Kabanata 6

2493 Words
006 "Old Friend" C L A I R E Isang linggo na din ang nakakalipas since nang masugod ako sa hospital at nang huli kaming magkita ni mokong. Ewan ko ba. Kahit banas na banas ako sa pagmumukha ng lalaking yun, hindi ko pa din maiwasang ma-curious sa kung ano na nga ba ang nangyari sa kanya. Bigla na lang hindi nag paramdam, nakakapanibago lang. Kasi epal yun eh, tas bigla na lang nawala. Pero di ba dapat masaya ako ngayon dahil wala na ang bwisit sa buhay ko? Punyeta Claire! Ano bang problema mo? Eh ano ngayon kung hindi siya mag paramdam? Mas maganda ngang wag na talaga siyang mag paramdam habang buhay. Wala akong pake. Mas mabuti nga yun 'no. Atleast wala ng paepal na mokong ang bigla na lang susulpot sa harapan ko kung kailan niya gustuhin. Nakakabwisit na kaya minsan kapag palagi niyang ginagawa 'yun. I mean nakaka bwisit pala palagi. Ayoko kasi sa lahat iyong epal sa buhay ko. Tulad ng Ina ko ngayon na umeepal sa buhay ko ngayon matapos niya akong abandonahin. Dapat masaya ako at hindi na dapat iniisip iyong bwisit na mokong na 'yun. Itinalsik ko ang buhok ko at nag simulang mag lakad with full confidence. Okay na sana eh nang biglang may asungot na humarang sa daanan ko. Peste. Wala pa naman ako sa mood para sa mga epal na 'to. Nginitian pa ako ng bruha. Siyempre hindi naman ako plastic na tulad niya kaya hindi ko siya nginitian pabalik. Why would I? We're not even close, di ako nakikipag kaibigan sa panget. I mean sa peke. Mahirap lang ako pero hindi ako tulad niya na social climber 'no. So pathetic. Kahit kailan hinding hindi ako makikipag plastikan sa kanya. "Hi, Claire!" Naka ngiti pa ding sabi ng mahaderang plastik. "What do you want, freak?" Nakataas ang kilay na sabi ko naman. Anong akala niya makikipag plastikan ako sa kanya? No way! Hindi ako katulad niya ano? Lahat yata sa babaeng ito ay peke eh. Nakakadiri. Biglang nag bago ang hilatsa ng mukha nito sa inakto ko. I got you therre, b***h. At anong akala niya, na hindi ko malalaman na nag kakalat siya ng tsismis tungkol sa akin dito sa campus. Palibhasa kasi mas maraming nag kakagusto sa akin kahit hindi ako mag paganda, hindi gaya niya na inginudngod na yata ang mukha sa harina pera wala pa ding pumapansin. Nakakaawa naman. Kaya sobra ang pagka inggit sa akin. "W-what did you just--" Pinutol ko ang sasabihin niya. "Wag ka ngang plastik, girl. Ano yung kinakalat mong tsismis na kabit ako ng isang mayamang matanda? Nag kakamali ka yata ng kwento. Hindi ba ikaw iyong may sugar daddy sa ating dalawa? Alam kong maliit yang utak mo pero 'wag mo namang isiping katulad mo ako." Natigilan ito at tila nagulat sa sinabi ko. Oha! Huli ka girl. Actually hula ko lang yun dahil mukha naman siyang pokpok pero base sa reaksiyon ng mukha niya mukhang hindi ako nag kakamali. Napangisi ako. I got you there again, b***h. Mara, wag ako ang kakalabanin mo ha? Dahil kung gusto mong ilabas ang baho ko, well naunahan na kita duon at nailabas ko nang lahat. Hindi kasi ako tulad mo na saksakan sa kaplastikan. "Kung binabalak mong sirain ako, ito lang ang masasabi ko sayo. Try harder, girl." Wika ko sabay nag simula na uling mag lakad nang may kung sino nanamang humarang sa harap ko. Natigilan ako nang makilala kung sino ito. Ang lawak ng ngisi ng mokong sa harapan ko. So, bakit nag paparamdam nanaman 'tong isang 'to? Ano nanaman ang kailangan niya sa akin matapos nang ilang araw na pananahimik niya? Umirap ako. "Anong kailangan mo?" Nakataas ang kilay na pag susungit ko. "Yeah, I missed you too." Aniya na mas lalong lumawak ang ngisi pag kakitang bigla akong napasimangot sa sinabi niya. Mamatay na nag sabing namiss ko siya. Epal talaga kahit kailan. Akala niya talaga namiss ko siya? Like hell no! Bakit ko naman siya mamimiss eh mas gusto ko ngang hindi siya nakikita dahil nasisira lang ang mood ko kapag nandyan siya. Isa kasi siyang malaking epal sa buhay ko. "Wala akong panahon makipag gagohan sayo." Sabi ko nang biglang umepal nanaman yung bruhang si Mara at lumapit pa talaga sa pwesto namin ni mokong. Anong kailangan ng bwisit na 'to? "Sebastian!!" Ngiting ngiti pa ito na parang linta kung maka kapit sa braso ni Sebastian. Tsk! Kahit kailan talaga. Hindi ko napigilan ang pag irap ko sa nakikita kong tanawin. Nakakadiri talaga itong bwisit na bruhang ito. Landi pa girl. Ano kung sino sino na lang? Kadiri ah. Ew. Kadiri talaga kahit kailan at mas kadiri naman itong mokong na ito kung papatulan niya ang lintang 'yan. "Oh hey babe!" At pinatulan nga naman nitong mokong na 'to. Iba na talaga pag malandi. Bagay nga naman sila. Parehong malandi. Ew. Nakakadiri sila. Makaalis na nga. Ano pa bang ginagawa ko dito? Hindi ko kayang panuorin ang dalawang ito habang nag haharutan. Nasusuka lang ako. Nag simula na akong mag lakad dahil hindi ko kayang makita yung kalandian nilang dalawa. Nakakadiri kaya. Nakakadiri sila 'no. Akala ko ba girlfriend ng Sebastian na yun yung impaktita kong kapatid? Tsk. Landi talaga. Siguro kabit kabila ang dyowa ng bwisit na lalaking iyon! Bwisit! Magka STD sana siya. Nakakailang hakbang pa lang ako mula sa dalawa nang may umakbay sa akin. Nang lingonin ko ito ay bumungad sa akin ang gwapong mukha ng dati kong kaibigan at kababata. Agad na umarko ang kilay ko. At bakit naman nandito itong isang 'to? "Anong ginagawa mo dito at paano mo nalaman kung saan ako nag aaral?" "Importante pa ba iyon? Would you like to have lunch with me?" Aniya. Sandaling nilingon ko ang pwesto ni mokong at nung malanding Mara. Nakita kong nakatingin sa pwesto namin ni Christian si mokong habang yung Mara naman na yun ay walang tigil sa pag amoy sa kanya. Yuck. Inirapan ko si Sebastian at ikinawit ang kamay ko sa braso ni Christian. "Okay fine, but you have to treat me." "No problem." Aniya nang nakangiti. Kainis. Ang gwapo talaga nitong balugang 'to. At gaya nga ng sabi niya, dinala niya ako sa isang mamahaling restaurant at nilibre ako. Hanggang ngayon galante pa din itong balugang 'to. Siguro dami na nitong naging syota sa ibang bansa. Yung mga lalaking gaya ni Christian yung mga lalaking trip na trip ng mga kababaehan eh. Gwapo na may IQ pa at bonus na yung madatung. Hindi kagaya nung Srbastian na yun na kuripot. Hindi ako mabayad bayaran sa nangyaring aksidente nung nakaraan. Eh kasalanan naman talaga niya at nasaktan naman talaga ako hayup siya. Pero siya naman ang nag bayad ng hospital bill ko kaya wala na yun sa akin. Habang kumakain kami ni Christian ay hindi ko naiwasang mag tanong ng kung ano anong bagay tungkol sa kanya at napag alaman kong wala pala siyang naging syota duon sa ibang bansa dahil nag pokus lang daw talaga siya sa pag aaral. Sus. "Teka nga, Chris. Sabihin mo nga sa akin, bakla ka ba?" Diretsyahang tanong ko dito. Para naman itong nabilaukan sa tanong ko na yun. Sunod sunod siyang umiling. "You brat. Hell no!" "Eh bakit hindi ka man lang nag hanap ng syota dun? Ano yun may plano ka bang maging tigang buong buhay mo?" Natawa naman ito ng malakas sa biro kong iyon. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Wag na wag mo kong tinatawanan Christian ah. Wag mo ko dinadaan daan dyan sa pag papacute mo na yan at baka mahalikan na lang kita dyan bigla. Kainis ang gwapo mo talaga. Isa siguro iyon sa mga dahilan kung bakit maraming mga babaeng nagkaka gusto dito nuon. Ang gwapo kasi talaga ng bwisit na 'to. "You can't blame me. Naiwan kasi sa pilipinas yung babaeng gusto kong pag alayan ng katawan ko." Biro niya na natatawa pa. "So virgin ka pa nga." Tumaas ang kilay ko. I got you there Chris. Kala mo natatawa ako sa biro mo ha. "That's a topic we shouldn't be discussing here." Aniya na mukhang nahiya bigla sa sinabi ko. Napangisi ako. "Sus! Ang sabihin mo, nahihiya ka lang na malaman ko na virgin ka pa. My god Chris!" "Can we just eat?" Natatawa ngunit naiilang na sabi niya. Napa kibit balikat na lang ako at itinuloy na ang pagkain. Minsan na lang makakain ng ganito kasasarap na pagkain kaya nilubos lubos ko na. Libre naman niya eh saka di naman nauubusan ng pera yan kaya tinodo ko na yung order ko. Sayang ang grasiya. Ako pa naman iyong taong ayaw na ayaw ng nag sasayang ng grasiya. Sayang naman kasi talaga di ba? Nag pabalot pa nga ako para may kakainin din ako sa bahay pag nagutom ulit ako. Ang sarap naman kasi ng mga pagkain nila dito. Maya maya ay napalingon ako sa kabilang lamesa at agad na napataas ang kilay ko nang makitang sina Sebastian at Mara pala ang naruruon. Tignan niyo nga naman oh. Nag dadate ang parehong malandi. Bagay na bagay nga silang dalawa. Parehong masakit sa mata. Agad kong nilihis ang tingin sa kanilang dalawa. Ang sakit nga kasi sa mata nilang dalawa tignan. Buti pa tong kasama ko ang gwapo gwapo hindi pa maharot tulad ng mokong na yun. Kung ganito ka lang sana Sebastian katulad ni Chris. Magkaka sundo sana tayo eh. Kaya lang hindi eh. Isa ka kasing malaking epal. Ang hilig mo laging umepal sa buhay ko at palagi ka pang nasulpot kung saan ako nanduon. Nakakabwisit na. Ewan ko ba kung sinasadya iyon ng mokong na ito eh. Pero mukha namang sinasadya niya nga. Isa kasi siyang dakilang epal sa buhay ko. Bigla tuloy pumasok sa isip ko yung ginawa nitong pag halik sa akin sa elevator. Yun ang pangalawang beses na nahalikan ko siya. Hindi ako impokrita para sabihing hindi ako nag enjoy at nasarapan sa halik niya na yun dahil talaga namang napaka galing niya humalik pero ngayon, pag naiisip ko na hinalikan niya din 'tong Mara na 'to hindi ko maiwasang mandiri. Baka kung ano pang mikrobyo ang meron sa babaeng yan mahawahan pa ako. Nakakasuka kingina. Ang hayop na ito! Kung kanikanino pala nakikipag laplapan. "Easy there, Claire." Nag tatakang binalingan ko si Christian nang mag salita ito. "Masyado mo kasing pinang-gigigilan yang stake. Gusto mo ako na ang mag hiwa para sayo?" Ani Christian. Shit. Ayan. Nawala na tuloy ako. Nakakabwisit kasi yung dalawa dito pa talaga naisipang mag hasik ng lagim. Imbyerna. Parang gusto kong masuka ngayon mismo sa kinauupuan ko. "No. Kaya ko na 'to. Mind your own stake." Sabi ko na ikinatawa naman niya. Ano naman kayang nakakatawa sa sinabi ko? Tama naman ako ah. Pakelaman niya ang sarili niyang stake hindi yung pati stake ko pakikilaman niya. Meron naman siyang kanya nakikielam pa. "Ang saya mo no?" I said sarcastically. "Because I'm with you." Ang gago bumanat naman. Kala yata nakikipag biruan ako. "Wow! Bumanat si baluga. Last mo na yan." Sabi ko sabay irap. "Seryoso ako." Aniya nang nakangiti pa. Mukhang seryoso nga yata siya sa mga pinag sasabi niyang kakornihan. "So mukha pala akong clown sayo?" Nakataas ang kilay na tanong ko. "No." Umiling iling siya. "Hay naku, Christian. Kumain ka na nga lang dyan para kang abnormal. Gutom ka pa yata eh." Sabi ko at muling ipinag patuloy ang pag kain. Nang lingonin ko uli ang pwesto nina Sebastian ay wala na duon si Mara at mag isa na lamang si Sebastian duon. Nag tama ang tingin naming dalawa kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin bago muling inilihis sa kanya ang tingin ko. Bakit ganun siya makatingin? At nasan ang date niya? I'm sure nakakita ng matandang mayaman kaya nilayasan na lang bigla si mokong. "Ah Claire, pwede ako naman ang mag tanong sayo?" "Nag tatanong ka na di ba? Tyka nilibre mo ko kaya makakahindi ba ako?" Ngumiti lang siya. Ang saya saya niya talaga. "Osige na mag tanong ka na." "Mula nang umalis ako, wala ka pa bang nagiging boyfriend?" bigla akong natigilan. Paano ako mag kakaboyfriend eh umalis ka nga. Yan sana ang gusto kong sabihin pero wag na lang 'no. Ayokong mag mukhang bitter sa harapan niya. Tyka tapos na yun. Past is past hindi na dapat pang balikan, isa pa wala namang forever kaya kahit siguro malaman niyang gusto ko siya nuon ay wala ding mangyayari. Tyka naka move on na nga ako sa kanya at sa ginawa niyang pang iiwan. "You know very well how I hate relationships. I don't believe in love." Seryosong sabi ko. Ngumiti lang siya pero hindi iyon umabot hanggang sa kanyang tainga. "Bakit mo na tanong?" "Nothing. I just thought that...what we had before wasn't just a friendship." Sandali akong natigilan nang sabihin niya iyon. Tarantado pala siya eh! Pag katapos niya akong iwan ng walang pasabi tyka niya sasabihin sa akin yang mga yan na parang ako pa itong masama. Na para bang ako pa itong nakalimot at nang iwan. Bigla akong nawalan ng gana. "Akala mo lang yun. You were just a friend to me." Sabi ko nang may ngiti sa mga labi. Pakyu ka! "Right. I'm just a friend to you." Aniya. "Was. Was na Christian." Pag tatama ko sa sinabi niya. "Iba na ang bestfriend ko ngayon." Ngumiti ako sabay simsim sa basong nasa harap ko. Bigla akong nawalan ng gana dahil sa tinatakbo ng usapan namin. Ayoko na maalala pa ang nuon. Tapos na yun at mas gusto ko na ding nangyari yun kaysa naman kung kailan hulog na hulog na ako sa kanya tyka niya ako iiwan. Pero siguro hindi na maibabalik yung pag kakaibigan na mayroon kami nuon dahil matagal ko ng naibaon sa lupa yun. Nung araw na umalis siya, ipinangako ko na din sa sarili ko na lahat ng aalis sa buhay ko ay hindi ko na kailan man hahayaang bumalik. "Pwede pa din naman tayong bumalik sa dati di ba?" Tinawanan ko lang siya at ipinag patuloy ang pag kain. Hindi na din naman siya umimik pa pagkatapos ng pag uusap naming iyon. Mabuti naman dahil pag nag salita pa siya baka hindi ko na mapigilan yung galit ko sa kanya at bigla ko na lang mailabas. Ang kapal naman ng mukha niyang sabihin sa akin yan. Ako ba yung ng iwan gago siya! Umalis alis siya pagkatapos babalik balik siya?! Tangina niya! Hindi ako gaga para papasukin siya uli sa buhay ko para lang sirain muli ito. Masaya na ako na wala siya, sanay na akong walang siya kaya hindi ko na kailangan siya. "Oh pano ba yan. Sibat na ako. May klase pa pala ako." Sabi ko pagkatayo ko sa kinauupuan ko. Agad din naman siyang tumayo mula sa kanyang kinauupuan. "Hatid na kita." He offered. "Hindi na, kaya ko na 'to. Aiye alis na ako." Mag sasalita pa sana siya pero agad na akong tumalikod para umalis na ng restaurant na iyon. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nanikip yung dibdib ko. Akala ko ba wala na sayo yung nangyari nuon, Claire? Bakit ngayon may pag sikip ng dibdib na ganap ka dyan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD