003
The Past
C L A I R E
"Claire para sayo." Lumapit sa akin yung schoolmate kong matagal ng may gusto sa akin na may hawak hawak na bulaklak.
"Dex alam mo, mabuti kang tao kaya ayokong paasahin ka, di ako kamahal mahal na tao kaya wag mong sayangin ang allowance mo sa pag bili ng kung ano para sa akin dahil sayang lang." Sabi ko sabay talikod.
"May pag ganun si mayora?" Anang kaibigan kong gaga. Inirapan ko lang siya at sinimulan ng mag lakad patungo sa susunod kong klase.
Bago pa man kami makarating ni Jess sa klase namin ay agad naman na siyang nag paalam. May lakad daw kasi siya, gusto ko ngang sumama kaya lang ayaw ng loka. Tsk! Pakiramdam ko may itintago sakin yung gagang yun. Pag nalaman ko lang talaga kung ano bang kagagahan ang pinapasok ng bruhang yun.. Humanda talaga siya sa akin.
Ipinag patuloy ko na lang ang pag lalakad papunta sa klase ko nang may bigla na lang humarang sa daanan ko. Nag taas ako ng tingin dahil malaking tao yung humarang sa daanan ko. Nag tama ang paningin namin ni mokong na ngayon ay nakangisi pa sa harap ko. Napairap agad ako. Ang aga aga mukhang may balak pa siyang sirain ang araw ko. Humakbang ako pakanan para iwasan na lang siya. Wala ako sa mood makipag asaran sa kanya dahil kanina pa masama ang pakiramdam ko. Pero kumanan din ang mokong at muling humarang sa dinadaanan ko. Pinili kong umiwas na lang uli pero ayaw talaga niya ako paraanin.
"Ano bang problema mo?" Wala sa mood na tanong ko.
Biglang nag bago yung hilatsa ng mukha niya from nang aasar to nag tataka. Maya maya ay naramdaman ko na lang ang likod ng palad niyang dumadampi sa leeg ko. Sinisipat niya kung mainit ako at may lagnat. Agad na pinalis ko yung kamay niya sa leeg ko bago mag simulang mag lakad palayo. Hindi naman na niya ako hinarang pero sumunod siya sa akin.
"May sakit ka ba?" Aniya.
Di ko siya sinagot at nag patuloy sa paglalakad nang bigla na lang niyang hablutin yung bag ko at mabilis na tumakbo paalis. Punyeta! Wala nga sabi ko sa mood para makipag gaguhan sa kanya. Letse naman.
Wala na akong nagawa kundi ang habulin siya. Pag nahabol ko yung gagong yun humanda talaga siya sa akin. Hindi ako nag bibiro papatayin ko talaga siya pag nahabol ko siya. Hindi ito ang tamang araw para bwisitin ako. Habang tumatakbo ay bigla kong naramdaman ang pag sikip ng dibdib ko kaya huminto na ako. Napasapo ako sa dibdib ko. Nahihirapan akong huminga, pabilis ng pabilis ang t***k ng dibdib ko. Unti unti na ding nag didilim ang paningin ko.
"Hindi ako makahinga.." bulong ko sa sarili ko habang nakasapo pa din sa dibdib ko.
Natanaw ko yung mokong na tumatakbo pabalik sa akin at nang makalapit siya sa akin ay agad ko siyang hinablot sa kanyang collar upang mag silbing kapitan ko. Pakiramdam ko kasi ano mang oras tutumba ako mula sa kinatatayuan ko. Sobrang higpit ng hawak ko sa collar ng uniform niya.
"Claire.." Rinig kong banggit niya sa pangalan ko.
"H-Hindi ako.. Makahinga." Mahinang sambit ko.
Agad naman siyang kumilos para buhatin ako pero tuluyan nang nag dilim ang paningin ko bago pa man niya ako madala sa clinic.
___
Nagising akong nasa isang puting kwarto nanaman ako. Bullshit. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit padalas na ng padalas yung pagkahimatay ko? Napaka malas na buhay nga naman oh. Pobre na nga ako mag kakasakit pa. Napaka walang kwentang buhay.
Natigilan ako sa pag iisip nang mapansing may tao pala sa gilid ko. Nakaupo siya pero nakatungo sa kamang kinahihigaan ko. Tumaas ang kilay ko nang makilala kung sino ito. Yung mokong? Ano pang ginagawa ng isang ito dito? Wag niyong sabihing hinihintay niya akong magising, ang sweet naman ng gago sarap hampasin sa bayag. Kung tutuusin siya nga ang may kasalanan kung bakit ako nandito ngayon eh. Empaktito kasi siyang hayop siya. Kapag nag tatagpo yung landas namin palagi akong napapahamak. May sa engkanto yata tong lalaking ito eh.
"Gising ka na pala."
Sa wakas nagising na din ang gago. Inirapan ko siya at tatayo na sana nang pigilan niya ako.
"Hey hey! Easy there, bad girl."
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Mahina ka pa sabi ng nurse. Ihahatid na kita sa bahay niyo." Aniya sabay tayo mula sa pagkakaupo at bago pa man ako makapag inarte ay binuhat na niya ako na parang isang sakong bigas.
Aba pisti! Ano bang trip ng hinayupak na to. Pinilit kong kumawag mula sa pagkakabuhat niya sa akin pero masyado siyang malakas kompara sa akin.
"Bitawan mo ko!" Sigaw ko dito sabay hampas sa likod niya. Di ko namalayan na pang upo na pala niya yung napalo ko kaya imbis na umaray ay natawa pa ang mokong.
"Mr. Crisostomo, ibaba mo ang pasiyente!" Utas ng nurse ng makitang karga karga ako ni mokong.
"Don't worry, miss. Ako na bahala dito." Parang wala lang na sabi niya sabay eskapo sa clinic. Pisti.
"Hoy Crisostomo, kung mahal mo pa yang mga itlog mo, ibababa mo na ako dito!"
Narinig ko ang pagtawa niya pero hindi niya pa din ako binaba. Shingina ka talagang hayop ka! Humanda ka sa akin mamaya. Hindi na ako nag pipiglas pa dahil ayoko nang dumapo yung virgin hands ko sa pwet niya. Manyakis pa naman itong lalaking 'to.
Aba! Baka akala niya porque yummy siya ay pag bibigyan ko na siya. Ang kakapal na talaga ng apog ng mga lalaki ngayon no?
___
"Bakit mo ko dinala dito?" Nakapamaywang na tanong ko. Nagising na lang kasi akong nasa bahay na niya ako.
Sinasabi ko na nga ba eh. May binabalak na masama sa akin itong animal na 'to. Naku subukan niya lang at talagang mag gugoodbye talaga siya sa itlog niya pag nagkataon.
Pero ang kupal hindi natinag sa kinauupuan niya.
"Hoy pag tinatanong ka sumagot ka!" Asar na sabi ko. Lumingon siya sa direksyon ko at ngumiti.
Tangina ang gwapo.
"Nag handa ako ng pagkain sa kusina, baka lang gutom ka." Aniya hindi pa din sinasagot ang tanong ko. Hampas lupa talaga itong mokong na ito.
"Uuwi na ako." Sabi ko na mag lalakad na sana papunta sa pinto nang pigilan niya ako.
"Kumain ka na muna." Pag pupumilit niya.
"Hindi nga ako gutom!"
Hinila na lang niya ako bigla papuntang kusina kung saan nakahanda na pala ang mga pagkain. Nag tatakang tinignan ko siya. Ano bang problema ng lalaking 'to?
"Ano bang problema m--"
"Eat."
"Fvck you! Uuwi na ako." Kikilos pa lang sana ulit ako pero mahigpit niyang hinawakan ang braso ko.
"Inihanda ko na yung perang hinihingi mo. Kumain ka na muna." Aniya nang seryoso.
Natigilan ako sandali. Lalo akong nag taka sa biglang pag babago ng ikinikilos niya. Sino ba itong lalaking 'to?
"Pinag lololoko mo ba ako?" hindi siya sumagot kaya ngumisi ako.
"Hoy gago, wag mo kong pinag lalaruan ah!"
"10k? 20k? Magkano?"
Sa inis ko ay nasampal ko siya. Tangina bakit pakiramdam ko minamaliit ako ng lalaking 'to. Punyeta talaga. Alam kong mukhang pera ako at makapal mukha ko pero wala siyang karapatang maliitin ako ng ganto.
"Kung gusto mo kong ikama, matuto kang pumila. Marami pa kasing nakapila." Nakangising sabi ko sabay talikod at alis ng unit niya.
Langyang yun. Gago siya! Napaka laking gago niya para laitin ako ng ganun. Sino ba siya sa tingin niya? Di porke mayaman sila may karapatan na siyang bastosin ako ng ganun. Offer-an ba naman daw ako ng pera. Bwisit siya! Kanya na pera niya!
Bago pa ako makasakay sa elevator ay may humila na sa braso ko. Di na ako nakapalag nang hilahin ako ng kupal papasok muli sa unit niya.
"Ano bang problema mo ah?"
"Hey wait. Wala akong intensyon na maliitin ka."
"Ah talaga? Ulol!" Itinaas ko sa mukha niya yung gitnang daliri ko.
"Isa pang mura mo hahalikan kita ulit."
"Ang kapal naman ng mukha mong gago ka para takotin ak--"
At ang mokong tinutoo nga. Sasampalin ko na sana siya dahil hinalikan nanaman niya ako pero mabilis nakaiwas si mokong. Putakte.
"Not this time." Aniya nang nakangisi.
"Bwisit!"
"Labyutoo."
"What?"
"Sabi ko kumain na tayo!"
Di pa ako pumapayag pero hinila na niya ako bigla papunta sa kusina. Tarantadong ito ah. Bastos ampotek.
Nung maamoy ko yung mga nakahandang pagkain di ko na nagawa pang tumanggi. Taena sino ba namang tatanggi sa grasyang ipinagkaloob ng may kapal. Sayng 'to 'no. Minsan lang makakain ng masasarap dapat di na palampasin.
Maya maya habang kumakain ako ay napansin kong nakatitig lang sa akin yung kupal. Tinaasan ko nga ng kilay. Baliw yata tong mokong na 'to eh.
"Stop."
"Huh?" Naguguluhang tanong niya.
"Anong tinititigtig mo dyan? Pinag nanasahan mo ba ako?"
"Walang dudang ikaw nga talaga yun."
Kumunot ang nuo ko. Naguguluhan sa sinasabi ng kumag na 'to.
"Hoy mokong, ako naguguluhan na sayo ah. Ano ba talagang kailangan mo sa akin ah? Miyembro ka ba ng kulto? Ano ha?"
Natawa siya ng malakas. Napasimangot ako.
"Hindi mo ba ako natatandaan?"
Lalong kumunot ang nuo ko.
"Sabagay limang taon na din ang nakalipas. Siguradong di mo na nga natatandaan pa yun."
Tumayo ako sa kinauupuan ko. Bakit parang biglang nag taasan ang mga balahibo ko.
"Pero imposible ding basta mo na lang makalimutan ang araw na yun."
Napaatras ako. Nanginginig ang mga tuhod ko. Hindi ko alam kung bakit. Basta bigla na lang akong nakaramdam ng matinding takot. Napatitig ako ng matagal sa mukha niya at hindi ko na namalayan na may tumutulo na palang luha mula sa mga mata ko. Bumibilis ang pag t***k ng dibdib ko na para bang gusto na nitong sumabog. Pinanlalamigan ang buong katawan ko.
Siya nga kaya yun?
"Matagal kitang hinanap."
"B-Bakit? Bakit mo ko hinahanap?" Nanginginig na tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya.
"Gusto ko lang masigurong okay ka lang. Mukhang okay ka naman."
"Ngayong alam mo na na ayos lang ako, aalis na ako.." Mabilis na tumalikod ako nang bigla uli siyang mag salita.
"Hindi ka man lang ba mag papasalamat sa taong nag ligtas ng buhay mo?"
Natigilan ako at napaharap sa kanya.
"S-Salamat.." Napayuko ako.
"Claire, alam mo ba kung anong nangyari sa akin pag tapos ng gabing yun?"
Napailing ako. Di ko alam. Kinalimutan ko na ang araw na yun. Binaon ko na sa limot ang ano mang nangyari five years ago.
"Bakit bigla ka na lang nawala nung gabing yun?"
Hindi ako sumagot.
"Claire, matagal kitang hinanap para malaman ang sagot mo. Bakit ka nawala bigla nung gabing yun?"
Hindi pa din ako sumagot. Napatungo na lang ako habang pinipilit pigilan ang muling pag patak ng mga luha sa mata ko.
"Claire, sagotin mo ko!"
"Dahil natakot ako! Takot na takot ako!"
"Bakit? Wala kang ginawang masama. Pinrotektahan mo lang yung sarili mo--"
"Nangyari na. Bakit ba kailangan mo pa akong hanapin ha?! Kinalimutan ko na yun, bakit ba kailangan mo pang ipaalala?!"
"Dahil nakulong ako ng tatlong taon dahil duon!"
Nasapo ko ang bibig ko. No!
"Dahil nasira ang buhay ko dahil dun."
"S-Sorry.." Di ko mapigilang mapaiyak.
Unti unting bumabalik sa ala-ala ko ang nangyari nuon. Ang nangyari nuong gabing yun.