Hinahabol kami ngayon ng isang nagwawala at malaking shifter tiger sa gitna ng daan ng city kung saan papunta sana kami sa mall after ng checup ko with Dr. Holl. masaya lang kaming nag-uusap sa sasakyan, mga balak naming bilhin, pagtingin sa mga baby clothes pero bigla na lang kaming binangga ng beast na to habang dumadaan kami sa intersection. Kasalukuyan ngayon siyang pinipigilan nila Orson, Rover at Erasmus at tumatakbo naman kami nila Willowe at Seven. Nagkalat ang mga humans sa lugar, tumatakbo rin palayo, takot na takot at nagsisigawan. May mga pulis din na dumating pero kahit tirahin pa nila ito ng bala, walang epekto sa kanya. Hindi naman kami makalipad ni Seven dahil maraming witnesses, hindi nila pwedeng malaman na pati cupids at nage-exist dahil baka kami naman ang gawin nila na

