CUPID 37

1359 Words
Emlove’s POV “Pasensya na at hindi kami magtatagal dito Seven.” sabi ko habang binabalatan ko ang isang orange para sa kanya. Lumabas sina Lorkhan at Jariah dahil may importante daw silang pag-uusapan. Hindi ko alam kung ano pero about sa business siguro o tungkol sa paghahanap ng ibang facility. “Pupuntahan kasi namin ni Lorkhan ang kapatid niya. Medyo kinakabahan nga ako eh.” “Wow… Meeting the family ka na agad, haba naman ng hair.” sabi niya sa akin at ngumiti ako. “Hindi na ko tatanggi sayo dyan, mahaba talaga ang hair ko. Okay lang ba iwan ulit kita kasam si Jariah? Hindi ka naman iiwan non eh, baliw yon sayo.” tukso ko sa kanya at namula ulit ang kanyang mukha. “Yeah, I get that… Agad ba kayong nagkaroon ng relasyon ni Lorkhan?" tanong niya at ngumiti ulit ako. "Paano ka ba talaga napunta sa kanya?" huminga ako ng malalim tapos ay kinuwento ang lahat ng nangyari sa akin kasama si Lorkhan. Pero hindi ko sinama ang pangyayari na sinaktan ako ng mga warfreak na mga babae na naging parte ng buhay niya. Tahimik lang naman siyang nakinig sa akin at wala siyang gaanong tinanong. "Sa totoo lang nagpapasalamat ako at sinundan ko siya sa kanyang place ng gabing yon. He believed me kahit bigla lang akong lumitaw sa harap niya. I am so lucky to have him at sana ganun ka rin kay Jariah. Kumusta naman kayo? Inalagaan ka ba niyang mabuti." "Yeah and he said he wants me. Mahirap paniwalaan Emlove, kakakilala pa lang namin. How could he be so sure na ako ang gusto niya? Ikaw, matagal ka ng nasa tabi ni Lorkhan. Kahit invisible ka, nakikita mo siya at nakakasama mo pa rin. Eh kami ni Jariah? Unang kita niya pa lang daw sakin mahal niya ako. At parang ganun din ako sa kanya, I have this strong feelings for him pero paano pag bigla na lang tayong bumalik sa veil?" "Hindi ko na iniisip yon Seven, ang importante lang sa akin ngayon ay ang sulitin ang mga araw na kasama ko ang lalakeng mahal ko. Na nahahawakan ko siya, nayayakap, nahahalikan, nakakatabi sa pagtulog. It's the best feeling of all and I want to cherish it. Matagal na natin tong pangarap, ang magkaroon ng physical form diba?" tumango siya. "At least for a while naranasan natin diba? Tsaka hindi nilala hahayaan na mawala tayo sa buhay nila." "Paano naman mangyayari yon Emlove? We live in a different world, hindi dapat tayo nandito." "And now we are… Wala na tayong ibang mapupuntahan pa Sven. Tignan mo nga ang nangyari sayo, tinago ka ng mga humans at gusto kang gawin na test subject. Kung hindi namin nahanap ang lab, nasa malaking tube ka pa rin ngayon. Magtiwala ka naman sakin, I want you to be happy here, with the man who loves you. Ayaw mo ba?" "Gusto syempre! Nagdadrama lang naman ako." natatawa niyang sabi at kinurot ko naman siya sa kanyang tagiliran. Pinisil niya ang aking pisngi at nagkatawanan kaming dalawa. "Basta ah, kung anuman ang sabihin sayo ni Jariah tungkol sa kanyang sarili, sana tanggapin mo pa rin siya. It's kind of complicated pero hahayaan ko na siya na lang ang magsabi sayo." "And now I am curious… Hindi na ko makapaghintay sa makalabas dito. Gusto ko ding ma-experience lahat ng naranasan mo. Masarap ba ang chocolate?" "Sobra! Ito munang fruits ang pagtiyagaan mo. Apples, mangoes, strawberry, banana, masasarap silang lahat!" at sinubuan ko siya ng orange. Napangiti siya tapos ay nag-thumbs up. "Teka, hindi ba sila nawi-weirdan sa itsura mo? I mean the pink hair and everything." "Medyo pero hindi na nila napapansin yon pag kasama ko si Lorkhan. Sa gandang lalake ba naman niya, gusto ko nga na kalbuhin lahat ng babaeng tumitingin sa kanya. It might be different in your case, ang gwapo mo kaya!" "Maganda ka din naman loka!" nagkatawanan kami ulit. "Buti at hindi pa tayo hinahatak pabalik sa HQ. May naging problema talaga siguro noh. Pag ganito, pinapagilatan na tayo ng Head Boss natin." "Hala, hindi naman natin kasalanan na nawala ang veil. At ngayon na-confirm ko na hindi lang ako ang cupid na nagka physical form. Sana nga lang maging okay ang iba." "Ano kaya talaga ang nangyari? Wala pang kumukontak sa atin." napailing ako. "Oo nga eh… Sana nga tumagal pa tayo dito. Pag naka-recover ka na, mararanasan mo rin ang height of pleasure. Sobrang sarap besh!" siya naman ngayon ang kumurot sa akin. "Ang landi! Nakarami ka na noh?" ngumisi ako at napaaray ako ng bahagya niya akong sinabunutan. "Kainggit naman." napahagikgik lang ako. Bumukas ang pinto at napatayo ako sa aking kinauupuan ng pumasok si Elva at kasama niya si Orson. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya. Kinumusta ko siya, tinanong ko kung nasaktan ba siya at sabi niya prinotektahan siya ni Orson. Masaya naman ako na ligtas siya. Pinakilala ko sila kay Sven na agad na kinumusta ni Elva at sinabi rito ang tungkol sa facility. "Ikaw ah, bumigay ka na rin pala kay Orson." bulong ko rito matapos silang mag-usap ng kaibigan ko. Namula agad ang kanyang mukha at bahagya ko siyang tinulak. "Wala pa Emlove, masyado kang excited." bulong din niya sa akin. "May isa na namang magandang lalake dito. Saan ba kayo nanggaling?" sabi ni Sven at napatawa kami. Pumasok na din sina Lorkhan at Jariah kasama si Dr. Holl at ang kanyang asawa na nurse. Chineck nila ulit si Sven at sinabi ni Elva ang lahat ng ginawa sa kanya sa lab. Gaya nga ng sabi niya, in-observe lang siya habang nakalubog siya sa tubig at hindi siya maturukan ng ano noong nasa lab siya. Pero ngayon, naturukan siya ng nurse ng IV na ipinagtataka ni Elva. Ang theory ko naman, siguro pang walang threat sa amin nag-aadjust din ang aming katawan. "Baby, we need to go." sabi sa akin ni Lorkhan. Nagpaalam naman ako sa aking mga kaibigan, binilin ko si Sven kay Jariah at sina Orson at Elva naman ay magsasarili para sa kanilang mating bond. Binati ko silang dalawa tapos ay umalis na kami ni Lorkhan. I keep fidgeting my fingers habang sakay kami ng truck ni Lorkhan, nasa daan na kami papunta sa kanyang kapatid. Kinakabahan ako ng husto, natatakot dahil baka hindi rin ako tanggapin ng isa niyang kapatid. Kwento sa akin ni Lorkhan, may farm sila, hybrid ang mate nito at may tatlo silang mga anak. Paano pag saktan rin nila ako? Napakagat labi ako at napatingin ako sa aking katabi ng hawakan niya ang kamay ko. "I'm sorry, kinakabahan talaga ako eh." sabi ko sa kanya. Pinisil niya ang aking kamay at binigyan ito ng isang halik. "Hey, my other sister is nicer. Walang mananakot sayo doon and I am here. Hindi ko hahayaan na may mangyari na masama sayo." "Paano pag hindi niya ako matanggap na mate mo?" saglit siyang tumingin sa akin at ngumiti siya. "She will… Hindi nga nga siya makapaghintay na makilala ka. And I'm sure their kids will like you." ngumiti rin ako. "Sana nga Lorky tsaka first time ko toh na makapunta sa farm. Mabait din ba ang asawa niya?" "Yes, magaling din siyang warrior at lagi siyang nandyan para tulungan ako." "Well I like him already!" bahagya siyang natawa at tumingin ako sa labas kung saan mga taniman na lang ang mga nakikita ko. Pumasok kami sa isang dirt road hanggang sa may nakita kaming arc at nakalagay doon ang name ng farm. Humigpit ang hawak ko sa kanyang kamay at in-assure niya naman ako na magiging okay ang lahat. Napa-wow ako ng makita ko ang isang napakalaki na bahay at napapaligiran ito ng mga taniman. Pero mas lalo pa akong kinabahan ng makita ang maraming tao sa harap ng bahay at ng tumigil kami sa harap non, may mag-asawa na bumaba sa porch na may pagkakahawig sa kanya. Narinig ko siyang malalim na huminga at sinabihan na huwag akong lalabas hangga't hindi niya sinabi. Nagtataka man, ginawa ko ang sinabi niya at tinignan lang sila mula sa loob ng sasakyan. Sino kaya ang mag-asawang yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD