Ursa’s POV Agad akong bumaba sa sasakyan na walang pasabi nang tumigil ito sa harap ng palasyo. Umuwi na kami kaagad after naming makabalik mula sa isang realm na pinagdalhan sa amin ng walang modong angel na yon. Si Emlove lang talaga ang gusto nitong kunin pero dahil nandoon ako para protektahan siya, kinuha niya na rin ako. Sobrang yabang, walanghiya, pati babaeng buntis papatulan niya! Anong klase siyang lalake?! And he is even an angel but his personality is trash! Anong karapatan niya para gawin sa amin yon? Pinagbantaan pa niya ang anak ng Beast Queen na nasa sinapupunan nito. Sobra talaga siya, manang-mana sa kanyang ina! Dumiretso na ako sa aking kwarto habang pinipigilan ko ang aking galit. Bagsak kong sinara ang pinto at hindi ko mapigilan ang aking sarili na ihagis ang isang

