Nandito na naman ako sa examination table at kasalukuyang chine-check na naman ni Dr. Holl ang aking baby. Pagkarating namin dito sa ospital, nagulat na lang ako ng buhatin ako ni Jariah at dinala sa examination room kung saan nandoon pa rin ang doctor. Nagulat nga siya at pinaliwanag sa kanya lahat ni Jaja ang mga nangyari. Habang sinasabi niya ito, doon ko napagtanto na marami pala akong ginawa na pwedeng nagpahamak si aming baby at hindi ko naisip yon. Ang bobo ko diba? Kaya tuloy galit na naman sa akin si Lorkhan dahil anak din niya naman ito, nagbuhat ako ng sasakyan, ng poste, tumakbo, umiwas sa mga lumilipad na kung anu-ano at hindi ko naisip na buntis ako. And it’s even my first trimester in shifter terms at delikado daw sa isang nagbubuntis sa first three months niya. Kaya nagi-gu

