Masaya kaming nag-uusap ni Elva sa guest room na pinagdalhan ko sa kanya ng lumitaw si Mrs. Llanez at sinabing tumatawag sa akin si Lorkhan. Syempre natuwa ako at nagtatalon ang puso ko dahil gusto niya akong makausap despite ng tampuhan namin earlier. Agad kong sinagot ang tawag niya nang makita kong mag-vibrate ang aking phone sa side table. Sinara ko ang pinto ng aming kwarto at bagsak ulit akong humiga sa aming kama at niyakap ang kanyang unan. Mabuti naman at tumawag siya dahil nami-miss ko na talaga siya!
"Hi Lorky…" sagot ko sa kanyang tawag at narinig ko siyang nag-growl sa kabilang linya. "Galit ka pa ba sakin?" lungkot kong sabi.
"Baby, hindi ako galit sayo." malambing niyang sabi at napanguso naman ako.
"Eh bakit nag-walkout ka kanina tapos hindi mo na ko pinansin? Ang sakit kaya!" narinig ko ang kanyang malalim na paghinga.
"I'm sorry baby, umiwas lang kasi ako at baka kung ano pang masabi ko sayo na pagsisihan ko. Ikaw naman ngayon ang magagalit sakin. Nag-alala lang talaga ako, and thank you for everything. Ikaw ang nakahanap sa facility, nailigtas mo ang mga young shifters at mga humans. And you save your friend too. Pero pwedeng huwag mo ng ulit gawin yon? Muntik na kong mabaliw sa ginawa mo." desperate niyang sabi at lumambot naman ang puso ko sa boses niya.
"Okay, okay Lorky… I am sorry too. Alam ko din naman kung gaano ka nag-alala sa akin. I won't do it again." nagpasalamat siya at napangiti naman ako "Nasaan ka na ngayon? Pabalik ka na ba rito?"
"Hindi pa ko makakabalik dyan Emlove. Marami pa akong gagawin at nandito ako ngayon sa hospital."
"Really? Wala na ba kayong natagpuan sa facility?"
"Wala na and we destroyed the facility. Teka, hindi ka ba talaga nasaktan kanina? Dapat nagpatingin ka sa doctor noong nandito ka."
"Okay nga lang ako. Medyo pagod lang dahil sa ginawa natin ngayong araw. Alam ko busy ka rin Lorky pero huwag mong pabayaan ang sarili mo, kumain ka."
"Of course, sabi mo eh. Bukas pumunta kayo ulit rito with Elva, kailangan din siya rito. At ikaw, Dr. Holl will check on you. I just want to make sure you're okay." bumuntong-hininga naman ako.
"Fine… Bukas pupunta kami dyan at para matignan ko rin si Triple Seven. Nagising na ba siya?"
"Hindi pa baby, tinignan ko siya kanina and he is safe with Jariah. I need to go, nandito ang mga clan leaders."
"Wait, si Elva pwede bang mag-stay muna siya rito?” napa-cross fingers ako at hinihiling na sana ay pumayag siya. Kawawa naman kasi si Elva at wala na siyang pupuntahan pa.
“Oo naman, I know you like her.” napatili ako ng konti at binigyan ko siya ng sound kisses. Narinig ko ang sexy niyang tawa at syempre kinilig ako doon, ganyan ang effect kahit ang tawa lang niya.
“Thank you! I'll see you tomorrow then."
"Yeah little cupid, see you." after niyang sabihin yon, in-end niya na ang call. Bumuntong hininga ako ulit tapos ay inamoy ang kanyang unan. Nakatulog ako ng gabing yon na nakayakap sa kanyang unan.
Kinabukasan, maaga akong nagising at agad akong naligo at nagbihis. Nadatnan ko si Mrs. Llanez na naghahain na ng breakfast at nakaupo na si Kylo sa harap ng mesa. Lumabas na rin si Elva sa guest room at nakasuot siya ng jeans at tshirt na kasya na sa kanya. Tinanong ko siya kung saan niya nakuha ang mga damit kasi yayayain ko sana siyang mag-shopping mamaya pero masyadong risky dahil baka may makakilala sa kanya. Binigay daw ni Mrs. Llanez at malamang kinuha ito ni Orson para sa kanya. Alam na kaya ng kanyang ina na mate niya si Elva?
"Goodmorning everyone!" bati ko sa kanila at binati rin nila ako. Umupo na rin kami sa harap ng mesa at nagsimula na kaming kumain. "Pupunta tayo sa hospital, kailangan ka daw nila doon Elva."
"Okay, gusto ko din namang tulungan si Dr. Holl. Hindi ko lang alam kung matutuwa ang mga young shifters pag nakita nila ako." sagot niya.
"Sinaktan mo ba ang isa sa kanila? Did you participate in the abuse too?" tanong sa kanya ni Kylo na bahagya kong kinagulat.
"Of course not! Hindi ko kayang gawin yon." gulat din na sabi ni Elva.
"Then it's okay. Kung naging mabait ka sa kanila hindi naman sila magagalit sayo ng walang dahilan. We do like humans yong mga matatanda lang ang hindi."
"Nabanggit sa akin ni Jariah about the old traditions. And they want to stick with it buti na lang at mas open-minded kayo.” sabi ko naman.
“Sinubukan ko silang tulungan, I secretly give them extra food at minsan binabawasan ko rin ang dose ng tranquilizer para maka-recover ang mga beast nila but it was not enough. Nag-iingat din ako at baka mahuli ako.”
“Thank you at ginawa mo yon para sa kanila.” at hinawakan ko ang kanyang kamay. Ngumiti rin siya sa akin at pinisil ang aking kamay.
“Uhm, si Orson nga pala? Hindi ba siya sasabay sa atin?” tanong nito at medyo namula ang mga pisngi nito. Pilya naman akong ngumiti at kumain ng favourite kong chocolate chip pancakes.
“Nagbabantay siya sa lobby hija, kumain na yon.” sagot ni Mrs. Llanez na matamis na nakangiti rito. “Kumusta ka naman? Nakatulog ka ba?”
“Opo Mrs. Llanez, salamat sa pag-uusap namin ni Emlove, gumaan ang pakiramdam ko. Salamat din at pinag-stay niyo ko rito.”
“Oh, nabanggit ko na nga kay Lorkhan kagabi and he said that it's all okay. Welcome to the family! Kailangan din natin mag-ingat kasi baka may makakilala sayo. Yayayain pa sana kitang mag-shopping.”
“Pwede naman tayong mag-online shopping Emlove, hindi ako fan ng mall, mahirap kasi akong makahanap ng size ko doon. Buti na lang binigyan ako ng damit ni Mrs. Llanez, salamat po ulit.”
“Naku, kay Orson ka magpasalamat, siya ang kumuha niyan para sayo.”
“Talaga po? I’ll thank him later then.” nakangiti niyang sabi.
“What do you think of Orson nga pala? Hindi ka ba natatakot sa kanya?” bahagya itong natigilan tapos ay napa-shake ito ng kanyang head.
“Well, he’s a big guy, medyo intimidating sa una pero hindi ako natatakot sa kanya. Mas natatakot ako kay Jariah at kay Lorkhan. Pinagbantaan nila akong dalawa eh.”
“They want the best for us shifters." sabat ni Kylo. “Important sa amin ang tiwala Ate Elva, I hope hindi mo ito ginagawa para makakalap ka ng information tungkol sa amin.”
“Alam kong marami pa akong dapat patunayan, ang hiling ko lang naman ay bigyan niyo ako ng chance Kylo.” ngumiti lang ito at tumango.
“Sorry nga pala sa paghawak ko sayo kahapon Ate. Kung gusto ka ni Ate Red, gusto na rin kita. I’m sure in time magtitiwala din sayo ang iba. Kagaya ni Mrs. Llanez, tanggap din naman siya ng karamihan sa amin.”
“Human ka din ba Mrs. Llanez?”
“Half human ako, mahirap, pero may mate at mga anak ako na palagi akong pinoprotektahan. That’s how a shifter family works.”
“Ang swerte niyo naman pala… Sana all my mate.” nagkatawanan naman kami.
“Mas lalo kang maiinggit kay Mrs. Llanez pag nakita mo ang asawa niya. Mas malaki pa siya kay Orson but he got his looks from him.”
“Anak niyo po si Orson?” di-makapaniwala niyang sabi. “How did you push him out? Wow…” napatawa kami ulit.
“He is also single at malaki siya dahil isa siyang bear shifter! Masarap kayakap sa gabi.” tukso ko sa kanya at namula ulit ang mukha ni Elva.
“He’s a good looking guy pero gaya nga ng sabi mo shifter siya, ibig sabihin may mate siya at hindi ako yon.”
“Huwag kang magsalita ng tapos. Cupid ako and sinisigurado ko sayo na may lalakeng karapat-dapat sayo.” makahulugan kong sabi at nagkibit-balikat lang siya. Matapos kaming mag-breakfast, nagpaalam na kami kay Mrs. Llanez at bumaba na kami. Sinalubong kami ni Orson sa lobby, kinilig ako sa interaction ng dalawa and I can see their aura getting brighter. Sabi ko na nga ba at maganda ang compatibility nila and they look so good together! Binigyan siya ni Orson ng cap at pati na rin pantali ng buhok para hindi siya gaanong makilala. Sumakay na kaming lahat sa malaking bullet proof na sasakyan at pumunta na kami sa ospital.