Kabanata 4

2358 Words
004 “The Pass II” C L A I R E 5 YEARS AGO “Look Lorie, she’s crying.” Ani Vianca nang maabutan akong umiiyak sa kusina. Sinamaan ko siya ng tingin. Ito nanaman sila. For sure may balak nanaman silang bullyhin ako. Ano pa nga bang bago? Dapat masanay na ako dahil araw araw naman nilang ginagawa ito kapag nakikita nila ako. Hindi ko alam kung bakit sila ganito sa akin. Magkakapatid naman kami. “Oh my G! Omo! Dapat makuhanan natin yan ng picture ate!” Tuwang tuwa namang sabi ng kapatid nitong bruha. Sinamaan ko sila pareho ng tingin bago ko punasan ang mga luha sa mukha ko. Ang akala yata nila mag papa-api na lang ako sa kanila ng basta basta. Hindi ako mahina tulad ng iniisip nila. Umiiyak ako ngayon pero hindi ibig sabihin nun ay mahina na ako. Tumayo ako sa pwesto ko at balak na sanang umalis nang harangin nila akong dalawa. Itinulak ako ng malakas ni Vianca dahilan para mapaupo ako sa sahig. Masakit ang pagkakabagsak ko saa sakit kaya mas lalong nag init ang dugo ko sa kanilang dalawa. Nag halo halo na ang galit ko sa mundo. Napuno ang pasensiyang iniingat ingatan ko ng maraming taon na. Nang araw na yun kasi nabalitaan ko ding umalis na ang bestfriend kong si Chris papuntang ibang bansa. Hindi man lamang ito nag paalam sa akin bago umalis. Ako ang bestfriend niya pero hindi niya man lang naisip na mag paalam sa akin. Alam naman niyang siya lang ang meron ako pero nagawa niya pa rin akong iwanan ng basta basta. Pakiramdam ko tuloy wala akong halaga sa kanya kaya hindi na siya nag abala pang mag paalam. Akala ko pa naman mahalaga ako sa kanya. Siya lang ang kauna unahang taong nag paramdam na mahalaga din ako. Na kamahal mahal din naman ako kahit papano. Kahit na ang sarili kong magulang ay hindi ako kayang mahalin. Pero nagawa niya pa din akong iwan. Kagaya lang din siya ng iba. Sasaktan lang din pala niya ako. Tulad lang siya ng walang kwenta kong ina. Mga mang iiwan. Mag sasama sama sila! Kung hindi nila ako kailangan ay hindi ko na din sila kailangan. Kaya kong mabuhay ng ako lang. Nang wala sila. Mas mabuti pa nga siguro iyon.. Tumayo ako mula sa pagkakasalampak sa sahig at mabilis na sinugod yung bruhilda kong kapatid na tumulak sa akin. Sinunggaban ko kaagad yung buhok niya. Wala sa sariling pinag kakalmot ko siya sa mukha. Hindi ako yung tipo ng taong mapanakit pero sobra na talaga sila at hindi ko na kayang mag walang kibo na lamang habang paulit ulit nila akong inaapi. Hindi ako si Cinderella na basta na lang mag papaapi sa mga kapatid kong anak ni satanas. Wala akong pake kung kapatid ko pa sila! Mga hayop sila! Oo sinaktan ko siya. Sinikmuraan ko pa nga ang bruha, kahit papano makabawi man lang sa lahat ng kasalanan nila sa aking mag iina. Kahit papano makaganti man lang sa mga pananakit nila at sa pagsira nila sa buhay ko. Kung totoosin ay kulang pang kabayaran ang mga yun sa pang aaping natamo ko sa kanilang mag iina. Kulang na kulang pa. Ayun nga lang, naabutan kami ni Dad. Kaya ayun pinalayas ako. Ang saya di ba? Sila iyong nag umpisa pero ako lang itong pinalayas ng sarili kong ama. Napaka galing na ama. Kahit anong paliwanag ko ayaw ako pakinggan ni Dad. Paano kasi sinusulsulan nung tatlong demonyo. Mahirap kaya kalabanin yung tatlong demonyo. Isa pa nga lang eh mahirap na yung tatlo pa kaya. Kaya wala akong nagawa kundi ang umalis ng mansiyon. Litong lito ko, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko akalain na magagawa akong palayasin ng sarili kong ama. Katulad lang din siya ng demonyo kong ina. Mga wala silang kwentang magulang. Nag pagala gala ako sa kalsada, palakad lakad nag babakasakaling may makitang pwedeng silungan dahil umuulan nuong gabing yun. May bagyo pa nga yata. Hindi ko na alam ang gagawin ko at kung saan ako tutungo. Wala na akong malalapitan bukod sa ina kong walang kwenta. Ginaw na ginaw na ako at hindi alam kung saan sisilong. Parang gusto ko na lang mamatay nung mga oras na iyon. Ayoko na mabuhay. Pagod na pagod na ako. Sobra na. Hindi ko na kayang mag tiis pa. Sobrang pag titiis na ang ginawa ko. Hanggang sa may humintong sasakyan sa harap ko. Lalapitan ko sana para humingi ng tulong pero nang bumukas ang bintana ng sasakyan ay napaatras ako bigla. Bumungad sa akin ang nakangising mukha ni Gian Alcala. Si Gian Alcala ang napaka manyakis na anak ni mayor Alcala. Matagal na siyang nag papakita ng interes sa akin pero paulit ulit ko siyang tinatanggihan. Hindi niya alam na anak ako ni Juan Alegre ang akala niya ay anak lang ako ng isa sa mga katulong sa mansiyon, lahat ng tao yun ang akala. Kaya kung bastosin na lang ako ni Gian ay ganun ganun na lamang. Nag lakad ako palayo pero napansin kong sumusunod pa din sa akin ang sasakyan ni Gian. Binilisan ko ang lakad ko pero bumilis lalo ang takbo ng sasakyan ni Gian. Sinubukan kong humanap ng eskinita kung saan hindi na ako masusundan ni Gian pero huli na ang lahat dahil nakababa na siya ng sasakyan niya. Pwersahan niya akong isinakay sa sasakyan at dinala sa isang abandonadong warehouse. Duon ay pinag tangkaan niya akong gahasain. Mabuti na lang at may nakakita sa aming lalaki. Walang pag dadalawang isip itong tumulong. Nakipag p*****n siya kay Gian para lang mailigtas ako pero sa huli nag labas na ng baril si Gian at itinutok nito iyon sa lalaki. Napasigaw ako ng malakas sa takot. Paulit ulit akong sumigaw at nag makaawa sa kanyang wag iputok ang baril pero hindi niya ako pinakinggan pinaputukan niya sa binti yung lalaki. Napaupo ako sa takot. Bigla na lang kasing nanghina yung mga tuhod ko. Nanginginig ang buong katawan ko at hindi alam ang gagawin. Habang nasa sahig ay may nakapa akong basag na bote at nang saktong lalapitan ako ni Gian ay mabilis ko itong itinarak sa dibdib niyal. Napasigaw ako ulit. Tumalsik sa mukha ko yung dugo nito bago siya bumagsak sa sahig. Niyakap ko ang sarili ko sa sobrang takot. Hindi ako makapaniwalang nagawa ko iyon. Nilapitan ko yung lalaking tumulong sa akin. Nang hihinang hinaplos niya ang kamay kong nanginginig. “A-Ayos ka lang ba?” Tumango tango siya na halatang nang hihina pa din sa sakit. “D-dito ka lang. Tatawag ako ng tulong.” Sabi ko bago tumakbo palayo ngunit hindi na muling bumalik. _____ S E B A S T I A N Nakatulog na siya. Napagod siguro kakaiyak. Tama siya hindi ko na dapat inungkat ang nakaraan. Nangyari na ang lahat at kailan man hindi ko siya sinisi sa nangyari sa buhay ko. Hinanap ko siya dahil gusto kong makasigurong maayos lang siya at mukhang mabuti naman na siya ngayon. Mukhang mas lalo pa nga siyang naging matapang. Nung ipag tanggol niya ang sarili niya laban sa Gian Alcala na yun, alam ko agad na ibang klaseng babae siya. May tapang siyang ipag tanggol ang sarili niya. Weird pero nung gabing yun, humanga agad ako sa kanya. Nung iniwan niya ako nung gabing yun, nag bago bigla ang buhay ko. Itinakwil ako ng sarili kong ama. Hindi ko itinangging ako ang pumatay sa Gian Alcala na yun. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at inako ko ang krimeng hindi ko naman ginawa. Basta pakiramdam ko lang nung mga oras na yun kailangan kong protektahan ang babaeng yun. Dahil duon hindi ako tinulungan ng ama kong judge sa kaso ko. Hinayaan niya akong makulong at mag dusa sa bilangguan nang tatlong taon. Oo judge siya pero wala man lang siyang ginawa upang ipag tanggol ako. Wala daw akong laban dahil walang witness sa pangyayari dahil nung mga oras na yun hindi na namin nahanap yung babaeng tinulungan ko. Ngayon eto ko, mag isa. Dalawang taon na mula ng makalaya ako. Nuong una di ko alam kung saan ako pupunta hanggang sa makilala ko si Clara Abenida, artista siya, isang sikat na artista. Tinulungan niya akong makaahon ulit. Siyempre hindi basta basta yun, may kapalit. Anong kapalit? Edi ang sarili ko. Wala akong choice. Wala na ako eh. Walang wala ako nung lumabas ako sa kulungan. Walang may gustong tumanggap sa akin dahil nakulong ako at hindi pa ako nakatapos kaya ayun tinanggap ko ang alok ni Clara na pag aralin ako at sustentuhan kapalit ang sarili ko. She used me to satisfy her needs. Maganda siya at magaling sa kama at ako? Hindi ako santo para humindi. Pero nang makaipon ako mula sa sustentong ibinibigay niya at sa paraket raket ko na rin. Nag desisyon akong bumuo ng sariling negosyo. Maliit na negosyo lang naman siya na sa isang taon ay naging matagumpay na agad. Kaya nitong isang buwan lang tinapos ko na ang namamagitan samin ni Clara. Ayoko na gamitin siya para sa pera. Ngayon nag aaral ako habang nag papatakbo ng negosyo. Gusto kong sa susunod na magkita kami ng ama ko ay may maipag mamalaki naman ako sa kanya. Nahinto ako sa pag iisip nang maramdaman kong gumalaw si Claire sa tabi ko. Nakahiga siya ngayon sa kama katabi ko pero ako nakaupo lang. Hinaplos ko ang maamo niyang mukha. Mukhang ang bait bait niya kapag natutulog ah. Pero kapag gising akala mo mangangain ng buhay eh. Napapailing na napangiti ako. Ano bang mayroon sa babaeng ‘to at limang taon siyang namalagi sa isip ko. At bakit ba hindi ko agad siya nakilala nung una ko siyang makita sa campus. Baliw na yata ako. Makatulog na nga lang din. C L A I R E Nagising akong may mga brasong nakadantay sa tiyan ko. Agad akong napabangon nang mapagtanto kung sinong lapastangan ang katabi ko ngayon sa malaking kamang ito. Bwisit! Bakit ba nandito pa din ako? Maingat akong kumilos para hindi ko siya magising pero bigla akong natigilan nang mapatitig ako sa mukha niya. Hindi ko talaga mapag kakailang gwapo itong si mokong. Hays. Makaalis na nga. Nag commute lang ako pauwi dahil naiwan ko yung motorsiklo ko sa school. Pag dating ko sa apartment ko ay agad na akong humilata sa di kalambutang papag. Nang pumikit ako'y mukha niya ang nakita ko. Sugatan siya at may tama ng baril sa binti. Humihingi siya ng tulong. Ngunit wala akong ibang nagawa kundi ang tumakbo palayo at magtago. Takot na takot ako nang gabing iyon kaya wala akong nagawa upang tulungan siya. Gustong gusto ko siyang balikan duon ngunit natatakot ako. Natatakot ako na baka ipakulong nila ako dahil sa nagawa ko kay Gian. Kilala ko si Mayor Alcala, hindi yun papayag na hindi mag bayad ang totoong pumatay sa anak niya. Bumalik ako sa mansyon at sinabi ko ang lahat kay Dad. Pinayuhan niya akong lumayo na muna at wag na muling mag papakita pa. Susustentuhan niya raw ako pero wag na daw ako kailan man babalik sa lugar na yun. Agad akong napabangon. "Ang lalaking yun.." Utang ko ang buhay ko sa lalaking yun. Utang ko sa mokong na yun ang buhay ko kung siya nga talaga yung lalaking tumulong sa akin 5 years ago. Hindi ko maiwasang makonsensya sa nagawa kong pag takas sa kasalanan ko. Hindi ko gustong takasan yun pero wala na akong ibang nagawa dahil sa takot. Bata pa ako nun. Di ko pa alam ang gagawin ko nung mga oras na yun. Di na ako nakatulog kaya tinawagan ko na lang si Jess. "Tara sa dati!" Agad na bungad ko pagkasagot niya ng tawag. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at ibinaba ko na agad ang tawag. Nag bihis ako at pumunta sa bar na madalas naming puntahan. Naabutan ko siya duon na mukhang may katable na agad. Ibang klase talaga 'tong si Jessica. Napaka lakas ng s*x appeal sa mga lalaki. Ngunit laking gulat ko nang makilala ang lalaking katable niya. "Hey there little brat! Sebastian's here to join us." "No way!" Agad na tutol ko. "You don't know her, Jess. You can't trust him. What it he's a---" "Murderer? Come on, Claire! We weren't called badass for nothing." "Yeah right." umirap ako at naupo na lang sa tabi niya. "What do you want?" Agad na tanong ko kay mokong na ngayon ay napaka laki ng ngisi. Bwisit. "Bakit ba ang laki ng galit mo sakin? Ganyan ka ba magpakita ng pasasalamat sa taong nag ligtas ng buhay mo?" "SHUT UP! Choice mo yun. Hindi ko sinabing makialam ka nung gabing yun, kaya kung ano mang nangyari sayo nung gabing yun ikaw ang may kasalanan nun!" "You're right." Ngumisi siya at tinungga yung isang boteng alak na nasa harap niya. "Ang gulo niyong dalawa. Bahala nga kayo muna dyan." Tumayo si Jess mula sa pagkakaupo at nag tungo sa dance floor upang makipag sayaw sa kung sino man. Naiwan naman ako kay mokong. "Alam mo hindi kita maintindihan eh. Bakit ba ilap na ilap ka sakin?" "Because I hate you." Nag salubong ang mga kilay nito sa pagtataka. "After I saved you?" "Yes. Kung hindi mo ko tinulungan, edi sana patay na ako ngayon. Edi sana di ko na kailangan mabuhay sa bangungot ng gabing yun. Alam mo bang gabi gabi, hindi ako pinatahimik ng nangyari nuon? Alam mo ba yun ha? Alam mo hiniling ko na sana.. Sana hindi mo na lang ako tinulungan na sana napatay na lang ako nuon. Dahil pakiramdam ko nasa impyerno na ako ngayon." "Wala kang dapat ikatakot. Di ka dapat makonsensya. Ipinagtanggol mo lang ang sarili mo!" "I know! But that doesn't change the fact that I killed someone." "No. Wala kang pinapatay, Claire. Gian's not dead. Buhay pa siya at itinatago lang siya ng ama niya. Dahil ayaw nitong maungkat ang totoong nangyari." Natigilan ako at napakapit ng mahigpit sa wine glass na hawak hawak ko. Di ko namalayang sobrang higpit na pala ng hawak ko duon hanggang sa maramdaman ko na lang na kumikirot na ang kamay ko. Nang tignan ko ito ay dumudugo na ito at basag na din ang babasaging basong hawak ko. "s**t!" Agad na lumapit sa pwesto ko si Sebastian. "s**t! You okay?" Di ako nakasagot dahil unti unti kong naramdaman ang pagkahilo. Ito nanaman. Hindi nanaman ako makahinga. Unti unting kinakain ng dilim ang buong paningin ko..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD