Kabanata 8

2331 Words
008 Pretend Boyfie C L A I R E "What the hell are you doing here?" Agad na salubong ko kay Clara nang maabutan ko itong nakaupo sa sofa ko. Ano nanaman kaya ang kailangan ng babaeng ito sa akin? Mukhang memeste nanaman. Ang hilig niya talagang manira ng araw. Ay hindi lang pala araw ko ang hilig niyang sirain kundi pati na din ang buhay ko. Bwisit talaga! Hindi ko na napigilang mapairap. Nakakabwisit kasi talaga siya. Bakit hindi na lang niya ako tantanan nang hindi na kami nag aaway? Pero hindi eh, gustong gusto pa yata ng bruha na nakikita akong nabubwisit o nayayamot. Enjoy na enjoy ang gagang sirain ang buhay ko. Matagal ng sira! Matagal na niyang sinira. "Wala ka na talagang galang sa magulang mo." Aniya nang nakasimangot. Napangisi ako. So magulang pala tingin niya sa sarili niya. Gagang 'to. Eksaherada. Pano kaya niya natatawag na magulang ang sarili niya kung kahit kailan naman ay hindi ko pa naranasang magpaka ina siya sa akin. Hindi man lang ba siya kinikilabutan sa mga pinag sasabi niya. Ina pa pala ang tingin niya sa sarili niya? Akala ko nakalimutan na niyang may anak siya at is na siyang ina. "Lumaki kang demonyitang bata ka!" Nag pupuyos sa galit na sigaw niya. I know mother. Kanino pa ba ako mag mamana kundi sayo di ba? "Natural. Demonyo ang nanay syempre demonyo din ang anak. May demonyo bang nag karuon ng anak na anghel?" Nakangising sabi ko. Ang akala niya yata may himala at magkakaruon sila ng mabuting anak eh pareho silang demonyo ng tatay ko. Nasisiraan na siya. Sinamaan niya lang ako ng tingin bago may inilabas na isang pirasong papel mula sa kanyang bag. Kumunot ang nuo ko nang iabot niya iyon sa akin. Ano nanaman ang pakulong ito, Clara? Ano pa ba ang gusto sa akin ng babaeng ito. "I need you to sign this." Aniya habang inaabot pa din sa akin ang papel. "Ano 'to?" Nakataas ang kilay na tanong ko. "A contract, obviously." Umirap siya. Nakakabwisit mang aminin pero mukhang sa gagang ito nga ako nag mana ng kamalditahan. Tsk! Tapos mag tataka pa siya kung bakit ako ganito? Hindi ba siya tumitingin sa salamin? Eh halos lahat yata minana ko sa kanya. "What for?" Naguguluhan ko pa ding tanong. Bakit ko naman pipirmahan ang isang kontrata kung hindi ko naman alam kung para saan ito. Maldita lang ako pero di ako bobo ano! Marunong pa din naman akong mag isip. "Basahin mo na lang! It's for your own sake, Claire." Aniya nang naka simangot. My own sake? As if she cares about me. Ngumisi ako habang inaabot ang papel na hawak niya. For my own sake? Para namang may pakealam siya sa kapakanan ko. Hipokrita talaga ang gagang 'to. "Kailan ka pa nagkaruon ng pake sa akin?" Nakangisi ko pa ding tanong. Mas lalng tumalim tuloy ang kanyang titig sa akin. I don't care. "You're my daughter Claire. Kahit gaano ka pa man kademonyita, anak kita. So I care about you." Aniya. I smiled bitterly. Napaka plastik! Napaka peke! Bakit kahit sinasabi niya ang mga salitang yun sa harap ko ay hindi ko magawang paniwalaan? Siguro dahil wala naman akong makitang sinsiredad sa mukha niya habang sinasabi niya iyon at kahit kailan naman talaga hindi siya nag paka ina sa akin. Siguro kung si Dad pa ang nag sabi nun, baka maniwala pa ako kahit papano dahil naging mabait naman sa akin nuon si Dad pero ngayon hindi ko na alam. Dinemonyo na siya ng mga anak at asawa niya. Mag samasama sila. Tutal parepareho silang kampon ni santanas. "Anong kalokohan 'to?" Tanong ko matapos mabasa ang contract. I can't believe this. "Gusto kong maging artista ka din tulad ko. I want you to be a star. Gusto ko higitan mo pa yung kasikatan ko nuon." Aniya na mukhang seryosong seryoso. Tigas naman ng mukha niyang sabihin yan ngayon. Pagkatapos niya akong abandonahin, ngayon naman gusto niya akong pagkakitaan? Gaga pala itong malanding 'to eh. Ang kapal ng mukha. Gosh. Hindi kaya yung kakapalan ng foundation sa mukha niya ah. Hindi ko kinaya. Mukhang minaster na niya ang pagiging makapal ang mukha. Nilukot ko ang kontratang hawak ko at gigil na itinapon sa sahig. Bwisit. Sira nanaman ang araw ko. Thanks to this b***h! Wala talaga siyang ibang alam gawin kundi ang sirain ang araw ko. "Siguro naman alam mo na ang sagot ko. Makakaalis ka na." Sabi ko sabay talikod sa kanya upang pumunta sa kusina. Sabi ko na nga ba nag punta lang siya dito dahil may kailangan siya eh. Hindi naman ako niyan pag tiyatiyagaang puntahan dito kung wala siyang pakay sa akin. Sagad sa buto ang galit ko sa babaeng iyon. Napaka walang kwentang ina niya. "Fine! Wag na wag kang lalapit sa akin pag kailangan mo ng tulong ko! Bwisit kang bata ka!" Aniya bago ko narinig ang mga yabag niya papalabas ng bahay. Tumikom ang mga palad ko. Hindi ko maiwasang mang gigil sa mga palabas ng nanay ko na yun. Yung totoo, nanay ko ba talaga yun? Kung makapag salita akala mo naman talaga hinihingi ko ang tulong niya. Hinding hindi ako manghihingi ng tulong sa kanya ano! Never! Eh kung ikalat ko na lang kaya na naging kabit siya at nag karuon ng anak, baka magkapera pa ako. Mapakinabangan ko man lang ang mga magulang ko kahit papano. "Gaga ka! San ka nanaman ba nag pupunta kagabi? Hanap ako ng hanap sayo, di mo din sinasagot tawag ko. Akala ko kung ano nang nangyari sayong gaga ka!" Bungad sa akin ni Jes pag dating na pag dating ko sa tambayan namin sa school. Inirapan ko lang siya bago dumukot ng isang stick ng sigarilyo. "Oh bakit? Wag mong sabihin may naka one night stand ka kagabi kaya ka biglang nawala." "Oh gosh. Sana nga ganun na lang. Kinikilabutan ako pag naaalala ko yung  totoong nangyari kagabi eh." Niyakap ko lang naman yung mokong na Sebastian na yun! Pakensyet! Ano bang napasok sa isip ko at niyakap ko yung unggoy na yun? Nakaka good girl ah at hindi pa ako nasisiraan ng ulo para magpaka good girl no. Well sa totoo lang naman, wala naman talagang good girl or good guy. Let's be realistic here, walang taong pinanganak na malinis 'no! Lahat tayo may bahid ng kasalanan. There's no good guy. "Nga pala girl, bukas ah." "Anong meron bukas?" "What? Wag mong sabihing nakalimutan mo na? Gosh, friendship may raket tayo bukas! Mabuti na lang napaalala ko sayo ngayon dahil kung hindi baka di ka pumunta bukas. Jusko naman! Paanong nakalimutan mo yun! Sa lahat ng makakalimutan mo 'yun pa talaga ah." Kumunot ang nuo ko. Anong pinagsasabi ng gagang 'to? Raket? Kailan pa kami nag karuon ng raket? "Rumaraket ka na ngayon?" Bigla siyang napasapo sa kanyang nuo sa sinabi ko. Nababaliw na yata ang gaga. "Ay gaga! Nakalimutan mo na ba? Every friday may gig tayo?" Parang naiinis na niyang sinabi. Kumunot naman ang nuo ko sa pag tataka. "What? Seryoso?" "Hoy, Maria Clara! Wag ka ngang umarteng parang nag ka amnesia ka dyan. Para tong gaga!" Pilit pinoproseso ng utak ko yung mga sinasabi ng gaga. Kami nag gigig? Kailan pa ako natutong kumanta o tumugtog? Sumasakit yung ulo ko sa kakaisip sa sinasabi ng gaga kaya di ko na lang siya pinansin at nanahimik na lang. Ewan ko ba. Lately palagi na lang sumasakit yung punyetang ulo ko. "Basta bukas ah. Asahan kita. Pasok na ako." Tumango lang ako kay Jess dahil wala talaga ako sa mood. Ang sakit sakit ng ulo ko punyeta! Napapikit na lamang ako habang sapu sapu ko yung nuo ko. Nyeta! Anyare na ba sa akin? Di kaya may sakit na ako neto? Nitong nakakaraang araw lang ilang beses akong nahimatay tapos ngayon naman... Putangina ano? Lahat na ng kamalasan sa buhay napunta sa akin kung ganun? Natatawa ako pag iisipin kong may malalang sakit nga ako. Tangnang yan! Masyadong ginawang korean drama tong buhay ko at may pasabog pang ganun. Napapailing na lang ako habang naiisip yun. Hindi ko maisip yung sarili ko na mag kasakit tangna, di ko maisip na mag mumukha akong kaawa awa. Takte ano kayang hitsura ko nun? Malditang may sakit? Pota! Natatawa ako sa isiping yun. "Claire?" "Ay k**i mo!" Tangna naman netong hayop na to. Bigla bigla na lang sumusulpot. Muntik pa akong atakihin sa puso bwisit. Ikaw ba naman tumambay sa isang abandonadong classroom tapos bigla na lang may impaktong susulpot sa harap mo, hindi ka ba naman magulat di ba? "What are you doing here?" Tanong niya. Umirap ako bago tumayo mula sa pagkakasalampak sa lumang lamesa. "None of your business." Sabi ko bago mag simulang lumakad papunta sa pinto upang lumabas na sana pero mariin niya akong hinawakan sa kamay. "What?" "Claire, I thought okay na tayo? Bakit parang umiiwas ka naman?" Ngumisi ako. "I'm not. Yes, okay na tayo but that doesn't mean na pwede na tayong bumalik sa dati. Pinatawad na kita pero hanggang duon na lang 'yun. Sana maintindihan mo." Sabi ko ngunit nagulat na lamang ako nang bigla niya akong isandal sa malapit na pader. Napa nganga ako nang gawin niya iyon. Ikinulong niya ako sa pagitan ng mag kabilang brao niya. Pinilit kong itulak siya palayo pero hindi niya ako hinayaang gawin iyon. Seryosong seryoso lamang siyang nakatitig sa mga mata ko. Pinipilit kong ibaling sa ibang direksiyon yung tingin ko dahil hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay ang init init na ng mag kabilang pisnge ko. Pakiramdam ko nilalagnat ako habang tinititigan niya ako ng ganito. Punyeta! Ano nanaman bang palabas ito? Pinag lololoka na talaga ako ng hinayupak na 'to eh! Hindi na talaga nakakatuwa eh. Sino ba siya sa akala niya para gawin at iparamdam sa akin yung ganito? Bakit ba kasi siya bumalik pa! Kingina naman! Gigil na itinulak ko siya pero wala lang din namang nangyari. "Pakyu! Pakawalan mo ko!" Anas ko na pilit na itinutulak siya palayo pero mukhang di papatinag si gago. "Putragis naman! Ano bang kailangan mo lintek ka?!" "Claire..." May kung ano sa boses niya na para bang gusto ko siyang yakapin pero hindi. Ang gaga mo na Claire kung hahayaan mong mahulog ka nanaman sa mga patibong ng hayop na yan. Tama na yung minsan ka nyang pinaasa't iniwan. Tumigil ka na! Mukha ka nang gaga! Hindi ka ipinanganak na martyr tanga! Anak ka ng dalawang demonyo kaya wag kang feeling anghel dyan gaga! Kung ang dyos nag papatawad, ikaw hindi! Gago di ka dyos! Bumukas ang bibig niya upang mag salita siguro nang bigla na lang may tumulak sa kanya palayo sa akin. Agad na hinila ako ni Sebastian sa kanya. Literal na nanlaki yung mga mata ko dahil sa biglang pag sulpot ni Sebastian sa tabi ko. Punyeta? Pano napunta dito si mokong? Mga may gps pa tong mga to at nahahanap nila kung saan ako nag sususuot? Putragis naman oh. "Stay the fvck away from my girlfriend." Kung kanina nanlaki yung mga mata ko sa biglang pag sulpot ni Sebastian ngayon naman literal din na napanganga ako sa sinabi niya. Muntik pa nga yatang malaglag yung panga ko sa sinabi niyang iyon? Tama ba yung rinig ko sa sinabi niya? O di kaya naman ay hindi pa ako nakakapag hinunuli kaya hindi ako sigurado kung narinig ko siya ng tama. Ay punyeta! Ewan! "Ano?" Magkasabay na tanong namin ni Christian kay Sebastian. Bumaling sa akin si Sebastian at nagulat ako nang bigla na lamang itong ngumiti. Hindi basta bastang ngiti ah. Isang weird na ngiti. Pota? Ano daw? "Why? Nakalimutan mo na yung nangyari kagabi?" Nakangiting sabi nito. Pota. Sinamaan ko ng tingin si Sebastian. Pukingina ng lalaking 'to. Agad na hinila ko siya palabas ng abandonadong kwarto. Sa isang banda nag papasalamat akong bigla siyang sumulpot duon kanina pero pukingina! Parang gusto ko siyang kangkangin sa sinabi niyang iyon? Puta anong sabi ko? Kangkangin? Pukingina! Seryoso, Claire? Naisip mo pa talang mag pakangkang sa lokong yan ah. Oh di nyo alam meaning ng kangkang na yan 'no. Kangkang means eut sa skwater language. O di niyo din alam yung eut? Oh bahala na kayo dyan. "What the fvck is your problem?" Ngumisi lamang si gago habang nakatayo na akala mo'y model sa harap ko. Napaka sarap namang ulamin ng model na 'to. Parang gusto kong mag protesta sa kabastusan ng demonyo kong utak. Pero kingina, ang hot naman kasi talaga netong si Sebastian eh. Sino bang hayup ang gumawa sa lalaking ito? Bakit halos wala na akong maipintas sa kanya. Punyeta di ba? Napaka unfair ng mundo. Akala ko ba walang perpektong tao? Eh bat ganto tong Sebastian na to? "Literal na God's gift to women eh." Biglang tumaas ang kanang kilay ni Sebastian nang lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ko. Ay putek ka Claire! "You were saying?" Nakangising sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay bago mag simulang mag lakad na palayo. Parang gago kasi. "Hey brat, where do you think you're going?" "Wala ka na dun!" Pero ang gunggong. Matigas ang ulo. Sumunod pa din. "Anong eksena yung naabutan ko kanina? Parang teleserye ah." "Ulol!" "May gusto ba sayo yun?" "Pake mo!" "Claire, nakikipag usap ako ng maayos." "I don't care!" "Brat!" "Jutay!" "Do you want me to prove---" "Shut up!" Tangna alam ko namang puro kabastusan lang ang lalabas sa bibig nitong hambog na to eh. Tumawa siya at hinawakan ang kamay ko na mas lalo kong ikinagigil. "What are you doing?" "Your ex boyfriend is coming. Pretend to be my girlfriend or I'll leave you with him." Nang lumingon ako sa likod ko ay nandun na nga si Christian. Papalapit ito sa pwesto namin. Oh no. Ayoko na siya makaharap. Punyeta. Hindi ba malinaw yun sa kanya? Bakit ba lapit pa siya ng lapit? Agad akong yumakap sa baywang ni Sebastian. Lumawak naman ang ngisi ni gago. Pasimple ko siyang sinamaan ng tingin. Ang gago feel na feel pa yata. Yumakap din siya sa akin habang may pag himas pang nalalaman sa gilid ng bewang ko. Putakte! Gumugusto si gago. Nilampasan lang kami ni Christian na para bang mga hangin lang kami. Agad ko din namang itinulak si Sebastian palayo sa akin. Letseng 'to. "Ikaw, gumugusto ka eh no? Ano masaya ba? Enjoy na enjoy ka?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD