Shopping

1572 Words
Habang naliligo si Lorkhan, nilabas ko naman ang mga damit na nasa paper bag. Natuwa ako dahil ang gaganda nila, mula sa ilang shirt, jeans, dress, may sandals, sapatos, ano bang tawag dito? Hmm, sneakers! Sinuot ko ang cotton underwear at bra na kasya naman sa akin. May kalakihan din kasi ang boobs ko tapos perky ang aking butt. Nagsuot ako ng dark blue jeans, white loose shirt na tinuck in ko tapos white na shoes. Okay na siguro toh, hindi revealing katulad ng cupid dress ko. Nagpatulong ako kay Mrs. Llanez na ayusin ang mahaba at pink ko na hair na kanyang brinaid. Naglagay din siya ng face powder sa aking mukha at tinatawag na lip gloss sa aking labi. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, napatili ako sa tuwa at niyakap ito. "Thank you Mrs. Llanez! Mabuti na lang nandito kayo. Hindi ko kasi alam ayusan ang sarili ko. I mean may nakikita akong mga girls pero hindi ko alam i-apply sa akin. Okay na ba? Hindi ba mapapahiya si Lorkhan sa itsura ko?" "Sobrang ganda mo na. Hindi ko alam kung itutuloy pa ni Lorkhan na lumabas kayo." sagot nito. Nagtaka naman ako at bago ko pa siya matanong, lumabas na si Lorkhan at natigilan siya ng makita niya ako. “Lorky!” malakas kong sabi at niyakap uli siya sabay amoy sa kanya. Oh em! Ang bango! So manly! So tasty! Napansin ko na white shirt din ang suot niya, jeans tsaka white na shoes at may hawak siyang denim jacket. He’s long hair is in a bun at nakatitig siya sakin, ang mga mata niya parang kumikislap na naman. “Hala! Match tayo!” sabi ko ng bumitaw ako sa kanya. “Yeah, we are baby…” natatawa niyang sabi at dinampian niya ng halik ang noo ko sending sparks all over my body. “You look so beautiful…" mangha niyang sabi sabay haplos ng aking mukha. Kinilig naman ako at parang nakuryente sa kanyang touch. Ganon ba talaga pag hinahawakan ka ng taong gusto mo? Because it feels damn good! "Baby, parang ayoko ng ilabas ka ng bahay.” at siya naman ngayon ang yumakap sa akin at nag sway-sway pa kami. Narinig ko ang pagtawa ni Mrs. Llanez dahil tama ang sinabi niya kanina lang. Sinamyo ko ang kanyang amoy at mahina siyang umungol ng dinampian ko ng halik ang chest niya. “Okay lang naman sakin Lorky basta kasama kita, okay lang ako.” hinawakan niya ang aking pisngi at tinaas niya ang aking mukha. “Good little cupid, stay only with me.” matamis akong ngumiti at tumango. "Let's go at marami tayong bibilhin. I think way na rin toh para makapamasyal ka." hinawakan niya ang aking kamay at lumakad na kami sa binuksan na pinto ni Mrs. Llanez, nagpaalam na kami sa kanya at umalis na. Hindi naalis ang aking ngiti sa aking mukha habang nakasakay ako sa super cool na car ni Lorkhan. It's so sleek, shiny and black, bagay na bagay sa kanya. Mabilis ang takbo namin at ewan ko pero sobrang excited ako. Lalabas ako sa mundo in my physical form, kahit na lumilipad pa ko sa buong lugar araw-araw, iba pa rin pag nakatapak ako sa lupa at mahawakan ang mga bagay-bagay. Hawak pa rin niya ang kamay ko nang pumasok kami sa isang shop na puno ng magagandang damit. Sinalubong siya ng isang magandang babae na hindi nagkakalayo sa age ni Mrs. Llanez, pinakilala niya ako at namangha naman ito ng makita ako. Nakita ko ang tuwa sa kanyang mukha na para bang isa akong manika na excited niyang bihisan. Marami siyang kinuha sa mga racks ng clothes na naroon, manghang-mangha ako dahil ang gaganda nilang lahat, may mga sapatos rin, bag, accessories at sexy underwears. Nasa tabi ko lang naman si Lorkhan at hindi niya binitawan ang aking kamay. Lahat ng yon sinukat ko at pinakita kay Lorkhan na minsan nagte-take ng picture gamit ang techy na bagay na laging dala ng mga humans. The whole time habang nakaupo siya sa mahabang upuan na naroon, hindi nawala ang kanyang ngiti. "Lorky, kukunin ba lahat natin yan?" sabay turo ko sa maraming paperbags kung saan nakalagay ang mga kinuha naming damit at iba pa. "Yes baby… Kailangan mo lahat ng yan, so don't worry about it." nakaakbay siya sakin at hinaplos haplos ang braso ko. "Kaya ba nating dalhin lahat? It's so many." tumawa lang siya. May mga tauhan ng shop ang kumuha lahat ng mga pinamili namin at nilabas. Nagulat ako ng may makitang malaking sasakyan na naka-park sa harap at may super laking lalake na nasa tabi nito. Pinasok lahat ng mga paperbags sa sasakyan na yon. Napaatras naman ako dahil sa laki ng lalake, he's even bigger than my Lorky. "Baby, siya ang all around driver ko, si Orson. Mula ngayon siya na rin ang magiging bodyguard mo okay?” napakurap ako at nagtatakang tumingin kay Lorkhan. Bodyguard? Bakit kailangan ko yon? Ano ako? Artista?! "Hi-hindi ko maintindihan…" nahihiya kong sabi at kumapit sa kanyang braso. "Emlove, alam kong kakakilala pa natin but you need to know that I am a rich and powerful person. I get a lot of threats all the time. At ngayon na ikaw ang pinakaimportante sa buhay ko, I need to keep you safe. If I am not with you, si Orson ang magpo-protekta sayo." bigla akong natakot para sa kanya at niyakap siya. Naisip ko agad na baka mapahamak siya at mawala siya sakin. Bakit agad kong nakalimutan na isa siyang billionaire at influential na tao sa business world. Of course maraming tao na may masamang budhi na gusto siyang pabagsakin. "Baby? Bakit? Natatakot ka ba sa kanya?" "No… He's like a big cuddly teddy bear." sagot ko. Narinig ko siyang tumawa. "Lorky, natatakot ako baka may mangyaring masama sayo. Baka mawala ka, ayoko non!” hinawakan niya ang mukha ko at tinitigan ako ng nangingislap niyang mga mata. "Walang mangyayari sakin Emlove. I can handle myself, I can protect myself. Tsaka hindi ako madaling masaktan or mamatay. Hindi ako mawawala okay? I will always be here for you, to care for you, to protect you. Ganun din si Orson, he knows what you are to me." sincere niyang sabi at dinampian niya ako ng halik sa aking noo. "Okay...okay… Sinabi mo yan ah! Pag nawala ka, hahanapin talaga kita. O kaya kukulitin ko yong mga angels para kausapin ang boss nila at ibalik ka sakin." tumawa siya ulit at marahang pinisil ang aking pisngi. "Wow… Do you have angel friends?" napailing ako. "Not really, ayaw nila sa makukulit na cupids. I mean they are way more attractive than us. They're like mellow and calm unlike us na hyper. At least we are not boring. Mas masarap kausap ang mga demons lalo na ang incubus. Nagkukwento sila ng kanilang s****l experiences." "Wait, you have demons too?" tumango ako. "Did you hook up with one of them?” matalim ang mga mata niyang tanong. "Ha??!" gulat kong sabi. "Hindi no! We are all brothers and sisters. Walang ganap na ganun. Marami na sana akong experience ngayon diba?!" mahina siyang nag-growl. "That's good…" garalgal ang boses niyang sabi at huminga siya ng malalim na parang kinakalma niya ang sarili. "Sorry, iniisip ko pa lang na may kasama kang incubus…" "Lorky, it's okay. Ikaw lang din naman ang lalake na gusto ko noon pa." malambing kong sabi at hinaplos ang kanyang pisngi. Napapikit naman siya at he's actually purring like a cat. Normal ba yon? "Uhm, pinapanood tayo ng bodyguard mo." bulong ko sa kanya. Tumingin siya kay Orson at tumango ito. "Orson, this is my woman, my mate, Emlove. Protect her with your life, you get me?" tumingin sa akin si Orson at bahagya itong nag-bow sakin. ”Makakaasa kayo Mr. Fierce." sagot niya at binuksan na ang pinto ng sasakyan. Inalalayan niya akong pumasok at sumunod siya sa akin. "Teka, paano yong sasakyan mo?” tanong ko sa kanya. "Ang mga tauhan ko na ang bahala don. Now, we are going to get you a phone, like this." at pinakita niya sakin ang techy thing na hawak niya. "Phone? Yeah, alam ko toh. Can I get the color pink?” ngumiti siya. "Of course! We can get whatever you want." nagpasalamat ako at pinisil ang kamay niya. Maya-maya nakarating kami sa isang mall. Sabi ko naman, I may be invisible and a cupid pero alam ko ang mga bagay-bagay. Sa tagal ko na ba naman dito sa human realm. Nang makapag park kami, binuksan ni Lorkhan ang pinto. May sinenyas siya kay Orson at tumango lang ito. Pumasok kami sa mall at agad na lumakad papunta sa isang phone store. Syempre agad kong pinili yong pink na phone at kinalikot ko kaagad ito. Nilagay ko agad sa camera gaya ng nakikita kong ginagawa ng mga humans at nag take agad ako ng picture namin ni Lorky. Ginawa ko yong wallpaper ko at kiniss pa ang screen ng phone ko. "You like it?” sunod-sunod akong tumango. "Thank you! I love it!” tuwa kong sabi. Matapos niyang bayaran ang aking phone with his black card. Ngayon ko lang napansin na nakatitig sa kanya ang saleslady. Kumapit ako sa braso ni Lorkhan at matalim kong tinignan ang babae. Tumingin ito sa akin tapos ay tinaasan niya ako ng kilay. Binelatan ko lang siya at lumabas na kami ng shop.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD