030 "You're an angel to me" S E B A S T I A N Malapit nang magmadaling araw nang maisipan kong umuwi na. Malabo nang mahanap ko pa siya ngayong gabi. Bukas ko na lang siya ulit hahanapin. Mag papatulong na din ako sa mga investigator ko para mapadali ang pag hahanap sa kanya. Hinding hindi ako titigil hanggat hindi ko nahahanap si Claire. Lahat gagawin ko mahanap ko lang siya. Damn! I'm fcking crazy for doing this. Binabaliw mo ko Claire. Do you even know that? Of course you didn't. You never cared about my feelings. Never. Huminto ang elevator sa floor ko at agad akong lumabas. I'm so tired. Gusto kong matulog agad ngunit paano ko gagawin 'yun kung nawawala si Claire? Habang papalapit ako ng papalapit sa unit ko ay napansin kong may pamilyar na pigura ang nakaupo sa labas ng unit ko.

