CUPID 9

1796 Words
Pagkagising ko kinabukasan, tirik na tirik na ang araw at napansin kong nakahiga na ako sa malaking kama ni Lorkhan. Nakatakip sa hubad kong katawan ang silk na blanket pero wala siya sa tabi ko. Nalungkot naman ako na makitang wala na siya, kasalanan ko din naman kasi late na akong nagising. Kinuha ko ang kanyang unan at sinamyo ang kanyang manly scent na naiwan doon. Huminga ako ng malalim at niyakap ng mahigpit ang unan. Sa sobrang pagod ko kagabi hindi ko na napansin na nilipat niya ako sa kwarto niya. Peto bakit niya ginawa yon? Galit siya sa akin diba? At hindi man lang niya ko ginising para magpaalam man lang. Bumangon ako, ibinagsak ko ang kanyang unan tapos ay sinuntok ito ng ilang beses para ilabas ang aking inis. Nang kumalma na ako, bumaba na ako sa kama at pumunta sa banyo para maligo. Tinignan ko ang aking mukha sa salamin at napasimangot ako sa aking nakita. Pulang-pula ang aking mga mata at parang namamaga din ang mukha ko dahil sa kaiiyak. Napabuntong-hininga ako at nagbihis na lang tapos ay lumabas na. “Goodmorning Emlove…” nakangiting bati sa akin ni Mrs. Llanez ng makita niya ako. Pilit akong ngumiti at binati rin siya. “Halika at kumain ka na, nagluto ako ng chocolate chip pancakes.” “Salamat po.” sabi ko at umupo sa harap ng mesa. Kumuha ako ng maraming pancakes at nilagay sa pinggan ko. “Maagang umalis si Lorkhan, kailangan niya kasing tignan ang lagay ng mga bata na niligtas ninyo kagabi tapos didiretso na siya sa opisina. Hindi ka na niya ginising dahil mahimbing daw ang tulog mo.” inis kong kinain ang buong pancake. “Hija, huwag ka ng magalit sa kanya. Baka hindi lang kayo nagkaintindihan kagabi.” “Okay lang po, tanggap ko naman eh. Na property niya ko, na pag-aari niya ko kaya susundin ko na lahat ng utos niya.” sagot ko at bumuntong-hininga siya. “Nagalit siya siguro sayo dahil hindi mo sinunod ang sinabi niya. Gusto ka niyang bumalik agad dito sa penthouse para hindi ka mapahamak. Paano pag nasaktan ka? Paano pag nahuli ka ng mga armadong lalake na yon? Naisip mo ba ang mararamdaman niya pag may nangyaring masama sayo?” “Pero wala naman pong nangyaring masama sakin tsaka niligtas ko lang naman yung isa sa mga teenagers nong hinahabol siya ng isang bad guy. Tapos niyakap pa siya ng isang babae at nakahubad siya. Ang sakit kaya na pinapauwi niya ako habang nakalingkis sa kanya ang bwisit na babaeng yon!” sasagot sana siya ng marinig namin ang doorbell. Tumingin ako sa pinto at maayos na ito. Bumukas yon at pumasok si Jariah na may dalang eco bag at flowers. Lumapit siya sakin ng makita niya ako at nilapag ang bouquet ng pink tulips sa aking kandungan at nilagay sa table ang eco bag. Tinignan ko ang laman non at namilog ang aking mga mata ng makita ang napakaraming chocolates at ilang tub ng ice-cream. Natuwa din ako sa napakagandang mga bulaklak na medyo kakulay ng aking buhok. “Bwisit! Ginawa pa kong errand boy ng taong yon. Buti na lang bestfriend ko siya eh.” sabi ni Jariah at nakangiti siyang tumingin sa akin. “Pinabibigay ng Lorkhan mo, peace offering daw.” sabi niya sakin at kumuha rin siya ng pancake at kinain ito. May nakita akong maliit na card sa bouquet kaya kinuha ko ito at binasa. I'm sorry my little cupid. When I get home, ipapaliwanag ko lahat sayo. You are my everything baby. ~L Sumilay ang ngiti sa aking mga labi at hinalikan ko ang card. Narinig ko ang pagtawa ni Jariah na pinisil ang aking pisngi. “Ang bilis mo namang bumigay pinky." tukso niya sakin at pinalis ko ang kanyang kamay. "Aray naman…" sabi ko sabay hawak sa pinisil niyang pisngi. "Ihhh! Nag-sorry siya sakin tapos may ganito pa. First time ko kayang makatanggap ng ganito." tuwa kong sabi at inamoy ang flowers. "Salamat ha kahit ginawa ka niyang errand boy." ginulo niya lang ang buhok ko, umupo na rin siya sa mesa at nagsimula ng kumain. "Akin na muna ang mga yan at kumain ka ng breakfast." sabi sa akin ni Mrs. Llanez at binigay ko naman sa kanya ang mga bulaklak at eco bag. "Teka, hindi ka ba babalik sa office?” tanong ko kay Jariah na punong-puno ang bibig ng pagkain. Nilunok niya ang lahat ng yon at uminom ng juice. Kumuha naman ako ng tissue at pinahiran ang mukha niya. "Anong babalik? Ginawa niya na nga akong utusan pagtatrabahuhin niya pa ako ngayon? Manigas siya uy!" napailing lang naman ako. "Kumusta ka na pala? Hindi ka ba nasaktan kagabi?” "Hindi… Pero gusto kong saktan yong babaeng yumakap kay Lorkhan kagabi." "Naiintindihan kita pero bata pa yong binanggit mo. She's a teenager and traumatized." "Did you see how she smirked and stuck her tongue out to me? Nang-iinis pa eh tapos itong si Lorkhan hindi man lang pinalayo, pinagalitan pa ko." "Hindi ka niya pinagalitan. He just wants you to go home para hindi ka mapahamak okay? Ayaw niya nga niya sa idea ko eh tapos hindi ka pa umuwi kaagad. Pinag-initan niya tuloy ako kagabi. At yong babae na sinasabi mo, hindi man niya pinagalitan katulad ng iniisip mong ginawa niya sayo, he got irritated with her at pinagsabihan niya." tinitigan ko siya at mukhang seryoso naman siya sa sinasabi niya. "Pinasasabi ng teenager na niligtas mo kagabi na salamat daw." bahagya naman akong ngumiti at tumango. "So, ano nga ba ang nangyari kagabi Jariah? Sino yong mga niligtas niyo at bakit sila kinukuha ng mga armadong lalake." napakamot siya ng kanyang ulo at parang ayaw niya itong pag-usapan. Bumuntong-hininga siya at seryoso siyang tumingin sa akin. "Pinky, I want you to understand na hindi kami kagaya ng mga humans. Ang mga niligtas namin kagabi, we treat them as family at marami nang nadudukot na kagaya nila. Hindi namin alam kung bakit pero ayon sa mga batang nailigtas namin, the humans are doing experiments okay? Yon lang ang masasabi ko, the rest, si Lor na ang magpapaliwanag." "Humans mismo ang dumudukot sa kanila? Sa tagal ko dito sa human realm bakit wala akong nababalitaang ganyan?” "Well, you're a cupid. And you search for perfect matches as you said. May kanya-kanya tayong mission at yon ang sa inyo, wala na kayong pakialam sa iba." "Hmm, may point ka don. Wow… matalino ka naman pala." napahawak siya sa kanyang dibdib na parang natamaan siya ng kung ano. "Grabe ka sakin pinky. Hindi naman ako magiging partner ni Lorkhan sa business niya kung hindi ako matalino." "Well, you're his best friend. Akala ko kasi pinagbigyan ka lang niya." tukso ko at pinaningkitan niya ako ng mga mata. Malakas akong tumawa ng bigla niya akong kiniliti. Tumigil lang siya ng matumba na ako sa sahig. Nagpapasalamat ako at nandito siya dahil gumaan na ang pakiramdam ko. Buong maghapon na nag-stay si Jariah sa penthouse. Wala kaming ginawa kundi naglaro ng XBOX at nanood ng mga horror movies. Umalis lang siya nang makauwi na si Lorkhan. Nag-aalangan pa nga akong salubungin siya pero ginawa ko na rin. "Welcome home Lorky…" mahina kong sabi sa kanya na nakayuko. "Ang lungkot naman ng pagsalubong mo sakin little cupid." matamlay niyang sabi at tinignan ko siya. Napakurap pa ako dahil ang haggard ng itsura niya, may dark circles pa sa ilalim ng kanyang mga mata na pinag-alala ko. Ngayon ko lang kasi siya nakita na ganito. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang kanyang mukha. Ngumiti siya at napapikit pa ng mga mata habang ninamnam ang aking hawak sa kanya. "Anong nangyari sayo? You look so tired…" alala kong sabi sa kanya. "Come and rest." sabi ko at hinila siya paupo sa sofa. "Teka, kukuhanan kita ng water." akma akong tatayo pero pinigilan niya ako at pinaupo sa lap niya. "Ikaw lang little cupid ang kailangan ko." at niyakap niya ako. "I'm sorry for hurting your feelings last night. I just want you back home where it's safe." niyakap ko rin naman siya at hinalikan siya sa kanyang noo. "Sorry din Lorky dahil naging makulit ako. Tsaka nagselos pa ako sa babae na yumakap sayo. Hindi mo pa siya pinigilan o sinaway man lang." "Sayo lang ako naka-focus non baby, wala akong gusto sa kanya. Ikaw lang ang babae para sa akin, wala ng iba. Sinaktan mo rin ako kagabi ah." nagtataka akong tumingin sa kanya. "Ha? Paano naman? Nasaktan ka sa mga palo ko?” nagugulohan kong sabi. Ang laki kaya niyang lalake, sigurado akong hindi niya ininda nong pinagpapalo ko ang kanyang likod. "Hindi yon… You said you hate me. That hurts so badly Emlove. Parang paulit-ulit mo kong sinaksak sa puso." "Oh Lorky… I'm so sorry, hindi ko sinasadyang sabihin yon. I don't hate you, gusto kita. Ikaw lang din ang lalakeng para sa akin." "Hindi ko alam kung sasabihin mo pa yan pag sinabi ko talaga kung sino ako." lungkot niyang sabi at hinalikan niya ang kamay ko. "What do you mean? Wait, are you a part of a dark organization. Like a yakuza or a mafia thing?” tanong ko at napatawa siya. "No baby, I am a law abiding citizen. Well, sometimes." at nagkibit-balikat siya. "Let's go sa balcony at may ipapakita ako sayo." tumayo ako at sumunod siya. Mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay at lumakad kami papunta doon. Tumigil kami malapit sa may pool at dumistansya siya sa akin. "Pag nakita mo ang totoo baka tuluyan ka ng lumipad at hindi na bumalik sakin Emlove." malungkot at kabado niyang sabi. "I won't… Kahit ano pang ipakita mo, kahit sino ka pa, dito lang ako sa tabi mo." sincere kong sabi sa kanya at tumango lang siya. Natigilan ako ng hinubad niya ang kanyang mga damit at pilit kong iniwas ang aking mga tingin sa kanyang gitna. Bahagya siyang tumawa tapos ay seryoso na siyang tumingin sa akin. "Whatever you see baby, don't run away." nag-promise ako sa kanya at ngumiti lang siya. Huminga muna siya ng malalim at biglang nag-glow ang kanyang mga mata. May naririnig akong nagcra-crack at natigilan ako dahil sa kanya pala nanggagaling yon at kitang-kita ko kung paano gumalaw ang mga buto niya sa katawan. He is slowly changing in front of me and it's kind of cool but scary at the same time. Nahigit ko ang aking hininga at hindi ako makapaniwala nang matapos ang kanyang transformation. Hindi ko akalaing totoo and he's right in front of me. And I wished, really wished that he had told me what he really is from the start.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD