CUPID 24

1638 Words
Lorkhan's POV Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko habang nasa office na ako at busy sa natambak kong trabaho. Nag-vibrate kasi ang phone ko at ng makita ko ang screen, si Jariah ang tumatawag. Ano na naman kasi ang kailangan ng taong toh? Hindi ko na nga siya pinapasok sa office para lang mag-focus siya sa pag-train kay Emlove. Irita kong sinagot ito at narinig ko ang seryosong boses ng kaibigan ko. "Lor, we're in the woods, you know the part where we always play. Si Emlove, naamoy niya ang scent ng chemicals first and we can smell it now. It's faint pero posible na nandito yong lab. We are going to search for it, well, your mate wants to." natigilan ako ng marinig ang kanyang huling sinabi. "Are you out of your mind?!" galit pero may alala sa boses ko. Isang malakas na roar ang pinakawalan ko and I flip my table over, papers flying everywhere. Ilang araw lang ang nakalipas ng saktan siya ng aking kapatid at mga tauhan niya, and she's going to risk her life again! No! No! Baka tuluyan na kong mabaliw! Ano bang iniisip ng makulit na cupid na yon! "Lorky, listen to me…" rinig ko sa boses ng aking mate na pinapasakit ang ulo ko ngayon. Kalmado siya pero ako sobra ng kinakabahan sa susunod niyang sasabihin. Malakas at mabilis akong huminga na alam kong naririnig niya sa kabilang linya. "I can do this okay. Ang sabi mo mate mo ko, I need to be strong and brave. Wala ka bang tiwala sakin?" napapikit ako. Yan nga nga ba ang sinasabi ko. I know she would pull that tiwala ka sa akin card. Napahawak ako sa aking noo, pilit kong pinipigilan ang aking sarili na magwala. "E-Emlove... Ayoko lang na mapahamak ka. I trust you I do, pero pag nawala ka, I… I can't live through…" sagot ko sa kanya. "Lorky, ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ako mawawala. Hindi ko ipapahamak ang sarili ko yeah? Now get your ass here as fast as you can." at naputol na ang linya. Tumingin ako sa screen at binabaan nga ako ng tawag ng aking cupid. Muntik ko na nga itong maibato dahil sa inis ko pero pinagana ko ang aking rational mind at tinawagan ang aking mga sentinel at iba na ring mga tauhan at kasali na don si Orson. Paglabas ko ng tower may nag-aabang ng sasakyan para sa akin. Mabilis akong pumasok at mabilis din kaming umalis. Galit, kaba at sobrang takot ang nararamdaman ko ngayon. I trust her I really do pero si Jariah at si Kylo na isang young shifter ang kasama niya. Sana nga lang at hindi sila makita ng mga humans at mahuli. After this, I will tie her up in our bed and she will get a spanking from me. Nang makarating na kami sa location kung saan binigay ni Jariah, nandon na rin ang iba kong tauhan. Wala na akong suot na top at dark jeans na lang ang tanging suot ko. Ganon din ang aking mga kasama at tahimik kaming pumasok sa kagubatan at sinundan ang scent ng tatlo. Maingat kaming lumakad sa forest floor hanggang sa nakita namin ang facility. May crow shifter na sinira halos lahat ng cameras at inutusan ko ang isang rhino shifter in his beast form na sirain ang gate. Isang mabibigat na yapak ang ginawa niya patakbo sa facility. Natanaw ko na si Jariah na lumingon sa akin at tinuro ang isang puno. Tumingin ako sa taas nito and I see my mate perch in a branch staring at me. Her eyes were gleaming of lust as she roamed her eyes all over my body. I can also smell her distinct desire from her to me and my chest puffs out, proud dahil sa epekto ko sa kanya. Pero hindi siya makakalagpas sa aking punishment. Tumigil ako sa tabi ng kanyang puno at madiin na inutos sa kanya to stay put at sana naman makinig siya. Sumugod na rin kami, mga putok ng baril ang sumalubong sa amin mula sa mga nagulantang na guards and the shifters took care of them easily. Ang mga sumusugod sa akin, hinahagis ko lang na parang papel o kaya binabali ang kanilang katawan. Hindi tumatalab sa amin ang mga normal na lang na silver bullets sa amin, tulad ng humans, nag-evolve na rin kami. It may kind of slow us down pero wala itong gaanong epekto sa amin. Nilingon ko sandali ang aking mate at nagpapasalamat ako at nasa puno pa rin siya. Pumasok na kami sa facility na may underground laboratory. Kaunti lang ang mga guards doon at puro mad scientist na lang ang mga naroon doing experiments at pinatay namin silang lahat. The smell was awful, blood, burned skin and chemicals. May nakita akong ilang young shifters na naka-strap sa experiment table at kita mo ang takot at hirap sa kanilang mukha. Multiple dose ng tranquilizer ang binibigay sa kanila para hindi sila makapag-shift. Pinakawalan namin sila, marami pa na nasa isang silver cage, may mga batang shifters, may mga humans na pinakawalan din namin. Natigilan kaming lahat ng may marinig kaming pagsabog sa taas at nanginig ang buong lab kaya madali kaming pumanhik sa taas maging ako dahil I need to see if my mate is safe! Paglabas ko, may isang tank na nagpaputok at sobra akong nagulat ng humarang si Emlove. Lumaki ang kanyang red wings at hinarang ito tapos ay sumabog. Isang malakas na roar ang aking pinakawalan at mabilis na pinuntahan siya. But a strong gust of wind stop me in my tracks at nakita ko siya, she's still there, her wings intact, she herself is intact at muntik na akong atakihin sa puso sa ginawa niya. I hear her giggling na parang natuwa pa sa kanyang reckless actions. Binaligtad ng rhino shifter ang tank at tinapak tapakan ito. Tuluyan naman akong lumapit sa aking mate at hindi ko alam kung yayakapin siya o papaluin ng todo! Bago pa ko may magawa, nakita ko si Jariah na mabilis na lumapit sa kanya at malakas siyang binatukan sa ulo. “BALIW KA NA BA?!” galit at pasigaw na sabi ni Jariah matapos niya itong batukan. Napahawak naman si Emlove sa ulo nito at naka-pout na tumingin rito. “Aray naman! Kung makapanakit ka ha!” angal nito at nanatili lang naman ako na nakatingin sa kanial at mukhang hindi pa ako napapansin habang patuloy sila sa pagbabangayan. “Bakit mo ginawa yon? Anong pumasok sa utak mo at ginawa mo yon?!” galit pa ring sabi ni Jariah. “Sabi mo bullet proof ang wings ko!” sigaw na rin niya at natigilan ako. Inis na napakamot sa ulo ang aking kaibigan at malutong na napamura. “Bullet proof pero hindi tank proof! Damn it Pinky!” panic nitong sabi. “Same thing Jaja, magpasalamat ka pa nga at niligtas kita…” napapikit ang aking kaibigan at kumuyom ang kanyang kamay. Pareho na din kaming nagpipigil ng galit ngayon. "Paano pag nagtamo ka ng malalang sugat ha?! Paano pag nagkapira-piraso ka?! Ako naman ang pipirasuhin ni Lorkhan pag nagkataon?!” lumapit na ako sa kanila at napansin ko na nanigas na si Jariah sa kanyang kinatatayuan. “Baka mas malala pa ang gawin ko sayo Jariah…” pigil kong sabi at pinapakalma ang sarili ko. “Ano bang ginagawa niyo sa training na dalawa?” “Lorky!” tuwang sabi ng aking makulit na mate na muntik na akong patayin sa araw na toh dahil sa pinaggagawa niya. Lumakad siya papunta sa akin at mahigpit niya akong niyakap. Nang humiwalay siya, napa-wow siya sa mga naggo-glow kong tribal tattoos na nasa aking katawan pero unti-unti na itong nawawala. It’s a sign that I am a Beast King at lumalabas lang ang mga ito pag naka-god mode ako. “Asan na? Bakit nawala Lorky?” nagtataka niyang sabi. “Emlove, ano yong sinasabi mong bulletproof?” tanong ko sa kanya. Akmang tatakas si Jariah pero mahigpit ko siyang hinawakan sa kanyang balikat at napaaray naman ito. “Nagkaroon kami ng little experiment ni Jaja kung gaano katibay ang wings ko. He tried cutting it with those cool knives pero nasira ang mga ito. Nong isang araw sinubukan niyang barilin at walang nagawa ang mga bala, so my wings are hard as steel! Like Superman!” tuwa niyang sagot. “Mukhang nahigitan ko pa siya dahil tank proof din ang wings ko! Ang cool ko!” bigla ko siyang hinawakan sa magkabila niyang braso at hinarap siya sa akin. Seryoso akong tumingin sa kanya at nawala ang matamis niyang ngiti sa kanyang labi. “Don’t ever do that again. You get me Emlove?” matigas at mariin kong sabi sa kanya. “For once, pwedeng isipin mo muna ang mga ginagawa mo? Tama ang sinabi ni Jariah! Paano pag napahamak ka ng husto at nawala ka? Hindi mo man lang ba ako naisip?” bago pa siyang makasagot, binitiwan at tinalikuran ko na siya bago pa may masabi ako na lubos kong pagsisisihan. Alam ko, naiintindihan ko kung bakit niya ginawa yon. She wants to protect us, to protect me! Pero sana inisip man lang niya ang mangyayari sa kanya pag nayari siya ng tank na yon! Napapikit ako at huminga ako ng malalim, if things didn't go well, she may be dying in my arms right now, bloody, broken, her heart slowly beating as the life in her eyes is gone. Inutusan ko ang aking mga tauhan na dalhin na sa sasakyan ang mga niligtas namin, pati na rin ang mga humans na naligtas namin. Bumalik ako sa loob ng facility kasama ang iba pa. I can’t deal with her right now, I have a job to do and dito ako magfo-focus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD