Kabanata 5

2127 Words
005 "Guilty" C L A I R E Nagising akong may nakakabit sa ilong kong kung ano. Iginala ko ang paningin ko sa buong paligid at duon ko lang napagtantong nasa hospital pala ako. Pinilit kong alalahanin ang nangyari kung bakit ako napunta dito pero sumasakit lang ang ulo ko kapag pinipilit kong mag isip. Pucha naman. Ano bang nangyayari sakin? Bakit parang palagi na lang yata akong nahihimatay nitong mga nakaraang araw? Takte! Ang hassle ah! Wala pa naman akong perang pambayad sa hospital na 'to. At mukhang naka private room pa ako. Pucha! Sasakalin ko kung sino mang hampas lupa ang nag dala sa akin dito. Dapat pinabayaan niya na lang ako kesa dinala niya ako dito sa kung saan man 'to. Mukhang hindi ko kakayaning bayaran 'to eh. Inis na inis ako. Hindi ko alam kung saan ko kukuhanin ang perang ibabayad ko sa punyetang hospital na 'to. Kung bakit ba naman kasi dito pa ako dinala ng kung sino mang bwisit na nag dala sa akin dito. Sana duon sa pipitsuging hospital na lang o kaya kahit sa center na lang. Bwisit talaga. Pusang kinalbo nga naman oh! Kung minamalas ka nga naman. Eh kung tumakas na lang kaya ako dito. Baka mamaya sa presinto pa ang bagsak ko nito pag di ako nakabayad dito. Maya maya ay bumukas yung pinto ng kinaruruonan kong kwarto. Tinanggal ko yung nakakabit na oxygen sa ilong ko at nag handang singhalan yung lapastangang nag dala sa akin dito. Ngunit nang bumukas na ang pinto ay napatanga na lang ako. Duon lang unti unting pumasok sa isip ko ang nangyari bago ako mawalan ng malay. Oo nga pala. Ang mokong na 'to nga lang pala ang kasama ko bago ako mawalan ng malay. Teka. Ano bang meron 'tong tipaklong na 'to at kada na lang ba magkikita kami eh nahihimatay ako. Siguro malas lang talaga itong mokong na 'to. Ang tindi siguro ng kapit ng malas nito. O baka naman pinakulam ako nito dahil sa nangyari sa kanya 5 years ago. Pero bakit niya ako sisisihin? Siya itong tumulong tulong, choice niya yun kaya bakit ako ang sisisihin niya. Tanga ba siya? Sana hindi na lang siya tumulong kung maninisi lang naman pala siya. Hindi ko naman sinabing akuin niya ang krimen na hindi naman siya ang may gawa. Kaya kasalanan niya talag iyon at labas na ako duon. Medyo nagulat pa siya ng makita niya akong may malay. Inirapan ko naman siya. Ewan ko ba pero nabubwisit talaga ako sa kanya sa hindi ko malamang dahilan. "Mukhang okay ka na." Aniya ng nakangiti at umiling iling. Anong problema nito? Parang baliw talaga. Kahit kailan talaga may siklat ang taong ito. Gwapo sana mokong naman. Inirapan ko siya at tinignan ng masama. "Hoy!" Tawag ko sa kanya medyo iritado dahil sa pag dala niya sa akin dito sa lintek na mamahaling hospital na 'to. "Oh?" Tanong niya. "Ikaw ba nag dala sa akin dito?" Mag kasalubong ang kilay na sabi ko. Handa nang banatan siya kung oo ang sagot niya. Tumango lang siya bilang sagot. Si gago nga ang nag dala sakin sa pesteng lugar na ito. "EH TARANTADO KA PALA EH! Nanadya ka ba? Alam mo na ngang wala akong pera dito mo pa ako dadalhin, kundi ka ba naman gagot kalahati eh! Ikaw nga mag sabi sa akin ng totoo, ginagantihan mo ko no? Ano?! Sumagot ka! Alam ko namang ang totoong pakay mo eh!" Bulyaw ko sa kanya. Gigil na gigil ako sa gago. Tarantado kasi eh. Nagulat ako nang imbis na makipag sagutan siya ay tinawanan niya lang ako. Umiiling na lumapit ito sa akin at inabot sa akin yung paper bag na hawak niya. Nag taas ako ng kilay. Anong tinatawa tawa ng impaktong 'to? Kala niya yata nakikipag lokohan ako sa kanya eh. Lintek na 'to! Wala akong panahon makipag ulolan sa kanya ano! "Ano 'to?" Tumaas ang kilay ko sa inabot niyang paper bag. "Buksan mo nalang." Walang ganang sabi niya. Bwisit na 'to. Inuutudsan pa talaga ako. "Ayoko nga! Baka mamaya may bomba dito eh." Pag tataray ko. "Kailangan ba talaga marami ka pang sasabihin bago mo buksan yan ha? Ang sungit mo talaga kahit kailan." Umiling iling siya habang naka ngisi si loko. Inirapan ko siya. Tsk. Aish! Bakit di na lang niya ako sagutin. Engot talaga.  Binuksan ko na yung paper bag at napamura ako ng malutong nang makita ko ang laman nun. "Punyeta ka talagang manyak ka!" Ibinato ko sa kanya yung paper bag sa sobrang pagkainis ko sa kanyang bwisit siya. Napaka manyak talaga kahit kailan ng bwisit na 'to. "Whut?" Nag tatakang tanong niya "Ano yan? Bakit puro mga under wear yan? Manyak ka talaga eh no!" Bulyaw ko. "What is wrong with you woman?! Ang lakas ng tama mo eh no! Binili ko yan para makapag palit ka! Tapos ganito lang makukuha ko mula sayo? Inaakusahan mo pa akong manyak? Talaga lang ha Claire? Bullshit!" Inis na ibinato naman nito pabalik yung paper bag. "Eh sino ba kasing tarantado ang may sabing bilan mo ko nyan! Hoy ikaw, wag ka ngang masyadong pakelamero at baka mainis pa ako sayo lalo! Wag ka mag iinarte sa akin ah! Pakelamero ka!" "Hoy babae bakit ba ang tigas tigas mo ah? Babae ka ba talaga? Ikaw na nga itong tinutulungan dyan, ikaw pa itong may ganang magalit? Ibang klase ka din talaga eh no! Hindi ka yata babae eh." Parang napipikon na niyang sabi. "Nang iinsulto ka ba?" Tumaas ang kilay ko. Handa ko na siyang saktan kung mag kakamali siya ng isasagot sa akin bwisit siya. "Naiinsulto ka ba?" Abat talagang nang hahamon ang gunggong na 'to ah. Anong akala niya kaya niya ako? Bwisit siya! "Gago ka ah!" Saktong biglang bumukas yung pinto kaya hindi na nakasagot pa si mokong. Pumasok yung doctor na may escort pang nurse. As always. Bakit ba itong mga doctor na ito palaging may naka bakod na mga nurse. Di ba nila kayang kumilos nang mag isa at lagi silang umaasa sa mga nurses nia? Ayun chineck niya lang ako ng kaunti tapos ayun niresetahan ako ng gamot na alam ko namang pagka mahal mahal. Binilinan niya pa akong bumalik ulit sa susunod na linggo para makuha daw yung resulta ng mga isinagawang test sa akin. Siyempre wala na akong balak balikan pa yun. Bakit ko pa babalikan? Duh. Kung may sakit, may sakit. Kung mamamatay edi mabuti. Simple as that. Pagkatapos ay pinayuhan na ako nitong mag pahinga muna ng ilang araw sa bahay.   Pero sino ba siya para sundin ko. Sarili ko ngang ama hindi ko sinusunod siya pa kayang kung sino man siya. Hindi naman ako takot na may mangyaring masama sa sarili ko eh. Jusko! Nasanay nga akong mamuhy nang mag isa. Ano pa bang ikatatakot ko di ba? Wala naman din akong maiiwan bukod kay Jess kung may mangyari ngang masama sa akin kaya wala talaga akong pake. Nang makaalis ang doctor ay binalingan ko naman ang lalaking nasa harapan ko pa din hanggang ngayon. Bakit hindi pa umaalis 'tong si mokong? Ano bang kailangan pa neto at nandito pa 'to? Tsk. Gusto nanaman yatang maki elam like always. Ginawa niyang hobby ang pagiging pakelamero. "Makakaalis ka na." Untag ko. "Aalis ako and then what? Sinong mag babayad ng bill? You? May pera ka ba?" Aba gago 'to ah!? Kanina niya pa ako minamaliit ah! Bigla akong napaisip. Oo nga pala. Since siya naman ang nag dala sa akin dito sa punyetang hospital na 'to dapat siya ang mag bayad nito. Pero teka nga punyeta! Minamaliit ba ako ng hudas na to? At talagang akala niya hindi ko kayang bayaran 'tong hospital na ito? Eh letse siya! Alam naman pala niyang di ko kayang bayaran bakit dito niya pa ako dinala? Takte! Talagang nananadya ang mokong ah! Bwisit naman! "Problema ko na yun! Alis!" Asik ko pero ngumisi lang ang mokong at hindi nilisan ang kwartong kinaruruonan namin. Napairap ako sa kawalan nang maupo pa ito sa silya sa tabi ng kama ko. Balak ko sana siyang hampasin ng base na nasa bedside table pero parang nanghihina yung mga kamay ko kaya hindi ko na lang ginawa. "Alam mo ikaw.. Teka nga. Wait ha! Ikaw ba may gusto sa akin?" diretsyahang tanong ko. Paano naman kasi kung saan ako mag punta andun siya. Tapos ngayon pinapalayas ko na siya at pinag tatabuyang parang aso pero dikit pa din siya ng dikit. Walang ibang pwedeng dahilan kundi ang dahilang may gusto siya sa akin. Pero teka nga.. Bakit naman mag kakagusto sakin 'tong hayup na ito eh ako na nga ang dahilan ng pagkakakulong niya nang takasan ko siya 5 years ago. Tumaas ang kilay ko nang bigla siyang tumawa. Ano naman kayang nakakatawa sa sinabi ko? "What?" Aniya nang mapansin ang inis na mukha ko. "Wala. Hindi ko alam na may babae palang kasing straight forward mo." Anas niya. Ngayong alam na niyang meron anong gagawin nya? Epal talaga kahit kailan. Di pa mag laho. "Bakit? Akala mo lahat ng babae, mahiyain at hindi marunong maging pranka? Akala niyo kasi lagi lahat ng babae duwag at mahina pero ang totoo hindi lahat kami ganun." Sabi ko. "Well, hindi ka nga lang pala basta bastang babae." So ano ko? Abnormal? Aba loko din to ah. Relax Claire, wala pa naman siyang sinasabing abnormal ka eh. "Compliment ba yan?" Nakuha ko pang mag tanong. Nag kibit balikat lang si mokong. Kala naman niya kinacool niya yung pag kibit balikat niya. Pwede naman kasing sumagot parang gago lang pakibit kibit balikat pa siya dyan. Kung hindi lang ako nang hihina ngayon baka nasabunutan ko na siya dyan. Tsk. Di porket gwapo siya.. Teka nga! Anong sinabi ko? Siya gwapo? Tsk. Tanga lang ang mag sasabing hindi siya gwapo. Teka.. Aish! Pinuri ko nanaman ang bwisit na 'to! Aish! Kainis. Bakit ba kasi ang gwapo ng mokong na ito at hindi ko magawang laitin. Asar. Pasalamat talaga siya at yummy siya. Naku. "Ano ba talagang kailangan mo?" Naka taas ang kilay na tanong ko. Gusto kong malaman kung ano bang kailangan niya para lubayan na niya ako. Hindi na ako natutuwa sa presensiya niya. Ngumisi ito. Omg! Wag mong sabihing... Nasapo ko ang bibig ko. Omg! Akala ko sa mga pelikula lang nangyayari 'to pero mygash. "Wag mong sabihing gusto mo mag revenge sakin?" Wika ko pero mas lalo lang lumawak yung ngisi ni mokong. Niloloko ba ako nito? Ayos ah. Mukha na akong tanga dito. Kanina pa niya ako tinatawanan. Bwisit na hudas na 'to. Mukha ba akong clown at kanina pa yata siya nag eenjoy panuorin ako. Nyeta. Ano bang kailangan ng lalaking 'to sakin at hindi pa siya mag laho? Ilang minuto pa naisipan kong manahimik na lang dahil ayokong makita yung ngisi ng bwisit na ito sa tabi ko. Tinext ko si Jess na sunduin ako dito sa hospital at mag dala siya ng malaking halaga pero ang gaga ito ang nireply sakin. 'Bes, wag ka ngang maarte. Nandyan naman si Seb, nag iinarte ka pa. Wag mo palayasin yan kung ayaw mo mabulok dyan sa hospital dahil wala kang pambayad.' Jusko naman. Bakit niyo ako biniyayaan ng ganito kabuting kaibigan. Sarcastic yun mga hangal. Nang araw na yun na discharge na din naman ako. Siyempre si mokong ang nag bayad dahil wala naman talaga akong pambayad sa hospital na yun at total siya din naman ang nag dala sa akin duon kaya dapat lang siya mag bayad.. Di ba? Am I right? Of course! Kailan ba ako naging mali? "What?" paangas na tanong ko kay mokong nang mapansing nakasunod pa din ito sa akin. "Ano pa bang kailangan mo? Umuwi ka na." "Di ka man lang mag papasalamat sa akin?" "Hoy lalaki! Ipaaalala ko lang sayo! Kasalanan mo kung bakit ako nasa hospital na yun! Isusugod mo na nga lang ako sa mamahaling hospital pa! Gusto mo talaga akong gipitin no? Tarantado ka pala talaga eh!" Nalukot ang mukha nito sa sinabi kong yun. "Hindi talaga uso sayo yung salitang salamat 'no? Ibang klase." ngumisi ito at inirapan ko lang naman siya. "Sige na umuwi ka na. Sundin mo ang sinabi ng doctor. Take a rest, wag ka na kung saan saan nag pupupunta at wag mo kalimutang bumalik sa hospital na yun para kunin yung resulta ng check up mo. Ge. Gotta go." Tumalikod na ito at nag simula nang mag lakad sa kabilang direksyon. Naiwan naman akong nakanganga duon. Hindi ko alam kung bakit parang bigla yata akong nakonsensya. Sa isang banda.. Tama naman siya, tama naman na pasalamatan ko siya dahil ever since naman, tinutulungan na niya ako. Pero bakit naman ako maguiguilty eh choice niya ang tumulong. Bahala siya dyan. Hmp! Makauwi na nga lang. Pero muli akong napalingon sa direksyon kung saan siya nag tungo. Tsk. Bakit ba pakiramdam ko talaga naguiguilty ako? Tae talagaaa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD