CUPID 23

2105 Words
“Saan nga pala tayo pupunta?” tanong ko sa kay Jariah habang tinatahak namin ang daan matapos kaming umalis sa hotel. “Mag-iiba tayo ng lugar sa ating training, mas maganda pag open space right?” tumango lang naman ako. Lumayo kami mula sa city hanggang sa mga puno at kulay green na lang ang nakikita ko sa gilid ng daan. Bigla akong kinabahan nang pumasok kami sa kagubatan na puno ng mga puno at mga halaman tapos ay tumigil ito malayo sa road. Parang ganito ang mga napapanood ko na suspense/thriller movies eh, tumingin ako kay Jaja at nakangisi ang kanyang mukha. Sabagay, kung may balak man siyang gawin sa akin, lilipad lang ako para makatakas. “Jaja… Are you really going to tie me up and do wicked things with me here?” tanong ko sa kanya habang nakayakap ako sa aking sarili. Natigilan siya tapos ay nakakunot ang noo niyang tumingin sa akin. “What the hell are you talking about?! Grabe ang imagination mo ah! May secret crush ka sakin noh?” nandidiri akong tumingin sa kanya. “Ewwwww! Ang man w***e mo kaya!” sagot ko at napahawak siya sa kanyang dibdib na parang sinaksak ko siya. “Ang sakit naman non Pinky pero tama ka, man w***e nga ako. Alam mo hindi kasi ako satisfied sa isa lang…” napatakip ako ng aking tenga. “Ayokong marinig yan!” angal ko at malakas siyang tumawa. “Alam mo na ang nararamdaman ko sa tuwing kinukwento mo sa akin ang tungkol sa inyo ni Lorkhan. At wala akong masamang balak sayo, you're too important for my best friend.” sincere niyang sabi tapos ay sumipol siya na pinagtaka ko. Maya-maya, bigla na lang may lumabas na malaking wolf mula sa mga puno. Kulay ash black siya, may silver sa tip ng kanyang buntot at kanyang mga ears. Namilog ang aking mga mata sa kanyang laki, parang kasing laki na niya ang sasakyan ni Jariah. Nanatili lang naman ako sa aking pwesto hanggang sa marinig ko ang pag break ng kanyang mga buto, nagta-transform siya sa harap ko hanggang sa pinikit ko ang aking mga mata nang maging tao na siya kasi nakahubad siya. “You can open your eyes, nakadamit na siya.” sabi ni Jariah. Unti-unti kong binukas ang aking mga mata at napangiti ako nang makilala siya. Siya yung isa sa mga teenager na niligtas ko nong hinahabol siya ng isa sa mga bad guy. Parang mas lalong naging malaki siya, batak ang kanyang muscles na makikita mula sa suot niyang sando. Hindi tulad noon na sobrang payat at haggard ang mukha niya. Nag-bow siya sa akin at natawa lang naman ako. “It’s nice to see you again, Beast Queen…” sabi niya at saglit akong natigilan. Malakas ko siyang pinalo sa kanyang braso na parang joke ang sinabi niya. “Ano ka ba! Hindi pa official noh, but it’s nice to see you too.” sabi ko sa kanya. “Kumusta ka na? At anong ginagawa mo rito?” “Siya ang makakasama mo sa training Pinky. Isa siya sa anak ng wolf clan leader.” sabat ni Jariah. “Ako nga pala si Kylo, uhm, anong itatawag ko sa inyo Queen?” tanong niya sabay kamot ng kanyang ulo. “Pwede namang Queen kaya lang ang ambisyosa ko na non. You can call me Em or is there a nickname na pwede mong itawag sakin?” nahihiya siyang ngumiti at tumango. “Pwedeng Red? Ate Red?” napaisip naman ako tapos ay nag full blown smile ako. “Okay lang! Pinky nga ang tawag sakin nito.” sabay turo ko kay Jariah. "Tama na ang kwentuhan! Let's run!" utos niya at tumango lang kami. Wala pa siyang senyas pero agad na akong tumakbo na tumatawa. Medyo nahirapan lang ako dahil lupa na ngayon ang tinatakbuhan ko, may mga nakaharang na mga puno, mga halaman, mga trunks na nagtumbahan. Hindi na nga ako makahabol sa dalawa and I hear Jariah's voice pushing me harder! Kaya tumakbo ako hanggang sa napatigil ako nang may weird akong naaamoy. It's like nong naamoy ko kay Kylo at sa kanyang mga kasama. Iritado si Jariah na kasunod si Kylo na binalikan niya ako. Pasigaw niya sana ako na pagagalitan pero tinakpan ko ang kanyang bibig at sinenyasan ko siya na tumahimik. "Hindi niyo ba naaamoy yon?” pabulong na sabi ko sa kanila. Nagtaka naman sila tapos ay inamoy-amoy ang hangin hanggang sa natigilan sila. Napamura si Jariah at hindi naman makapaniwala si Kylo. "We need to check it out baka makita na natin ang lab nila." excited kong sabi. "No…" pabulong na pagalit na sabi ni Jariah. "Walang gagalaw, I'm gonna call some backup. Kayo ni Kylo, bumalik na sa hotel." utos niya. "Jaja, tawag ka ng backup pero matatagalan sila sa pagpunta dito. Ang layo kaya… Mas mabuting hanapin natin kung saan nanggagaling yon. Pwede akong lumipad so I can search faster. Promise hindi ako susugod or anupaman." "Tama siya Alpha… Magbantay na lang tayo at hintayin ang backup." sabi ni Kylo. Napamura ulit siya pero kinuha niya ang kanyang phone tapos ay may tinawagan. Sinabi niya kung anong nangyayari at narinig ko ang lakas ng roar sa kabilang linya. Inagaw ko ang phone kay Jariah at pinakalma si Lorkhan. "Lorky, listen to me…" kalmado kong sabi at naririnig ko ang mabilis at malalim niyang paghinga. "I can do this okay. Ang sabi mo mate mo ko, I need to be strong and brave. Wala ka bang tiwala sakin?" "E-Emlove... Ayoko lang na mapahamak ka. I trust you I do, pero pag nawala ka, I… I can't live through…" "Lorky, ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ako mawawala. Hindi ko ipapahamak ang sarili ko yeah? Now get your ass here as fast as you can." at in-end ko na ang call. Nakatingin lang naman sa akin ang dalawa at nagkibit-balikat lang ako. "Can you guys follow me?" "Yeah… We will just follow your scent. Huwag na huwag kang gagawa ng kalokohan." matigas na sabi ni Jariah at nag-thumbs up lang ako. Lumayo ako ng konti sa kanila at nilabas ang aking mga pakpak. Tumango lang ako sa kanila at dahan-dahan akong lumipad pataas. I flew just above the trees para makatago pa rin ako at walang nakakakita sa akin. Buti na lang makulimlim kaya hindi ako nagca-cast ng shadow kapag lumilipad ako. I followed the scent until it became stronger at mabilis akong lumapag sa isang branch ng malaking puno. Kaharap ko ngayon ang isang facility at nababakuran sila ng mataas na electric fence, maraming nakabantay na guards na nakasuot ng black and marami ding cameras. Aside from my smell, parang mas tumalas pa ang aking eyesight simula ng magsimula ang mating bond and I kind of like it. Nanatili lang ako doon, tumingin ako sa aking likod at na-sight ko ang dalawa kong kasama. Ito na kaya ang main lab ng mga humans kung saan dinadala nila rito ang mga young shifters? Sana nga para mapigilan na ang pagpapahirap sa kanya. Naiintindihan ko naman ang mga humans, naiinggit sila sa mga kakayanan ng mga shifters. Pero ang dukutin sila at gawin na experiment? Sobrang cruel non, to think na mga bata pa lang sila. I want to help them, gusto kong ma-experience nila ang saya na mabuhay. Nagtaka ako ng may crow na lumapag sa isang camera at mabilis nitong sinira yon. Lumipat siya sa isa pa, halos masira niya ang lahat ng camera ng may makapansin sa kanyang isang guard at binugaw siya. Tapos nakarinig na lang ako ng mabibigat na mga yapak mula sa isang side ng isang forest. Bigla na lang lumabas ang isang malaking rhino at sinira nito ang gate na walang kahirap-hirap. May mga ibang shifters na sumugod din kasunod niya, naka beast form ang iba, habang ang iba ay hindi. Mga putok ng baril ang aking narinig at isa-isa nilang tinake down ang mga guards. Napalingon ako ng makaramdam ako ng domineering aura at I swoon like a crazy in love woman ng makita ko si Lorkhan. Sobrang nangigislap ang kanyang mga mata, seryoso ang kanyang mukha at nakalabas ang kanyang mga claws. Wala siyang suot na shirt at nagtaka ako dahil parang nga faint tribal tattoos siya sa katawan na parang naggo-glow din. Grabe! Super hot niya at gusto ko siyang sunggaban at manyakin ng todo! Tumigil siya sa tabi ng puno kung nasaan ako. “Stay.Here.” utos niya at nag-giggle lang ako dahil sa kilig. Lumakad siya ulit at nasa likod niya sina Jariah na kinindatan ako at ang iba pa nilang kasama. Nakita ko si Kylo at tumambay siya sa kabilang puno na katabi ng aking puno. Nginitian ko siya at nag-wave at ganon rin ang ginawa niya. I guess we will just watch the show from here. Marami pang dumating na guards at nakita ko kung paano mahusay na lumaban ang mga shifters at naiiwasan nila ang mga atake ng mga guards na gamit ang kanilang baril. Lorkhan is walking through like a king, he’s so confident and just very powerful. May mga sumusugod sa kanya na mga guards pero hinaharangan lang sila ng mga shifters na kasama niya. Nanginig ang buong lugar ng malakas siyang nag-roar at nakipaglaban na rin siya. Tumatalsik ang mga guards na lumalapit sa kanya meron pa yong binabali lang niya ang katawan. Hindi naman ako nandiri kasi marami na kaming napanood ni Jariah na ganito, maybe watching those horror movies is training too. Nang maubos ang guards sa labas, pumasok na sila sa facility. Nanatili lang tahimik sa labas pero may naririnig kaming mga sigawan at putok ng baril sa loob, may sumabog pa. Saktong tumingin ako kay Kylo sumenyas siya sa akin na tumingin ako sa ibaba. Ginawa ko naman at napatakip ako ng aking bibig nang may dumating na backup din ang mga humans. Mas malaki ang dala nilang mga armas, at may tank pa silang dala. Tumingin ako sa kasama ko at napashake siya ng kanyang head. Napangiti lang naman ako at nag-produce ako ng maraming lust dust sa aking kamay tapos ay sinaboy ko sa kanila. Lumipad ako sa ibabaw ng puno para hindi nila ako makita at sumilip ako sa ibaba. Lumipat ako sa kabilang puno kung nasaan si Kylo at sinabi kong tahimik siyang bumaba. Nagsaboy ulit ako ng lust dust at pareho kaming bumaba at nagtago sa damuhan. Sumilip kami ulit sa mga humans at parang gulong-gulo ang kinikilos ng iba. Tinakpan ko ang ilong ni Kylo at humihip ako ng passion breath sa kanila. Takang-taka siya sa mga ginagawa ko pero tahimik lang siya. Parang isang automatic switch, nagbago ang kilos ng ibang humans, binitawan nila ang mga hawak nilang armas at sinugod ang isa’t-isa. Sinugod ng yakap at halik, they even grope each other habang naguguluhan ang iba. Tahimik naman akong tumawa, nagbato pa ako ng maraming lust dust sa kanila hanggang sa affected na silang lahat. Nagkatinginan kami ng aking kasama at lumayo na doon, tinago ko ang aking mga wings hanggang sa natigilan kami ng may nakasalubong kaming guard at agad niya kaming tinutukan ng kanyang baril. “Sino kayo? Anong ginagawa niyo rito?” galit niyang tanong. Bago pa mag-shift si Kylo pinigilan ko siya at matamis na ngumiti sa guard. “Nagde-date po kami ng boyfriend ko.” malambing kong sabi sabay kapit sa braso niya. “Na-curious po kami sa ingay kaya tinignan namin diba mahal?” sabay beautiful eyes ko sa kanya at pinisil ang kanyang braso. “Ah-ano… Oo… Opo sir… May orgy pala na nagaganap dito." sabay turo niya sa mga kasamahan nito na naglalandian na. May mga nakahubad pa nga eh. Lumingon naman siya at nagulat siya sa kanyang nakita. Bago pa kami balingan niya ulit, mabilis na lumapit si Kylo rito at sinaksak siya sa dibdib gamit ang matatalas niyang kuko. Napa-clap naman ako at nahihiya lang siyang ngumiti. "Ang galing naman non!" hanga kong sabi sa kanya. Nagulat na lang kami ng pinutukan ng tank ang facility. Agad naming pinuntahan ito at nakalimutan namin na may tao pala sa loob kaya hindi naapektuhan ng lust dust ko. Napatingin ako sa facility, may ibang mga shifters na pasugod na naiwan sa labas, may mga nagsisilabasan rin. Nilabas ko ang aking wings at mabilis na lumipad sa harap ng tank. Nang magpaputok siya ulit, lumaki pa ang aking wings at ito ang ginamit ko na pangharang! Isang nakakabinging putok at malakas na roar ang narinig ko na alam ko ay galing sa aking mate, the Beast King, Lorkhan Fierce.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD