CUPID 28

1755 Words
Orson’s POV Pagkapasok pa lang namin sa facility, may weird na akong naramdaman. I don’t know how to put it but my beast was also uncomfortable. Parang may hinahanap siya na hindi niya mahanap. When we were at the chamber at nahanap namin ang kaibigan na cupid ni Emlove, and Kylo walked in dragging a human girl, my beast just zone in on her. Her flowery scent engulfs me, nanigas ang buo kong katawan, nabaliw ang aking katauhan sa kanyang ganda. She’s thick but it’s one of her charms, matangkad din siya na bumagay sa kanyang plus size build! I want her at muntik ko ng sugurin si Kylo dahil hawak niya ang aking mate. That’s when I realize that I have a human mate, she’s working in this facility and I am in big trouble! Pinigilan ko talaga ang sarili ko, lalo na at pinipigilan ko rin ang aking beast na kunin siya. Sa ngayon si Emlove pa lang ang nakakaalam at mabuti at hindi niya sinabi sa aking ina pero hindi ko alam kung hanggang kailan niya maitatago ito. She is cute at alam kong masaya siya para sa akin but that cupid has no breaks on her mouth! Napabuntong-hininga ako nang mag-open ang elevator doors sa penthouse. May hawak akong paper bags na may laman na mga damit, sapatos, toiletries na magagamit ni Elva. Even her name is beautiful to me and I am having a hard time controlling my grumpy beast. Kumatok ako sa pinto tapos ay binuksan ito, nakita ko ang aking ina na lumabas sa hallway kung saan nandoon ang mga kwarto. Ngumiti siya sa akin at nilapitan ako. “Oh, ano yang dala mo?” tanong niya sa akin at ngumiti rin ako. Nasaksihan ko ang pinagdaanan na hirap ng aking ina dahil mate siya ng Heavy Clan leader, the great Esben Bruin. Sobrang kinamumuhian ng aming species ang mga humans at kahit half human siya, hindi siya tanggap ng karamihan. Paano pa kaya pag nalaman nila na may mate akong pure human? I want her so bad but I am worried na baka mapahamak lang siya pag inangkin ko siyang mate ko. Kahit na ba gusto niyang tumulong sa amin, the fact that she’s a human is a big no, no! Anong gagawin ko? I should tell this to the Beast King, baka matulungan niya ako at pati na rin ang aking pamilya. I just hope that my parents will accept her. “Para kay Elva toh Mami, hindi kasi kasya sa kanya ang nga damit ni Emlove kaya bumili na ko ng kakailanganin niya.” sagot ko. “Kumusta na po siya?” “Okay naman hijo, nagbabonding nga sila ni Emlove kanina. Mukhang magkasundo na sila.” “Pansin ko nga rin yon Mami. Pakidala na lang toh sa kanya at babalik na ko sa post ko sa lobby.” nilagay ko ang aking mga hawak sa sofa. Lumapit ako sa kanya at mahigpit siyang niyakap. “Huwag kang magpapagod, magpahinga ka na rin.” sabi ko ng binitawan ko siya. “Dapat ginagawa mo rin yan anak.” tumango lang ako pero bago pa ako makaalis pinigilan niya ako. “Si Elva ba ang mate mo?” tanong niya at natigilan ako. “Habang tinitignan mo siya kanina, ganon din ang tingin na binigay sa akin ng Papi mo noon.” “Mami…” sambit ko at wala na akong nasabi pa. Matamis siyang ngumiti sa akin at hinawakan niya ang aking mga kamay. “Congratulations hijo, sa wakas nahanap mo na rin siya. Masaya ako para sayo pero ikaw parang hindi ka masaya.” “Hindi mo lang alam kung gaano kasaya Mi, she’s so beautiful and smart I think, pero isa siyang human. At nagtatrabaho pa siya sa facility ng mga humans kung saan dinala ang mga dinukot na young shifters. Masaya ako pero natatakot rin para sa kanya. Some of our kind is brutal to humans, kahit nga ikaw hindi ka nila matanggap dahil half human ka. Hindi ko alam ang gagawin ko at ayoko ko rin na biguin si Papi.” “Hindi mo naman bibiguin ang Papi mo, tinanggap niya ako diba? Magiging proud pa siya kung tatanggapin mo at po-protektahan ang human mate mo gaya ng ginagawa niyo sa akin ngayon.” “How do I even explain this to her, Mami? Kakahiwalay niya lang sa asawa niya. And then this happened, sigurado akong takot na takot siya ngayon.” “Pwede ka namang humingi ng tulong kay Emlove. Cupid siya diba?” at tinapik niya ang pisngi ko. “Salamat Mi, alagaan mo muna siya ah. Babalik muna ako sa baba.” tumango lang naman siya. Hinalikan ko siya sa kanyang pisngi tapos ay lumabas na ako. Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa sa pag-uusap namin ng aking ina. Bago ako humingi ng tulong kay Emlove, kailangan ko munang sabihin ito kay Lorkhan. I just hope he will approve of this. Jariah’s POV Kahit hindi ako lumingon, sa scent pa lang alam ko na si Lorkhan ang pumasok sa private room kung saan nagpapahinga ang aking mate. God! I found my mate! He’s so beautiful and perfect! With his red wings and bright pink hair, he smells like vanilla that I want to ravish. I know he’s a guy but hey I do both so it’s all okay. Sa totoo lang wala akong pakialam kung anong kasarian pa ang mate ko, I just want to find either him or her para sumaya na rin ako katulad ng bestfriend ko. Nakakatuwa dahil pareho kami ng mate, parehong cupid, sana nga lang hindi siya makulit katulad ni Pinky. Triple Seven ang tawag sa kanya ni Emlove pero mas maganda pag Sven na lang, mas bagay sa kanya. Hindi ko napigilang tumawa ng konti at hinaplos ko ang kanyang pisngi. Ang cute niya! But I will give him time to rest kasi pag nagising siya at fully recovered na, lagi ko na siyang papagudin. Hindi na makapag hintay ang beast ko na markahan siya. “So,he’s your mate huh?” sabi sakin ni Lorkhan. Nakangiti akong lumingon sa kanya at tumango. Nagulat ako ng bigla niya akong hinila tapos ay niyakap. “Congratulations man! You deserve it.” tuwa niyang sabi at tinapik tapik niya pa ang likod ko tapos ay humiwalay na siya. “Who would have thought? Isang cupid din ang mate mo. Pero hindi ko pa rin palalampasin ang ginawa mong pag-experiment kay Emlove.” “Sorry man, hindi ko naman alam na gagawin niya yon. Pero alam mo ba ang sinabi niya sakin?” huminga ako ng malalim. “Humingi ng tawad sa atin si Pinky pero hindi siya nagsisisi na gawin yon. Tama naman siya Lor kasi pag tumama pa ang bala ng tank sa facility siguradong hindi natin siya nailigtas.” sabay tingin sa aking mate. “I am thankful that she did it. I owe everything to her, siya din ang dahilan kung bakit nahanap ko ang mate ko. Hindi ko alam na ang smart ng mate mo. We are so lucky to have her as our Queen." at nag-bow ako sa kanya. "Siguradong tutuksuhin ka lang ni Emlove pag sinabi mo yan sa kanya." natawa lang naman ako. "Kumusta na nga pala siya?" "Dr. Holl said he's okay, hihintayin na lang natin siyang magising. Pinauwi ko na pala sila Emlove kasama ang human. She's a chemist at binigay niya ang mga nakalap niyang evidence sa lab. Sigurado ka ba na isama natin siya? Emlove like her and Dr. Holl needs her para sa mga treatment ng mga young shifters." "Yeah, I trust my mate. She will be a good friend to her and I am sure of that. Isa pa, mate siya ni Orson and I approved of it." "Mate siya ni Orson? Paano mo nalaman? Alam rin ba ni Pinky?" sunod-sunod kong tanong. "I think so… Mabuti siyang human, protect her at all cost. She might serve as an advantage to us." "Okay, how about the facility? Anong gagawin natin doon." "We took care of it, completely gone together with all the guards at mga workers na naroon. I'm sure aakalain ng mga humans na may-ari non na patay na ang lahat. Hindi na sila maghahanap pa ng survivors, dahil sinigurado ko na walang nakatakas." "Nice… And the young shifters? Ang mga humans na nailigtas natin?" "Kakausapin ko pa lang si Dr. Holl, the humans, hinatid namin sa kanilang hospital. I contacted the higher ups ng mga humans and they want another meeting. It's kind of annoying pero mas importante na masigurado kong ligtas muna ang lahat." "Bakit kailangan pa ng meeting? Sila na nga ang gumagawa ng masama eh. They are taking advantage of us Lor." naging seryoso ang kanyang mukha at tumango. "That's why I am going to do something. Kailangan ko din na makausap ang mga clan leaders." bago pa ko makasagot, may kumatok sa pinto at pumasok si Aquil. "The clan leaders are here and they are demanding na makilala ang taong nakahanap sa facility." irita niyang sabi. "Why am I not surprised? Mas importante pa yon kaysa sa mga young shifters na niligtas natin. Unbelievable!" inis ko ring sabi. "Dito ka na lang Jar, make sure na hindi nila makikita o malalaman ang tungkol kay Triple Seven. I will take care of them. Let's go, Aquila." pagkasabi non lumabas na sila. Ni-lock ko naman ang pinto at siniguradong nakatakip ang makapal na kurtina sa salamin ng private room. Bumalik ako sa tabi ng aking mate at hinawakan ang kamay niya. Natigilan ako ng gumalaw ito at ng tingnan ko ang kanyang mukha, nakabukas na ang kanyang mga mata. His eyes were not like Emlove, he had these vivid purple pink eyes and heart shaped pupils. Nakatitig ang mga matang yon sa akin at matamis naman akong ngumiti. I can see the wonder in them at ng haplusin ko ang kanyang pisngi, I feel the sparks flew around us. "Your safe baby… Take more rest, nandito lang ako." malambing kong sabi sa kanya. Bahagya siyang ngumiti at parang may tumama sakin, my heart clench in awe habang patuloy kong hinahaplos ang kanyang pisngi. Unti-unting pumikit ang kanyang mga mata at nakatulog na siya ulit. Hindi ko naman mapigilan ang aking saya sa mga oras na yon. Now I know what happiness is. Mula ngayon, hindi na kita pakakawalan pa love… Hinalikan ko ang kanyang kamay at nanatili lang ako sa kanyang tabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD