Isang secret chamber ang natagpuan namin mula sa malaking white wall na may 001 na number sa gitna. Madali lang itong winasak ni Lorkhan sa isang suntok lang at hindi ako makapaniwala nang makita ko kung ano ang nasa loob nito. There was an only one tube chamber na puno ng tubig at sa loob nito ay katulad ko, with his red, big wings, pink hair, at kilalang-kilala ko siya. Patakbo akong lumapit sa malaking tube at tinitigan ko siyang mabuti. I know that magenta pink hair anywhere! Walang siyang malay, parang mahimbing lang siyang natutulog pero may oxygen mask na nakatakip sa kanyang ilong at bibig.
"Triple Seven!!!" tawag ko sa kanya at hinawakan ang malamig na tube. Tumingin ako kay Lorky at umiiyak na ako dahil sa nakita kong kalagayan ng kaibigan ko. Ang pasaway kong kaibigan na kasama ko na na-punish at dinala kami sa Troll Island! Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap niya ako.
"Emlove… Is he a cupid?" tanong niya at tumango ako.
"Lorky, Lorky, siya yong kaibigan ko na sinasabi ko sa inyo. I call him Triple Seven, he's cupid one million, seven hundred, seventy, seven. Let's save him please…please…" pakiusap ko sa kanya habang nakatingin siya sa tube.
"Of course baby, we will save him. But I can't break the tube baka makasama yon sa kanya. Maybe you can push some buttons para mabuksan ang tube at makalabas siya dyan." tumango lang naman ako. May nakita akong control panel na may malaking screen. Pero wala akong maintindihan, hindi ko alam kung anong pipindutin at nag-aalala ako at baka may magawa ako tapos mawala sa akin ang kaibigan ko. Ang kaisa-isa kong kaibigan na cupid na kapareho ko ng bituka. Hindi ko mapigilan ang sunod- sunod na pagtulo ng aking mga luha. “Emlove, you can do this… Niligtas mo ang lahat dito, maililigtas mo rin ang kaibigan mo.”
“Hindi ko alam… Hindi ko alam kung paano?!” at napahawak ako sa aking ulo. "I know about computers but not these complicated things!" nagpapanic ko ng sabi. Niyakap niya ulit ako at hinagod ang aking likod para kalmahin ako.
"Alpha!” lumingon kami sa pagtawag na yon at nakita namin si Kylo na may hawak na isang babaeng human. Naka-white lab coat siya, ibig sabihin isa siya sa nagtatrabaho rito. "Nahuli ko siya, nakatago siya sa isa mga cabinets, concealing her scent."
"C-can she open the tube?” tanong ko at tumingin lahat kami sa human. Takot na takot naman siyang nakatungo lang. Nilapitan ko siya tapos ay mahigpit kong hinawakan siya sa kanyang braso. Hinila ko siya palapit sa panel. "Open it… please…" pakiusap ko sa kanya. Saglit niya akong tinitigan, tapos ay tumango siya. May pinindot siya sa control panel, napatingin kami sa tube ng unti-unting ma-drain ang lahat ng tubig.
"I'm sorry…" sincere na sabi sa akin ng babae. "Kumuha ka ng dry towel o kahit na ano to cover him up. Malalamigan siya pag nailabas na natin siya." tumango lang naman ako. Sasabihin ko pa lang sana pero agad na lumitaw si Jariah na may dalang white na kumot. Unti-unting gumalaw ang tube na pahiga. Bumukas ang opening nito tapos ay natanggal ang oxygen mask niya. Mabilis akong lumapit sa aking kaibigan at hinawakan ang kanyang mukha.
"Triple Seven?" tawag ko sa kanya. "Triple Seven, naririnig ko ba ko?” at hinaplos haplos ko ang kanyang pisngi. Kahit nakababad siya sa tubig, medyo mainit pa rin siya at humihinga pa rin. "Buhay ka pa ba? Uy!" at tinapik ko ang kanyang noo Nagulat ako ng bigla siyang huminga ng malalim kasabay ng pagmulat ng kanyang mga mata. Tumingin siya sakin, dahan-dahan na tumaas ang kanyang kamay at hinawakan ang pisngi ko. Umiiyak naman akong ngumiti at hinawakan ang kanyang kamay.
"Five...zero...five…" mahina niyang sabi at tumango lang ako. Ngumiti lang siya saglit at nawalan na siya ulit ng malay.
"Triple Seven! Triple Seven!” at niyugyog ko pa siya.
"Huwag mo siyang biglain Miss. Kailangan niya lang ng pahinga, he'll be okay." nakangiti na sabi sa akin ng babaeng human. Mabilis naman siyang binalingan ni Jariah at akmang papatayin ito pero agad akong humarang.
"Tumabi ka Pinky!" galit na galit niyang sabi na nangingislap ang kanyang mga mata. "Hindi mo ba nakikita? Isa siya sa mga humans na nagpahirap sa kanilang lahat dito sa lab! Kaya tumabi ka! We won't need her anyway!" malakas ko siyang tinulak palayo.
"I need her!" malakas kong sabi sa kanya. "My friend needs her! Siya lang ang nakakaalam sa gagawin! Tinulungan niya nga tayo na buksan ang tube diba?!" napamura siya tapos ay malakas niyang sinuntok ang panel.
"Bahala ka! Baka mapahamak lang tayo dahil sa kanya!" lumapit ito kay Triple Seven. Kinumutan niya ito gamit ang white blanket tapos ay madali lang nitong binuhat ang kaibigan ko.
"Saan mo siya dadalhin?" tanong ko sa kanya at matalim niya akong tinignan.
"To safety, damn it! Sumunod ka kung gusto mo!" sungit niyang sabi at lumakad na siya.
"Susunod talaga ako, kaibigan ko yan eh!" sungit ko ring sabi. Hinawakan ko ang kamay ng babaeng human at hinila siya para sumunod kay Jariah. "Lorky?" tawag ko sa aking mate at ngumiti lang siya sakin.
"I need to stay baby, sumunod ka na lang kay Jariah. Orson, Kylo, samahan niyo siya. At ikaw human, huwag na huwag kang gagawa ng kalokohan. I don't know why but my mate trust you pero pag nasaktan siya dahil sayo. You won't have an easy death, you get me?" takot lang itong tumango. Lumapit naman ako sa kanya at hinalikan siya sa labi. Niyakap niya pa ko ng ilang sandali at lumabas na kami. Binalingan ko ang babaeng human na hawak ko pa rin ang nanlalamig nitong kamay.
"What's your name?" tanong ko sa kanya habang nakasakay na kami sa isa sa mga sasakyan papunta sa isang hospital. Si Orson ang nagda-drive, katabi niya si Kylo habang nasa likod naman namin sina Jariah na nakatitig lang kay Triple Seven. Hindi ko alam kung ano ang trip niya pero nagtataka ako kung bakit ang tahimik niya.
"E-Elva Naquil…" sagot niya. "Nakikiusap ako, huwag niyo kong patayin. Bago lang ako na nagtatrabaho sa lab. Hindi ko alam na ganito ang ginagawa nila and I don't even know kung sino ang pwede kong hingan ng tulong. Pero habang nandon ako, nagkalap ako ng evidence para mapa-shutdown ang lab at mailabas ang lahat ng nakakulong roon. I'm really sorry, mahirap magtiwala lalo na at nay hinala akong maimpluwensya ang human na nagco-conduct ng experiments."
"Sa tingin mo ba maniniwala kami sayo? We trusted your kind at ano ang ginawa nila ha?” galit na sabi ni Jariah.
"Pwedeng hawakan mo na lang ng mabuti ang kaibigan ko? Tsaka what choice do we have?" sabi ko sa kanya. "Siya lang ang makakatulong sa atin ngayon. Hindi natin alam kung anong pinaggagawa nila sa kaibigan ko. We have the data na nakuha namin pero hindi natin alam ang ginawa nilang process."
"Bakit mo ba siya kinakampihan ah? Nakakalimutan mo yata na isa siya sa mga tao na naroon, doing experiments."
"I don't do it! Nage-extract lang ako ng dugo and other fluid stuff." at namula ang kanyang mukha. "Tsaka once ko lang siyang nakita." sabay turo kay Triple Seven. "I read his file secretly though at natagpuan siyang unconscious malapit sa facility. He's very important dahil siya ang kaisa-isang Aves shifter na nakuha nila." sarcastic na tumawa si Jariah at gusto ko na siyang suntukin sa mukha.
"Human lady, you don't know what you're talking about. Alam kong gusto mo siya Pinky but I will never trust her."
"But I do! I don't smell any malice in her. At hindi mo ba siya narinig? She has evidence." tumango ang babae. Tinanggal niya ang suot niyang kwintas pero imbes na pendant ang nakabitin rito, isang maliit na usb flash drive ang naroon. Binigay niya sa akin ito at bahagya siyang ngumiti.
"Nandyan lahat ang information na kailangan niyo. I can help, I just want to be safe, gusto ko pang mabuhay. I want to have a loving husband and many, many kids you know." narinig kong nag-growl si Orson. Tumingin ako sa kanya at ngayon ko lang napapansin ang kanyang aura, it's brighter than usual, a shining blue! Natigilan ako at tumingin kay Elva at ganon din ang aura niya. Tumingin ako ulit kay Orson na nakatingin sa akin mula sa front mirror at umiling siya. Naintindihan ko naman, alam niya na alam ko na si Elva. Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko at niyakap ko ang babaeng human.
"You will be safe, sisiguraduhin naman yan, diba Orson?” tuwa kong sabi at tumango lang ito. Nagtataka namang tumingin sa amin si Kylo at nginitian ko lang siya. Natigilan ulit ako ng may marealize, lumingon ako kay Jariah at Triple Seven at namilog ang aking mga mata ng makita na naglalabas sila ng parehong aura, it's shining green!
"What?" takang sabi sa akin ni Jariah na nangingislap ang kanyang mga mata.
"No way!" malakas kong sabi. Inabot ko ang mukha niya at malakas na pinisil ang kanyang pisngi. "Is Triple Seven your mate?" seryoso kong tanong sa kanya at bigla siyang nanigas. Pinalo palo ko siya at sinangga niya naman ng kanyang braso.
"Ano bang problema mo, stupid cupid! Tigilan mo ko!" angal niya habang yakap pa rin niya ang kaibigan ko.
"Kaya pala umaasta ka ng ganyan at ang tahimik mo! Just tell me, is he your mate?” tanong ko ulit at napatawa ako ng first time kong nakita ang pamumula ng kanyang mukha at kinilig ako ng todo! I can't believe na isang cupid din ang mate ng bestfriend ng mate ko! I'm sure matutuwa si Triple Seven, who is a proud gay by the way!
"Yes, he's mine…" pa-growl niyang sabi. Matamis siyang ngumiti at hinalikan niya ito sa ulo.
"Ayiiiiiieeeeehhhh!” tukso ko sa kanya at pinalo palo siya ulit. "Bawal ka ng mag-threesome! Naku! Sisirain ko talaga ang maganda mong mukha Jaja!"
"Pwede ba! As if naman magagawa ko yon sa mate ko."
"Eh di dapat mas maging mabait ka kay Elva. She's going to help us, para alam natin kung anong ginawa sa kanya. Nga pala, hindi pa kami nagpapakilala. I'm Emlove, this is Jariah, siya si Orson at Kylo. And my good friend Triple Seven." sabay turo ko sa kanila.
"She's a human… I don't like her pero kung siya lang ang makakatulong sa mate ko, I'll take it."
"Oh ayan Elva ah, sana huwag ka ng matakot sa amin. At sana totoo lahat ng sinabi mo, I like you and I hope we can be friends." ngumiti siya at pinisil niya ang aking kamay.
"Thank you…" nanginginig ang boses niyang sabi at pinipigilan niyang maluha. "Hindi ako katulad nila, I just needed a job. Kaka-divorce ko lang sa aking asawa." natigilan ako at napansin kung ganon din si Orson.
"Divorce? May anak ba kayo?” napailing siya.
"Kaya nga ako hiniwalayan dahil hindi ko siya mabigyan ng anak. Tapos nabuntis niya yong babae niya kaya nakipaghiwalay na siya. Ang sabi ng doctor wala namang problema sa akin, hindi ko nga alam kung bakit hindi ako mabuntis."
"Maybe he's not really meant for you. Malay mo, may lalake pa lang nararapat na nakalaan sayo. Maganda ka naman at mabait." sabay tingin ulit kay Orson na kumalma na ang mukha.
"Or maybe he doesn't have skills in bed." sabat ni Jariah na pinandilatan ko ulit ng mga mata. Nagkibit-balikat lang siya.
"Well, tama ka naman don." mahina niyang sabi pero narinig naming lahat. Napatawa naman ako at nawala na ang tensyon sa sasakyan. Nang nakarating kami sa ospital, may nakaabang ng stretcher at nilagay ni Jariah ang kaibigan ko doon. Dinala siya sa isang private room na medyo mainit-init ang temperature. May hindi katandaang doctor na pumasok at sinimulan niyang tignan si Triple Seven at pinalabas naman kami ng nurse na kasama niya. Pero pina-stay ng doctor si Elva para tulungan siya.
"Don't worry, this is a shifter hospital. Walang humans dito except that human." sabay turo niya kay Elva mula sa salamin kaya kitang-kita pa rin ang ginagawa nila sa loob.
"Really? Sino ang doctor? What is he?” tanong ko sa kanya.
"He's a mole, a very smart mole. Siya ang head doctor dito at marami na siyang nailigtas na shifters gamit ang advance technology ng mga humans ngayon."
"Wow… I like to meet him. Do you think magagamot din niya ang isang cupid?" natigilan si Jariah at saktong tumingin sa amin ang mole doctor at sinenyasan na pumasok kaming dalawa. Nakatuon ang mga mata niya sa akin at ngumiti siya.
"Hello Alpha Jariah and your friend?" tanong niya.
"Emlove…" sagot ko at inabot ang aking kamay. Tinanggap naman niya ito at pinisil.
"I'm Dr. Holl and this is my nurse, my wife actually, Thalpie." pakilala niya sa dark-skinned, medyo malaman at magandang babae na nagkakabit na ng IV. "I'm guessing you're like this young gentleman?" tumango naman ako. "May I know what you are? Wala pa akong nakikitang Aves na kulay red ang wings. Meron man but not all red and in different shades." tumingin ako kay Jaja at tumango lang siya sa akin.
"Hindi po kami Aves Dr. Holl. Mahirap pong paniwalaan pero mga cupid po kami." sabi ko at natigilan silang lahat na naroon except for Jariah.
"Excuse me? Sinabi mo bang cupid?” di-makapaniwala niyang sabi at nakangiti akong tumango.
"You're a cupid?" hindi naman makapaniwala na sabi ni Elva. "Wow…"
"Sorry, kung sinuman na cupid na nakatoka sayo then she is doing a bad job." sabi ko rito at bahagya lang siyang tumawa. "Dr. Holl, may problema po ba?”
"Wala, wala naman… A cupid huh? That's different." at tumango tango siya. "So, your friend is okay. Normal ang vitals, walang injuries although Elva told me na nagkaroon siya ng fractures sa kanyang braso at binti which healed the next day ng makita siya ng humans. He needs a lot of rest, he's in a comatose state for a long time kaya kailangan din na mag-work ang kanyang muscles. He will stay here for more observations."
"Comatose? Pero nagising po siya noong nilabas namin siya sa tube. He even called my name."
"He was in comatose pero as I said okay na siya ngayon. He'll wake up again kaya walang dapat ipag-alala. Alpha Jariah?”
"Yeah, thanks Balkan. I'll expect you to take care of my mate well." natigilan ito saglit tapos ay ngumiti.
"Congratulations Alpha, makakaasa ka. I'm going to see the other young shifters." lumapit si nurse Thalpie at binati din nito si Jariah. Nagpaalam na sila at lumabas na.
"Pinky, umuwi ka na muna." sabi niya sa akin.
"Ha? Pero gusto kong bantayan si Triple Seven." angal ko.
"Ako na muna ang magbabantay." napakurap ako ng hinawakan niya ang mukha ko at tinitigan niya ako ng mabuti. "Hindi ko siya pababayaan Pinky, umuwi ka na muna. Take some rest too, marami ka din pinagdaanan ngayon. Take the human too at pahiramin mo muna ng isusuot. I'm sure na-stress din yan. Sina Orson at Kylo ang magbabantay sa inyo."
"May lagnat ka ba? Oh nagpapalakas ka sakin dahil kaibigan ko ang mate mo?" bago pa siyang makasagot, niyakap ko na siya agad at nagpasalamat. "Take care of him okay at sorry pinag-alala ko kayo. Si Lorkhan, uhm, sabihin mo sorry din pag pumunta siya rito."
"Hindi galit sayo si Lor, nag-alala talaga ako sa sayo. Ano na lang ang nararamdaman niya ng humarang ka sa tank?"
"I know… Pero hindi ako nagsisisi, dahil pag hinayaan ko ang tank, baka gumuho ang lab at kasama na doon ang kaibigan ko. I'm glad I did it." ngumiti siya at hinalikan niya ako sa noo.
"Yeah, thank you Pinky." at siya na ang yumakap sa akin. "Thank you for saving him, for finding him. Because of you, I found my mate." ngumiti ako at pinisil ang kanyang ilong.
"Sabi ko naman sayo eh! He's gay by the way so it's all good." tumawa siya at binitawan niya ako. Nagpaalam ako sa kanya tapos ay lumabas kasama si Elva.
Bumalik na kaming apat sa hotel at dinala ko siya sa penthouse kasama sina Orson na hindi mawala ang tingin kay Elva at si Kylo na masayang binati si Mrs. Llanez na naroon. Agad niya kaming pinakain habang pinapasok ko naman sa isang guest room si Elva para maligo. Dinalhan ko siya ng aking mga damit at underwear na hindi pa nagagamit at sana ay kasya sa kanya. Iniwan ko muna siya doon at pinuntahan ang iba na nasa kusina.
"Mrs. Llanez!" tuwa kong sabi at niyakap siya. "Ang swerte niyo, smart at maganda ang magiging daughter-in-law niyo." sabi ko at natigilan siya. Ngumisi ako kay Orson na pinandilatan ako ng mga mata pero binelatan ko lang siya.
"Anong ibig mong sabihin hija?" nagtataka nitong sabi.
"Ang anak niyo na lang po ang magsasabi." at napahagikgik ako. Masayang-masaya ako ngayon dahil nailigtas namin ang mga young shifters at humans na nadukot. May tampuhan man kami ni Lorkhan sana naman maintindihan niya ang ginawa ko. If I didn't and the facility crash, siguradong hindi makikilala ni Jariah at Orson ang kani-kanilang mate. And I am proud of myself kahit isa lang akong lampa na cupid, niligtas ko naman ang dalawang taong importante sa mga kaibigan ko. And I am hoping that Triple Seven is gonna be okay at sana ang ibang cupids din na nagka-physical form ay ligtas kagaya ko.
Lumabas mula sa guest room si Elva nang matapos siya at halatang medyo may kasikipan ang shirt na dinala ko sa kanya. Tumingin ako sa sarili kong dibdib at mukhang mas malaki nga ang sa kanya. Pilya akong ngumiti at tinaas taas ko ang aking kilay habang nakatingin kay Orson. Tumawa naman ako ng umiwas siya ng tingin tapos ay niyaya nito si Elva na kumain na. Okay lang naman kay Mrs. Llanez na may dinala kaming human dito, half human din naman siya at mukhang magaan din ang pakiramdam niya rito. Sana nga lang matanggap din nito na mate ito ng kanyang anak. The big question is, tatanggapin din ba naman siya ni Orson? Tumingin ako sa kanilang dalawa at ang mission ko ngayon is to get them together. Elva was rejected once with her husband at hindi ko hahayaan na mangyari ulit ito! I am a cupid and I will make them a successful match-up!