CUPID 27

1522 Words
I feel so refresh now ngayong nakaligo na ako at nagsuot ako sa isa sa mga malalaking tshirt ni Lorkhan. Mas gumagaan kasi ang pakiramdam ko pag suot ko ang kanyang mga damit lalong-lalo na pag wala siya sa tabi ko. Ang scent niya, nananatili sa kanyang mga damit and it's just comforts me. Nanatili si Mrs. Llanez dito sa penthouse. Nagbabantay naman sa pinto si Kylo habang si Orson ay nagbabantay sa lobby as usual. Naaawa ako sa kanya, he seems conflicted kasi hindi lang dahil human ang mate niya, Elva is also a human who's working for the company who conducts experiment sa mga shifters. Ano kayang gagawin ko sa kanila? Pagkakita ko pa lang kay Elva kanina noong nasa lab pa kami, na takot na takot at may dugo sa kanyang lab coat, alam ko ang pinagdaanan niya. I mean witnessing ang mga kasama niya na pinatay ng mga shifters, of course she will freak out. She was scared and she stayed calm, matalino rin dahil nagtago siya sa mga cabinets para hindi siya ma-scent ng mga shifters. Tinago ko ang binigay niyang flash drive at titignan namin yon pag nakabalik na si Lorkhan. Sana nga lang kakampi namin si Elva, kung hindi, malulungkot talaga ako, lalong-lalo na si Orson. Bagsak akong humiga sa aming malaking kama, ngayon ko lang naramdaman ang pagod after that long day. Who knew na ako ang makakahanap sa isa sa mga facilities ng mga humans na yon. Kung nahuli nila ang isang katulad ko, may iba pa kaya? Sana nga rin wala! How could I even find them and save them? Gumulong ako sa kama at bumangon tapos ay lumabas sa kwarto para puntahan si Elva. Kumatok ako sa kanyang pinto pero walang sumagot. Kumatok ulit ako at binuksan ang pinto, nakita ko si Elva na nakaupo sa kama at umiiyak. "Hey…" mahina kong sabi at bahagya siyang nagulat. Mabilis niyang pinahiran ang kanyang pisngi at pilit na ngumiti sa akin. Lumapit ako sa kanya at umupo sa kanyang tabi. "Anong problema? May naiwan ka bang family?” tanong ko at napailing siya. "Wala na kong family, namatay na ang aking lolo na natirang pamilya ko… I am an orphan, akala ko nga maswerte ako sa naging asawa ko pero imagination ko lang pala lahat yon. I'm sorry kong nakita mo akong umiiyak Emlove, masaya lang ako at buhay ako ngayon. I was so scared, akala ko papatayin din nila ako. Pero salamat at pinigilan mo ang kaibigan mo." "Well, alam kong hindi ka masamang tao. Sorry din ah sa nangyari na inyo ng asawa mo. Alam mo kahit mga cupid kami, pumapalpak din kami. Hindi din naman kasi namin hawak ang damdamin ng tao. Parang support lang kami ganon." "Cupid ka talaga?” di-makapaniwala niyang tanong at tumango ako. "Alam ko mahirap paniwalaan, pati nga shifters hindi naniniwala sa akin eh kasali din naman sila sa paranormal entity." "Alam kong may mga shifters dahil sa kwento ng grand-grandparents ko. Isa siya sa mga survivor sa war noon kaya naniniwala rin ako. But cupid? Ang akala ko gawa-gawa sila ng mga tao para sa Valentine's Day." "Well, our father is the original Cupid, but he prefers to be called Eros now, mas cool daw kasi. So He, who gives us our second chance in life, called us cupid. Binigyan niya kami ng bow at arrows at dinala kami sa iba't-ibang realms to spread love and desire. Dito ako sa human realm and I was happy at first hanggang sa naging boring na. We were invisible at wala man lang kaming nakukuhang action. Pasaway ako but I get things done. Sorry sa boring kong kwento." "Ang interesting nga eh. Alam mo ba kung bakit nandon lang ang kaibigan mo sa tube?" tumingin lang ako sa kanya. "Wala kasing gumagana sa kanyang equipment. They can't even extract his blood for research kaya ganon." "What do you mean? I have a skin of steel too? Or maybe we have a defense mechanism na hindi pa namin alam." nagkibit-balikat siya. "That's cool kaya siguro hindi ako nasugatan ng harangan ko ang tank. Pero bakit nasusugatan ako sa mga shifters? Weird…" "Nasusugatan ka ng mga shifters?" curious niyang tanong at tumango ako. "Their claws… Well, habulin kasi ng mga babae ang mate ko kaya sinaktan nila ako. Tapos ayaw din sakin ng kapatid niya. I was clawed and I healed after a day." "Baka nasasaktan ka dahil paranormal entity ka kagaya nila. Samantalang ang mga weapons ng humans eh gawa rin nila. Your traits may be a gift from the gods or goddesses. Even shifters evolve kaya nagkaproblema ang mga humans doing the experiments. Mataas na rin kasi ang tolerance nila sa tranquilizers at silver na nagpapahina sa kanila dati." "So, kaya sila nahuhuli dahil doon?" "Yeah and younger shifters are more vulnerable kasi hindi pa sila fully developed. And they tried breeding shifters to control them pero hindi yon nangyayari. Parang ako lang na hindi nabubuntis." "Hindi ako ma-imagine ang traumatic experience ng mga batang yon. And mabuti at wala silang napala sa breeding, it's just so awful to used that. Wala na talaga akong masabi sa inggit at ka-obsessed ng ibang humans sa kapangyarihan. Paano ka pala napunta doon?" "I was looking for a job after the divorce. I am a chemist, I'm a chemistry professor actually pero nag-resign ako dahil sa gusto ng asawa ko. Then tinawagan ako ng HR office ng isang malaking kumpanya and offered me a job. Dahil gipit na ako, tinanggap ko na lang. I thought it was a pharmaceutical company, kaya may NDA pero ng makita ko na ang lab, I was shocked. Hindi naman ako pwedeng umatras na dahil naka-sign na ako ng contract, naka-isolate din kami doon. Once you go in, you can never go out. Hindi nga ako makapaniwala sa mga kasamahan ko roon, parang nag-eenjoy pa sila sa kanilang ginagawa. What's worse is kumukuha din sila ng humans, yong mga palaboy, yong may malalang sakit. Promising them money and treatment and I see some of them dying everyday. Araw-araw kong hiniling na sana may magligtas sa amin hanggang sa dumating kayo. Thank you by the way. I owe you my life and future Emlove. I will do everything you ask basta mabuhay lang ako." "Ano ka ba Elva, hindi naman kita hostage rito. Tutal may binigay ka namang information, sapat na yon. Pwede kang umalis dito pero pwedeng after na okay na ang kaibigan ko." "I will stay here with you. Wala akong pupuntahan, pag umalis ako rito baka tuluyan akong patayin pag nakita ako ng mga tauhan ng company na pinagtatrabahuhan ko. Mas mabuting dito na lang ako sa mabait na cupid noh." ngumiti naman ako at niyakap siya. "Okay, welcome ka dito pero hindi ko alam kay Lorkhan. Kakausapin ko pa siya na protektahan ka." "Lo-Lorkhan? Siya ba yong malaking lalake na hinalikan mo sa lab?" uminit ang mukha ko na alam kong namumula at nahihiya akong tumango. "Bagay kayo ng boyfriend mo." "Ihhh… Boyfriend in human terms but he's my mate!" proud kong sabi. "Mate? Like soulmate yeah? Sa mga shifters may ganon base sa kwento ng great grandfather ko. Naiinggit nga ako dahil may ganyan sila. Na once na natagpuan na nila ang kanilang mate, loyal na sila forever. Samantalang kami na humans, pag hindi na kuntento, wala na. I wished my mate din ako." napigilan ko ang sarili ko bago ko pa man sabihin sa kanya ang tungkol kay Orson. "Gusto mo ba ng shifter mate?" bahagya siyang tumawa. "Pwede ba? Gaganda kasi nilang lalake at mukhang mapagmahal pa." "Ay naku… Super silang magmahal noh. Maalaga pa, and very possessive. Okay lang ba sayo na may mate kang shifter? If lang naman." "Of course! Pero tatanggapin niya ba ko? Isa akong human na kinamumuhian ng species nila. I don't think it would happen anyway, I am damaged goods." "Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Everybody deserves a second chance. Malay mo nangyari yon sayo para mas maging matatag ka pa." "Salamat ah… Gumaan na ang pakiramdam ko dahil sa pag-uusap natin. Wala akong friends eh, hindi kasi ako kasing seksi gaya ng iba." "Anong hindi? Inggit nga ako sa laki ng boobs mo!" sabay pindot ko rito. Tumingin rin siya sa dibdib ko at ngumiti. "Tamang-tama din naman ang boobs mo Emlove. Mas pinagpala lang talaga ako." napa-pout ako at tumawa naman siya. "I like this, may kakulitan na akong girl. Friends na tayo ah!" at niyakap ulit siya. "Tatanggi pa ba ko? May friend na akong cupid, ang bongga!" tuwa niyang sabi at nagkatawanan kaming dalawa. Napalingon kami sa pinto ng may kumatok at nakita namin si Mrs. Llanez na nakangiti. "Emlove, pasensya na sa istorbo. Tumatawag daw sayo si Lorkhan, hindi ka sumasagot, nag-alala tuloy." "Nasa kwarto po yong phone ko!" mabilis akong nagpaalam sa bago kong friend at sinabing matulog na siya. Natatawang sumunod sa akin si Mrs. Llanez habang patakbo akong bumalik sa aming kwarto ni Lorkhan. Sakto naman na mag-vibrate ang phone ko na excited kong sinagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD