009: "Desires" CLAIRE Hindi ko alam kung anong tinira ko at pumayag ako sa alok ni mokong na mag haponan sa bahay niya. Ganun na ba ako kapatay na gutom para um-oo? At talagang pumayag pa akong pumunta sa condo niya ah. Eh kasi naman 'no ang sarap kaya niya. Ops. What I mean is ang sarap niyang mag luto. Masyado kayong mahaharot pero masarap din naman siya. Aminado naman ako duon ano. Kahit mokong siya ang gwapo ng gago. So ayun na nga ang nangyari nandito ako ngayon sa harap ng unit niya. Hindi pa din talaga ako makapaniwala na nandito ako ngayon. Ay ewan ko ba sa sarili ko. Naloloka na yata ako at napapayag niya akong makikain dito. Di ko alam kung mag dodoorbell ba ako O aalis na lang. Pero bago pa man ako makapag desisyong umalis na lang ay biglang nag bukas na ang pinto ng kanyang

