040 "Let's get married" S E B A S T I A N Nag hintay ako buong mag hapon ngunit hindi siya dumating hanggang sa mag gabi na. Kinontak ko na lahat ng kakilala kong pwede nyang puntahan pero isa lang ang sagot ng mga ito. Wala silang alam kung saan nag punta si Claire. Gusto ko nang mag wala kanina pa pero alam kong walang mangyayari kung gagawin ko iyon. Kailangan kong mahanap si Claire. Masama ang kutob ko. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at tumawag na ako sa mga pulis upang ireport ang nangyari ngunit ayon sa kanila ay hindi pa daw pwedeng ituring na missing ang isang tao kung wala pa itong isang araw na nawawala. Napaka gago! Anong gusto nila mag antay pa ako ng bente kwatro oras bago nila hanapin si Claire? Paano kung may masamang mangyari

