Kabanata 7

2218 Words
007 "His pain" C L A I R E Dumiretsyo ako sa parking space ng school para kuhanin ang motor ko. Sinusuot ko pa lamang ang helmet ko nang may kung sinong mag salita. Nakasandal ito sa pulang sports car. "I see, you have a boyfriend ha." Agad na umarko ang kilay ko nang mamukhaan kung sino ito. Anong ginagawa ng mokong na 'to dito? Kanina lang nanduon siya sa restaurant tapos biglang nandito na agad siya? Para talaga siyang kabote na bigla na lang lilitaw kung saan saan. O di kaya naman, sinusundan niya lang talaga ako. Lagi kasi siyang nag susumiksik kung saan ako naruon eh. Nakakapag taka lang talaga. "Stalker ba kita?" Diretsyahang tanong ko. Wala akong pake kung maturn off siya sa pagiging straight forward ko. Hindi kasi ako yung klase ng tao na ang dami pang paligoy-ligoy. Parang gago lang. Kung anong gusto mong sabihin, sabihin mo na hindi iyong pinapakomplekado mo pa masiyado ang buhay mo. Di ba mukhang tanga lang yung ganun? Bakit mo pa papahabain ang usapan, sayang lang sa oras kung pwede mo naman tumbukin na agad ang punto mo. "Assuming ang tawag sa ugaling yan." He said with a smirk. Assuming? Psh! Kapal talaga ng bwisit na mokong na 'to. Sarap pektusan sa abs. "Kung wala kang magandang pakay, mabuti pang lumayas ka na sa harapan ko. Wala ako sa mood para sa mga kagaguhan mo sa buhay Sebastian." Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang ang mokong. Parang gago talaga. "LQ?" Aniya nang may nang aasar pa din na ngisi. Abnormal yata itong isang 'to. "Shut up!" Singhal ko. "Who's that guy? Is he your boyfriend?" Tanong niyang hindi ko na nasagot. Nilapitan ko siya at agad na hinila ang batok niya palapit sa akin upang mahalikan. Malalim ang halik na ibinigay ko na iyon sa kanya. Naramdaman kong nanigas ang katawan niya nang panandalian dahil siguro sa pagkabigla sa ginawa ko. Nang hihiwalay na sana ako ay agad naman siyang nakabawi at agad na ginantihan ang naunang mga halik ko. Inilagay niya ang parehong kamay niya sa likod ng ulo ko upang mas lalong idiin ang halik. Gusto ko ng humiwalay pero parang magnet ang mga labi niya na hindi ko magawang humiwalay sa mga ito. Damn it! Habang tumatagal ay mas lalong nagiging mapusok at malalim ang paraan ng pag halik niya sa akin. Nang sandaling mag hiwalay ang mga labi namin upang huminga ay agad niya naman akong isinandal sa pulang sasakyan niya at muling siilin ng halik sa labi. Madiin ang halik na ibinibigay niya sa akin na para bang gigil at sabik na sabik. Hindi ko na alam tuloy kung ano na ang nangyari sa akin at bakit tila hindi ko yata siya pinipigilan sa ginagawa niyang ito sa akin. Siguro dahil ako naman talaga ang nag umpisa nito kaya wala akong karapatang pigilan siya. Pero hindi! Hindi ko naman siya talaga ginustong halikan! Agad ko din naman siyang tinulak palayo nang makasigurong nakaalis na si Christian. Habang nag uusap kasi kami kanina ay napansin ko si Christian na papalapit sa pwesto namin kaya 'yun ang naisipan kong gawin. Ayoko na munang makausap si Christian sa ngayon dahil paniguradong pipililitin niya lang akong patawarin siya at baka maging gaga nanaman akong hayaan siyang makabalik sa buhay ko. Okay na yung napatawad ko na siya sa ginawa niyang pag iwan sa akin nuon pero hindi ko na siya hahayaan pang makabalik sa buhay ko. Wala na siyang halaga sa akin ngayon. Hindi ko na kaya pang makipag kaibigan sa taong nang iwan sa akin tulad ng mga magulang ko. Tumalikod na ako kay Sebastian at sumakay sa motor ko nang walang sinasabing kahit ano. Nang masuot ko na ang helmet ko sa akin ay agad din naman niya iyong tinanggal. "What?" Anas ko sa ginawa niya. "Did you just used me... again?" And that made me paused for a minute. He's right. Minsan ko na siyang nagamit, nuong gabing di sinasadyang makapatay ako ng tao. Hindi panggagamit ang eksaktong salita para duon pero parang ganun na nga din dahil tinakbuhan ko siya pagkatapos niya akong tulungan. Siya pa ang nag bayad sa kulungan na dapat sana ay ako ang nag babayad. Nagamit ko nga siguro siya at ngayon ginamit ko ulit siya upang takbohan si Christian. "You can't keep doing that to me, brat." Aniya sabay muling siil sa mga labi ko. ~~~~ "Hoy, tulala ka dyan?" Anang kaibigan ko. Nandito kami ngayon sa pinaka paborito naming bar na tambayan. Nag aya nanaman kasing uminom ang gaga. Kailangan daw niya kasi makahanap ng bagong pempem buddy. Hanggang ngayon hindi ko pa din makalimutan yung nangyari kanina sa parking space. Pagkatapos akong halikan ni Seb ay bigla na lamang itong umalis, leaving me wanting for something more. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at muli akong nag pahalik sa lalaking 'yun. Hindi ba kasasabi ko lang na nandidiri ako kapag naaalala kong nag halikan kaming dalawa? Pero ewan ko ba. Para talagang droga yung halik niya at ako naman itong si gagang adik na adik. Hindi ko maitatanggi maalam talaga ang gago sa ganun. Mukhang ekspertong eksperto eh. Sa kanya lang yata ako bumigay pag dating sa ganung bagay. Ewan ko ba. Dalang dala ako palagi kapag nag hahalikan kami eh. Tangina husay eh. Praktisadong praktisado si gago. Hindi ko din maiwasang maisip yung hitsura niya nung sabihin niyang ginamit ko siya. Ewan ko ba. Nag iilusyon lang siguro ako nang makita kong may sakit sa mga mata niya habang sinasabi niya iyon. Galit siguro meron pero bakit naman siya masasaktan di ba? "Hoy, Maria Clara! Hindi kita sinama dito para tumunganga lang dyan ah! Tara let's dance!" Aya ng gaga. Tumayo na lang ako sa kinauupuan ko upang makipag sayawan sa dance floor. Ayoko din namang naiisip yung mokong na 'yun no. Nakokonsensya lang ako. Tangna ako lang yata ang demonyong may konsensya. Yung mga magulang ko kasi wala nuon eh. I smiled bitterly. Nag punta kami sa gitna ng dance floor at nag simulang umindayog sa tugtugin. Habang sumasayaw ay nakaramdam ako ng mga brasong pumupulot sa baywang ko at sinasabayan ang pag sayaw ko. Nakangisi kong hinarap ang lalaki. Mukhang malinis naman si Kuya kaya keri lang. Mas lalo kong inindayog ang baywang ko at mas lalo namang napangisi si kuya mo. Tsk. Manyak. Siguro ang akala neto makaka kangkang siya ngayong gabi. Ulol! Mukha niya 'no. Kahit malandi ako, hinding hindi ako mag papakangkang sa kanya no. Hanggang ganito lang ako. Hindi ko pa din napapantayan ang kalandian ng nanay kong bruha. Habang sumasayaw kami nung manyak ay may kung sino namang humatak sa akin paharap sa kanya. Nahinto ako sa pag sasayaw nang mamukhaan kung sino iyon. And right in front of me stood Sebastian, himself. He stared at me intently. "Hey man, nauna ako sa kanya." Agad na angal ng lalaking kanina ay kasayaw ko. "It's okay. I know him." Sabi ko sa lalaki na balak pa yatang kwelyuhan si Sebastian. Nalukot ang mukha ng lalaki sa sinabi ko habang napangisi naman si Sebastian. Bago pa man makapag salita ulit ang lalaki ay agad na akong hinila ni Sebastian papunta sa pinaka gilid ng dance floor at nag simulang gumalaw sa harapan ko. Hindi ko maitatanggi na sobrang hot niya habang sumasayaw sa harapan ko. Para nga akong tuod duon na nakatayo lang habang siya sumasayaw na harapan ko. Shocks. Di ko akalaing ganito pala talaga ka hot 'tong si mokong kapag sumasayaw. Pero hindi ako papakabog 'no kaya naman nag simula na din akong gumalaw. Sinasabayan ang kanyang bawat pag galaw. Tumalikod pa ako sa kanya at inindayog ang balakang. Nahinto din ako agad nang maramdaman ko si general sa likod ko. Shet! Anong ginawa ko? Parang napapasong lumayo ako sa kanya. "Pagod na ako. Upo na muna ako." Paalam ko at agad na nag lakad palayo sa dance floor. Hindi na ako lumingon pa muli mula sa pwesto ni Sebastian at nag mamadaling lumabas ng bar. Gosh. Ang init init na ng mukha ko nang makalabas ako. Ewan ko ba. Pakiramdam ko ang init init duon sa loob kanina or is it just Sebastian? No! Ano ka ba naman Claire, lalandi ka na lang duon pa sa mokong na yun? Paano kung may sakit na pala yun edi nahawa ka pa? Gaga ka! Ipinaypay ko ang palad ko sa mukha ko. Ang init talaga dito. Dahil siguro sa nainom ko. Pakenshet. Maya maya lang ay may kung sino man ang humablot sa braso ko upang paharapin sa kanya. "I'm so sick of this fvcking game, Mary Claire Alegre!" Aniya bago ako mariing siilin ng halik sa labi. Jusko. Ito nanaman po siya. Ito nanaman yung mga halik niya na hinding hindi ko matanggihan. Putanginang mokong 'to, masyado akong binabaliw. Sandali lang nag tagal ang halik na yun at hinila na niya ako papunta sa kung saan naka park ang sasakyan niya. Mabilis niyang nabuksan ang pasenger seat at madali akong pinapasok duon. Hindi ko alam kung anong mayroon sa akin at kung bakit naman ako sumunod ng walang ka angal angal. Pinaandar niya kaagad ang sasakyan at hindi na ako nag abala pang mag tanong kung saan niya ako dadalhin. Nababaliw na yata ako dahil hinahayaan ko lang itong mokong na ito ang gawin ang kahit ano sa akin. Putakte! Naiinis na ako sa sarili ko. Bakit ba ako ganito? Parang hindi ko alam na s*x lang ang habol nitong unggoy na 'to! Pucha! At bakit tila lumalabas pang parang gusto ko din iyon. Ang gaga ko talaga. "San mo ba ako dadalhin?" Sa wakas ay nakuha ko ding mag tanong. Nakaka gago kasi tong si mokong. Halos mag iisang oras na siyang nag mamaneho. "Ibaba mo na lang ako dyan sa tabi." Sabi ko ulit nang hindi siya sumagot sa tanong ko. "You know what, Claire? I hate you! I fvcking hate you! You made my life miserable and now you're here to play with me? For what huh? To make my life miserable again? Oh no, brat you can't keep doing this to me! I won't let you ruin my life again. Do you understand?" "Lasing ka ba? Kung ano anong pinag sasabi mo! Kung galit ka sa akin edi layuan mo ko! Simple as that! Ikaw tong lapit ng lapit sa akin pagkatapos kung ano anong iaakusa mo sa akin? Gago ka ba? Bangag ka na yata eh! Ihinto mo nga to at bababa ako!" Nag tangis ang mga bagang niya ngunit hindi pa din inihihinto ang sasakyan. "Puta sabi ko ihinto mo eh!" "You have to see something." Aniya nang hindi pa din inihihinto ang sasakyan. Ilang minuto pa ay huminto na din siya sa wakas. Nasa isang sementeryo kami. Lumabas siya ng sasakyan habang ako naman ay hindi na nag abala pang lumabas. Why would I? Gabi na kaya at nasa isang sementeryo pa kami. Mamaya kung ano pang elemento ang makita ko dyan sa labas eh. May balak na yata akong patayin nitong si mokong eh. At dito niya ba ako balak ilibing? Napapitlag ako nang buksan niya ang pinto sa side ko at hilahin ako palabas ng sasakyan. Hinila niya ako sa kung saan at huminto kami sa harap ng isang puntod. Olivia Crisostomo Iyon ang pangalang nakasulat sa puntod. Namatay ito mag lilimang taon na ang nakakaraan. Hindi ako nag salita. Hindi ko maintindihan kung bakit ako dinala ni Sebastian dito sa puntog ng kung sinong kamag anak niya. I'm sure kamag anak niya ito dahil Crisostomo din ang surname tulad niya. "She's my mom. Nang makulong ako, may sakit na talaga siya at mahina na. Kaya bago pa man ako makulong, I made a promise to her that I'll make her happy until her very last breath. Sabi ko sa kanya hinding hindi ako aalis sa tabi niya hanggang sa kahuli hulihang hininga niya. Pero hindi ko nagawa ang pangako na yun dahil nakulong ako. At ilang linggo lang mula nang makulong ako ay nabalitaan kong pumanaw na siya. Hindi man lang ako pina attend ng lamay o libing niya. Hindi ko man lang siya nakita kahit sa kahuli hulihang pag kakataon. Gusto kong sisihin ka nung mga oras na yun pero hindi ko magawa dahil wala ka naman nuon! Wala akong pwedeng sisihin kundi ang sarili ko! Alam mo ba kung gaano kasakit yun? Pati ang sarili kong ama ay itinakwil ako! Alam mo ba kung gaano kasakit ang lahat ng yun ha? Ngayon ang death anniversary ng pagka matay ni Mom pero hanggang ngayon hindi ko pa din makuhang makalimutan ang lahat lahat! Hanggang ngayon dala dala ko pa din ang pang hihinayang na sana nayakap ko man lamang siya kahit sa huling sandali ng buhay niya! O sana man lang nakita ko siya bago pa man siya ilibing! Pero nang dahil sayo hindi ko nagawa lahat ng yun!" Hindi ko inaasahan ang biglang pag tulo ng mga luha sa mga mata ko. Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam. Hindi ko gustong makasakit ng tao o makasira ng buhay pero nagawa ko. At ang sakit sakit pala. Ang sakit palang isipin na may taong naging miserable ang buhay ng dahil sayo. Alam ko yung pakiramdam na maging miserable nang dahil sa ibang tao kaya naiintindihan ko si Sebastian. Kaya walang pag aalangan kong niyakap si Sebastian. Gusto ko lang iparamdam sa kanya nang mga oras na yun na hindi siya nag iisa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD