Emlove’s POV Napaungol ako sa sarap habang kumakain ako ng chocolate cookies habang papunta kami ngayon sa shifter hospital para sa aking first trimester checkup with Dr. Holl. Although nasa palasyo si Ashani, mas mabuting magpa-check up daw ako sa veteran na doctor, and also isa akong cupid kaya wala pa siyang karanasan doon. Samantalang si Dr. Holl marami na siyang experience when it comes to paranormal entities at hindi lang shifters ang kumukonsulta sa kanya. Hindi ko kasama si Lorkhan dahil may importanteng meeting siyang dadaluhan, ayaw man niyang pumunta, pero meeting yon with the humans so he needs to be there. Kasama naman niya si Jariah at tsaka si Ryu, habang ako, kasama ko si Orson, Rover, Erasmus, Seven at pati na rin si Willowe, ang iba nagbabantay sa palasyo. Hindi naman ak

