Rumble

1928 Words
Sumunod kaming pumunta sa supermarket para bumili ng mga basic necessities ng gagamitin ko. Like shampoo, soap, toothbrush at kung anu-ano pa. Habang nagba-browse nga kami doon nagtataka ako kung bakit pinagtitinginan kami ng tao. Hindi ko ba alam kung bakit pero siguro dahil sa kasama ko. Napakagwapo naman kasi kahit nakasuot lang siya ng kanyang casual clothes. Tsaka malimit lang siguro silang makakita ng ganitong kagandang lalake sa supermarket. Pero tingin lang ah dahil akin siya! Hindi ako bumitaw sa hawak niyang kamay ko at ako ang pinagpili niya ako kung anong gusto kong bilhin. Feeling ko mag-asawa kami na naggo-grocery tulad ng nakikita ko sa romance movies. Oo sa movies dahil malimit lang ito nakikita sa totoong buhay ng mga humans. Nabibilang lang kaya ang mga lalakeng sinasamahan ang kanilang partner sa pamimili o kaya tinutulungan sila sa gawaing bahay. I mean maraming tao rin ang nagmamaliit sa mga housewife dahil nasa bahay lang sila. Ang akala nila namumuhay reyna sila at prente lang sa bahay. Pero hello? Sila ang naglilinis ng bahay, loob at labas. Sila ang nagluluto, breakfast, lunch at dinner, sila ang naglalaba, nagpaplantsa, nagtutupi ng mga damit, at sila rin ang nag-aalaga ng mga bata at ng kanilang asawa. So I don't understand na sinasabihan ang mga ibang babae na housewife ka lang. I hate those kinds of people! That's why when I pair up someone, I always make sure na compatible silang dalawa, that they complement with each other. Kaya laging successful ang match ups ko, well, sa iba pala. Paano ko ba nalalaman na bagay talaga silang dalawa? Kami kasing mga cupid, nakikita ang love meter aura ng mga tao, the brighter, the better. Hindi ko nakikita yong akin but Lorkhan is like brighter than the sun. Pati aura niya, sobrang fierce! Tumingin ako sa kanya ng pinisil niya ang aking kamay, yong isang kamay niya ay tinutulak ang aming malaking cart na napupuno na. I'm sure mabigat pero parang easy lang na itulak para sa kanya. "Bakit nakangiti ka dyan little cupid?” bulong niya sakin sabay halik niya sa aking pisngi. Ay! Kinilig naman ako pati yong p*ssy ko nagreact! "Lorky, huwag mong gawin yan…" nahihiya kong sabi sa kanya. "Why? Is it wrong to show my affection to my girlfriend?” pinigilan ko ang sarili ko, muntik ng tumalon palabas ang puso ko don ah! Naku! Nangangati ang likod ko! Ang sarap tawagin na girlfriend! "Hindi, okay lang noh. Pero huwag mo masyado akong pakiligin." napataas siya ng kilay. "Baka kasi biglang lumabas yong wings ko sa sobrang kilig." bulong ko din sa kanya. Natigilan siya saglit at bigla siyang malakas na tumawa. Namilog ang mga mata ko, papunta na kami sa counter ah at pinagtitinginan na kami ng mga tao na malapit sa amin. Puno ng saya ang mga mata niya at napangiti naman ako doon. Parang ibang-iba na ang Lorkhan na kasama ko ngayon in my physical form kaysa nong invisible pa ako. But I like this happy side of him more. "Okay love, hindi na muna kita sobrang pakikiligin. I'll do it when we're at home." uminit ng husto ang aking mukha at tumango lang ako. Dala ang aming pinamili, lumabas kami ng supermarket at nagulat na lang ako ng biglang lumitaw si Orson at kinuha lahat ng groceries. Bahagya siyang nag-bow sa amin at umalis na. "Let's eat lunch, gutom na ko." "Okay!" tuwa kong sabi at kumapit ako sa braso niya. Lumabas kami ng mall, sumakay sa aming sasakyan at hinatid kami ni Orson sa isang restaurant na para sa mga mayayaman. Alam ko dahil ilang beses na rin akong napunta rito. One of the worst places to get matchups. Gusto lang kasing magpa-impressed ng mga humans dito sa kanilang date o para lang matawag na mayaman sila. Parang nagulat ang doorman ng makita niya kami at agad na binuksan ang pinto. Nang makapasok kami, parang lumingon lahat sa amin ang mga tao na kumakain roon. Yong iba nagbubulungan, yong mga babae matalim pa sa kutsilyo ang tingin sa akin. At ngayon ko lang napansin na hindi pala fit ang suot namin ni Lorkhan sa mamahalin na lugar. Yong mga nandon, naka suit and tie at cocktails dresses, nagmukha kami tuloy na out of place. Hinila ko ng konti ang shirt niya at tumingin siya sakin. "Mukhang bawal tayo rito." mahina kong sabi sa kanya. Inilapit niya ang mukha niya sakin na kinabilis ng t***k ng puso ko. "We are always welcome here baby. Trust me okay?” sabay halik niya sa lips ko. Alam kong pulang-pula na ang mukha ko, yumuko na lang ako at dumikit sa kanya na inakbayan ako. May sumalubong samin na lalake na may katandaan na, and Lorkhan told me that he's the maître d', however you pronounced the word, meaning siya ang headwaiter dito. Dinala niya kami sa isang private table, yon walang gaanong nakakakita sa amin. But based on the silence of the room, we made an impression. Malakas na tumikhim si Lorkhan at parang automatic na umiwas ang tingin sa amin, unti-unting umingay ng konti at balik sila sa pagkain. Sinabi ko sa kanya na orderan niya na lang ako ng pagkain. Ayokong tignan ang menu na sobrang kapal. Tinignan ko lang ang paligid ng restaurant, mula sa high ceiling nito, sa malaking crystal chandelier sa gitna ng place, sa mga indoor plants. Hinawakan ko ang mga iba't-ibang kutsara at tinidor sa mesa na kulay gold, ang wine glass, ang baso na may cold water. Kumuha ako ng bread na nilapag ng waiter sa table namin at kinain yon. Nagsalin din ito ng white wine sa glasses namin na agad kong tinikman. It's kind of sweet, light and bubbly, gusto ko siya. Maya-maya, dumating na ang pagkain namin. Nagsimula kami sa salad na may oranges, tapos ang main course ko na sabi niya ay seafood pasta samantalang sa kanya ay isang rare steak. Para siyang luto on the outside, pero ng hiniwa na niya, bright red ang laman na parang hilaw pa. Curious ako kung ano ang lasa niya kaya gusto kong tikman. Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin at ngumiti lang ako. “Are you sure baby? Baka hindi mo magustuhan.” sabi niya sakin. “I’m just curious about the taste, mukha naman siyang masarap Lorky. Favourite mo ba yan?” tumango siya. “Eh di dapat magustuhan ko rin ang favourite mo.” napatingin ako sa kanyang plate tapos ay sa malaki niyang katawan. “Ay, huwag na lang pala, baka hindi ka pa mabusog niyan eh.” malakas siyang tumawa at napalingon na naman sa amin ang lahat. “Ayos lang love, I am willing to share.” nag-cut siya ng isang piece at sinubo niya sa akin. Napadila ako ng aking labi habang ninanamnam ang juicy na karne na may masarap na sauce. “You like it?” sunod-sunod akong tumango. “Masarap siya! Kaya naman pala favourite mo eh. Here, have some of my pasta too.” nag-twirl ako ng noodles na may shrimp at sinubuan rin siya. “It’s good too, thank you sa masarap na pagkain Lorky.” “Your welcome little cupid…” nakangiti niyang sabi. Bigla siyang tumayo, binuhat ang upuan niya at itinabi sa akin. Natuwa naman ako habang nagsha-share kami ng food ng isa’t-isa at sobra akong natuwa ng sinerve na nila ang aming dessert which is a dark chocolate cake na may design na edible golden leaf. Malakas akong napaungol ng sinubo niya sa akin ang aking first bite, it’s like the bitterness and the sweetness just explodes in my mouth. My ever first chocolate at sobrang sarap! Kaya pala maraming nagkakagusto na humans na ito ang regalo sa kanila for valentines day. Tig-isa kami ng hiwa ng cake pero ako yata ang halos kumain nito. All along habang sinusubuan niya ako at kumakain, hindi nawala ang ngiti niya sa kanyang labi and his eyes sparkles again na parang may sarili silang buhay. Pagkatapos naming kumain, nawiwiwi ako kaya nagpaalam ako sa kanya. Tinuro naman sa akin ang waiter ang kanilang CR at habang nasa loob ako ng isang cubicle, narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. “I can’t believe that he’s dating a weird girl! At dito niya pa talaga dinala ha?!” rinig kong sabi ng isang babae. “Oo nga eh! Di ba hindi nakikipagdate sa isang babae si Lorkhan Fierce? Wala pa nga akong nababalitaan na dinala niya sa isang restaurant o mag-shopping sa mall.” sabi ng isa pa. Natigilan naman ako, binuksan ko ng konti ang pinto ng cubicle at nakita ko ang dalawang sexy na babae wearing cocktail dresses na naglalagay ng makeup sa kanilang mukha. One was a brunette and the other one is a blond na sobrang slim ng pareho nilang katawan. “I thought hindi totoo ang naka-tag sa akin na post sa socials ko. Na nasa mall siya with a girl, akala ko ibang tao yon kasi hindi naman gaanong malinaw ang picture. I mean a billionaire like him wearing some casual clothes.” sabi ni blondy girl. “Pero bagay naman sa kanya beshy!” kilig na sabi ng brunette. “Naiinis lang ako sa girl na kasama niya! Sino ba yon? mukha siyang cheap girl na pink pa talaga ang kulay ng buhok ah.” “I’m sure isa siyang charity case! Hindi pwedeng pumatol si Lorkhan sa babaeng yon, and she’s even a human. Hindi ako makakapayag! I slept with him once and I can do it again!” confident na sabi ni blondy girl na kinairita ko. Sarap pag-umpugin ng dalawa, mga inggitera! Bago pa sila, magtatalak tungkol sa akin, malakas kong tinulak ang pinto pabukas at bahagya silang nagulat. Natahimik silang dalawa at kalmado lang naman ako na naghuhugas ng aking kamay. Lalabas na sana ako ng humarang si blondy girl at tinignan ako mula paa hanggang ulo. “So, who are you at bakit mo kasama si Lorkhan Fierce?” sungit niyang tanong sakin. “Bakit mo tinatanong? Sino ka ba sa buhay niya?” tinitigan ko siyang mabuti at parang pamilyar sa akin ang mukha niya. Sabi niya he slept with Lorkhan once kaya malamang nakita ko na ang babaeng toh. “Wait, ikaw yong nagwawala noon. He even drag you out para lang umalis ka sa penthouse niya.” sabi ko at bigla siyang natigilan. Matamis akong ngumiti sa kanya at mukhang tama nga ang hula ko. “Excuse me…” at lumakad na ako ulit. Bubuksan ko sa sana ang pinto para lumabas pero bigla niyang hinawakan ang naka-braid kong buhok na nagdulot ng sakit at malakas niya akong hinatak pabalik. Syempre natumba ako sa sahig at narinig ko ang tawa nilang dalawa. “Such a weak, pathetic human… Hindi ko alam kung anong ginawa mo at kasama ka ngayon ni Lorkhan. He may find you amusing at first kasi siguro sa weird mong itsura. What girl in their right mind color her hair in pink, nakasuot ka pa ng pink contact lenses with a heart shape pupil. Ano ka? Cosplayer?!” matalim ko naman silang tinignan at tumawa uit sila. “At least ako pinagtutuunan niya ng pansin hindi kagaya mo na nagmamakaawa sa kanya at pilit ka pa niyang pinalayas sa place niya? Sinong mas nakakaawa sa atin?” inis kong sabi. Biglang nagislap ang mga berde niyang mga mata, tumalim ang kanyang mga kuko at bigla na lang niya akong sinugod. And for the first time in my cupid life, I felt fear and physical pain…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD