ang kotse ay humarap na ito sa akin.
"What are you doing? Miss, hindi ka bumangga sa kotse ko kaya alam kong nag papanggap ka lang. Wala kong cash ngayon kaya hindi kita mabibigyan ng kahit ano."
Napanganga ako ng sabihin niya iyon. Ay putaragis naman oh! Ang kapal din ng mukha ng siraulong to eh! Akala niya siguro pineperahan ko siya. Kung di lang masama ang pagkakabagsak ko at masakit ang balakang ko ay baka sinungalngal ko na yang bunganga niya. Hayup na to! Pag bibintangan pa akong manloloko.
"What are you trying to imply? Na niloloko lang kita at gusto lang kitang huthotan?"
"Exactly!"
Pakyu siya! Once na makatayo ako dito susungalngalin ko talaga siyang imbyerna siya!
"HOY UNGGOY TUTULUNGAN MO BA AKONG TUMAYO DITO O KAKASUHAN KITANG GAGO KA!"
Tumawa ang lintik na ani moy nang aasar. Aba hayup talaga! Napaka kapal ng pagmumukha peste! Akala niya naggwapuhan ako sa patawa tawa niya. Unggoy siya humanda talaga siya sa akin.
"Alright. Do whatever you want. Good luck na lang."
Tumalikod na ito at handa ng bumalik sa loob ng kotse niya nang sumigaw ako.
"Fck you! Humanda ka saking peste ka!"
Hinubad ko ang suot suot kong rubber shoes na may takong at malakas na ibinato iyon sa kanya. Tumama ang sapatos ko sa batok niya. Agad na sinapo niya ang tinamaang batok. Nang makabawi ay galit na binalingan ako nito ng tingin.
Hype siya! Hindi ako natatakot sa pa ganyan ganyan niya! Akala niya ba matatakot ako sa kanyang peste siya! Sa ama ko ngang hari ng kademonyohan di ako natatakot sa kanya pa kayang unggoy siya.
"What the hell is your problem?!"
"Fvck you! Kung hindi ka huminto ng pabigla bigla hindi mangyayari sa akin 'to. Kingina mo ba? Tignan mo binti ko puro gasgas dahil sayong hinayupak ka. Pagkatapos hindi mo man lamang ako tutulungang tumayo dito. Peste ka talaga!"
"Teka nga! Familiar ka ah."
"Huh?"
Kumunot ang nuo niya at lumiit ang mga mata na para bang sinusuring maigi ang aking mukha. Tinaasan ko ito ng kilay. Agad na naibato ko sa kanya ang isa pang pares ng sapatos ko ng makitang sa dibdib ko na nakapako ang tingin nito. Hayup na to. Manyak!
"What the fck! Ano nanamang ginawa ko?"
"Walang hiya ka! Bastos ka na nga manyakis ka pa! Peste talaga!"
"Tsk! Babae ka ba talaga? Bakit ganyan lumalabas sa bunganga mo?"
"Pake mo ah? Nanay kita?"
"Ah alam ko na kung bakit ka familiar at kung saan kita nakita."
"At saan naman?" Tumaas ang kilay ko. Hindi ko siya mamukhaan. Tingin ko ngayon ko pa lang siya nakita kaya anong pinag sasabi niyang familiar ako?
"Ikaw yung babaeng humalik na lang basta basta sa akin sa school."
~~~~
"Hey. Hinay hinay lang wala kang kaagaw." Amuse na sabi niya. I scowled at him at ipinag patuloy lang ang pagkain. Ilang lingo na din ba akong walang matinong kain. Puro mga instant noodles lang ang kinakain ko sa apartment.
Napaka saklap ng buhay ko at sa mga party lang ako nakakatikim ng mga matitinong pagkain. Kaya naman nang ayain ako ng hinayupak na ito dito sa condo niya hindi na ako tumanggi. Sino bang gaga ang tatanggi sa grasya. Oo di kayo naduduling tama kayo ng nababasa nasa unit lang naman ako ng mokong na 'to. Di ko din alam kung bakit ako pumayag eh. Epekto siguro ng charisma ng hayup na to este epekto siguro nang pag kakabalibag ko kanina.
"Seriously miss, ilang lingo ka bang di pinakain?" aniya nang natatawa, di pa din makapaniwalang nakatitig sa akin. Sinamaan ko uli siya ng tingin.
"Nakakatawa yun ha?"
Umiling iling lang siya at ipinag patuloy ko na ulit ang pagkain ko. Tungina ang sarap nito! Pota! Bakit ba kasi di ako natutong mag luto nuon. Bwisit ultimo pag sasaing di ko magawa ng maayos eh.
"Mukhang mayaman ka naman kaya okay na siguro yung 10k para di ako mag demanda." Sabi ko nang may laman pa din ang bibig.
"Wtf?"
Nag salubong ang mga kilay ko sa reaksiyon niya. Anong akala niya kakalimutan ko na lang ang nangyari? Kung di siya basta basta pumepreno edi sana di ako nadisgrasya kaya dapat lang na mag bayad siyang barumbado siya!
"Oh problema mo?"
"Look miss, ako na tong nag malasakit na dalhin ka dito at pakainin pagkatapos gusto mo pa akong perahan? You're impossible!"
Abat! Huminto ako sandali sa pag nguya para sagutin siya.
"Hoy lalaki! Una sa lahat di ko sinabing dalhin mo ko dito, pasalamat ka nga at sumama pa ako sayo dito para ayusin ito eh. Kung hindi mo ko babayaran ng 10k ipapademanda kita. Naiintindihan mo ba?" Sabi ko sabay subo ulit sa pagkaing nasa harapan ko. Ang sarap naman kasi ng punyetang ito.
"Eh kung ikaw kaya ang ipademanda ko?"
Aba!
"Hoy miss kilala ko yung mga kagaya mo ah. Kung gusto mo magkapera mag sikap ka hindi yung mang bibiktima ka ng mga taong pwede mong perahan."
Di ko na napigilan yung inis ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko at ipinukpok sa ulo niya yung kutsarang hawak ko. Bwisit na ito! Kala mo kung sinong kagalang galang kung makapag salita.
"Aray ko!" Hiyaw niya.
"Hoy ikaw! Babawiin mo ba yung sinabi mo o gusto mong lumpuhin kita dyan?"
"Alam mo napaka sadista mo. Porket babae ka ang tapang tapang mo mag hamon ng away palibhasa alam mong di ka papatulan."
"Kasi duwag ka."
"Sinong duwag?" Tumayo siya at tumapat sa akin. Matangkad siya kaya napatingala na lang ako sa kanya. Tsk! Kapre ba ito? Matangkad na ako pero mas matangkad pa siya sa akin.
Napangisi ako.
"Oh edi saktan mo ko kung di ka duwag. Come on saktan mo ko!" Sabi ko nang nag hahamon. Alam ko namang hindi ko siya kaya pero alam ko ding hinding hindi niya ako papatulan. Well kung papatulan man niya ako it means bakla siya. Eh mukhang hindi naman kaya hindi ako papatulan ng mokong na ito.
"I'll burn you up with desire as your punishment." Seryosong sabi niya. Bigla akong napalunok nang sabihin niya iyon na halos pabulong lang at parang nang aakit.
Di ko alam kung bakit bigla na lang akong napaatras nang lumapit siya sa akin. Ngena! Ano ito? Bakit ako umaatras sa mokong na ito? Nakita kong sumilay ang isang pilyong ngisi sa kanyang mga labi. Punyeta inaasar yata ako ng hayop na ito. Muli siyang humakbang palapit sa akin but this time di na ako umatras instead humakbang din ako palapit sa kanya. Sandaling natigilan siya sa ginawa ko kaya yun naman ang panahon para ako naman ang ngumisi sa kanya pero agad ding napawi ang ngisi ko nang humakbang pa siya palapit at halos dikit na dikit na siya sa akin sa sobrang lapit namin sa isat isa. Ramdam na ramdam ko ang pag hinga niya sa may mukha ko hmm wag ka ang bango bango ng hininga ni mokong. Parang sinafe guard pa. I wonder kung shinashampoo niya din ba yung gilagid niya kasi ang bango talaga ng hininga---
Nahinto ako sandali sa pag iisip nang bumaba ang mukha niya sa akin. Putakte! Nakangisi pa din ang mokong habang nakatitig sa labi ko. Hindi ko alam kung anong kapestehan ang nangyari sa akin at tila naging tuod na ako dito sa kinatatayuan ko. Punyemas na buhay! Sa lalaki ka lang pala nato titiklop ha, Claire? Di porket masarap siya pag bibigyan mo na siyang ganiganituhin ka.
Bago pa man niya mailapat ang labi niy sa labi ko ay agad na akong kumilos para tadyakan yung ano niya. Agad na napalayo siya at napa yuko upang sapuin yung itlog niyang mukhang nabasag ko yata. Opps.
"SH*T! You retarded!" Hiyaw niya habang nag hihinagpis sa nabasag niyang babies.
Lumawak ang ngisi ko.
"Bwisit bat ba ang sadista mong babae ka?"
Inilahad ko ang kamay ko sa harap niya habang saposapu niya pa din yung itlog niya.
"What the heck?!"
"Hoy kung ayaw mong masaktan ulit ibigay mo na lang yung hinihingi ko para makaalis na ako."
"Wala kang mapapala sa akin kung ako sayo umalis ka na bago pa ako mag patawag ng security guard dito at ipakaladkad ka. Sa totoo lang ako ang may karapatang mag demanda dito. Judge ang tatay ko kaya kahit saang korte tayo makaabot ako ang papaboran ng batas. Ngayon miss wala ka pa din bang balak umalis?"
Natigilan ako. Bwisit! At bakit naman ako maniniwala sa hayup na ito? Malay ko ba kung niloloko niya lang ako? Tungina talaga.
"Gusto mo kong gahasain kaya ko nagawa yan."
"What the hell?"
I scowled at him. Fvck!
"Anong sabi mo? I what?"
"Sabi ko mag hinunuli ka."
Nanatiling nag tataka ang mukha niya. Bwisit mukhang wala akong mapapala sa mokong na ito at baka ako pa ang magka problema kung totoo ngang may tatay siyang judge. Sinamaan ko lang siya ng tingin bago tumalikod para sana lumabas na nang may maalala ako. Lumapit ulit ako sa may lamesa at madaling inubos yung natitirang pagkain sa plato ko. Pinunasan ko ng tissue yung bibig ko bago ako tumayo at umalis na nang unit niya. Naiwan si gagong manghang mangha sa inasta ko. Sayang grasya eh. Ako pa naman yung taong hindi tumatanggi sa grasya.
Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng unit ni mokong bumungad na sa akin yung demonyita kong step sister. Tumaas ang kilay niya sa akin kaya tinaasan ko din siya ng kilay.
"Anong ginagawa ng bastardang tulad mo sa unit ng boyfriend ko?"
Napangisi ako. Boyfriend pala ng impaktang ito yung lalaking yun. Kaya naman pala nag iinit ulo ko sa mokong na yun.
"Hindi mo gugustuhing malaman ang sagot sa tanong mo, dear sister." Parang gusto kong masuka. Tungina magkapatid nga kami pero di kami mag kamukha no. Yuck! Eh halos lahat sa babaeng ito peke eh. Pati pagkatao niya peke. Pasanta kunyari pero demonyo.
Sumama yung hilatsa ng mukha niya sa sinabi ko.
"What are you trying to say?"
"Wag ako ang tanongin mo nyan, ask your boyfriend. Good bye sis!" Paalam ko nang may ngiting nang aasar. Umirap siya bago hablutin ang buhok ko. Siyempre di namana ko papatalo no sinampal ko naman siya ng malakas. Napasapo siya sa pisnge niya sa lakas ng sampal ko.
"You b***h!" Aniya na sapo pa din ang pisnge. Ngumisi ako.
"Anong nangyayari dito?" muling bumukas yung pinto ng unit nung mokong. Umarteng parang santang inaapi si Vianca. Napailing ako. Hanggang ngayon wala pa ding kupas ang kaartehan ng gaga.
Yumakap pa ito sa boyfriend niya at nag iyak-iyakan. Tsk.
"Seb, sinaktan niya ako. Wala naman akong ginagawa sa kanya." Over acting na sabi ng loka. Lumingon sa akin si mokong na parang hinihintay akong mag paliwanag pero tinaasan ko lang siya ng kilay at muli nang tumalikod para umalis.
Mga bwisit.