Willowe’s POV Abala kami sa pag-uusap ni Seven habang nasa labas kami ng emergency room at ginagamot na ngayon ang shifter na dinala namin rito. Nag-heal na lahat ng kanyang mga sugat pero hanggang ngayon wala pa rin siyang malay. Dinala agad ni Alpha Jariah si Emlove sa examination room at hindi namin alam kung anong ganap. Nagdadasal din kami na sana maging okay ang pag-uusap ng Beast King at si Ryu sa mga humans. Nag-uusap din si Rover at Erasmus, actually mukhang nagtatalo dahil sa nangyari. Frustrated si Rover dahil kahit na ba may nagawang kasalanan ang pamilya ng Beast King, nagi-guilty pa rin siya dahil siya ang dahilan kung bakit sila naging feral. Na-trauma na rin kasi siya, sa tagal ba naman niyang na-trap sa sarili niyang katawan, mukhang sinisisi niya ang sarili sa nangyari n

