Mahigpit na hinawakan ko ang leeg ng isa kong pamangkin na si Nexus, itinaas ko siya na walang kahirap-hirap at matalim ko siyang tinignan habang hirap siyang huminga at hinawakan niya ang aking kamay. Nagalit ako ng husto ng sinabi sa akin ni Selene ang kanyang ginawa nang dalhin niya ang magkapatid na anak ni Eris dito sa aking realm. Kahit kailan talaga, hindi nag-iisip sa mga kanyang mga ginagawa, sugod na lang siya ng sugod na hindi pinag-iisipan ang kanyang mga kilos. Mabuti pa ang kanyang kapatid na si Lexus, matino at hindi nagmana sa kanyang ina. Mabuti at wala siyang ginawa kay Emlove kundi mapapatay ko ang sarili kong pamangkin dahil sa kabobohan niya. “Eros, bitawan mo na siya.” sabi sa akin ni Esmerelda. “Baka mapatay po pa ang pamangkin mo.” at hinawakan niya ang aking bras

