Habang nagsha-shopping kami sa mall, bigla na lang lumindol ng bahagya at mula sa taas, bumagsak ang bubong ng mall dahil may bumagsak na isang nilalang na kinagulat naming lahat. Isang lalake na may puting buhok, heterochromatic ang mga mata at may silver, white wings siya sa likod. Unang kita ko pa lang sa kanya, alam ko na isa siyang angel dahil na rin sa kakaiba niyang presence at sobrang perpekto ng kanyang features. Naka- meet na ako ng isang angel, hindi ko alam kung magkaibigan kami pero lagi ko siyang kinukwentuhan sa tuwing magkikita kami sa veil ng human realm. Naka-assign din kasi siya doon at may sumusundo siya ng mga souls ng humans. And this angel right now looks like him, iba lang ang dating niya sa angel na nakakausap ako. Tumingin siya sa paligid na parang may hinahanap h

