CUPID 11

2043 Words
Emlove's POV Natulos ako sa aking kinatatayuan habang nagbabago ng anyo ang isang Lorkhan Fierce sa aking harapan. To the humans, he is known to be a billionaire, an elite bachelor that every woman wants and now he's changing in front of me. His body is slowly covered with golden brown fun, his eyes glowed in gold, his teeth grew large fangs. Napadapa siya sa sahig at unti-unting nag-transform ang kanyang mga kamay at paa. Mas lalo siyang lumaki and he grew a tail from behind. His hair grew longer, creeping around his neck that turned into pale gold mane with white strands. Huling nagbago ang kanyang mukha, at nang humarap na siya sa akin, I was facing a very large lion. He is three times larger than a normal lion at mahahalata mo talaga na kakaiba siya. He has this air of dignity around him, like a royalty at naglalabas siya ng aura na siya ang pinakamalakas, so bow down in front of me vibes. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko, nakatuon ang kanyang mga mata sa akin at nagkatitigan lang kami. He looks so enchanting, he has a massive body na pwede ka niyang tapusin pag dinaganan ka niya. His fur also in his body has dark stripes in it, he has big ears na gusto kong pisilin. "L-Lorkhan…" tawag ko sa kanya at lumapit siya sa akin. Tinaas ko ang aking mga kamay para mahawakan siya at siya mismo ang naglapat ng kanyang noo sa aking kamay. Natuwa naman ako pagkatapos ay yumakap ako sa kanya. Tumatawa akong kiniskis ang aking pisngi sa kanyang silky, smooth mane and he smells so lovely! "You're a shifter!” tuwa kong sabi at hinaplos haplos ko ang kanyang mukha. "And you're so big!” rinig ko ang kanyang pag-purr at napatili ako ng dinilaan niya ang aking mukha. Kaya pala magaspang ang kanyang dila because he's a big fluffy cat! "You're so cute!” nag-growl siya at tumawa ako. "Okay, ayaw mo ng cute… Ang gwapo mong lion!" dinilaan niya ulit ako. Dumapa siya ulit sa floor at gamit ang kanyang malaking paw, hinila niya ko para paupuin malapit sa kanya. Umupo ako malapit sa kanyang ulo at sumandig ako sa kanya. "Hindi ako makapaniwala, isa kang shifter. Kaya pala kakaiba ang kinikilos mo. Kaya pala tinatawag mo kong mate mo kasi, I am your soulmate. Ang swerte ko!” kilig kong sabi at niyakap siya. "Naiintindihan mo ba ako?” ni-rub niya ang kanyang ulo sa akin. "I'm glad… Tignan mo, hindi ako tumakbo sayo Lorky. Love kita eh!” malambing kong sabi at hinalikan ang kanyang pisngi. Mas lalong lumakas ang kanyang pag-purr at dinilaan niya ako ulit. Nanatili lang kaming ganon ng ilang sandali, nakayakap ako sa kanya, hinahagod ko din ang aking pisngi sa kanya tulad ng kanyang ginagawa. Minsan nakatingin lang kami sa nagkikislapang mga bituin sa madilim na langit. Minsan napapatili ako sa pagdikit ng malamig niyang ilong sa aking pisngi o kaya ang pag-amoy niya sa akin. Para lang akong may alagang pusa. Ingat na ingat nga siya eh na huwag akong masaktan. Hinawakan ko ang kanyang mga tenga na kanina ko pa gustong gawin at pinisil ang mga ito. Maya-maya pa, mabilis siyang nag-transform sa kanyang human form at napapikit ako para hindi makita ang hubad niyang katawan. Narinig ko siyang tumawa at ng dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Nakasuot na siya ng kanyang slacks at dress shirt na hindi pa niya naibutones. Patakbo akong lumapit sa kanya at tumalon. Sinalo naman niya ako at napahagikgik ako. Hinawakan ko ang kanyang mukha, dinampian ko siya ng halik sa noo, sa pisngi at sa labi. Kinagat ko ang ibaba niyang labi at napaungol siya. Pinisil niya ang aking pwetan na kanyang hawak habang nakapulupot ang aking binti sa kanyang bewang. "My lion man…" sambit ko. "We are not so different after all…" pabulong kong sabi at tumango siya. "I am sorry at hindi ko kaagad sinabi sayo. Ayoko lang na matakot ka sakin at layuan ako." sagot niya. "Ano ka ba Lorky! Hindi mo nga ako nilayuan o pinahuli sa mga pulis ng bigla na lang akong lumitaw sa harap mo. You even save me from drowning in the pool. Agad kang naniwala sa akin na isa akong cupid at hindi isang baliw na babae na stalker mo na crush na crush ka!" malakas siyang tumawa at hinalikan niya ako ulit. "The last part is true though." natatawa niyang sabi at pinalo ko siya sa kanyang balikat. "My beast likes you baby. He's very stubborn all the time at mainitin ang ulo niya sa iba. You calm him down actually and he really loves your scent." "Ako rin, super lambing niya Lorky." sinuklay ko ng aking daliri ang mahaba niyang buhok at magkatulad sila ng texture ng kanyang mane. "Sobrang laki pa niya." "Yes I am little cupid, yes I am…" sabay halik niya sa aking leeg. "Thank you for not running away…" tuwa niyang sabi. “Salamat at tinanggap mo ako, I love you na talaga Lorkhan.” sumilay ang malaki niyang ngiti sa kanyang labi at napatili ako ng inikot-ikot niya kami habang malakas siyang tumatawa. “Say it again…” garalgal niyang sabi habang nakatitig kami sa isa’t-isa at hawak ko ang kanyang mukha. “I love you Lorkhan Fierce, you made a cupid like me experience love for the first time. At sobrang saya ko at ikaw ang lalakeng yon.” nag-sparkle ang kanyang mga mata at inilawan kami ng buwan sa aming pwesto. “I love you too Emlove, or should I say Cupid one million, fifty thousand, five hundred and 5 level 3.” napatawa ako at naglapat ulit ang aming mga labi. Pareho kaming humihingal ng maghiwalay kami at pareho kaming nakangiti. Puno ng saya ang puso ko ngayon dahil mahal din ako ng lalakeng matagal ko na din na minamahal kahit invisible pa ako. Lumakad siya at umupo sa isa sa mga reclining chairs na naroon. Nanatili akong nasa lap niya at parang nagkaroon ng tensyon sa pagitan naming dalawa ng maging seryoso ang kanyang mukha. “Emlove, marami ka pang dapat malaman tungkol sakin.” napakunot-noo naman ako. “Bukod sa pagiging shifter mo? Ano pa? Give it to me Lorky, hindi na ako bata para i-pacify mo. Gusto ko lang ipaalam sayo na hindi ako mahina gaya ng iniisip mo. I know how to fight my battles and when to retreat if I have to.” “I never thought that your weak baby, pero sandali, bakit mo alam ang tungkol sa mga shifters?” “I maybe cupid but I am not living in a rock. Marami na akong nakitang different species sa iba’t-ibang realm. Fae, demons, angels, vampires, trolls, goblins at iba pa, nakita ko na. Sa shifters pa kaya hindi ako maniniwala, half man, half beast. Pero ang sabi sa data namin extinct na kayo kaya nga hindi ako makapaniwala ng ipakita mo sa akin ang beast mo.” “We didn’t go extinct pero unti-unti kaming nalalagasan dahil sa kagagawan ng mga tao. We were hunted, we were experimented on, sinamantala nila ang kahinaan namin at kami ang lubos na naapektuhan. Pero dahil mas malakas kami, hindi nila kami natalo ng ganon-ganon lang. We fought back and after many wars, nagkaroon kami ng peace treaty sa pagitan namin ng mga tao at namuhay kami sa kanilang mundo bilang mga humans.” nalungkot naman ako sa sinapit nila sa mga tao. Sabi ko na eh, bukod sa manloloko sila, halang pa ang kanilang kaluluwa. “Kung ganon marami pa rin kayo?” tanong ko at tumango siya. “Sandali, si Jariah? Ano siya?”ngumiti siya at pinalis ang strands ng buhok na napunta sa aking mukha. “He’s a jaguar, Orson is a bear.” napa ‘o’ naman ako at natawa siya. “Mrs. Llanez is also a bear, mother siya ni Orson.” “Really?!” gulat kong sabi. “Kaya pala ang laki ni Orson, pero tama nga ako, he’s a big, cuddly teddy bear. Si Mrs. Llanez hindi halatang bear.” “Because she’s a hybrid, half human, half shifter. Pero lahat ng anak niya ay pure bear.” “May polar bear ba na shifter?” tumawa siya ulit at tumango. “I want to meet one, gusto ko din makita ang jaguar ni Jariah!” excited kong sabi. “Makikilala mo rin silang lahat baby. Pati ang mga niligtas nating mga bata kagabi, ay mga shifters. Pati na rin ang niligtas mong isa, he’s a wolf by the way.” “Kaya pala ang laki ng katawan niya kahit teenager pa lang siya. Wait, bakit sila kinukuha ng mga bad guys kagabi? Shifter rin ba sila?” “No baby, mga humans sila. Lately nagiging problema na sila dahil kumukuha sila ng mag young shifters for experiment. Hindi ko alam kung anong organization sila kabilag pero kailangan na namin makausap ang mga higher ups ng humans para tulungan kami.” “Akala ko ba may peace treaty? Eh bakit sila nangunguha ng mga shifters?” “Yan ang hindi ko alam baby. Baka mga private group sila and they creating something big para tuluyan na kami na mawala. Hindi ko alam, I don’t have answers yet and I will find out. Pag hindi pa tumigil toh, siguradong gugustuhin ng mga clan leaders na mag-declare ng war dahil sa kanilang ginagawa. I am confident that we will win pero siguradong marami ding mawawala sa amin at ayokong mangyari yon.” “War? Agad-agad? Hindi ba pwedeng pag-usapan muna? Kawawa naman yong mga bata pang shifters kung mawala ang kanilang mahal sa buhay. Hindi lang sila kundi ang mga human kids rin. I haven’t witness war yet pero naririnig ko ito sa mga mas matandang cupid. And also angels and demons had wars too but it was a long time ago pero maraming naapektuhan. My point is, the effect will be very costly on all sides.” nakangiti lang siya sakin habang nagsasalita ako at nagtataka ko naman siyang tinignan. “May nasabi ba ko?” “Wala baby, humahanga lang ako sayo ngayon. I thought ang alam lang ng isang cupid is about love, desire, passion, compatibility, etc.” “Alam mo ba na ang study sessions ng beginner na cupid ang pinaka-boring sa lahat? We studied every different species in every realm. Alam namin ang strength at weaknesses nila, nag-aral din kami ng self-defense and also we are sharpshooters. We don’t missed any of our target couples, it’s a sin for us.” “Wow… I underestimated you little cupid, sorry about that.” napangiti lang naman ako. “Pero gusto ko itago mo muna ang abilities mo, show it when you need to.” “Okay Lorky… Pero you need to convince the leaders na huwag ng umabot sa war ang problema niyo sa mga tao. I am willing to help out, we just need to find the people behind this, eradicate the lab, rescue the other young shifters and makipagkasundo ulit sa mga humans. Pwede naman yon siguro.” “I will take you with me at ipapakilala kita sa mga clan leaders Emlove. I’m sure you could convince them.” at hinapit niya ako sa bewang. “Isa ka ba sa kanila Lorky? I mean the clan leaders, are you part of them?” napailing siya at umiwas siya ng tingin sandali. “Lorkhan?” “Kailangan mong maintindhan, hindi lang ako isang shifter, hindi ako isang clan leader…” hinawakan niya ang aking mga kamay at tinitigan niya akong mabuti. “Emlove, I’m the Beast King…” napakurap ako. Parang ina-analyze ko pa kasi ang sinabi niya. “Y-your the Beast King?” tumango siya. “That means you're a god?” tumango ulit siya. “And you are my mate…” sambit niya at hinawakan niya ang mukha ko. “You're my mate… You're going to be my queen… And my goddess Emlove…” nang ma-analyze ko ng tuluyan ang sinasabi niya, sa pagkakataong yon, tuluyan na talaga akong nahimatay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD