CUPID 10

1309 Words
Lorkhan's POV It was early in the morning when I left the penthouse at pumunta ako sa hospital kung saan dinala namin ang mga batang iniligtas namin kagabi. It's been a rough night for me lalong-lalo na dahil nagtatampo sa akin ang little cupid ko ngayon. When I came home last night, nagtataka ako kung bakit wala siya sa kwarto namin. Tapos natagpuan ko na lang siyang natutulog sa guest room yakap ang kanyang bow at arrows. I've seen her tear streaked face, a sign that she's been crying. I wonder kung anong iniisip niya? Gusto na niya kaya niyang bumalik sa veil? Bumalik sa sarili niyang mundo? Hindi ko yata kakayanin yon. I almost doubled over when she said that he hates me. Muntik ko na ngang masaktan ang babaeng bigla na lang yumakap sa akin kahit bata pa siya. Alam nitong hindi dapat ginawa yon dahil alam nito kung sino ako, it's unrespectful. Buti na lang nilayo siya sakin ni Jariah before I could even break her neck. I saw how she smirks at Emlove and what she did was like claiming me as hers. That is unforgivable kaya sinabihan ko siya na pag ginawa niya ulit yon, she will be exiled. Napahinga ako ng malalim at napapikit. I was so worried about her nang makita ko siya perch on a tree, waving, smiling at me. Hindi niya alam kung gaano kadelikado ang lugar. Just because some humans are taking some of our young to experiment on. Ano pa bang silbi ng treaty, ng napagkasunduan namin between us and humans that we will live peacefully together. And yet may mga masasamang tao na halang talaga ang kaluluwa para gawin kaming guinea pig. Wala akong pakialam kahit sabihin nila na para matulungan ang mga tao, their lifespan are short at kailangan na nilang tanggapin yon! Dahil sa pagiging advance ng technology ngayon, nagiging gahaman na sila. Pag hindi sila tumigil sa kanilang ginagawa, I am going to declare a war on them at sana hindi humantong sa ganon. Sinalubong ako ni Jariah nang pumasok ako sa hospital. I own it and it's for our kind, hindi pumupunta ang mga humans dito because sobrang mahal ang singil namin. That's our way so humans stay clear of our territory. Bahagya siyang natigilan nang makita niya ako at nairita naman ako ng mapansin na pinipigil nito ang pagtawa. "You look so stressed, man. Anong nangyari sa inyo ni Emlove?” malakas ko siyang tinapik tapik sa kanyang balikat at napangiwi naman siya at lumayo ng konti sa akin. Napahawak siya sa kanyang balikat at napanguso ito na parang bata. "Ikaw ang may kasalanan nito eh." inis kong sabi sa kanya at napanganga naman siya na hindi makapaniwala sa aking sinabi. "A-a-ako? Anong ako? Bakit ako ang sinisisi mo? Hinayaan mo na yakapin ka ng batang yon okay. Tinulak ko ba siya sayo? Hindi diba?” hinigit ko ang kanyang kwelyo at ngumisi lang siya. "Dinamay mo siya sa mission natin kagabi. Muntik na siyang mapahamak, may pa-ideya ka pa dyan." napahinga ako ng malalim at binitawan ko siya. "Lor, pinapaalala ko lang, she needs to be strong. She is your mate, you're the strongest compared to the rest of us. Kailangan niya rin na patunayan ang sarili niya sa lahat para matanggap nila kung sino siya sa buhay mo. She saved that one kid last night at lahat ng nandon ay na-witness na wala siyang takot at ginawa niya ang tama. Hindi siya umuwi na lang at nagtago, kundi bumalik siya para iligtas ang isa sa kanila. She made a good impression kaya huwag ka ng mag-alala dyan. She's safe, ang gawin mo na lang ay suyuin siya." napatango naman ako. Tama naman si Jariah, ang sa akin lang, hindi siya dapat madamay sa gulo na kakaharapin namin. It's too early and she just appeared in my life a few days ago. Gusto ko namang sulitin ang time ko sa kanya, to court her, to please her, to make her happy. Ni hindi ko pa nasasabi kung ano talaga ang katauhan ko. At hindi ko alam kung tatanggapin pa niya ko pag nalaman na niya. "Alam ko...alam ko… It's just that I'm very protective of her. Ni hindi niya alam kung ano ba talaga tayo. She's already asking at hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya." "Then tell her the truth, Lorky…" matalim ko siyang tinignan at tinaas ang dalawa niyang mga kamay sa parang sumusuko. "She's like us, she's a cupid na akala nating lahat ay hindi totoo. Matatanggap ka niya, I can see that she likes you and wants to be with you always. Trust me, she won't run away." "Sana nga… I'll talk to her tonight, thank you." ngumiti lang siya at tumango. "Kumusta na ang mga bata?” tanong ko at lumakad na kami para puntahan sila. "They are doing good. Wala na silang ibang tracker sa katawan na tinanggal natin kagabi. Ang sabi nila marami pa silang natira doon sa lab." nainis ako sa nalaman ko at mahina akong napa-growl. "Organize a meeting with the clans, we need to infiltrate that lab. I can't believe na humans na naman ang may kagagawan nito. Hindi ko alam kung pagkakatiwalaan ko pa sila." dismayado kong sabi. "Did any of our men find the location?" "Yes… Ako na ang bahala sa mga clans. I'm sure they will cooperate ngayon pa at natagpuan natin ang mga batang yon. Maingat na tayo sa mga humans noong una pa lang and we need to stay that way Lor. And never, ever trust them. Ilang humans na lang ang matitino ngayon, and I never like them anyway." "Still you sleep most of them" nakangisi kong sabi sa kanya at ngumisi rin siya. "You know how I like their reactions. And now I'm wondering if I have my own cupid too? What will she/his reaction be? Wala bang kaibigan si Emlove?" "I don't know, wala siyang nabanggit sa akin. Wait, kinausap mo na ba sila about kay Emlove? Na wala munang sasabihin tungkol sa kanya?” bumuntong-hininga siya. "Yeah, but I doubt that they can be silent about it any longer. They were asking a lot of questions about her." "Alpha!!!" napalingon kami sa pagtawag na yon at nakita namin ang isang lalakeng teenager na palapit sa amin. He has this kind smile on his face, pero kahit bata pa siya, he's fit at mukhang in training na. I also smell an alpha blood in him. Patakbo siyang lumapit sa amin at nag-bow bilang paggalang. "Dapat ka na bang tumatakbo ng ganyan?" tanong sa kanya ni Jariah at ngumiti lang ito. "Okay na ko Alpha. Maraming salamat nga pala at niligtas niyo kami. Buti na lang napuntahan kayo ng isa naming kasama. Gusto ko din po sanang magpasalamat sa mate niyo...uhm...Ki-" bago pa niya maituloy ang sasabihin biglang lumitaw ang iba pang niligtas naming mga bata at nagpasalamat rin sa amin. Kinamusta at kinausap lang namin sila sandali at nagpaalam na rin kami. "Bumili ka ng pink tulips, chocolates and ice-cream at ibigay mo kay Emlove." utos ko sa aking kaibigan ng makalabas na kami ng hospital. Then stay at the penthouse. Huwag mo siyang iiwan doon hangga't hindi ako dumarating." "Seryoso? Flowers and chocolates? Ang old school mo naman!” malakas ko siyang binatukan at napa-hiss siya. "Susuyuin ko na nga eh. Just do what I said Jariah." pagkasabi non, sumakay na ako sa aking sasakyan at nag-drive patungo sa aking office. Naging abala ako sa meetings at pagbabasa ng mga documents buong araw hanggang sa malapit ng gumabi. Ramdam ko ang aking kaba habang pauwi na ako sa penthouse. Nag-message sa akin si Jariah kanina lang na nagustuhan ni Emlove pinabili ko para sa kanya. Okay na rin daw ang mood ng baby ko kaya sana maging okay na rin kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD