002
Kiss in Elevator
C L A I R E
Bigla ko lang naisip, ano kayang nagustuhan ng mokong na yun duon sa impakta kong kapatid? Huh! Malamang akala niya santa yung girlfriend niya pero pano kaya pag nalaman niya kung gano ka demonyita yung impaktang yun? Isama mo pa yung mala malignong nanay niya.
Sayang akala ko pa naman mahuhutohotan ko na yung lalaking yun. Hays. Ang malas naman oh, nadisgrasya na nga ako, nakita ko pa yung pag mumukha ng impaktang yun. Napasapo ako sa tuhod ko nang bigla itong kumirot. Bwisit naman oh! Napag desisyonan kong umuwi na lang sa bahay, sigurado namang wala na dun yung maldita kong nanay eh.
Pasakay pa lang sana ako sa motorsiklo ko nang bigla akong makaramdam ng pagkahilo, hanggang sa unti unting nag dilim ang paligid ko. Punyeta ano brownout ba? Napakapit ako sa pader na malapit sa kinatatayuan ko hanggang sa tuluyan na ngang mag dilim ang paningin ko at mawalan ako ng malay.
Pag mulat ko ng mga mata ko ay nasa isang di pamilyar na lugar na ako. Puti ang kisame pati na din ang pader. Walang dudang nasa isang hospital room ako. Bakit ganun parang ang bigat bigat ng mga mata ko at hindi ako makahinga ng maayos? Nang maidilat ko na ng maayos ang mga mata ko ay napansin kong may nakakabit sa ilong ko para makahinga ako ng maayos. Agad ko iyong tinanggal at bumangon. Punyeta! Ano bang ginagawa ko dito? Gastos lang ito eh.
Sino bang hinayupak ang nag dala sa akin dito?
Saktong bigla namang bumukas ang pinto ng kwartong kinaruruonan ko. Pumasok ang isang lalaking nag tataglay ng napakalakas na charisma. Punyeta di ako mahilig sa lalaki ah at mas lalong di ako madaling maattract sa mga lalaki pero langya bakit parang napapaligiran yata ako ng mga gwapong nilalang ngayong araw. Kanina si mokong ngayon naman itong lalaking ito naman.
Tinaasan ko siya ng kilay nang ngumiti siya sa akin.
"So gising ka na pala. Binilhan kita ng makakain. Kanina ka pa ba gising?"
Kumunot ang nuo ko. Sino ba 'to bakit parang feeling close naman yata siya eh samantalang ngayon ko pa nga lang siya nakita-- Wait! Shet!
"Christian?" Gulat na sambit ko.
Nakangiting tumango tango ito.
"Oh bakit parang gulat na gulat ka?" Nakangising sabi niya. Napairap ako.
Bakit nandito 'tong lalaking ito? Anong kailangan niya? Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Di ko maiwasang maalala yung ginawa niya sa akin 5 years ago. Akala ko pa naman nakahanap na ako ng kakampi sa buhay pero tulad lang din pala siya nila Dad na, mang iiwan at aabandonahin ako sa huli. Bakit pa siya nag pakita gayong hindi ko naman na siya kailangan?
"Galit ka pa din ba sakin?"
"Ano bang ginagawa mo dito?"
"I'm here for you--"
"I don't need you, makakaalis ka na."
"Claire, please. I'm sorry okay. Hindi ko ginustong iwan ka. I just had to.. Alam mo naman yun di ba?"
Itinaas ko ang kanang kamay ko para patigilin siya sa pagsasalita.
"Stop. Di mo kailangan mag paliwanag. Wala na sa akin yun. Umalis ka na. Hindi na kita kailangan. Hindi na ikaw ang itinuturing kong kaibigan."
"Kung ganun bakit ang number ko pa din ang nasa speed dial mo?"
Bigla akong natigilan. Hindi ko alam pero bigla na lang tumulo yung luha sa mga mata ko. Hindi ako iyakin na tao kaya hindi ko maintindihan kung bakit ako naiiyak ngayon. Limang taon na ang nakaraan since umiyak ako dahil iniwan ako ng bestfriend ko, ng kaisa isang taong nagparamdam sa akin na mahalaga ako. At ngayon after 5 years umiiyak nanaman ako dahil sa kanya.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Namiss kita ng sobra." Aniya.
Hindi ko na pinigilan ang sarili kong yakapin din siya ng mahigpit. Gosh, namiss ko talaga siya. Mula nang umalis siya para mag aral sa states ay nawalan na ako ng balita sa kanya dahil yun din ang araw na pinalayas ako sa mansiyon ng sarili kong ama. Nag iba ako ng number kaya hindi na din niya ako nagawang kontakin pero sinave ko pa din yung number niya sa phone ko. Simula nun nagkaruon ako ng kaunting tampo sa kanya. Bakit ba kasi kailangan niya pang mag aral sa ibang bansa. Bakit hindi na lang siya mag stay sa tabi ko. Alam naman niyang siya na lang ang kaisa isang taong pinag kakatiwalaan ko. Pero mabuti na lang talaga at nakilala ko si Jes. Siya yung pumalit kay Christian bilang kaibigan ko.
Di naman ako kinalimutan ng tuluyan ni Dad dahil kahit papano sinusustentuhan pa din naman niya ako. Kaya lang siyempre kulang yung sustentong yun. Bakit kailangan niya akong palayasin? Para di ko magulo ang pamilya niya? Pamilya niya din naman ako ah? Anak niya ako. Ako na nga lang ang pinaka maganda niyang anak nagawa niya pa akong palayasin. Bahala sila. Magsama sama sana sila sa impyerno.
"So kamusta ka naman?" Tanong ko.
"Okay naman. Ikaw ang kamusta na? Nabalitaan kong pinalayas ka sa inyo. Gusto sana kitang hanapin kaya lang naisip ko baka masama ang loob mo sa akin dahil iniwan kita bigla nang walang paalam."
"Masama talaga loob ko sayo. Kung kailan ba naman kita kailangan tyka ka nawala."
Biglang sumeryoso yung mukha niya.
"Sorry."
Bigla na lang tumaas yung kamay ko upang batukan siya ng pabiro.
"Ano ka ba! Ngayon ka pa ba mag ddrama eh limang taon nang nakalipas." Tatawa tawang sabi ko.
Ngumisi siya.
"Eh sino ba sa atin ang umiiyak kanina?"
"Hoy sinong umiiyak ah?"
"Wala ka pa ding pag babago. The way you talk, ganun na ganun pa din."
"Hay naku. Halika na nga. Umalis na tayo sa punyetang lugar na ito dahil wala din naman akong ibabayad dito kung mag tagal pa ako dito."
Tatayo na sana ako pero agad din naman niya akong pinigilan.
"Wait. Hintayin muna natin yung doctor mo."
"No need. Wala akong sakit. Gutom lang yun tyka kunsumisyon kaya ako nahimatay."
Natatawang napailing siya.
"Hanggang ngayon pasaway ka pa din."
"Ano aalis na ba tayo?"
"No. Hihintayin natin yung resulta nung test na ginawa sayo."
Napairap na lang ako muling nahiga. Nitong mga nakaraang araw, medyo nahihirapan na akong huminga. Hindi ko alam kung ito ba yung dahilan kung bakit ako nawalan ng malay kanina. Siguro. Hays. Ewan. Wala naman akong pake kung may makita silang sakit sa akin O kung malaman nilang mamamatay na pala ako bukas. So what? Mas gusto ko na nga iyon eh.
____
Ilang sandali pang pag iintay bago dumating yung doctor. May mga sinasabi siya pero hindi ko naman naintindihan. Pagkatapos nun ay okay naman na at pinaalis na din kami. Sa wakas. Parang mababaliw yata ako duon, ayoko kasi nung amoy ng hospital. Ewan ko ba naiirita ako sa amoy ng alcohol at kung ano ano pang amoy na maaaamoy mo lang sa isang hospital.
"Saan ka ba nakatira para maihatid na kita." Ani Christian.
"Hindi mo na ako kailangan ihatid. Kaya ko na sarili ko. Isa pa kukunin ko pa yung motor ko dun sa isang condominium sa makati. Sige na makakaalis ka na. Salamat nga pala ah. Tyka wag ka mag alala babayaran ko yung perang binayad mo dito sa hospital. Medyo kapos lang talaga ako ngayon eh." Wika ko at bago pa man siya makapag salita ay agad ko nang pinara yung taxi na dumaan sa harap namin. Di ko na siya nilingon pa at dirediretsyong pumasok sa sasakyan.
Alam ko naman kasing mag pupumilit pa yan na ihatid ako sa bahay. Ayoko namang dalhin siya sa panget na bahay na yun. Hindi naman sa nahihiya ako ah. Ayoko lang. Ayokong mag alala pa siya sa akin dahil maayos naman na ako.
Teka nga muna. Bakit nga pala ako nag taxi? Wala na nga kong pera may pataxi taxi pa akong nalalaman. Punyemas.
"Saan po tayo ma'am?" Tanong ng taxi driver.
"Diyan lang ho manong sa kanto."
Wala akong ibabayad dito kaya mas mabuti pang bumaba na agad no.
Ilang minuto lang ay narating ko na din ang condominium nung mokong pero walangya ayaw akong papasukin ng mga guard sa parking lot. Langya! Kanina nung pumasok ako dito kasama ko kasi si mokong kaya pinapasok nila ako pero ngayon ayaw na ako papasukin.
"Nandyan yung motor ko bakit ba ayaw niyo ko papasukin?"
"Pasensya na miss. Hindi po kami basta basta nag papapasok ng kung sino sino dito. Tawagan niyo na lang po yung kakilala niyo dito para sunduin kayo."
"Hindi naman ako mag nanakaw no. Kukunin ko lang yung motorsiklo ko kaya papasukin mo na ako."
"Hindi po talaga pwede miss."
Nasipa ko yung basurahan sa bwisit ko.
Wala akong ibang choice kundi ang hintayin yung mokong na bumaba dito sa lobby. Pano ko naman kasi tatawagan yung hayup na yun eh hindi ko naman talaga siya kilala at wala naman akong numero niya. Ang alam ko lang yung pangalan niya. Siya si Sebastian Crisostomo.
Hays. Ilang oras na pag hihintay nang sa wakas ay bumaba na din siya. Agad akong lumapit sa kanya.
"Ikaw nanaman?" Wika niya.
"Finally, kanina pa kita hinihintay babe." Wika ko sabay hila sa batok niya upang halikan siya sa labi. Ramdam ko ang pagkagulat niya sa ginawa ko. Sandali lang yung halik na yun at agad din naman akong bumitaw. Nag tataka yung mukha niya nang tignan ko ito, napangisi ako bago ko siya hatakin papunta sa elevator. Pag pasok namin sa elevator ay agad kong pinindot ang under ground.
Sa wakas makakaalis na din ako sa punyetang lugar na ito. Pero nang bumukas ang elevator, hudyat na nasa under ground na kami ay agad din naman niya itong pinindot pasara. Agad na napaharap ako sa kanya.
"What's your---" bago ko pa matuloy ang sinasabi ko ay bigla na lang niyang inangkin ang labi ko.
Parang tuod na nanigas ako mula sa kinatatayuan ko. Literal na nanlaki ang mga mata ko sa sobrang pagkagulat.
Anong ginagawa ng mokong na 'to?
Habang patagal ng patagl ay lalong lumalalim yung halik niya. Di ko alam kung ano bang nangyari sa sarili ko at bakit tila hindi ko magawang ikilos ang katawan ko. Maya maya ay nag bukas muli ang elevator, dahil may mga taong sasakay pero binalewala lang iyon ni mokong at muling isinara ang elevator. Duon na ako natauhan at mabilis na kumilos upang itulak siya palayo sa akin. Lumayo lang siya sa akin ng sandali para makahinga pero agad din naman niyang sinakop ang mga labi ko. Mas mapusok iyon kaysa sa nauna. Punyeta!
Nang makaipon ako ng lakas ay agad ko siyang itinulak ng malakas palayo sa akin. Inis na sinuntok ko siya ng malakas sa dibdib pero para ko lang sinaktan ang sarili ko dahil sa tigas ng dibdib nito. Nyemas naman. Aish!
"Gago ka! Ang tigas naman ng mukha mong halikan ako! Sino ka bang tarantado ka para gawin sa akin yun ha?!"
Pero imbis na matakot ay ngumisi pa ang loko. Mas lalo lang tuloy akong nabwisit. Putanginang buhay nga naman ito oh. Napaka malas!
"Anong nginingisi ngisi mo dyang unggoy ka?! Putangina ka! Di porket impakta yung girlfriend mo, ako ang pag iinteresan mong pag libugang gago ka ah!"
Biglang nag salubong ang kilay nito.
"Girlfriend?"
"O wag mong sabihing itatanggi mo sakin si Vianca? Kung sa bagay katanggi tanggi naman talaga yung babaeng yun pero hoy! Hinding hindi mo ko maloloko manyakis ka! Di ka pa nga bayad sa utang mo sa akin tapos gaganitohin mo pa ako. Idadagdag ko ito sa kasong isasampa ko sayo, naiiintindihan mo--" Natigilan ako ng mabilis niyang dinampi yung labi niya sa akin bago lumabas ng elevator.
Napairap na lang ako sa kawalan. Nakakagago na siyang hayuf siya ah. Ipapademanda ko talaga siyang lalaki siya! Inis na nag martsa ako palabas ng elevator at patungo sa pwesto ng motorsiklo ko. Naabutan ko yung mokong na nakasandal sa may pader malapit duon at nakakrus pa ang mga braso. Tsk! Kala mo naman kina cool niya yun.