CUPID 38

1723 Words
Lorkhan's POV Inis akong lumabas sa aking sasakyan at sinara ko kaagad ang pinto nito. Bago pa sila makalapit sa truck ko, hinarangan ko na ang aking mga magulang na hindi makapaniwala na nandito ako. Tumingin ako sa porch at saktong lumabas ang aking kapatid kasama ang kanyang asawa. Mukhang nagkausap na ang dalawa at nagbati na rin. Lumingon sila sa aking kapatid na may galit sa kanilang mukha tapos ay humarap ulit sila sa akin. Matalim ko naman silang tinignan at agad na umiwas ng tingin ang aking ina. "I heard nanggugulo kayo dito sa Griffin Pride. Wala na ba talaga kayong kahihiyan?" seryoso kong sabi sa kanila lalo na sa aking ama. "We are part of this pride, besides sumusunod lahat sila sa utos ko. Pwede din kitang palayasin dito kung gusto ko." "At sino ka para gawin yan? You don't own this territory Dad. Pag-aari toh ng asawa ng anak niyo na tinakwil niyo at ininsulto ng husto. Matuwa nga kayo at tinanggap niya kayo rito pero anong ginawa niyo ha? You challenge the Leader of this pride!" malakas at pa-growl kong sabi sa sobrang galit ko na sa kanila. "Huwag mo akong tawaging dad dahil wala akong anak na tinakwil din kami!" I step in front of him at napaatras silang dalawa. "Hindi ko kayo tinakwil! I just want you two to stand for yourselves! Na hindi na mang-abuso ng iba na ginagawa niyo pa rin! Sumusunod lang naman sila sa inyo dahil anak niyo ako! Ang Beast King na lagi kayong pinagbibigyan pero hindi na ngayon!" "Magulang mo kami! Binuhay ka namin! Kami ang dahilan kung bakit natatamasa mo ang karangyaan ngayon." huminga ako ng malalim at napansion kong napa-bow ang lahat ng naroon sa nilalabas kong dominant aura. "You didn't do anything! I've achieved this power because I worked hard for it. That's why the Gods had chosen me!" nagtiim-bagang siya at matalim niya akong tinitigan. "Why are you acting like this Lorkhan?! Dahil ba sa babaeng human na kasama mo ngayon ha?!" natigilan ang lahat pati na rin ang aking ina. "Lo-Lorkhan? Human ang kasama mo ngayon?!" di makapaniwala nitong sabi. "She may not smell like one pero kahit hindi siya lumabas, alam kong hindi natin siya kauri… Siya ba ang dahilan kung bakit pinakulong mo si Sabira huh?!" "Wala akong alam sa sinasabi mo… At wala din kayong pakialam kung sino ang kasama ko ngayon na muntik ng patayin ng nakatatanda niyong anak! That's her crime!" nagpipigil kong sabi. "HA! Sabi ko na nga ba! Nawawala ka na sa sarili mo! Bakit hindi mo siya ipakita sa lahat?! Dahil totoo ang sinasabi ko!" ngumisi lang ako at mas lalo pa siyang nagalit. Tumingin ako sa asawa ng aking kapatid at tumango sa kanya. Lumakad siya palapit at tumigil sa tabi ko. Kahit hybrid siya, malaki siyang tao, batak din ang katawan dahil dati siyang sundalo. Hinarap niya ang aking mga magulang na walang takot at kumislap ang kanyang mga mata. "I, Vitani Griffin, Leader of the Griffin Pack, First Warrior of the Beast King, exiled you Laider and Surabi Fierce. Huwag na huwag na kayong babalik rito." matigas niyang sabi. Napansin ko ang pagkatakot sa kanilang mukha pero wala na silang nagawa. Hindi na sila umangal pa para hindi na makadagdag sa kahihiyan sa harap ng pride. May kinuha silang mga gamit nila sa porch tapos ay pumasok sa lumang sasakyan na naroon. Umandar ito at humarurot na ito palayo. Para naman kaming nakahinga ng maluwang na naroon ng makaalis na sila. Patakbong lumapit sa akin si Sarina at niyakap niya ako ng mahigpit. Bahagya naman akong natawa at nagkiskisan ang aming ulo as a sign of sibling affection. Nang bumitaw siya sa akin, hinarap ko si Vitani na nag-bow sa akin at may ngiti na rin sa mukha. Nag manly shake hand kami at tinapik ko ang kanyang balikat. "Mukhang hindi mo kasama si Jariah. Gusto niya ang mga confrontation na ganito eh." sabi niya sa akin at natawa ulit ako. "Sino nga ba ang kasama mo Beast King?" "Oo nga naman brother. Baka naiinip na yon." sabi naman ng aking kapatid. Lumakad naman ako palapit sa sasakyan ko, in-open ko ang front seat at inalalayan na bumaba ang aking cupid. Matamis siyang ngumiti sa akin at kumapit siya sa braso ko. She's literally glowing and she's the most beautiful woman ever! "Sorry kung natagalan ako baby. Halika at ipapakilala kita sa kanila." sabi ko sa kanya. "Okay Lorky…" sambit niya at kumapit lang siya sa akin. Medyo nagtago siya sa likod ko ng hinarap na kami sa mag-asawa. "Vitani, Sarina, this is my mate Emlove." proud kong pakilala sa kanila. Napansin ko ang gulat sa kanilang mukha, hinapit ko namana ang aking cupid sa kanyang bewang at pinaharap sa mga ito. Emlove’s POV Nanatili ako sa loob ng sasakyan ni Lorkhan gaya ng utos niya. Nakatingin lang ako sa kanya habang kaharap niya ang mag-asawang lumapit sa kanya na hula ko ay mga magulang niya. Hindi ko alam kong anong pinag-uusapan nila pero kitang-kita ko ang galit sa mukha niya. Ilang minuto din silang nagsasagutan hanggang sa umalis na ang mga ito at bahagya ako nagulat ng my magandang babae na tumakbo palapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Nag-usap sila sandali tapos ay lumapit na siya sa sasakyan at binuksan ang pinto ng sasakyan na katapat ko. Niyaya niya akong lumabas at inalalayan niya ako na bumaba tapos ay kumapit ako sa braso niya habang palapit kami sa kanyang kapatid at asawa nito. Medyo nagtago ako sa likod niya at sinilip ang dalawa na angat ang kanilang magandang itsura. They are so beautiful at bagay talaga sila sa isa’t-isa. They have this golden tan skin na parang nago-glow sa ilalim ng araw. The woman has this golden brown coloured hair na wavy at bouncy, matangkad at maganda ang fit ng katawan. She looks like Sabira Fierce pero mas soft ang kanyang features at mukha. Ang asawa naman niya ay napakagwapo rin na parang isang fitness model sa malabato niyang katawan. He has this dark brown locks, light brown eyes at may konting balbas siya sa mukha. Kitang-kita ko ang muscles niya sa suot nitong tshirt na humahapit sa kanyang katawan. “Vitani, Sarina, this is my mate Emlove." pakilala niya sa akin na may proud sa kanyang boses at napangiti naman ako. Hinapit niya ako sa bewang at hinila para iharap sa kanila. nahihiya naman akong nag-hi sa kanila at ngumiti silang pareho. “Hello Emlove, it’s nice to meet you.” magiliw na sabi sa akin ni Sarina at inabot nito ang kamay. Tinanggap ko naman ito at nag-shake hands kami. “Your very pretty, kaya ka pala tinatago ng kapatid ko.” “Your very pretty too…” nakangiti kong sabi. “I like your hair…” bahagya siyang natawa. Niyaya na nila kami sa loob ng bahay at nag-disperse naman ang mga ibang tao na naroon. Nang pumasok kami sa malaking bahay, bigla na lang may sumalubong na tatlong bata kay Lorkhan. Dalawang lalake na kamukha ni Vitani, ang isang babae na kamukha naman ni Sarina. Tuwang-tuwa silang binuhat ng aking mate at pinugpog sila ng halik na nagpahagikgik sa kanila. Nakangiti lang naman ako habang nakatingin sa kanila, it feels like my heart is melting sa kanilang cuteness overload. Kitang-kita ko kung gaano kasaya at kamahal ng mga bata si Lorkhan at masaya naman ako don. “Ang daya mo uncle, ang tagal mo kaming hindi dinalaw.” sabi ng isang bata at mukhang siya ang panganay. “Sorry Lev, medyo busy ang uncle.” sagot ni Lorkhan at ginulo niya ang buhok nito. Napatingin ako sa baba nang may humila sa laylayan ng aking dress at nakita ko ang batang babae na nakatitig sa akin at nagsha-shine ang light brown niyang mga mata. “Hello cutie…” bati ko sa kanya at matamis siyang ngumiti. “Ha...Hiiiiiiii!” cute niyang bati sa akin. “I love your hair and eyes… They are my favourite colour.” sabi niya at pinakita niya ang kanyang pink dress. Lumuhod naman ako sa harap niya at matamis na ngumiti sa kanya. “Yeah, pink looks good on you.” tuwa kong sabi sa kanya. “Uncle sino siya?” tanong ni Lev at nakatitig na rin ang dalawang bata sa akin at bahagyang lumapit. “Hello! Ako nga pala si Emlove.” sabi ko sa kanila. “Siya ang mate ko kaya maging mabait kayo sa kanya ah.” sabi naman ni Lorkhan. “Mate! Woooh! Ang ganda niya uncle! Hello! Ako si Lev, sila naman ang mga kapatid ko, si Lavi at Zira.” “Pasensya na sa mga anak namin Emlove, medyo makulit lang sila.” sabi ni Sarina. “It’s okay, ang cute nga nila.” nagulat ako ng bigla akong niyakap ni Zira at inamoy-amoy ako. “You smell like candy.” sambit nito. Lumapit na rin sa akin ang dalawa at mas lalo pa akong natawa ng inamoy-amoy na nila ako. Nangunyapit na sa akin si Zira at binuhat ko siya. “She smells really good.” sabi ni Lavi at hinawakan niya ang kamay ko. “Oh my gosh Lorky! I like them! Ang cute nilang lahat!” tuwa kong sabi at biglang lumabas ang wings ko sa sobrang saya. "Gawa din tayo ng ganito!" narinig ko ang malakas niyang tawa at nilapitan niya kami. "Soon baby… Soon…" sabi niya sakin at hinalikan ang gilid ng ulo ko. "Woah! May wings ka! Ang cool naman!" sabi ni Lev. "Isa ka palang Aves, kaibigan mo ba si Aquila?" "No! Hindi siya Aves…" sabi naman ni Zira at napatingin ang lahat sa kanya. "I think… I think… She's an angel!" at niyakap niya ulit ako. "No baby hindi ako angel pero may mga kilala ako." malambing kong sabi rito. "Isa akong cupid…" bulong ko sa kanya at namilog ang kanyang mga mata. "Talaga?" sunod-sunod naman akong tumango. Naramdaman ko ang paghawak nila sa aking wings at napa-giggle lang ako. "Can we fly later?" bulong din niya sa akin at syempre pumayag ako. Hindi ko naman matatanggihan ang cutie na toh! Tinago ko ulit ang aking wings at napahanga ulit sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD