CUPID 25

1912 Words
Emlove’s POV Parang unti-unting nadudurog ang puso ko nang tinalikuran ako ni Lorkhan matapos niya akong pagsabihan. Seryosong seryoso siya sa kanyang sinabi at naiintindihan ko naman. Ang naiisip ko lang kasi nong mga oras na yon, ng humarang ako sa tank, ang iligtas siya at ang mga shifters na kasama niya na nailigtas rin mula sa lab. Mali ba yon? I am his mate and I should protect him also and hindi pwedeng siya lang diba? Pero tama na din naman siya, paano kung namatay ako sa ginawa ko? Bumuntong hininga ako and I just stare at his back while his ordering his men. Nagba-bow ang mga shifers na dumadaan sa akin at nginingitian ko lang sila. Napansin ko rin na walang gaanong nasaktan sa kanila but my heart goes to the young shifters at humans na nakakulong sa loob. “Jaja!” tawag ko kay Jariah pero hindi niya ako pinansin at sumunod kila Lorkhan na lumalakad pabalik sa loob ng facility. “Ate Reeeeeeeddddddd!” napalingon ako at napangiti ako ng makita si Kylo na palapit at kumakaway sa akin. Nandito pa rin siya! "Sobrang cool non Ate Red." tuwa niyang sabi nang makalapit siya. Hmp! Mabuti pa ang batang toh, marunong umappreciate hindi tulad ng dalawang mag bestfriend na yon! "Tsaka ano nga pala yong ginawa mo sa kanila?” sabay turo sa mga nago-orgy na mga humans. "Just a little bit of my powers. Huwag mong sasabihin ah." tumango lang naman siya. "Ayos ka lang ba?" "Oo Ate, hindi nga ako makapaniwala sa ginawa mo. Ano bang klaseng pakpak ang meron ka?” tumawa lang naman ako at niyaya ko siyang sumunod kila Lorkhan. Gusto ko rin kasing makita ang loob ng facility. Habang papalakad kami doon, hinarang kami ni Orson. Wala din siyang suot na shirt at may konting talsik ng dugo ang kanyang katawan. "Magagalit din sana ako sayo Em, but thank you…" sabi nito at nag-bow siya sakin. "Ha? Bakit ka nagte-thank you? Wala naman akong ginawa. Kayo nga eh, nasaktan ka ba?” at chineck ko ang kanyang katawan kung may sugat siya. "Okay lang ako… At nagpapasalamat ako dahil nahanap mo ang isa sa mga main facility ng mga humans. Niligtas mo ang mga young shifters at humans na nandito ngayon. Kaya palalagpasin ko ang pagharang mo sa tank, thank you..." nakangiti niyang sabi. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at bigla ko siyang niyakap, natigilan naman siya. “Mabuti naman at naiintindihan mo ang ginawa ko.” naiiyak kong sabi dahil sobra lang akong na-touch sa pagpapasalamat niya. Hindi tulad ni Lorkhan at Jariah na pinagalitan pa ako at nagtatampo na. “Salamat din ah, kayo ni Kylo. At least gumaan ng konti ang aking pakiramdam.” at humiwalay ako sa kanya. “Pero may kasalanan din ako Em dahil hindi kita naipagtanggol. It was my only job, to protect you, to protect the Beast King’s mate.” “And your doing fine… At ikaw naman Kylo, sa susunod wag kang agaran na susugod. Baka nabaril ka na ng human na yon pag nag-shift ka pa.” napakamot naman siya ng kanyang ulo. “Sorry… Medyo na-trigger lang ako sa pagtutok niya ng baril sa atin. And I had the urge to protect you.” “Hay naku, bata ka pa… Madami ka pang dapat maranasan sa mundo. Tulad na lang ng first date, first girlfriend, first kiss… Teka, virgin ka pa ba?” namilog ang kanyang mga mata at namula ng husto ang kanyang mukha na parang tomato. “Awww…” kinikilig kong sabi at kumapit ulit sa kanyang braso. “How old are you na ba?” “I-I’m eighteen…” sobrang nahihiya niyang sabi at nakangiti lang naman sa amin si Orson. “Hinihintay ko pa ang aking mate, I want to be loyal to her.” “Awww… Super cute and super decent man! Buti ka pa at ganyan ang mindset mo hindi katulad ng mga kabataan ngayon na active sa s*x. Ang daming maagang nabubuntis na wala pang alam sa kanilang responsibility kasi nga bata pa, minsan, tinatakbuhan pa ng mga lalake. Your doing good Kylo, swerte ang magiging mate mo sayo. Basta huwag kang tutulad sa playboy na si Jariah, siya ang bad example when it comes to love. Kung sino-sino na lang ang kinakama niya at dalawa pa!” “Uhm Em, I think tino-trauma mo na ang bata sa sinasabi mo about kay Jariah.” pigil naman sa akin ni Orson. “Sino bang hindi mato-trauma sa manwhore na yon? Tapos my gana pa siyang magalit sa akin eh siya tong nagsagawa ng experiment sa wings ko.” “Well, Alpha Jariah might be playful pero siya ang pumapangalawa ng lakas kay Beast King. He’s the Knight Commander…” “He doesn’t act like one. Pero I prefer him to be that way kaysa naman pag seryoso siya. Ang boring niya sigurong makasama pag ganon. Teka, bakit ka nga pala makikisabay sa training ko?” tanong ko kay Kylo na kumalma na. “I’m training to be one of your guards.” sagot niya at napakunot-noo naman ako. “He wants to be a part of your sentinel Emlove.” sabi ni Orson at naguguluhan ko siyang tinignan. “May sentinel ang Beast King kaya may sentinel din ang aming future Beast Queen.” natahimik ako sandali, nag-iisip hanggang sa… “WHAAAAAATTTTTTTT??!!” malakas at di-makapaniwala kong sabi at tumango silang dalawa. “Pero… Pero…” “Now you know kung gaano ka talaga kahalaga Future Beast Queen?” napalingon ako sa nagsabi non at nakita ko ang isang lalake na medyo light ang skin tone, may layered na silver na may browns sa buhok at may earring siya na feather at beads sa isa niyang tenga. Ang shirtless niyang bulky, muscled body at may mga strap ons na naglalaman ng maliliit na kunai at may dalawa siyang katana sa kanyang likod. Ang nakapagpa-amaze sa akin ay ang bronze with white and black na kulay ng kanyang mga pakpak. “Aquila, nandito ka pa pala…” si Orson. “Akala ko nasa loob ka ng facility with the Beast King?” “Pinag-stay niya ko rito for the evac sa mga niligtas nating young shifters at humans.” binalingan niya ulit ako ng tingin tapos ay tinitigan niyang mabuti ang red wings ko. Bigla naman akong na-conscious at bahagyang nagtago sa likod ni Orson. “Em, siya nga pala ang isa sa sentinel ni Lorkhan, Aves shifter, half-man, half-bird si Aquila.” pakilala niya rito at pilit ko siyang nginitian. Parang ang sama kasi ng tingin niya sa akin at nakaramdam ako ng coldness sa kanya. Ibig sabihin hindi niya ako gusto at malamang hindi niya rin ako gusto na maging mate ni Lorky. “Isa siyang eagle.” bulong niya sa akin at tumango lang ako. “Aquila, siya si Emlove.” “Yeah… Nabanggit na siya sa akin ni Jariah at hindi ako naniwala.” lumapit siya sa akin tapos ay nag-bow. “It’s nice to finally meet you, Emlove.” “Can I touch your wings?” agad kong tanong sa kanya at nagulat siya saglit tapos ay malakas siyang tumawa. “You can kung ipapahawak mo din yang wings mo.” umiling naman ako. “I want to pero baka saktan ka din ni Lorkhan kagaya ng ginawa niya kay Jariah eh.” tumawa uit siya at napangiti naman ako. “Hindi naman niya malalaman kung hindi mo sasabihin diba? Secret lang natin.” tumango ulit ako at lumapit na rin sa kanya. Ini-spread niya ang majestic niyang wings at nilapit sa akin. Masuyo ko naman itong hinawakan and it feels soft and velvety, nagsha-shine pa nga eh. “Wow…” sambit ko. Sunod ko naman nilapit ang wings ko sa kanya at hinawakan niya rin ito. Ngumiti siya at may paghanga sa kanyang mukha. “Feels fluffy pero bulletproof and tank proof… That’s cool…” mangha niyang sabi at natuwa naman ako doon. “I can’t wait to train you cupid.” “You're also going to train me?” tanong ko at tumango siya. “Humanda ka dahil I am a strict trainer.” “Okay lang, kakayanin ko. May mas malala pa ba kaysa kay Jariah?” tumawa silang tatlo at matamis akong napangiti. “Ikaw ba ang may gawa non?” sabay tingin niya sa mag nago-orgy at proud akong tumango. “Nice… Salamat Emlove sa pagligtas mo sa mga kasama namin. I appreciate it. Don’t worry, mawawala din ang tampo sayo ng Beast King.” “Sana nga… Ayoko na nag-aaway kami eh like last time. Sorry din at naging padalos-dalos ako sa pagharang sa tank. Baka kasi tuluyang masira ang facility at wala na tayong makuhang data pa.” “Data?” sabay nilang sabi na tatlo at tumango ako. Hindi ba nila alam yon? May mga ganoon akong napapanood sa movies kaya sure ako meron din in real life. I'm a cupid but I am not stupid. Marami din naman akong natutunan habang nasa human realm ako. “Oo! Sabi kasi ni Orson kanina na isa ito sa mga main facility ng mga humans. Ibig sabihin baka may data rito kung nasaan ang iba pa. Pwede din nating malaman kung anong ginagawa nilang experiments at anong breakthrough ang mga nagawa na nila.” nakatingin lang silang tatlo sa akin at nag-peace sign lang ako. “We should check the computers, yeah?” “Yeah, let’s go check those damn computers.” sabi ni Aquila at napa-clap naman ako. “Yes! Let’s go, team!” cheer ko at excited akong pumunta sa loob ng facility kasama sila. Parang normal lang na office pag pumasok ka pero pumasok kami sa isang elevator at may underground pala kung nasaan ang mga labs. Hindi namin nakita sina Lorkhan at Jariah pero may mga shifters na naroon para i-check ang buong lab. Lumapit naman ako sa isang computer doon na nakita ko at chineck ang mga data na naroon. Buti na lang hindi pa nadelete lahat ng mga data. Pinahanap ko sila ng flash drive kung saan pwede i-save ng lahat ng mga ito. Nag thank you ako kay Kylo ng inabutan niya ako ng hard drive. Natutop ko ang aking bibig ng may makita akong data na hindi kapani-paniwala. “Kailangan natin hanapin ang chamber 001!” sabi ko at inutusan si Kylo na i-copy lahat ng data na nasa computer. “What’s with chamber 001?” tanong ni Aquila. Hindi ko siya sinagot at mabilis lang akong lumakad papunta sa direction na nakita ko sa data. Nadaanan namin sina Lorkhan pero hindi ko sila pinansin. “Emlove?” rinig ko kay Lorkhan pero tuloy lang ako sa mabilis na paglalakad. “Emlove!” tawag niya at mabilis siyang nasa aking tabi na. “Lorky, kailangan nating puntahan ang chamber 001.” hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila siya. Nagugulohan man, sumunod siya sa akin hanggang sa nakarating kami sa pinakadulo pero malaking white wall na lang ang naroon pero may may malaking number sa gitna nito na 001. Nagulat na lang ako nang lumapit si Lorkhan sa malaking wall. Malakas niya itong sinuntok at nagkawatak-watak agad ito. May isang secret chamber nga ang naroon at ng pumasok kami, pare-pareho kaming natigilan lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD